Magpapaliwanag sana si Nicholas para maiwasan niya ang pagdududa pero bago pa man siya makapagsalita, isang batang babae na nakasuot din ng bestidang katulad ng kay Cinderella ang lumapit sa kanila. She was holding a probing cane and her eyes seemed to not be directly looking at the model.
“Tita Laverna,” tawag nito sa dalaga na siya namang naging dahilan para ngumiti ito.
“Yes, baby? Tapos ka na bang kumain?” tanong naman ni Laverna pagkatapos niyang pisilin ang pisngi nito.
Tumango naman si Anna nang may ngiti sa kaniyang mga labi. Nabulag man siya sa murang edad pero noong nakilala niya si Laverna, hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan para malugmok siya sa lungkot.
“Nga pala, tita, nasaan si Tito Julius? Sabi mo isasama mo siya sa pagbisita,” dagdag ng batang babae.
Nawala ang ngiti ni Laverna nang ilang segundo pero sa isang iglap, lumiwanag ulit ang ekspresyon nito.
“Iku-kuwento ko sa ‘yo mamaya.” Hinawakan ng dalaga ang kamay ng batang babae pero bago sila umalis sa harapan ni Nicholas, isang makahulugang tingin ang binato niya sa kaniyang bodyguard.
Nakahinga naman nang maluwag si Nicholas dahil akala niya ay mabubuko na agad siya. Nang kalaunan ay naramdaman niyang nagva-vibrate ang cellphone niya sa bulsa. Agad siyang nagtungo sa may CR at tiningnan na si Victor ang tumatawag. Agad niya itong sinagot.
“Make it quick,” utos niya.
“Boss, halos mamatay na ang Erik na ‘yon pero konting impormasyon lang ang nakuha namin. Una, matagal nang nagdo-donate si Laverna sa mga iba-ibang orphanage at walang halong ibang motibo ang pagtulong niya. Kaya sa tingin ko, she is just a dedicated person wanting to help the poor or it could just be a facade.”
“That’s it?” Bakas sa tono ng boses ni Nicholas ang pinaghalong inis at galit dahil alam na niya ang detalyeng iyon.
“Chill ka lang, boss. Hindi ko alam kung mapapakinabangan natin ‘to pero malapit si Laverna sa isang bata sa Ester Orphanage. Anna Castillo ang pangalan at ayon kay Erik, binabalak ni Laverna na ampunin ito.”
“Hayaan niyo munang mabuhay ‘yang Erik na ‘yan. He will still be useful later.”
“Yes, Boss. Pero sa iisang bahay ba kayo nakatira ni Laverna? Baka naman gusto mong ibigay ang address-”
Bago pa man matapos ni Victor ang sinasabi niya, binabaan na siya ng boss niya. Alam ni Nicholas kung gaano hinahangaan ni Victor si Laverna bilang isang modelo kaya isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang ibigay sa kaniya ang misyon na maging bodyguard. Baka kasi mamaya, makalimutan na niya ang mga dapat niyang gawin tapos papalpak pa.
Pagkatapos ang tawag na iyon, agad bumalik sa kaniyang pwesto si Nicholas. Hinanap ng kaniyang mga mata ang kinaroroonan ng amo niya at nakita niya itong nakahiga sa sahig kasama ang ibang mga bata na nakahiga rin sa kaniyang tabi habang nagbabasa siya ng isang libro. Samantalang si Anna naman ay ginawang unan ang tiyan ng dalaga. Sa mga nakikita ni Nicholas, gusto niyang paniwalaan na ang Lavernang nakikita niya ngayon ay ang totoong ugali niya dahil kung gano’n, maaari niyang gamitin ang buong orphanage para makapaghiganti. Unti-unti niyang wawasakin ang mga bagay na pinapahalagahan ng dalaga para maranasan nito kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minamahal. At kapag nagawa niya ‘yon, saka niya ito babawian ng buhay.
That would be the perfect revenge for Nicholas but for now, he will let her live in luxury as how she had lived ever since. This is to make her believe that no danger was simply lurking around her.
