LOGINAMARA’S POV:
“Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong ito, hija?” nag-aalalang tanong ni Auntie May. Tumango ako. Alam ko kasing kung magtatagal ako dito’y mas lalalim lang ang sakit na dulot ng kahapon. Dala ang isang wallet, inabot niya sa akin ang perang nagkakahalaga ng isang libo. Kukunin ko na sana iyon, nang bigla itong hinablot ng kanyang asawang si tiyo Arman. “Akin na ito, dagdag gastos na naman!” saad nito. Wala nang nagawa ang tiya nang dumating na ang traysikel na inarkila niya para ihatid ako sa terminal ng bus papuntang maynila. “Ano, aalis ka pa ba o hindi? Naghihintay na sayo si manong o!” sita naman ng kanyang anak na si Melanie. Wala na akong nagawa kung hindi ang ngumiti sa kanya. She's been always there with me, sa katunayan parang pangalawang ina na nga ang turing ko sa kanya. But, as they say, hindi sa lahat ng panahon ay nasa ligaya lang nakatutok ang buhay ng tao. Kailangan niyang makaranas ng matinding hirap, dahil iyon ang makakapagpalago sa kanya. And I am one of them. She squeezed my hands for the last time before I bid my last goodbye. Kung anuman ang kararatnan ko sa maynila ay hindi ko alam, basta ang alam ko lang kailangan ko nang makaalis sa impyernong bahay na iyon. It was supposed to be our house, it belongs to my parents’, pero nang mamatay sila sa malagim na trahedya, doon na nagkadalasog-lasog ang buhay ko. I was 5 by then, and the memories of their tragic death became a vivid one na para bang parte na sila ng utak ko na kahit ilibing ko pa sa lupa, hindi na matatanggal pa. Kung bakit pa ako nagtagal dito, ay hindi ko rin alam. Siguro nga ay baka hindi pa rin ako nakakausad sa pagkamatay ng aking mga magulang. Yet, I need to, I have to for the sake of my own future. Sumakay na ako sa traysikel, and the next thing I knew bumibiyahe na kami papuntang terminal ng bus. It was already six thirty in the morning when we arrive, at dahil maaga pa ay kakaunti pa lamang ang mga taong bibiyahe papuntang maynila. Agad na nagtulungan ang konduktor at driver ng traysikel na maiakyat sa bus na aking pagsasakyan ang aking mga gamit. Hindi naman ganoon ito karami, kaya hindi sila nahirapan. Ilang oras pa akong naghintay bago umandar ang makina ng bus, sa sobra ko ngang paghihintay hindi ko na alam na nakatulog na pala ako. I wake up in a familiar scene of my past. It was dark yet, I could remember all of it. Nasa labas ako at nakahiga sa may kalsada, halos hindi ko na makita ang mga magulang ko dahil sa mga taong nagkukumpulan sa may hindi kalayuan. “Mama! Papa!” I cried out loud. Even the rescuers tried to stopped me pero hindi sila nagtagumpay, I didn't mind if I got bruise, or blood all over my body basta ang alam ko, umiiyak akong tumatakbo papunta sa katawan nilang wala ng buhay. Pero sa hindi kalayuan, natanaw ko ang isang pigura ng isang babae. Hindi ko nakikita ang kanyang mukha dahil nakatalukbong at may suot itong sunglasses, pero nagmamasid lang siya sa amin. At nang magtama ang paningin namin, bigla nalang siyang umalis. Sinubukan kong habulin siya, pero napigilan na ako ng mga rescuers. I was a kid back then, a kid who has a lot of dreams and a bright future. Pero sa isang iglap, nawala lahat ng iyon dahil sa isang aksidente. And since then, hindi na mawala sa isip ko ang pangyayaring iyon, and whoever she is, I hope malalaman ko rin kung bakit siya nandoon at bakit siya nakamasid sa amin. Bigla akong nagising nang may kumalabit sa braso ko. Pashnea, panaginip lang pala. But what happened isn't just a dream, it's a part of my childhood traumas. Isang matandang babae ang marahan akong tinapik-tapik sa braso, “Miss, masyado yatang napalakas ang hilik mo. Ang mabuti pa ay ayusin mo ang iyong posisyon, para hindi ka masyado naghihilik,” aniya sa magalang na tinig. Humingi agad ako ng pasensya sa kanya, sobrang napagod yata ako dahil ang aga-aga ko nagising kanina para i-check ang mga gamit at maghanda para sa pag-alis ko. Bahagya ko pang iginaya ang aking tingin sa iba pang pasahero, tahimik lang sila at tanging ang makina lang ng bus ang maingay. May ilang natutulog at may mga naglalaro ng games sa cellphone, habang ang iba naman ay nakatingin sa labas at nagmumuni-muni. Hindi