Share

The Mafia and Citizens
The Mafia and Citizens
Author: loveloce

+ PROLOGUE +

¶ The Mafia and Citizens ¶

+ PROLOGUE +

YEAR 2015 (FRESHMAN STUDENTS)

Josie and Valerie is on the way to their school. Makikita mo ang pagka-excite sa mga mukha nila, dahil lalaruin na nila ang game na nalaman nila through social media. 

"Mukhang magugustuhan nila ang game," biglang sambit ni Valerie habang naglalakad sila sa may corridor.

"I'm sure about that. Sa lahat ng inaya natin, iisa lang naman ang sinasabi at ekspresyon nila," nakangising tugon ni Josie.

"Ang angas, pero nakakatakot ito," sabay nilang saad.

Nagkatinginan naman ang dalawa saka sila tumawa nang sabay. 

Nang mapadpad si Josie sa Manila, nakilala niya agad si Valerie dahil sa pagiging madaldal nito. Even if they have an opposite attitude, hindi naman naitanggi ni Josie ang pagiging best friend material ni Valerie. 

Being with Valerie all the time helped her forget the problems she had in her hometown, and it feels like home every time she’s with Valerie. 

They knew a game called, The Mafia and Citizens. A simple game yet thrilled, but play it wisely dahil maaari kang malinlang ng Mafia.

Nakapasok na ang dalawang magkaibigan sa loob ng silid nila. Hindi ito ang una nilang pagpasok, nasa kalagitnaan na rin sila ng pag-aaral nila. At ngayon lamang nila ipapakita o ipapakilala ang game na nalaman nila. 

“Nahawa tuloy tayo sa mga estudyante dito na sobrang aga pumasok,” saad ni Josie pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa silid habang dahan-dahan ang pag-iling ng ulo nito. 

Nakaupo sila sa pangatlong row ng upuan na malapit sa bintana. Magkatabi ang dalawa dahil sila naman lagi ang magkasama. Nag-ikot sila nang paningin para tingnan ang mga estudyante na kaklase nila.

"Mukhang ito na lahat ang kaklase natin," saad ni Valerie habang nililibot nito sa loob ng silid ang kanyang mga mata.

"Yayain na natin sila," dugtong nito nang matapos niyang libutin gamit ang kanyang mga mata ang buong silid. 

Saka naman ito tumingin kay Josie na nakatingin na sa kaniya at tumango ito bilang pagsang-ayon.

Masaya nga nilang tinawag ang mga kaklase nila na nasa loob ng silid. Mga responsable ang mga estudyante, pero hindi sila nagpapahuli sa mga ganitong bagay. Kaya napapayag nila ang ilan sa mga nito na sumali sa game. 

At dahil mga isip pa nito ay bata, kaya wala talagang aatras sa laro. May ilang hindi sumali, dahil may kanya-kanya silang ginagawa o wala sila sa trip. Ngunit halos ng sumali ay pawang mga pilyo at pilya na gusto ng kasiyahan. 

Gaya ng nakagawian, pinaikot nga nila ang sari-sarili nilang mga upuan. Makikita sa mga mata nito ang pananabik habang pinapaliwanag ni Valerie kung paano laruin ang game habang tahimik lang naman si Josie na nakikinig rin kay Valerie. 

Sampu silang estudyante na nakapalibot sa may mesa sa pwesto nila Josie at Valerie. Mahaba pa naman ang oras bago magsimula ang klase kaya walang bahala sa mukha ng bawat isa.

Nagpatuloy ang laro, at nababawasan na ang mga players dahil hindi pa nila nahahanap ang Mafia na dapat nilang mahanap sa game. Dahil ito ang main goal sa game na mahanap ng Citizens ang totoong Mafia.

Kailangan rito ang lakas ng pakiramdam, matalas na pandinig, at karunungan mo sa pag-arte. Kapag ikaw ang Mafia, kailangan mong umarte na Citizens para hindi ka agad matalo. At ang mga Citizens kailangan naman nilang mahuli agad ang Mafia. Gano'n lang kasimple ang laro. May panalo, may talo. Kung sino ang talo, syempre hindi mawawalan ng parusa o punishment.

Ngunit simpleng punishment lang naman ang ibibigay.

Kung nanalo ang Mafia, nasa kanya ang desisyon kung anong punishment niya sa Citizens.

Gano'n rin sa Citizens, nasa kanila ang desisyon kung ano ang punishment sa Mafia.

"I'm accusing Xavier for being a Mafia," biglang saad ni Josie nang magsabi ang mga host ng game ng accusation.

"Ako rin, Xavier."

"Yeah, same."

"Natalie naman ako."

Mga accused ng mga kaklase nito na nasa game pa. Since mas marami ang accused ni Xavier, wala siyang magagawa kundi sabihin ang totoo niyang identity at ipakita ang papel na hawak niya kung Mafia ba ito o isa sa mga Citizen.

"I'm...the Mafia," saad ng kaklase nilang si Xavier.

"Woah. Panalo tayong Citizens!"

"Galing natin, nahuli agad."

"Magaling kamo si Josie, ang bilis niyang makaramdam."

Mga komento ng mga kaklase nila Josie at Valerie nang malaman ang Mafia. Kahit na si Xavier, namamangha kay Josie kung paano niya naramdaman na si Xavier ang Mafia. Wala naman daw itong binigay na motibo, dahil tahimik naman daw siya sa loob ng game.

"One of my reasons, tahimik ka. Halatang masyadong nag-iingat," nakangising saad ni Josie.

Napagpasyahan ng mga nanalong Citizens na ang magiging punishment nila sa Mafia ay ilibre sila nito mamayang breaktime. Labis naman ang tuwa nila, samantalang napapakamot na lang sa ulo itong si Xavier.