Noong malapit nang dumilim, nagpaalam na ang dalawa sa mga bata at mga tagapamahala ng orphanage bago umalis. Hinintay muna ni Laverna na makapasok si Nicholas sa kotse at makapuwesto sa driver’s seat bago niya ito nilapitan. Kita niya ang pagtataka sa mukha ng binata pero hindi niya ito pinansin at nilapitan niya lang ito habang nakabukas ang pinto.
“Bakit-”
Laverna immediately adjusted the driver’s seat into its flat position and pushed Nicholas down before getting on top of him with her legs on both of his sides. He cursed under his breath because of the sudden attack.
Matalim ang tingin ng dalaga sa kaniya bago niya ito kinuwelyuhan.
“Don’t you ever talk down on me like that again,” she said with her usual authoritative tone of voice. “Got that?”
Tumango na lang si Nicholas. Akala niya kasi ay nakalimot na ang dalaga sa nangyari pero hindi pala. Pero kahit gan’on, nagawa niya pa ring makahinga nang maluwag dahil walang bakas sa mga mata nito na pinagdududahan siya. Makalipas ang ilang segundo, hindi pa rin umaalis si Laverna sa kaniyang kinaroroonan. Looking at her, Nicholas realized that she was looking at his lips and even gulped.
Maya-maya pa ay muling binalik ni Laverna ang tingin niya sa mga mapanlokong mata ng kaniyang bodyguard na nakangisi na pala. Walang alinlangan niyang hinampas ang dibdib nito saka umirap bago umalis sa ibabaw niya.
“Dukutin ko mga mata mo eh,” bulong ng dalaga bago inayos ang pagkakaupo sa passenger’s seat.
Umiling na lang si Nicholas at inayos ang kaniyang upuan bago sila tuluyang umalis pabalik sa bahay ng dalaga. Tahimik lang ang dalawa sa biyahe hanggang sa mapansin ng binata na nakatulog na pala si Laverna. Gigisingin na sana niya ito nang biglang sumagi sa isipan niya ang nabanggit ni Clarrisse sa kaniya tungkol sa pag-inom ng modelo ng sleeping pills. Dahil dito, binuhat na lang niya si Laverna at dinala siya sa kaniyang kwarto. Pagkatapos niyang tanggalin ang heels nito saka kumutan, hindi niya mapigilan ang sarili na tumingin sa kwarto ng dalaga.
Noong una, ang akala niya ay puno ng armas o ‘di kaya’y mga mahahalagang dokumento ang loob ng kwarto ng dalaga pero nagkamali ito. Parang silid lang ito ng isang ordinaryong babae. Paglingon niya sa may tabi ng kama, naglakad siya papalapit sa mga litratong nakapaskil sa dingding. They were photos arranged chronologically and from the looks of it, it seemed like the memories of Laverna when she started going to the Ester Orphanage. At sa bawat larawan kung nasaan siya ay kasa-kasama niya si Anna at ang dati nitong bodyguard, si Julius.
Aalis na sana siya bago magising ang amo pero napatigil ito nang makita ang pinakahuling litrato. Tanging si Julius at si Laverna lang ang naroroon. Nakayakap si Julius sa modelo na abot langit ang ngiti samantalang si Laverna naman ay nakapikit at nakahalik sa pisngi nito habang pinapakita sa kamara ang kaliwang kamay nito. And on her ring finger… It was a silver ring with several small pieces of diamonds on it.
“Lance Martinez. Who told you to enter my room?”
Tila binuhusan si Nicholas ng napakalamig na tubig nang marinig ang boses ni Laverna mula sa kaniyang likuran.
“Get. The. Fuck. Out.”
“Ma’am, sorry po. Ayaw ko lang po kasi kayong gising dahil mukhang pagod kayo-”
Halos matumba si Nicholas nang matanggap niya ang malakas na suntok mula sa dalaga. Licking the side of his lips, he tasted the metallic taste of his own blood. Gustuhin man niyang lumaban pero mas lalo lang niyang bibigyan ng rason si Laverna para tanggalin siya sa kaniyang posisyon. Kaya naman hinayaan niya itong magalit sa kaniya.
“Did I ever give you permission to get inside my room?” tila kalmadong tanong ni Laverna.
Umiling ang binata. “Hindi po, ma’am.”
