Share

TMST 5 - Genesis Gevorgian

"I said, wear the f*cking ring, Lucky!"

"Pero Genesis..."

"Listen to me, Luck."

Umiling siya. Hindi ito tama. Hindi ito ang intesyon niya.

"Lucky..."

"Gin, please not this."

"Lucky!" galit na galit na sigaw ni Genesis.

Paulit-ulit na umiling si Lucky. Hindi ito pwede. Hindi ganito ang plano niya. Maling magpakasal sila ni Genesis dahil sa ginawa niya.

"Hey, Miss Lucky... Miss Lucky..." Napabalikwas ng bangon si Lucky. Nanginginig ang mga kamay na niyakap niya ang puting kumot at hinanap sa silid ang kaibigan ngunit hindi niya ito natagpuan. A dream... A f*cking dream-damn it!

"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita ginigising dahil binabangungot ka. Paulit-ulit mong tinatawag ang pangalan ni Sir Genesis," worried na tanong ni Maya sa kanya.

"I-" Walang salita na lumabas sa bibig niya.

"Nakatulog ka habang nanonood ng interview ni Genesis kanina. Tubig gusto mo?" Tinanguan ni Lucky ang assistant. Agad na tumalima si Maya para ipagsalin siya ng tubig sa pitcher na nakapatong sa ibabaw ng side table, nang inabot sa kanya ng assistant ang tubig, inisang inom ito ni Lucky upang pawiin ang panunuyo ng lalamunan. Grabe ang bilis ng tibok ng puso niya, parang lalabas ang puso niya sa kanyang ribs. Anong klaseng panagip ba iyon? Sh*t lang. Grabe ang kaba niya, akala niya ay totoo na! Ngayon lang napagtanto ni Lucky na isang malaking delubyo talaga ang mangyayari kapag nalaman ni Genesis ang tungkol sa ginawa niya. Dapat talaga siyang mag-ingat...

"Okay ka na ba? Pawis na pawis iyang noo mo, ah? Ano ba ang napanaginipan mo? Sobrang sama ba?" curious na tanong ni Maya sa kanya.

"Sinabi mo pa. Worst nightmare ever...!"

Bumungisngis si Maya. "Tungkol saan ba ang bangungot mo?"

"Tungkol sa—" Marahas na bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok ang humahangos na si Genesis. Nanlaki agad ang mata ni Lucky. This is so familiar! No f*cking way...

"G-gin..." Napalunok si Lucky ng malaki.

"I told you, didn't I?" Parang bomba na malapit ng sumabog ang puso ni Lucky sa kaba. Parehong-pareho sa panaginip niya ang sinabi ni Genesis! What the f*ck!?

"G-gin, I can explain."

Humakbang palapit sa kama niya ang kaibigan. Bumukas ang bibig ni Lucky para magpaliwanag ngunit nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Genesis. Oh-okay? What is happening? Hindi ito ang inaasahan niya. Akala niya ay magaganap na iyong nangyari sa bangungot niya.

"I told you, didn't I? Sinabi kong sasamahan kita para sa moral support, pero hindi mo naman sinabi sa akin na kahapon na pala ang insemination mo. Pambihira ka, nagulat na lang ako nang binalita ni Maya na tapos kanang magpaturok ng sperm. Anong lahi ba ang pinili mo?" casual na tanong ni Genesis matapos humiwalay ng yakap sa kanya.

Natameme si Lucky. Ilang beses siyang napakurap, hindi makapaniwala sa mga binitawang salita ni Genesis. Tinatanong nito kung anong lahi ng sperm ang pinili niya for insemination, kung ganun walang alam ang kaibigan niya sa krimen na ginawa niya? Nakahinga si Lucky ng maluwag. Oh, gosh! Salamat naman kung ganun.

"Russian"

Nagulat si Genesis. "Russian? Like me?"

"Yes"

"Wow! I didn't know obsessed ka sa Russian blood, kaya mo pala ako kinukulit," biro ni Genesis, ngunit hindi naman siya natawa. Haist! Kung alam mo lang talaga Genesis...

"H-hindi naman," awkward niyang tugon at nag-iwas ng tingin sa binata. Damn! Dahil sa panaginip na iyon lalo lamang siyang nagi-guilty sa ginawa niya kay Genesis.