Natapos ang oras nang pagpasok nila at halos lugmok ang mukha ni Xavier dahil naubos ang pera na baon niya. Paano kasi, wala siyang magawa dahil ito ang naisipan ng mga nanalong kaklase niya na punishment.

Naglalakad lang itong si Xavier pauwi, at bago siya makarating sa mismong paroroonan niya ay kakailanganin niyang dumaan sa madilim na kanto. Isang ilaw lamang ang narito, kung kaya't madilim pa rin. Ngunit, wala na lang ito kay Xavier dahil madalas naman na siyang nadaan dito. Sa una, may takot at kaba siyang nararamdaman, pero kalaunan, nasanay na rin ito. 

Napahinto si Xavier sa paglalakad nang may naramdaman siyang kakaiba. Sa daming beses niyang dumaan dito, ngayon lang siya nakaramdam nang kakaiba. 

Nagulat naman siya sa paglabas ng isang tao ngunit hindi niya maipagtanto ang kasarian nito. Lahat ng suot nito ay itim, hindi niya maaninag ang mukha nito kahit na nasa tapat na ito ng mismong nag-iisang street light nito sa kanto. 

"S-sino ka?" kinakabahan nitong tanong. 

"Tinatanong mo ako kung sino ako?" naiiritang tugon ng kaharap niya.

"O-oo t-tinatanong kita k-kaya sagutin m-mo ako," nangingimbal na sambit ni Xavier. 

Ayaw niyang ipahalata na natatakot siya sa kanyang kaharap ngunit kusa itong lumalabas sa paraan ng pananalita niya. 

Naramdaman niya naman ang pag ngisi nito bago ito magsalita at saka ito umayos nang tayo.

"Ako lang naman ang papatay sa 'yo," seryosong sambit ng kaharap niya. 

Napalunok naman ito sa takot. Nanginginig naman ang mga kamay niya habang pilit niyang kinukuha ang cutter na nasa bulsa ng bag niya. 

Nang mahawakan niya ang cutter ay agad niya itong itinutok sa kanyang kausap ngunit patuloy pa rin ang panginginig ng mga kamay niya. Tila nawawalan siya ng lakas sa kaharap niya at walang silbi ang hawak niya kaya paatras itong naglalakad.

"Bakit? A-ano bang kasalanan k-ko?" nanginginig na boses na tanong ni Xavier. 

Kahit anong pangumbinsi ng isip niya na huwag matakot ay hindi niya mapigilan. Hindi niya rin mawari kung bakit may nang-aabang sa kanya, isa lamang siyang Freshman student sa eskwelahan nila. 

"Wala ka namang mabigat na kasalanan," kalmadong saad ng kaharap niya.

"P-pero, b-bakit m-mo ako p-papatayin?" nauutal na tanong ni Xavier.

“Gusto mo talaga malaman, bata?” paninigurado nito. 

Kinakabahan namang tumango si Xavier. "Dahil naging Mafia ka, at hindi ko gusto 'yon. Lalo na't nalaman nila na Mafia ka at nanalo ang mga Citizens," paliwanag ng taong hindi niya matukoy ang kasarian. 

"What!? It's just a game!" Napahinto ito sa malakas na pagsigaw niya nang may biglang sumagi sa isip nito. 

"P-paano mo n-nalaman ang t-tungkol do'n? At s-saka sino ka ba?" Sinubukan nitong lakasan ang loob sa pagtanong.

"That's not the issue here, pero mukhang curious ka, sige sasabihin ko na," nakangising saad nito. 

“Well, sa isang nagbago ng game hindi siya simple sa ’kin lalo na kung matatalo ang pinakagusto ‘kong role sa game na ‘yon,” sambit nito habang may iniikot sa kanyang daliri. 

“Which is being a Mafia, because I owned that role,” mariing dagdag niya at malaking ngumisi sa batang kaharap niya. 

Saka nito inilabas ang isang baril at agad na itinutok sa walang laban na Freshman student na si Xavier na hindi mawari ang kanyang gagawin. 

"Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako dahil hindi naman 'yon ang mahalaga sa gabing ito," ani nito at nag-umpisa ng maglakad papalapit kay Xavier.

"W-wag kang lalapit, s-sasaksakin k-kita!" tugon ni Xavier at nanginginig ang mga kamay niyang tinapat ang cutter. 

"Unahan mo na ako, dahil magsisisi ka kapag ako ang nakauna sa 'yo," mariing sambit ng taong kaharap niya.

Nang tuluyan nang nakalapit ang taong kausap niya, agad niyang kinuha ang cutter sa kamay ni Xavier at malakas itong sinipa sa mukha na ikinatumba nito. 

"Alam ko ang game, dahil naroon ako. Hindi pwedeng hindi ko 'yon alam, at ang ayaw ko sa lahat ay natatalo ang Mafia," ani nito.

"Ako lang dapat ang magiging Mafia!" dagdag pa nito. 

Hindi naman mawari ang nararamdaman ni Xavier sa mga oras na iyon. Nanatili lang itong nakaupo sa lupang binagsakan nya dahil sa malakas na pagkasipa ng kausap niya. 

Nakita niya ang pagtutok ng baril sa kanya. Tanging mariing pagpikit na lang ang ginawa nito at nagdarasal na may himalang mangyari. Ngunit ikinatumba niya agad ang pagtama ng bala ng baril sa ulo niya. 

"Tatapusin ko lahat ang ginawa nilang umpisa sa akin,” panunumpa nito.

Nilisan lang naman nito ang nakahigang katawan ni Xavier na nalulunod na sa kanyang sariling kulay pulang dugo na galing sa kanyang ulo at prente lamang naglakad paalis.

“Crimson is your new agony…” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status