Nagkalat sa sahig ang ilang mga dokumento nang mabangga ni Nicholas ang mesa pagkatapos siyang sipain sa tiyan. It may be damaging to his very ego but he cannot deny the fact that the woman’s attack was painful to bear. Before he could try to stand, Laverna gave him no chance and continued kicking him right on the gut. Hindi pa nakuntento ang dalaga kaya naman ilang suntok na naman ang pinadapo niya sa mukha niya hanggang sa nakita niyang dumugo ang bibig nito.
Laverna stood with her anger slowly fading but that did not mean that she was going to forgive him. Looking down on him, she commanded, “Get your ass out of my house.”
Nicholas could barely stand but he still followed her demand. Turning his back on her, he could only grit his teeth as his patience was so close to snapping. However, when he was reminded of how his sister was burned to death alive, he managed to get ahold of himself. Pagkatapak niya sa labas ng bahay, agad sinara ni Laverna ang pinto at ni-lock ito.
Habang pataas siya sa hagdan, bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagsigaw ni Nicholas.
“Ma’am, huwag niyo po akong tanggalan ng trabaho! Parang awa niyo na po!” pagmamakaawa ng binata pero hindi siya pinansin ni Laverna.
Pumasok na lamang ito sa kaniyang kwarto at naglakad patungo sa mga nakapaskil na litrato. In her eyes, the picture of her and her fiance reflected on them as they grew teary. She bit her lower lip as she once again felt that wrenching pain in her heart.
“I missed you so much, baby,” bulong niya habang hawak-hawak ang litrato ni Julius.
Tumulo na naman ang mga luha niya kahit nangako siya sa sarili na hindi na siya iiyak dahil iyon ang mga huling sinabi sa kaniya ni Julius. Pero kahit anong pigil niya sa sarili, hindi niya mapigilang umiyak. Julius was her everything. He was the one who loved her more than anyone else. He was the one who showed her that she was a valuable woman and someone who deserved to be loved. And just before they were about to get married in secret, she lost him. That was the most painful thing for her. They were almost close to their happy ending but it was just… almost.
Laverna shook her head and simply went to the shower to wash up. Tulad nga ang lagi niyang sinasabi sa sarili, ang pag-iyak at pagiging malungkot, dapat hindi pinapatagal dahil nagpapakita lang iyon ng kahinaan. At para maipaghiganti niya si Julius, dapat siyang manatiling malakas.
Pagkalabas niya sa bathroom, tumingin siya sa may bintana at nakita si Nicholas na hindi pa rin umaalis.
“Bahala ka sa buhay mo,” bulong niya sa sarili.
“I am Liraz Constantine, the wife of no other than the head of the Magnus mafia group. I am more than sure that by the time someone watches this, I am already dead.”Panandaliang natulala si Nicholas ngunit nang marinig niya ang tawa ni Laverna, agad siyang bumalik sa katinuan.“She truly knows her fate. Good for her,” komento ng dalaga.“What’s the meaning of this?” nagtitimping tanong ng mafia boss habang nakatingin nang masama sa kaniya.“Oh, come on. Huwag kang magalit agad. Hindi mo pa nga natatapos panoorin ‘yan eh.”She even cupped his cheek, but Nicholas immediately slapped it away as his piercing glare met her gentle yet mocking gaze.“So this is your goal after all this time?” “You guessed it right. What are you going to do about it?” Ngumisi si Laverna. “Papatayin mo rin ba ako katulad ng pagpatay mo sa babaeng kasa-kasama mo sa loob ng ilang taon?”Hindi sumagot si Nicholas ngunit agad niyang hinugot ang kaniyang baril saka tinutukan sa mukha si Laverna. She, however, nev
Without sparing a glance at the lifeless body of his wife, Nicholas knelt on one knee in front of Laverna as he handed back the gun to her. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ng dalaga bago niya kinuha ang baril mula sa kaniya. After securing it back on her leg, she outstretched her hand towards him as if expecting him to do something.Hindi naman nag-atubiling halikan ni Nicholas ang likod ng kamay ni Laverna bilang mensahe na handa siyang gawin ang kahit ano basta muli silang magsama. After he did the gesture, Laverna grabbed his chin and made him look up to her.She must admit that she loved the desperation in his eyes and one thing only came into mind—use it to her advantage. Hindi siya sigurado kung totoo ba ang nakikita niya ngunit wala na siyang pakialam. Mamatay man siyang nakapaghiganti o hindi, sisiguraduhin pa rin niyang hinding-hindi makukuha ni Nicholas ang inaasam-asam niyang kapangyarihan. “What took you so long to want me this much?” tanong niya na tila ba matagal na niy
