LOGINAMARA’S POV
Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang may kumalabit sa aking braso. Kinuskos ko pa ang aking mga ito para mawala ang antok na nararamdaman. “Miss gising na, nandito na tayo sa Maynila,” saad ng konduktor. Luminga ako sa paligid at napagtanto kong ako nalang pala ang natitira sa mga pasahero. Agad akong tumayo at humingi ng pasensya, mabuti nalang at mabait si manong sa akin kung hindi ay baka tinapon na niya ako sa papalabas sa may bus. Mga naglalakihang billboards, walang katapusang hilera ng mga sasakyan–mapa mamahalin man o pampubliko– at higit sa lahat, ang usok na halos kainin na ang buong baga ko. Medyo naninibago ako sa aking mga nakikita. Ang probinsiya kasi ng Antique ay masyadong tahimik kahit na may parte ito na parang siyudad na rin kagaya ng sa Maynila, sariwa ang hangin at may porsyon na makikita pa rin ang mga bundok at luntiang halaman. Hindi kagaya dito. “Maraming salamat po manong,” sabi ko nang tinulungan niya akong maibaba ang mga gamit ko sa terminal. Bitbit ang aking mga gamit, bumaba ako ng bus. Sinalubong ako ng init, kahit na alas sais palang ng umaga. “Taxi miss? Saan po tayo?” tanong ng isang taxi driver nang lumapit ako sa puting sasakyan na nakahilera. Tiningnan ko ang dala kong wallet, may limang daan pa naman ako dito siguro ay kasya pa ito. Bibili nalang ako ng sardinas at kanin mamaya, nakakahiya naman kung pati sa pagkain ay iaasa ko pa sa kaibigan ko. “BGC manong,” sagot kong medyo nag-aalangan pa. Ang sabi kasi ng kaibigan kong si Hershey, doon daw ang sentro ng mga naglalakihang kompanya ng mga makabagong teknolohiya. Habang nasa loob, hindi ko mapigilang mangamba. Mangamba na baka masayang lang ang paglipat ko dito, but then again I was reminded kung ano ang dahilan na pinili ko ito. Mula sa aking bag, kinuha ko ang folder na naglalaman ng aking kinabukasan. Binuklat ko iyon at pinagmasdan. Kaya mo ito Amara, laban lang! Binalik ko ang folder sa bag, mula sa side mirror ng sasakyan tiningnan ko ang aking repleksyon at ngayon ko lang napagtantong sobrang haggard ko na pala mula sa mahabang biyahe! Sinubukan kong ayusin ang sarili ko, the way I look outside made me realise that I was so plain in sight. Lalo na nang makakita ako ng mga babaeng magaganda at sexy na naglalakad sa may daan, it made me think that I am different. Probinsyana look ang dating, which is hindi nababagay. I tried to look so formal, inayos ko ang suot kong t-shirt at pants. Naglagay din ako ng simpleng pulbo sa mukha at liptint sa labi. I even brushed my hair to look good and presentable. Okay na siguro to. Nang masigurong okay na ang lahat, pinakalma ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtingin-tingin sa paligid. Mula sa magulo at maingay na traffic, napalitan ito ng malinis at maayos na kalsada. “Malapit na tayo sa BGC miss,” sabi ng driver. Inihanda ko ang aking sarili sa pagbaba ng sasakyan. Nang makababa at makapagbayad, tuluyan na nga akong nawindang sa tanawing nasa harap. Mga naglalakihang buildings, malinis na kalsada at maraming taong mga naglalakad o hindi kaya ay tumatambay doon, ang nagpukaw sa aking atensyon. Manghang-mangha talaga ako sa lugar ng BGC! Hinawakan ko ng mahigpit ang bitbit na maleta at cellphone habang tinitingnan ang address na binigay sa akin ng kaibigan kong si Hershey sa chat. She's my childhood best friend, kaibigan ng pamilya niya ang pamilya namin kaya halos sabay na kaming lumaki. She's one year ahead of me, kasabayan ko sana siya sa pag graduate kaso bumalik ako sa kindergarten dahil sa nangyari dati sa pamilya ko. Sabi niya kasi malapit lang ang apartment niya dito sa BGC, pero dahil sa mga naglalakihang buildings ay parang maliligaw pa yata ako. “Nasaan ba kasi ang street 24 na iyon?” inis na bulong ko sa aking sarili habang binabagtas ang daan bitbit ang mga gamit. Mas lalo pa akong nanliit nang pinagtitinginan ako ng mga taong napaka pormal ang kasuotan. Siguro ay nahahalata nilang galing akong probinsya, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Ang mahalaga, mahanap ko na agad ang apartment ni Hershey para makapag-ayos ako dahil ang lagkit na ng katawan ko sa mahabang biyahe. Nakaramdam ako ng pagod habang naglalakad kaya huminto ako saglit para punasan ang pawis na tumutulo sa aking noo. Habang nagpupunas, hindi sinasadyang napunta ang tingin ko sa gawi ng isang napakalaking digital billboard sa tapat ng isang kulay gray na gusali. Huminto ako sandali dahil hindi ma-internalize ng isip ko ang aking nakita. **URGENT HIRING!: JUNIOR SOFTWARE DEVELOPER** **NEXUS MORGAN INTEL INC.** Ilang ulit ko pang binukas-sarado ang aking mga mata. OMG! May hiring ng Software developer! Shet, pagkakataon ko na ito para makapag-apply! Binasa ko pa ang ibang detalye sa ibaba, at ang unang nakatawag ng pansin ko ay ang pangalan ng CEO. Under the leadership of Laxus Morgan. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan nang mabasa ko ang pangalan ng CEO. Laxus Morgan, pangalan palang tunog panganib at makapangyarihan na. Ito ang pangarap kong posisyon at trabaho, hindi ko alam kung bakit pero may kung anong nagtulak sa akin na i-save ang address ng building na iyon. Sabi ko pa sa sarili, pagkatapos kong mailapag at ayusin ang mga gamit sa apartment ni Hershey at makapagbihis ng mas maayos na damit, iyon ang unang kompanya na pupuntahan ko. Ito na yun, ito na ang makakapagpabago ng buhay ko. Titig na titig ako sa digital billboard nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Muntik pa nga akong mapasigaw dahil sa gulat. Hershey calling... Agad kong sinagot nang makita kung sino ang tumawag. “Hello bes?” “Hoy babaita ka, nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay dito! Huwag mo sabihing diyan mo na balak tumira sa kalsada?” Natauhan ako. Luminga-linga pa ako sa paligid. “Ah eh, bes naliligaw na yata ako.” “Ano?!?” medyo nilayo ko pa ang cellphone sa tainga nang sumigaw siya sa kabilang linya. Si Hershey talaga kahit kailan napaka OA. “Pwede mo bang i-describe kung nasaan ka sa BGC? Susunduin kita jan.” Iginaya ko ang tingin sa harap ng building na ito, tiningnan ko ng maigi kung ano ang pangalan. “Ah bes, nandito ako sa tapat ng... Nexus Morgan Intel Inc.” Saglit na katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya. “Bes, nandiyan ka pa ba?” nag-aalalang tanong ko. “Ah.. ahmm, oo bes. Oh sige na paparating na ako, basta wag kang manatili diyan sa tapat ng building na iyan. Kung maaari, umalis ka na riyan,” may bahid ng pag-aalala ang tono ng kanyang pananalita. Kumunot naman ang noo ko. “Bakit bes, ano ba ang meron sa company na ito?” tanong ko habang tinititigan nang maigi ang kabuuan ng building “Mahirap ipaliwanag, basta umalis ka na riyan!” sabi niya bago pinutol ang linya.Hi mga ka-historians! This is me your author. I just wanted yo thank those peopl who stayed with me and my journey here. First and foremost, syempre hindi mawawala diyan si Lord kasi at the end sa kanya pa rin at siya pa rin. Sinulat ko lang ang note na ito kasi, malapit na siya matapos sa drafts ko. And to let you all know, lahat ng characters na nakasulat dito ay may kanya-kanya pong kwento but I am still thinking if dito ko ba siya ipu-publish or sa isang PTR platform din. Wala pong fillers or something, di lang talaga ako marunong isulat ng tama pero... Stay tuned!
AMARA’S POVMorning came, and everyone is ready for the second and the final war. Pero dahil gising na si Laxus, maraming nagbago sa mga plano. Mabilis na kumalat sa media ang balita; ang biglaang pagpapakita ng aking asawa sa kompanya kaninang umaga ay tila isang lindol na yumanig sa buong bansa. The King is back, and the underworld knows it.By next week, isang illegal auction ang magaganap. Eight of the biggest underground elites will be present—kasama na si Hilary at ang tatlong pinuno na pumatay sa pamilya ni Laxus.It’s the perfect stage for the final bloodbath.Kaya heto, imbes na maghanda siya para mag-ensayo, nandito pa rin siya ngayon sa garden kung saan ako nagmumukmok. Nagtatampo ako sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng hirap ko sa pagpapatakbo ng kompanya habang wala siya—habang pasan ko ang tatlo naming anak—ngayong magkakaroon ng hustisya, ayaw niya akong isama sa auction.“Wife,” maawtoridad niyang sabi. I can feel his patience getting thinner, but I don't care.“Huwag m
AMARA’S POV Dahan-dahan akong pumasok sa loob matapos ang ilang sandali. Venus opened her eyes and smiled the moment she saw me—isang ngiti na tanging nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo. Kayo ng mga kapatid mo ang nagpapatatag sa akin, mahal ko. Mabilis siyang bumaba mula sa couch at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang maliliit na kamay. She is just six years old; she wasn't supposed to experience this kind of cruelty. Naaalala ko ang gabing una ko siyang nakita. She wasn't ours, and she is fully aware of it now. She was born a Saga, the daughter of a traitor who once used our own technology to destroy us. But the way she cares for Laxus now... it shows that blood doesn't define who your family is. “Mommy, you’re back!” aniya sa mahinang boses. Hindi ko na siya mabuhat dahil sa laki ng aking tiyan, kaya niyakap na lamang niya ako sa aking baywang, tila ba sinasama sa yakap ang kanyang mga kapatid na nasa sinapupunan ko pa. Isang buwan na lang, at
AMARA’S POVMabilis na inilabas nina Unique at Liander ang kanilang mga armas nang makitang pilit na bumubunot ang anak ni Floyd mula sa likod ng kaniyang pantalon. Pero bago pa man niya mahawakan ang baril, isang malamig at nanunuot na tingin lang ang ipinukol ko sa kaniya.“Kryptonite... pati ba naman ikaw?” usal niya. Ang boses niya ay puno ng pagkagulat at pait habang namimilipit sa sakit ng kaniyang binti.Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Isang putok pa mula sa aking Beretta Tomcat ang umalingawngaw, at tuluyan siyang dumausdos mula sa kinauupuan patungo sa sahig. Ang kaniyang mga tauhan na kanina lang kung umasta ay akala mo’y mga diyos? Ngayon ay tikom ang bibig at nakayuko sa ilalim ng aking kapangyarihan.They thought they knew how my husband thinks? Fascinating. Dapat lang silang matakot. Dahil kung si Laxus ay nagbibigay pa ng pagkakataon, ako... hinding-hindi.“W-what do you want?” nanginginig niyang tanong habang nakahawak sa duguang binti.“Simple,” sagot ko.
