Share

+ IKAUNA +

¶ The Mafia and Citizens ¶

I. IKAUNA

Valerie Reyes PoV

Naghahanda ako ng sarili ko dahil papasok na ako sa school. Maaga ang pasok ko dahil nasa last year na ako ng senior high school. 

Napatigil ako sa pagbubutones ng uniporme ko nang marinig ko ang vibration ng phone ko sa mesa. Kinuha ko naman ito at hindi na ako nagtataka na ang kaibigan ko ang natawag sa akin na si Josie. 

"Nasaan ka na? Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo," ani ni Josie sa kabilang linya. 

"Ito na, malapit na. Hintayin mo na lang ako diyan," tugon ko sa kaniya. Ako naman na ang kusang bumaba ng linya. 

Ibinalik ko naman ang phone ko saka ko ipinagpatuloy ang pagbubutones. Pagkatapos ay kinuha ko naman na ang bag at payong ko sa may higaan saka ako lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman si Mama na katatapos lang ihanda ang baunan ko na may lamang pagkain.

Lagi niya akong binabaunan ng pagkain kapag napasok ako. Madalas kasi hindi ko na sila masabayan sa pagkain tuwing almusal at tanghalian. Gabi na rin kasi nakakauwi si Papa galing sa trabaho niya bilang security guard.  

"Salamat dito, Ma. Alis na po ako, naghihintay na si Josie sa akin sa may tapat ng bahay natin," sambit ko kay Mama. 

Lumapit naman sa akin si Mama saka niya inayos ang kwelyo ng uniporme ko. Hindi ko napansin na naipit pala ang kwelyo ko sa may bag na dala ko. 

"Bakit laging sa may tapat ng bahay natin naghihintay 'yang kaibigan mo na si Josie? Bakit hindi na lang siya pumasok dito sa loob?" tanong ni Mama. 

"Hindi ko alam sa utak do'n, Ma. Alam mo naman ‘yon, napakatahimik,” tugon ko kay Mama. 

Napatango na lang si Mama sa sinagot ko. "O siya sige, pumasok na kayo. Mag-iingat kayo ha," nakangiting ani ni Mama. 

Tumango naman ako saka ako nakangiting nagpaalam kay Mama. Naabutan ko nga doon si Josie na nakasuot ng earphone niya at prenteng nakaupo lang sa may hagdan namin at napapasayaw rin ang ulo nito. 

Mukhang maganda ang pinakikinggan niya ah? 

Nakatalikod ito na pwesto sa labasan ng pintuan namin. Tinuhod ko naman ang likuran niya para malaman niya na nandito na ako. 

"Aray naman!" komento niya sa ginawa kong pagtuhod.

“Tagal mo kasi makiramdam,” natatawang saad ko. 

Nauna naman na ako maglakad sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Josie sa paglalakad. Kinuha ko naman ang dala kong payong sa bag saka ito binuksan.

"Mukhang may napili na akong kanta para sa magiging performance natin." Napataas naman ang kilay ko roon. 

"Ayan na ba 'yon?" Tumango naman siya bilang sagot saka niya pinarinig sa akin ang kanta. 

Napasayaw na rin ang ulo ko gaya kay Josie kanina. Maganda nga ang kanta, at saktong-sakto sa performance na dapat naming gawin. Sasayaw kasi kami ng Hiphop, at by group ang grade no’n. Kaya balak kong maghanap ng members mamaya.

"Sino kaya willing sumali sa grupo natin?” Paunti-unti namang umiindak ang aking ulo. 

Nagkibit-balikat lang naman ito. “Let’s see it later.” 

Nagpatuloy lang naman kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami sa tinitirhan naming subdivision. Agad naman kaming sumakay sa linya ng tricycle na nakaabang papunta sa school na pinapasukan namin. Naghintay pa kami ng ibang estudyante para tuluyan nang lumarga ito.

Nang tuluyan nang lumarga ito, nag-isip lang naman ako ng mga pwede naming kuhain mamaya para maging kagrupo namin. Sa loob kasi ng lima o anim na taon, kaming dalawa lang talaga ni Josie ang magkaibigan. Kaya ang iniisip ko ay baka wala akong makuha na mga members. Nakikipag-usap naman ako sa iba, ito lang talagang si Josie ang hindi palakaibigan, mukha niya pa lang kasi ay nananakot na. 

Nagtataka rin ako bakit ayaw niya nang laruin ang game na nalaman naming dalawa. No'ng tinanong ko siya dati, wala naman siyang maisagot na rason. Basta raw huwag na naming subukan na laruin ulit. 

Pero base sa nararamdaman ko, ang totoong rason kung bakit ayaw niya na muling laruin ang game dahil namatay si Xavier dahil dito. 

Nagulat kaming lahat na magka-kaklase sa sinapit ni Xavier. Nabalitaan namin na nabaril ito sa mismong ulo, at ang mga pulis ay walang makita na kahit anong ebidensya. Hindi rin nila matukoy kung ano ang motibo kung bakit binaril itong si Xavier. Hindi naman daw pwedeng na-holdap ito dahil wala namang nakuha na kahit ano sa gamit ni Xavier. Pero, ang iniisip ko na kaya binaril si Xavier ay dahil wala nga siyang naibigay na kahit ano sa holdaper.