"May dala nga pala akong foods, gusto mo ba ipaghain kita? Dumaan kasi ako sa Chinatown para bilhan ka ng paborito mong lugaw."

"S-sige."

"Okay, nasa kusina ang pagkain kuhanan kita." Tunango siya sa lalaki. Tipid niya itong nginitian nang lumingon pa ito sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid.

"Okay ka lang?" concern na tanong ni Maya nang magpakawala siya ng malalim na buntonghininga.

"Hindi ko alam kung hanggang saan ko ito kakayanin itago, Maya. Sobrang na-gi-guilty ako sa ginawa ko sa kaibigan ko. Pinairal ko ang pagiging selfish ko, hindi ko man lang inintindi ang sitwasyon at nagpadala ako sa kagustuhan kong magkaanak. Masasaktan ko si Gin..."

"Nangyari na ang nangyari. Wala ka ng magagawa, paulit-ulit naming tinanong ni Dra. Caladieae sayo kung sigurado ka na ba at puro 'oo' ang sagot mo, ngayon ka pa ba magsisisi gayong tapos na, nariyan na, resulta na lang ang hinihintay natin. Isa pa, hindi pa naman natin alam kung successful ang insemination mo. You still need to take a pregnancy test after two or three weeks."

Nagpakawala na naman siya ng malalim na buntonghininga. "Tama ka, pinasok ko ito kaya kailangan kong panindigan kahit ano pa ang consequences." Pero kaya ba niyang pumili sa pagitan ni Genesis at ng magiging anak niya kapag dumating ang araw na papipiliin siya ng pagkakataon? Hindi niya kaya... Hindi niya kayang bitawan pareho.

***

Nasa isang importanteng meeting si Genesis nang mag-vibrate ang kanyang phone sa loob ng inner pocket ng kanyang suit. Hindi niya sa iyon sasagutin ngunit nang makita ang caller ID ng tumatawag nagbago ang kanyang isip.

"Please, excuse me gentlemen. I have a very important call," paalam niya sa mga ka-meeting at tumayo ng kanyang swivel chair, agad namang sumod sa kanya ang secretary nang lumabas siya ng conference room.

"Yes?"

"Sir, may nahuli kaming lalaki na kanina pa nakasunod kay ma'am nang umalis siya ng bahay." Nagsalubong agad ang kilay ni Genesis sa report ng tauhan.

Isang linggo na mula nang isagawa ang insemination ni Lucky. Dahil worried siya sa kaligtasan ng kaibigan, palihim siyang nag-hire ng mga taong susunod at magbabantay sa dalaga mula sa malayo. Masyado siyang busy kapag weekdays, at hindi sila masyadong nagkikita ni Lucky kaya naman ito ang paraan ng naisip ni Genesis para protektahan ang kaibigan.

"Nasaan kayo?" Tiim bagang na tanong niya. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nahuli siyang stalker ni Lucky. Those son of a b*tch! Bakit ba ayaw tigilan ng mga ito ang kaibigan niya?

"Narito kami sa isang supermmarket, itong pinaka malapit sa subdivision ni maam."

"I'll be there in a minute. Huwag niyong pakakawalan ang g*gong 'yan, at huwag niyong aalisin ang paningin niyo kay Lucky."

"Yes, sir!"

Nilingon ni Genesis ang secretary na kanina pa nakatayo sa harap niya at nakangiti na parang tanga. "Talia, tell them to continue the meeting without m, and make sure to take notes about the meeting and inform me when I comeback."

"Note, sir."

Walang sinayang na oras si Genesis. Patakbo siyang nagtungo sa elevator ng building, at nang magmaneho ay parang lilipad ang sasakyan sa tulin at bilis niyang magpatakbo. Hindi niya mapapatawad ang kahit sinong g*go na magtatangka sa buhay ni Lucky. He'll make them pay kapag hinawakan ng mga ito kahit isang hibla ng buhok ng kaibigan niya.

Ligtas na nakarating si Genesis sa parking ng nasabing supermarket. Nakita niya agad ang isa sa mga na-hired niyang bodyguard ni Lucky, bumaba siya ng sasakyan at nilapitan ang lalaki.

"Nasaan ang kasama mo?" tanong niya nang hindi nakita ang kasamahan nito. Dalawa ang kinuha niyang tao para magbantay kay Lucky.

