แชร์

CHAPTER 1

ผู้เขียน: Magic Heart
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-10-14 13:01:41

Sa Tagkawayan Quezon ay nakatira ng tahimik ang mga Fabian. Mayroon silang limang anak. Ngunit ang pangalawa nilang si Jade ang bukod tangi sa lahat. Kakaiba kasi ang itsura ng dalaga sa mga kapatid niya. Maputi, tuwid ang buhok at matangkad siya. Hindi katulad ng mga magulang nila na kapwa kayumanggi, maliit at kulot ng kaunti ang buhok. Ang mga kapatid niya ay hawig lahat sa mga magulang nila . 

Tampulan ng tukso ang dalaga. Madalas ay sinasabi ng mga kapitbahay nila na ampon lang siya ngunit pinabulaanan iyon ng kaniyang mga magulang. Ang paliwanag ng mga ito ay nagmana ang dalaga sa mga lolo at lola niya. Dahil sa pagmamahal ng mag-asawa at ng mga kapatid kaya hindi na ni Jade pinapansin ang mga bulong-bulungan sa paligid. 

Isang araw ay nakaabang na agad ang dalaga sa may gate na kahoy ng bahay nila. Ayaw kasi niyang umalis ang ama at ang lalaking kapatid na hindi siya kasama. 

"Tara na sa niyogan, magkokopra na tayo!" malakas na sigaw ni Samuel, ang panganay sa magkakapatid. Tinutukso niya si Jade dahil hindi pinapayagan ang huli na sumama sa niyogan. 

"Kuya, sama ako. Gusto ko talagang tumulong sa pagkokopra," ungot ni Jade sa kapatid niya. 

"Tulungan mo na lang si Nanay. May pasok pa mga kapatid natin kaya wala siyang makakasama rito sa bahay," sagot ng kuya ng dalaga. 

Nakangusong humarap si Jade sa mga magulang niya. Ang tatay niya ay nakasuot na ng bota at nakatali na rin ang itak sa bewang. Sa balikat nito ay nakapatong ang mahabang kawayan na sa duko ay may matalas na bagay. Ang tawag doon ay kawit. Ginagamit iyon para maabot at makuha ang mga bunga ng niyog kahit mataas ang puno nito. 

"Lagi na lang akong naiiwan dito sa bahay," nagtatampong sabi ng dalaga. 

Ginulo ni Mang Liloy ang magandang buhok ng kaniyang dalaga. Nakangiti namang umakbay si Aling Tipen sa anak na sambakol ang mukha. 

"Baka mangitim ka kapag pumunta ka sa niyogan. Dito ka na lang sa bahay," wika ng mabait na ginang.

"Sige, hindi ako sasama ngayon pero kapag paghihiwalayin na ang niyog sa bao, tutulong ako. Ayoko talagang naiiwan dito sa bahay. Mabubulok ako rito," sabi ng dalaga. 

"Oo na. Papayag na po," pang-aasar ng kuya niya. 

Walang nagawa si Jade kun'di ang sumunod sa kagustuhan ng pamilya na maiwan siya ng araw na iyon. Pinalaki kasi siya ng mga magulang na masunurin na anak. Masaya niyang hinalikan ang ama sa pisngi at saka kunwaring inirapan ang kuya niya pero yumakap naman siya rito bago tumuloy ang mag-ama sa lakad nila. 

"Huwag kang mag-alala, ate, para sa mga pangit lang kasi ang pagkokopra," bulong ng bunso nilang kapatid kay Jade. Pitong taong gulang lamang ito. 

Napahalakhak ang dalaga at saka pinupog ng halik ang pilyong bata. Palagi kasi itong may mga hirit na linya lalo na kapag hindi naibibigay ang gusto. Pagkatapos ay hinawakan ni Jade ang kapatid sa balikat saka itinulak palapit sa bombahan. Nagpupumiglas naman ang batang takot maligo. 

"Fabian ka at hindi galing sa pamilya ng mga kambing kaya maligo ka na makulit na Putotoy," malambing na sabi ni Jade. "Kasing baho mo na ang baboy sa kural."

Walang nagawa ang kapatid ni Jade kun'di sundin ang ate n'ya. Kahit nilalamig dahil mag-i-ika-anim pa lang ng umaga ay nagsimula na itong magbuhos habang nagbobomba naman ng poso ang dalaga. 

