Share

TMST 7 - Positively Negative

"Congratulations! It's positive."

Nanlaki ang matang nilingon ni Lucky si Maya na nakatayo sa kanyang tabi. Malaki ang ngiti ng assistant, katulad niya masaya rin ito sa narinig na balita. "Did you hear that? Magkakaroon na 'ko ng baby, Maya!"

"Yes! Malabo lang ang paningin ko pero hindi ako bingi. By the way, congrats Miss Lucky! Magiging Mommy ka na tulad ng matagal mo ng hinihiling."

Hinarap ni Lucky si Dra. Caladieae ng may napakalaking ngiti sa labi.

"Thank you, so much Doctor! Maraming salamat sa lahat-lahat ng ginawa mo!" halos maiyak na pasasalamat ni Lucky.

"Come on! Nagsisimula pa lang tayo Miss Etheswyth. Hindi pa natatapos ang trabaho ko dito. Saka mo na ako pasalamatan kung nailuwal mo na si Baby ng ligtas at healthy."

"Yes, Doctor! Sobrang saya ko talaga kahit three weeks pa lang si baby. Ngayon pa lang excited na akong lumabas siya at mahagkan." Hindi talaga mapigilan ni Lucky ang sarili. Talagang umaapaw ang saya sa puso niya na halos hindi na niya kayang ma-cont
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status