ko na namalayang naghihilik na pala ako habang natutulog. “Maraming salamat ho, at pasensya na,” saad ko at iginaya nalang ang tingin sa labas. Hindi na ako makatulog dahil mukhang na-reset naman na ang utak ko. Kay ganda ng tanawin sa labas, bagay na sobrang mamimiss ko kapag nasa maynila na ako. Napabuntong hininga nalang ako ng sobrang lalim dahil sa naging desisyon ko, ano kaya ang magiging buhay ko pagdating doon? Makakahanap kaya agad ako ng trabaho? Makakapag-ipon kaya ako para sa future ko? I am a graduate of Bachelor's degree in Science major in Information Systems. Simula pagkabata, pangarap ko na talaga ang maging isang hacker kagaya ng mga napapanood ko sa mga action movies. Namamangha kasi ako sa bilis ng pagtipa ng kanilang mga kamay sa keyboard. Sa kung paanong ang isang itim na puno ng green codes ay napapabagsak ang isang sistema sa loob lamang ng ilang minuto, o segundo. I graduated five months ago, pero wala pa rin akong nahahanap na trabaho na related talaga sa kursong kinuha ko. I wanted to become a software developer, dahil iyon ang mas malapit sa pangarap ko, pero sa kasamaang palad naghahanap sila ng may experience. Iyong tipong may kompanya talaga na kinabibilangan, bagay na wala ako, pero nang nagliparan ang balitang mas maraming taga-Antique na bagong graduate ang nakakahanap ng mas magandang oportunidad at angkop sa pinag-aralan nila sa siyudad, doon na ako nagka-interes na sumubok. Sabi kasi nila, doon sa matatayog na mga buildings na iyon nagtatago ang mga pinakamagagaling na tech-dev companies. At baka roon, sa gitna ng mga codes at datas, mahahanap ko na rin ang kinabukasang matagal ko ng minimithi. At baka doon ko pa nga mahanap ang misteryosong babaeng matagal nang bumabagabag sa mga panaginip ko. Sino kaya siya? At bakit hanggang ngayon, pakiramdam ko ay nakamasid pa rin siya sa akin mula sa anino ng nakaraan? May kinalaman kaya siya sa car accident na sanhi ng pagkamatay ng mga magulang ko? Kinuha ko ang luma kong cellphone mula sa bulsa ng jacket ko. Gusto kong i-check ang mga bookmarks ko sa browser–mga iyon listahan ng tech companies sa Manila na pwedeng apply-an. Pero sa totoo lang, kahit anong trabahao, papasukin ko. Huwag lang akong bumalik sa dati kong buhay. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Pinikit ko ang aking mga mata at taimtim na nagdasal. Maynila. Please, maging mabait ka sa akin.AMARA’S POV:Mula nang meeting na iyon, hindi ko na masyadong nakakausap si Laxus. Naging distant na rin ako sa kanya, dahil magpahanggang ngayon, hindi ma-proseso ng isip ko ang mga kaganapan.At ang pinakamasakit sa lahat? Iyong pwesto ko na dating nakalagay sa loob ng opisina niya, kung saan natatanaw ko ng malinaw ang bawat galaw niya. Mula sa bawat kunot ng kanyang noo hanggang sa paghigop niya ng kape, ay wala na. Mag-iisang linggo na nang pinalipat niya ako ng pwesto. Dito ako nakapwesto, sa pinakadulong bahagi ng isang maliit na cubicle, kung saan naririnig ko bawat bulungan at mga tawang parang insulto sa akin sa tuwing dadaan ako. Pinapamukha talaga niya sa akin na wala akong pinagkaiba sa kanila. Na ang nangyari noon sa BGC ay isang pagkakamali, na “pure business” lang at walang personalan na kasama.Napaka-entitled mo naman kung ganoon, Amara. Malamang ililigtas ka niyan kasi hawak mo ang alas niya.Mabuti nalang talaga at lagi kong kasama si Diana, kaya hindi nila ako
AMARA’S POV: Hindi naman ganoon kahaba ang biyahe papunta sa mismong place ng meeting, as a matter of fact, it took us for about fifteen minutes to get there. Pagkababa namin, sinalubong kami ng napakaraming lalaking nakasuot ng black and white tuxedo. They even bowed in front of us, especially kay Laxus. “Boss, Mr. Saga is already here,” sabi ng isang lalaking matangkad at chinito. Ang buhok nitong itim na itim ay hanggang leeg ang haba at nakapusod ng malinis. Well, I would described him as charming. Yet, walang makakapantay kay Laxus. Syempre, loyal ako sa crush kong antipatiko. Speaking of the devil, para akong kinuryente at muntik nang mapatalon sa gulat nang bigla niya akong hinapit sa baywang. Napatingin ako sa kanya, and I saw his jaw clenched. “Most of my people are men, I don't like it when they are looking at you like that,” he whispered right in my ear. And honestly? His husky voice and soft growl– whenever his men are staring at us– hits me differently. Para akong tu