Subalit hindi payag ang pilyong bata na siya lang ang mabasa. Sinabuyan niya ang kaniyang ate at tumawa siya ng malakas. Napatili naman sa gulat ang dalaga lalo at dumampi sa makinis niyang balat ang malamig na hangin na isinayaw ng kaunti ang mga puno sa paligid ng bahay nila. 

"Bilisan n'yo ng magkapatid diyan!" sigaw ng nanay nila mula sa kusina. Naghahanda ito ng pagkain at baon ng mga estudyante.

Iwanan na iyan si Putotoy. Ang tagal kumilos," wika ng sumunod kay Jade.  

Mabilis na inasikaso ng dalaga ang bunsong kapatid. Dahil nanginginig na rin siya sa lamig kaya agad din siyang nagbihis. May susundo na tricycle sa mga kapatid niya kaya dapat bago ito dumating ay nakahanda na ang mga ito. 

Saktong tapos nang ayusin ni Jade ang lahat ng kailangan ng mga kapatid nang dumating ang sundo ng mga ito. Pagkatapos kumain ay agad na sinimulan ni Jade ang gawaing bahay habang ang ina nila ay pumunta sa taniman ng gulay upang magbunot ng mga damo. 

Nang matapos maglinis at maglaba ay naupo ang dalaga sa kanilang balkonahe. Doon niya gustong magpahinga dahil malamig ang simoy ng hangin na tumatagos sa kawayan nitong dingding. Dumating ang kababata niyang galing sa Maynila at natanaw iyon ni Jade. Kumaway siya sa dating kaklase at may inggit sa mga matang gumanti siya ng ngiti rito. 

"Hoy, bruha! Bakit hindi ka umaalis rito? May pinag-aralan ka naman at matalino," wika ni Nicolette. "Tingnan mo nga ako, ang ganda ko na at ang puti pa. Mapera din ang lola mo."

"Mabuti ka pa," naiinggit na wika ni Jade. 

"Babalik ako ulit ng Maynila sa katapusan. Kung gusto mo, sumama ka. Maraming gwapong lalaki roon. Karamihan pa may datung. Buhay na buhay ang pamilya mo kapag nagkataon." 

"Hindi ako papayagan, Nicolette. Sa bayan nga lang ay hindi ako pwedeng magtrabaho, sa Maynila pa kaya."

"Pag-isipan mo, bruha. Matandang dalaga ka na pero nakaburo ka pa rin dito sa bulok n'yong bahay," pagtatapos ni Nicolette. 

Nang makaalis na ang kaibigan ay saktong dumating naman ang ina ng dalaga. Dahil alas-onse na kaya naghanda na ng tanghalian si Jade. Ginamos ang kanilang ulam na mag-ina. Para kay Jade ay iyon na ang pinakamasarap na ulam kaya ganado siyang kumain. 

Bago sumubo muli ay biglang may naalala ang dalaga. Humarap siya sa kan'yang ina at saka nagsalita pagkatapos uminom ng kaunting tubig. 

"Nanay, napanaginipan ko na naman kagabi iyong babaeng madalas kong nakikita sa aking panaginip. Nakangiti siya ulit at inaabot daw ang mga kamay ko."

Biglang nabitawan ni Aling Tipen ang hawak niyang kutsara. Bigla siyang tumayo at lumakad palayo sa mesa kahit hindi pa umiinom. 

"'Nay! Nanay!" tawag ng dalaga sa kaniyang ina. 

"Sandali, may nakalimutan ako sa gulayan. Mamaya tayo mag-usap," sabi ng ginang. 

Nagtataka na naiwan si Jade. Napatingin siya sa plato ng kaniyang ina. Hindi pa man lang nangngalahati ang kanin na sinandok nito. 

Mabilis na kumain ang dalaga at naghugas na rin ng pinggan. Tinakpan niya na lang ang naiwang pagkain ng ina na hindi pa rin bumabalik. 

"Hmmm, bakit kaya ganoon? Palagi ko na lang napapanaginipan ang babaeng iyon. Totoo kaya ang sinabi ni tatay noon na isa lang siyang ligaw na kaluluwa?" tanong ng isip ni Jade. 

Dahil sa isiping iyon ay pumunta ang dalaga sa kaniyang Manang Helen. Wala pa rin ang nanay niya kaya hindi na siya nagpaalam pa. Isinarado niya na lang ang bahay nila at binaybay ang masukal na daan. 