Nung maka-isang buwan ng patay si Xavier saka ko napagdesisyunan na laruin ulit ang game na 'yon pero hindi na namin isinali si Josie. Palihim kaming naglaro no’ng araw na ‘yon. Yung mga dating players pa rin ang kasali sa game, may dalawang nadagdag dahil transferee ito at ang isa naman ay galing sa ibang section. 

Ang galing nga ng estudyanteng galing sa ibang section dahil pangalawang accusation pa lang ay nahulaan niya agad ang Mafia which is ang kaklase naming babae na si Iris.

Pero, laking gulat namin nang may mabalitaan na naman kami kinabukasan pagkapasok namin sa school. 

Patay na raw si Iris, 

At hiwa ang leeg nito. 

Pinauwi rin kami ng maaga ng principal dahil nga dalawang estudyante na ang namatay na nag-aaral sa school namin at kaklase pa namin ang mga ito. 

Nagulat nga ako nang bigla akong sigawan ni Josie no’n, at unang beses ko lang siyang nakitang galit na galit kaya natakot ako sa kanya no’ng mga oras na ‘yon. Tinanong niya sa akin kung nilaro ba namin ulit ang game, wala akong magawa kundi ang umamin.

Binalaan niya ako na huwag na muling laruin ‘yon. Napagdesisyunan niya kasing hindi na kami muling magiging magkaibigan pa sa muling pagsuway ko sa kanya. 

No’ng  araw na hindi na kami muling naglaro. Nagulat kami kinabukasan dahil may nabalitaan na namatay ang dalawa naming kaklase kahit na hindi na namin nilaro ang game. Bawat araw, may namamatay at dala-dalawa na ito.

Napagtanto ko na ang mga namamatay ay ang mga kabilang sa game, natigil lang ito nang mawala na sila. Pero, labis akong nagtataka bakit hindi kami namatay? Isa naman kami ni Josie sa mga naglaro o nagpasimuno ng laro. Kaya imposibleng dahil ‘yon sa ginawa naming game kaya namatay ang mga kaklase namin.

"Hoy, Valerie!" Napabalik naman ako sa huwisyo nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Josie. 

"Nandito na tayo, bumaba ka na diyan," saad niya.

Isinukbit ko naman muli ang bag na dala ko saka ako bumaba na sa tricycle. Naglakad naman na kaming dalawa ni Josie papasok sa school. 

Nakarating na kami sa loob ng room at dumiretso na kami sa kanya-kanya naming upuan. May seating arrangement na ngayon, hindi ko alam kung bakit nagkaroon na ng ganito sa school. Since Reyes ako nasa bandang likod ako at si Josie naman ay medyo nauna sa akin since Ocampo siya. 

Pagkalapag ko ng bag ko naisipan ko na agad na mag-recruit ng mga members. Nilapitan ko naman agad ang dalawa kong kaklase na bagong dating. Agad ko naman silang hinarangan. 

"May kagrupo na kayo sa pinapagawa sa ’ting performance?" masayang tanong ko. 

"Actually, wala pa nga eh," sagot ng lalake. 

"Talaga?! Dito na lang kayo sa amin nila Josie!" excited kong tugon.

"Sure!" sagot naman ng lalake. 

"Ayun sige! Anong names niyo?” Inilabas ko naman ang phone ko at dumiretso ako sa notes ko sa phone para doon na lang ilista ang mga pangalan nila. 

"I'm Levi Salazar," sagot ng lalaking may magagandang ngiti. 

"Okay. Ikaw naman?" tanong ko sa kasama nito na tahimik lang.

Hindi niya naman ako inimik at nagpatuloy lang ito maglakad sa pwesto niya. Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko sa kanya dahil sa ipinakita niyang attitude sa harap ko. 

Feeling cool, pwe!

"Pasensya ka na doon sa kaibigan ko ha?" Napalingon naman ako sa kaniya na nasa harapan ko.

"Gano'n ba talaga ang ugali no’n?" pagsisigurado ko.

"Ah, oo eh. Pagpasensyahan mo na. Ali Rivera pala ang name ng kaibigan ko," tugon niya.

"Okay, salamat sa pagsali sa amin ha. Kuhain ko na lang ang number mo kung pwede para mainform ko kayo sa practices or meetings for the performance," saad ko kay Levi.

Dinikta niya naman ang number niya, "Nasa kalagitnaan na tayo ng pasukan hindi mo pa rin kami kilalang mga classmates mo?" nagtatakang sambit ni Levi. 

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Oo eh,” simpleng tugon ko. 

"I see. But, I knew you. Kayo ng kaibigan mong si Josie,”  sagot nito na hindi ko na  ikinabigla.

“Hindi na rin ako magtataka, lagi ba naman kami natatawag ng mga teachers,” nakangising tugon ko kay Levi. 