"Nakasuod siya kay ma'am pauwi."

"Where is he?" tukoy niya sa stalker ni Lucky.

"Nasa loob po ng van, sir. Gusto niyo bang makita?"

"Hindi na kailangan, alam mo na ang gagawin mo. Magkita na lang tayo sa lugar." Hinawakan niya ang kanang balikat ng tauhan at tinapik ng dalawang beses.

"Masusunod, sir!"

Tinalikuran ni Genesis ang lalaki at bumalik ng kanyang sasakyan, ngunit nang papasok na siya sa driver' seat may babaeng tumawag sa kanyang pangalan.

"Genesis, hindi ko inasahan na makikita kita dito." Nakunot niya ang noo. Sino nga ulit itong babaeng nasa harap niya? F*ck! Alam niyang isa ito sa mga naging fling niya pero hindi niya matandaan ang pangalan.

"Hey, hindi ko rin inaasahan na makikita ka dito. How are you?" tanong pa niyang matamis na ngumiti sa babae, kinilig naman ito. Ugh, d*mn it. 'Di niya talaga matandaan ang pangalan ng babae. Worst, stock na naman siya sa mga walang kwentong pag-uusap.

"Jessica," tawag pansin ng kasama nitong lalaki. Ah, right! Jessica from the education department, kung tama ang pagkakatanda niya, at ang lalaking kasama naman nito ay si Peter, isa sa mga stalker ni Lucky noong college.

"Peter... Pwede ba, nag-uusap pa kami," iritable namang tugon ni Jessica.

Dumapo ang tingin ni Genesis sa kaharap na lalaki ang makahulugan itong nginitian. "Kumusta, bro? Matagal narin noong huli tayong nagkita."

Napalunok si Peter. Kinabahan agad siya nang magtama ang tingin nila ni Genesis, ang mga kamay niya ay nagsimulang manginig.

"A-ayos lang naman."

"Good for you, bro."

"Genesis, are you married na ba?" singit ni Jessica kaya bumalik ang tingin niya sa babae. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti.

"I'm single."

"Oh, my gosh! Dahil ba hindi ka maka-move on sa naging relasyon natin noon?" assume agad ni Jessica.

"Yeah, I guess. Too bad your married now." Binigyan niya masamang tingin si Peter. Na-alarma naman agad ang lalaki.

"Oh, my gosh! Talaga-"

"Jessica, tara na. Hayaan mo nang makaalis si Genesis, I'm sure he's busy." Hinawakan ni Peter ang braso ng asawa at sapilitan itong hinatak palayo sa kanya. "Pasensya na, sa susunod na lang ulit Genesis."

"Oh, aalis na kayo agad? Sayang naman gusto ko pa sana kayong yayaan magkapi."

Kumislap agad ang mata ni Jessica sa kanyang sinabi. "Really?"

"Hindi na, nagmamadali rin kami ng asawa ko-"

"What? Hindi naman tayo nagmamadali!"

"Jessica, ano ba?" Pinanlakihan ni Peter ng mata ang asawa. Pagkatapos ay muli siyang hinarap. "Pasensya na talaga, Genesis. Sa susunod na lang siguro tayo magkapi."

Tumango siya. "Alright. I understood. It's nice to see both."

Nang tuluyang tumalikod ang mag-asawa saka lang nawala ang matamis na ngiti ni Genesis at nawalan ng emosyon.

"Maggots," marahas niyang pananalita bilang komento sa mag-asawa. Jessica is his ex-fling and Peter, Jessica's husband is one of those bastard back in their college days who stalk Lucky like a fly. Hanggang ngayon gigil pa rin siyang saktan ang lalaki dahil sa pagsunod-sunod nito sa kaibigan niya. Muntik niya pag-putulan ng kamay ang lalaki noon nang malaman niyang palihim itong kumuha ng larawan ni Lucky sa isang swimming practice ng dalaga sa pool ng university. Pumasok si Genesis ng sasakyan at minaneho ang sasakyan paalis ng lugar. Tinungo niya ang isang wear house hindi malayo sa subdivision na tinitirhan niya para kitain ang tauhan. At tamang-tama lang ang pagdating niya dahil naroon na ang tauhan, itinatali ang lalaki sa isang bakal na silya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status