AMARA’S POV:“Where are you going?” natigil ang sana ay pag-alis ko sa aking puwesto nang tanungin niya ako. “Mag-aayos ng sarili sir, di ba sabi mo may meeting tayo with the client?” sarkastikong sabi ko. Bitbit ang black shoulder bag na bigay ni Hershey, aalis na sana ako para makapag-retouch. “You are coming with me, but...” tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang iniiscan niya ang buong pagkatao ko. “Not with that faded blazer and coffee stained sleeves,” saad niya bago naglapag ng Black Card sa table ko. “Go to Diana, and tell her to take you to the boutique outside. Pick a dress that doesn't scream, ‘Province Girl.’ You have one hour to prepare.” Dahan-dahan kong kinuha ang card. Medyo napaismid pa ako nang minention ang ‘province girl’ pero hindi ko nalang ito dinamdam, baka pagtalunan na naman namin to. Ang lamig nung card, siguro dahil sa temperature ng opisina o hindi kaya sa temperature ng may-ari? “At Marquez...” pahabol niya bago ako tuluyang makatayo,
AMARA’S POV: “I must say, I am impressed by your skills and abilities, Ms. Marquez,” lihim akong napangisi dahil sa sinabi ni Mr. Morgan. Sino ba naman kasi ang hindi? Kanina lang kung makapag-insulto akala mo siya na ang may-ari ng buong mundo, dagdag pa yung parang diring-diri siya sa resume ko. Pero ngayon, heto siya at parang naiinis, siguro nasapawan ko yung pride niya kaya ganyan siya. Pero, bago pa man ako magpa-party sa apartment ni Hershey mamaya, muling bumalik ang reaksyong lagi niyang suot. Cold stares and dangerous gaze. Tama nga si Hershey, parang binabasa niya ang buong katauhan mo sa titig palang. Yung tipong kahit tahimik, ramdam mo yung mga matatalim niyang aura. “But don't think I will let this pass between us,” dagdag pa niya. Nakaupo ngayon sa harap ng table niya, kaya he stood up and walk towards me. “Don’t you know that it is illegal to enter my private server without my consent? And in my world, it is illegal and a crime. Labag sa company rules iyon, but
AMARA’S POV: “Nakakainis!” nagsisigaw kong sabi dito sa loob ng comfort room. Magti-thirty minutes na, pero hindi pa rin ako lumalabas dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa sistema ko ang pagkapahiyang naranasan kanina. Kampante naman ako dito, dahil walang taong pumasok mula pa kanina. Busit siya, BUSIT! Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili mula sa malaking salamin. Namumula ang mukha ko, the outrage is still there. How dare he mock and insult me in front of many people? Wala ba siyang puso? Nilagay ko ang hawak na resume sa may gilid ng sink saka ko binuksan ang gripo at naghilamos para kahit papaano, maibsan ang init ng ulo ko. Pero hindi iyon sapat. Kapag talaga nagkita kami ulit, ipapatikhim ko talaga sa kanya ang alindog–este ang galit ng isang Marquez. Makikita niya talaga. Muling nadako ang aking tingin sa dalang white folder. Sa inis, kinuha ko ang laman niyon saka diniinang pinunasan ng dry tissue pero mas lalo lang nagkalat ang marka doon. Aba!
AMARA’S POV:“Bes, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong iyan?” seryosong sabi ni Hershey habang tinutulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.Tumango ako.“Alam mo bang base sa nahagilap kong impormasyon, masyadong toxic ang company na iyan?”Binaba ko ang hawak na puting blouse na susuotin ko mamaya, naintriga tuloy ako dahil sa sinabi niya.“Toxic? Bakit? Dahil ba sa dami ng trabaho?” takang tanong ko.“Hindi lang trabaho bes, ang balita ko halos araw-araw daw may tinatanggal na mga tech developers ang CEO niyan. Marami rin akong kakilala riyan na natanggal, at ang sabi nila pang military daw ang higpit ni Laxus Morgan. Isang mali mo lang, o kahit may lumabas na isang line of code na hindi dapat... Out ka na agad. At ang masama parang na black bail sila sa buong BGC. Wala ng gustong tumanggap sa kanila after nila matanggal.”Napatigil ako sa paglalagay ng mga damit sa may cabinet at tiningnan siya.“Black bail? Bakit?” naguguluhan kong tanong.“Iyon ang hindi nila masagot-sago