"Kaya nga nagulat ako nang lumapit ka sa amin at ayain kaming dalawa ng kaibigan ko na maging kagrupo niyo,” nakangising saad nito.

"Baliw,” natatawang tugon ko. 

Sakto rin na dumating na ang adviser namin kaya wala kaming magawa kundi bumalik sa sari-sarili naming upuan. 

Wala naman ibang ginawang kakaiba, kundi discussion lang. Sa mga susunod na subjects pa naman ang ibang activities na sinabi kong gagawin namin. 

Nauna namang bumaba si Josie sa canteen para bumili ng makakain namin at para makakuha rin agad ng upuan. Nagpahuli ako dahil magre-recruit pa ako ng ibang mga members para sa grupo. Masaya naman ako dahil nakahanap ako. Lumabas naman na ako sa room para dumiretso sa canteen para kumain.

Isang babae na lang ang kulang.

Nakarating naman na ako sa canteen at naabutan ko nga doon si Josie na kumakain na. 

"Ano, okay na ba ang members?" tanong ni Josie. 

"Oo, okay na. Isa na lang ang kulang," nakangiting sagot ko. 

Tinaasan niya naman ako ng kilay at saka kinuha ang hawak kong phone kung saan naroon ang mga names ng members.

"Okay na ‘yan," aniya nang makita ang members.

Napaisip naman ako. Saka ako sumang-ayon na ayos na nga ang dami ng members.

Limang babae,

Lima ring lalake,

Sakto na nga.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang may biglang lumapit sa mesa namin ni Josie.

"Uhm, hello..." bati ng isang babae. 

Mukhang mahiyain siya. "Hi?" bati ko pabalik. 

"C-classmate niyo ako, pwede pa ba akong sumali sa grupo niyo? W-wala pa kasi akong ka-grupo eh." Sasagot na sana ako nang inunahan ako ni Josie ng sagot. 

"Hindi na pwede. Sakto na kami, sa iba na lang. Mukha namang mayroon pa ang mga kaklase natin na pwede pang salihan,” naiiritang saad nI Josie. 

Sinipa ko naman ang paa ni Josie sa ilalim ng mesa. Taka naman siyang tumingin sa akin, tumingin lang naman ako sa babae na nasa harapan namin ngayon. 

"Huwag ka diyan makinig sa kasama ko. Oo naman, pwedeng-pwede ka sumali," nakangiting tugon ko. 

Napapalakpak naman ito sa tuwa, "Talaga?! Salamat! Salamat ng marami!" nakangiting tugon niya. 

“Kunin ko lang 'yong name at number mo," nakangiting saad ko.

“Ako si Morgan Torres," sagot niya at saka niya binigay ang number niya.

Tumango naman ako saka ko inilagay sa notes ang pangalan niya. 

"Maraming salamat talaga!" masayang saad ni Morgan. 

Nakita ko naman sa peripheral view ko ang masamang titig ni Josie kay Morgan. 

"Sige, mauuna na ako. Bye!" paalam niya at tuluyan nang umalis. 

Nagpatuloy naman na kami sa pagkain at hindi muna pinansin ang bawat isa. Bumalik na kami sa room after ng breaktime namin. Saka kami nagtungo sa gagawin naming activity. By individual ‘yon, at kami na namang dalawa ni Josie ang nakakuha ng mataas na scores. 

Uwian na namin at naglakad na kami palabas sa may school at agad na ring sumakay sa nakalinyang tricycle sa may tapat ng school.

Mabilis naman kaming nakarating sa mismong subdivision namin at naglakad na muli papasok sa loob. Nagtataka naman ako kung bakit tahimik si Josie. 

Well, normal naman ito. Pero ngayon parang ang lalim nang iniisip. 

"Huy! Ba't ang tahimik mo naman?" Hinabol ko pa siya dahil nauuna siyang maglakad. 

"Nag-iisip lang ako ng steps para sa performance," simpleng sagot niya. 

Hindi naman ako nakumbinsi o naniwala sa sinagot niya. "Sus, hindi ka naman gan'yan mag-isip," pangungulit ko. 

Hindi naman siya nagsalita. Mukhang nag-iisip nga talaga ng steps? 

"Uhm, Josie." Taka naman siyang tumingin sa akin. 

“Bakit?" takang tanong niya. 

"Yung Morgan." Napataas naman ang kilay niya nang marinig niya ang pangalan ni Morgan. 

"Oh bakit? Anong meron sa kanya?" tanong niya saka siya nagpatuloy sa paglalakad. 

"Sa tingin ko siya 'yong galing sa ibang section no’ng Freshman tayo. Nakasali na rin siya sa game at siya ‘yong sinasabi kong mabilis nakahula ng Mafia," pagkwento ko.

“Halos lahat ng kaklase natin na kasama sa game ay namatay, maliban sa atin at sa babaeng ‘yon na si Morgan,” dagdag ko pa. 

Nagulat naman ako sa biglang pagtigil ni Josie sa paglalakad. "Oh, bakit napatigil ka?" taka kong tanong. 

"Let's play the game again." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status