AMARA’S POVTahimik lamang kami ni Hershey sa loob ng sasakyan, ngunit ang katahimikang iyon ay puno ng kaba at determinasyon. Ramdam ko ang bawat mabigat na hininga sa loob ng SUV. Kasama namin si Liander at ang ilan pa naming mga tauhan, habang si Diana naman at Auntie May ay naiwan sa mansyon. Sila ang nagsisilbing mga mata namin doon—nagbabantay kay Laxus at Venus habang wala kami. Nag-iwan din kami ng sapat na pwersa sa mansyon, mahirap na; alam naming tuso si Hilary at hindi kami pwedeng magbakasakali.Hinawakan ni Hershey ang kamay ko, isang mahigpit na pisil na tila ba sinasabing, “Kaya natin ito, Bessy.” Sa passenger’s seat, nakita ko si Unique na tahimik na nagche-check ng kanyang long rifle. Ang kanyang mukha ay walang emosyon, ngunit ang higpit ng hawak niya sa armas ay sapat na para malaman kong hinding-hindi siya magdadalawang-isip na magpaputok kapag kailangan.Ramdam ko ang determinasyon ng bawat isa sa amin. H
AAMARA’S POVTatlong buwan. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon, at sa loob ng mahabang panahong iyon, hindi pa rin nagigising ang aking asawa.Everything changed. Ang masayang mansyon ay naging madilim at tahimik. Ang puso ko ay tila nabalot ng yelo, at ang aking mga ngiti ay nawalan ng buhay. Alam kong mapanganib ang nararamdaman ko, lalo na at tatlo ang dinadala ko—isang babae at dalawang lalaki. My triplets are the only ones keeping me sane.Tahimik kong pinagmamasdan si Venus na natutulog sa tabi ng kanyang Dadda. She's been having a hard time, too. I had to pull her out of regular school and start homeschooling dahil hindi na maganda ang kanyang mga grado. She is no longer the super playful and hyper child I knew. My Venus changed so much, and my heart breaks every time I see her like this. Lalo na’t hindi rin kami mapalagay dahil madalas ay may namamataang mga espiya sa paligid ng mansyon.This war between blood has to end. Lalo na at malapit na
AMARA’S POV: “I must say, I am impressed by your skills and abilities, Ms. Marquez,” lihim akong napangisi dahil sa sinabi ni Mr. Morgan. Sino ba naman kasi ang hindi? Kanina lang kung makapag-insulto akala mo siya na ang may-ari ng buong mundo, dagdag pa yung parang diring-diri siya sa resume ko.
AMARA’S POV:Nagising ako sa sinag na tumama sa aking pisnge. Ang init niyon ay sapat na upang magising ang buo kong sistema. Dahan-dahan akong bumangon, ngunit bumalik ako sa pagkakahiga muli nang sumisigid ang kirot ng ulo ko. _Lintian guid! Amo ni gali ang feeling nga ilagok ang tequila nga daw
AMARA’S POV: Hindi naman ganoon kahaba ang biyahe papunta sa mismong place ng meeting, as a matter of fact, it took us for about fifteen minutes to get there. Pagkababa namin, sinalubong kami ng napakaraming lalaking nakasuot ng black and white tuxedo. They even bowed in front of us, especially ka
AMARA’S POV:Mula nang meeting na iyon, hindi ko na masyadong nakakausap si Laxus. Naging distant na rin ako sa kanya, dahil magpahanggang ngayon, hindi ma-proseso ng isip ko ang mga kaganapan.At ang pinakamasakit sa lahat? Iyong pwesto ko na dating nakalagay sa loob ng opisina niya, kung saan nat