“What’s the matter?” an Agate member questioned upon seeing the intense expression of their boss.“Focus on the auction. Make sure that you get the item no matter what. I will be back in a while,” sagot ni Nicholas bago umalis sa silid na iyon.Pagkalabas niya sa headquarters ng Agate, muli siyang nakatanggap ng mensahe na mas lalong nagpa-inis sa kaniya. Agad siyang pumasok sa kotse niya at pinaharurot iyon paalis patungo sa direksyon kung nasaan ang dating mansyon ng mga Quevedo.On his way there, he dialed the number of his right-hand man. In just a matter of seconds, his call was answered.“Surround the Quevedo mansion, but keep it low. Laverna is being held captive in that place,” he instructed. “I will be there in a few minutes.”“I get it that you want her back, but don’t you think it is a bit suspicious that she is there right now with the auction still going? What if she is there to trap you?” Victor questioned.“Just gather the others and do what you are told!” galit na sago
Habang nag-uusap si Liraz at ng boss niya, binisita naman ni Laverna si Lily sa kwarto nito. Hindi na niya hawak-hawak ang espadang ginamit niya sa pagbugbog kay Liraz. Nagkatinginan ang dalawa. Katulad noong mga nakalipas na araw, tahimik lang si Lily ngunit nang magsara ang pinto ay agad siyang napabangon.“How’s Liraz faring?” tanong nito.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umimik siya mula noong nakulong siya sa white room kaya naman nabigla si Laverna. Hindi niya inaasahang tila walang epekto kay Lily ang tinatawag nilang “white room torture.” Gayunpaman, hindi masyadong halata ang pagbabago sa ekspresyon niya. Naupo siya sa nag-iisang puting lamesa habang kaharap si Lily.“You must have enjoyed beating her up after going through hell because of her and her husband,” dagdag niya habang nakangisi. “Anyway, there is one thing I am curious about.”Tumayo si Lily saka dahan-dahang nilapitan si Laverna.“Now that my ex-husband is gone and the man closest to him is my son, are you
Attached with the message sent to all bidders was the image of Laverna with her middle finger raised while holding the printout of her bounty. Right to next to her was Joseph, a declaration that the founder of Black Stallion truly had Laverna under his wing as of the moment.Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Julian habang nakatingin sa mensaheng natanggap niya. Hindi naman kasi niya inakalang pati si Laverna ay ibebenta ng Black Stallion. All this time, he had been thinking that they were going to use her as one of those people who would take guard at the final item for the auction. Mas natatawa pa siya sa kadahilanang alam niyang maiinis at ikagagalit ito ni Nicholas.“Things involving this Laverna woman really do spice things up,” komento ng consigliere habang kaharap ang bagong pinuno ng Luciano na hinahasa niya upang maging kasing-galing o mas gumaling pa kaysa kay Caesar.“Should we go to the auction hotel ourselves?” tanong ng bagong pinuno na siyang nakapagpabago agad sa
Napahawak nang mahigpit si Laverna sa baso ng kaniyang kape habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Liraz. Ngunit sa sumunod na limang minuto, purong katahimikan lang ang nanggaling kay Liraz.Nakatalikod ito sa CCTV habang nakasandal sa puting dingding. Napabuntong hininga na lamang si Laverna, senyales ng kawalan ng kaniyang pag-asa na malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Anna. Gayunpaman, hindi niya inaalis ang tingin kay Liraz.Bigla naman itong lumingon sa CCTV habang nakangiti. Her smile was wide as if the edges of her lips could reach her ears. Her eyes widened with thrill and excitement, making it seem like she was about to drop the most pleasant news.“I killed her!” sigaw niya bago humagalpak sa tawa. “Alam mo kung bakit?”Liraz glued her sight on the CCTV as if she knew that Laverna was watching her. The grin on her lips never left as another word left her mouth.“Because you and Nicholas treasure her so much. She is the only hope that my husband is h