Sa dulo ng talahiban ay makikita ang isang bahay-kubo. Gawa iyon sa maliliit na sanga ng kahoy at sa palapa ng niyog. Maliit lang iyon ngunit sapat para sa dalawang taong nagmamahalan. Agad na bumakas ang saya sa mukha ng mabait na ginang nang ikaway ni Jade ang kaniyang mga kamay. 

"Jade, mabuti at naisipan mong dalawin ang mahirap," bungad ni Manang Helen. 

Palaging ganoon ang bati ng ginang sa dalaga kaya madalas ay hindi sila nagkikibuan ni Aling Tipen. Nagagalit kasi ang ina ni Jade sa mga sinasabi ni Manang Helen kahit na magpinsan ang dalawa.  

Agad nagmano si Jade sa babaeng halos ay nasa singkwenta anyos na. Umupo siya sa lusong kung saan nagbabayo ng palay ang mag-asawa. Si Manag Helen naman ay agad na sinigawan ang kaniyang asawa upang ipagtimpla ng kape ang kanilang bisita. 

"Manang Helen, huwag na po. Katatapos ko pa lang po mananghalian," tanggi ng dalaga. 

"Oh, ay ano ang iyong sadya at napadalaw ka kahit katanghalian na tapat?"

"Hihingi po sana ako ng dasal para sa isang babae na palagi kong napapanaginipan."

"Jade, hindi dasal ang kailangan niya. Ang gusto niya ay umuwi ka na." 

"Ho? Saan po ako uuwi?" 

"Alalahanin mo ang iyong nakaraan. Doon mo lamang matatagpuan ang katahimikan," makahulugang wika ni Manang Helen. 

Buong pagtataka na napatingin si Jade sa mukha ang babaeng kaharap. Gusto niyang mabatid ang ibig sabihin ng pinsan ng kaniyang ina ngunit pinagtabuyan na siya nito pauwi dahil tiyak daw na susugurin na naman ang ginang ni Aling Tipen kapag nalaman nito ang pagpunta roon ni Jade. 

Labag man sa kaniyang loob ay nagpaalam ang dalaga sa mga kamag-anak nila. Sa daan ay namulot na rin siya ng mga panggatong para hindi siya mahirapan magluto lalo at kahoy ang gamit nila sa pagluluto. 

Malayo pa ang dalaga ay tanaw na agad ni Jade na naghihintay ang kaniyang nanay sa may pintuan. Nang nakita siya nito ay pumasok na rin ito sa loob ng bahay. Nang maibaba ang mga kahoy ay nakita ni Jade na nakahiga na ang kaniyang ina kaya hindi na siya nagkwento pa o nagtanong man lang tungkol sa babaeng nasa panaginip niya. 

Hapon, nagdatingan na ang mga kapatid ni Jade. Sakay sila ng kanilang service na tricycle. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang kan'yang ama at kuya. Ipinaghanda sila ni Jade ng pagkain. Ngunit kahit naghaharutan ang magkakapatid ay abala naman ang isip ni Jade sa mga sinabi ni Manang Helen. 

Habang naghahapunan ay biglang nagsalita ang dalaga. Siya man ay hindi niya inaasahan na biglang maitanong sa mga magulang kung ampon lang ba siya. Nagkatinginan ang mag-asawa at tuluyang nawalan ng kibo ang mga ito hanggang sa natapos silang kumain. 

"Ano bang pumasok sa kokote mo at naisip mo ang bagay na iyon?" pabulong na tanong ng kuya ng dalaga. 

"Hindi ko alam. Masaya naman tayo pero may bahagi kasi ng puso ko ang nalulungkot sa tuwing naalala ko ang babae sa panaginip ko," sagot ng dalaga. 

Lingid sa kaalaman ng magkapatid, habang nag-uusap sila sa kusina ay masinsinan ding nag-uusap ang mga magulang nila. Kapwa sila nakadarama ng takot sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw. 

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (10)
goodnovel comment avatar
Rizza Norcio
May lihim ang mga magulang si Jade. Dah hindi sila makakibo kapag na oopen ni jade ang babaeng sa kanyang panaginip.
goodnovel comment avatar
Magic Heart
Completed po.
goodnovel comment avatar
Shirley Marasigan
Plsss continue
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 90: WAKAS

    Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 89

    Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 88

    Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 87

    Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 86

    Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 85

    Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status