Share

Chapter 25

Author: Sky_1431
last update Last Updated: 2025-10-04 03:42:00

Kanina pa gising si Evie. Pero hindi niya alam kung ilang oras ang tinagal ng tulog niya. Sino bang makakatulog nang maayos matapos nilang mag-usap ni Russell kagabi. May pabaon pa itong tanong na kung pwede raw ba siyang ligawan nito.

Hindi siya kaagad nakasagot ng mga oras na iyon. Hindi naman siya pinilit ni Russell at sinabi pang pag-isipan muna.

Hindi naman kailangan pang pag-isipan dahil payag na payag naman ang puso niya. Hindi niya lang kasi alam kung paano sasabihin na pumapayag na siya. Minsan talaga parang hindi niya kakampi ang sarili.

Kaya rin siya hindi makatulog dahil iniisip niya ang magiging tagpo nilang dalawa bukas. Lalo pa at niyaya siya nitong dadalhin sa underwater hideout nito at nang maipakita na rin daw nito sa kanya ang papunta sa evacuation area.

Galing sa pagkakatihaya ay tumagilid siya ng higa at kaagad na bumungad sa kanya ang maamong mukha ni Amora. Naalala niya ang kwento ni Russell tungkol sa nanay ni Amora.

Napapaisip siya na may ganoong klaseng tao p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
swerte ni russell and amora sayo evie... talagang napamahal na sayo c amora...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 174

    Sa infirmary ng Sentinel Core, halos pare-pareho ang rutina araw-araw: gamutan, palit-benda, tahimik na usapan, at mahahabang sandaling nakatitig lang sa kisame na parang doon makikita ang sagot sa lahat ng tanong na ayaw pang bigkasin.Ilang araw na silang naroon.Si Collin ay unti-unti nang nakakalakad nang hindi na kinakailangang sumandal sa pader. Si Sven ay bumalik na ang sigla, kahit may pilay pa rin sa isang paa. Si Theo ay mas madalas nang magsalita, bagama’t paminsan-minsan ay natutulala pa rin. Si Rio naman ay tahimik—hindi na nagrereklamo, hindi na rin nagbibiro gaya ng dati. Para siyang taong natutong mabuhay sa pagitan ng pagkawala at pag-asa. At lagi lang siyang nakatingin kay Gray, na para bang hindi pa rin makapaniwala na ang babaeng minamahal ay buhay na buhay pa rin.Si Alliyah naman ay nanatili sa hiwalay na kwarto.Hindi iyon utos ni Gray, ni ng Sentinel Core. Sarili niya iyong desisyon. Hindi dahil ayaw niyang makihalubilo, kundi dahil kailangan niyang mag-isa—par

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 173

    Tahimik ang infirmary ng Sentinel Core, ngunit hindi ito katahimikang walang laman. Ito ang uri ng katahimikang puno ng paghinga, mahihinang ungol ng sakit, maingat na yabag ng mga doktor at nurse, at ang banayad na tunog ng mga makinang patuloy na nagbabantay sa bawat tibok ng puso ng mga sugatan.Amoy antiseptic ang hangin—malinis, malamig, at may kasamang paalala na ang lugar na ito ay hindi para sa pahinga kundi para sa mga nakaligtas.Nakita ni Gray sina Collin, Sven, at Theo na nakahiga sa magkakahiwalay na kama. May mga benda sa ulo, braso, at tagiliran. Si Sven ay naka-idlip, ang dibdib ay marahang umaangat-bumababa. Si Theo ay gising, tahimik na nakatingin sa kisame, tila binibilang ang bawat ilaw sa itaas. Si Collin naman ay nakaupo sa gilid ng kama, bahagyang nakayuko, hawak ang sariling pulso na may sukat ng benda.Lumapit si Gray.“Mabuti at okay na kayo,” sabi niya, bahagyang nakangiti.“Salamat sa iyo,” sagot ni Collin, pilit na ngumiti rin. “At sa katigasan ng ulo mo.”

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 172

    Tahimik ang umaga sa La Union, ngunit iyon na ang huling katahimikang ibinigay ng lugar sa kanila.Hindi na sila naghintay ng pagsikat ng araw. Ang mga desisyong ginawa sa gitna ng gubat ay sapat na—wala nang kailangang patunayan pa. Ang bawat isa ay kumilos ayon sa napagkasunduan, parang iisang katawan na matagal nang sanay gumalaw nang walang utos.Sama-sama silang umalis.Hindi bilang isang unit na handang lumaban, kundi bilang mga taong may sari-sariling sugat na piniling magpatuloy sa iisang direksiyon.Tahimik ang biyahe palabas ng La Union. Ang sasakyan ay dumaraan sa mga kalsadang minsan nilang ginamit bilang taguan, bilang ruta ng pagtakas, bilang daan papunta sa laban.Si Gray ay nakaupo sa unahan.Hindi siya nakapikit, ngunit malinaw na malayo ang iniisip. Ang palad niyang sugatan ay maayos nang nabalutan, ngunit ang sakit ay nandoon pa rin—hindi na pisikal, kundi alaala ng sandaling pinili niyang ipagtanggol ang isang taong maaaring hindi kailanman lubos na maintindihan ng

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 171

    Tahimik pa rin ang gubat, ngunit nagbago na ang anyo ng katahimikan nito. Hindi na lamang ito naghihintay—tila nakikinig na ito. Ang hangin ay mabagal na gumagalaw sa pagitan ng mga puno, hinahaplos ang mga dahong sugatan ng bakas ng laban, binubuhat ang amoy ng dugo, pawis, at lupa.Para bang kahit ang kalikasan ay alam na may desisyong kailangang gawin, at anumang piliin ng mga taong naroon ay may kapalit na hindi na mababawi.Nakatayo si Gray sa gitna ng grupo.Hindi na siya nakapwesto bilang lider, hindi rin bilang sundalo. Isa na lamang siyang taong may pasaning hindi na maibabalik sa dati. Ang sugat sa palad niya ay mahigpit na binalot, ngunit ramdam pa rin niya ang kirot—hindi lang sa laman, kundi sa alaala ng sandaling pinili niyang sumalo, kahit alam niyang may mga taong hindi kailanman makakaunawa sa desisyong iyon.Sa harapan niya ay si Alliyah.Tahimik.Hindi gumagalaw.Ngunit hindi na rin siya ang parehong Alliyah na hinabol, nilabanan, at pinatumba. May kung anong nabawa

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 170

    Tahimik ang gubat, ngunit hindi na ito ang katahimikang walang laman. Ito ay katahimikang mabigat—puno ng mga salitang hindi pa nasasabi, ng mga desisyong babago sa direksiyon ng lahat ng naroon.Si Juliet ang unang kumilos.Lumapit siya kay Briane, hinawakan ang magkabilang balikat nito, mariin ngunit maingat. Ramdam niya ang panginginig ng kakambal—ang galit na hindi pa tuluyang humuhupa, ang sakit na hindi pa nahihilom.“Bri,” mahinang sabi ni Juliet, halos pabulong, “tama na muna. Huminga ka. Nandito pa tayo.”Nanginginig ang panga ni Briane. Ang mga mata niya ay nakatuon pa rin kay Alliyah, parang anumang sandali ay maaari siyang sumabog muli. Ngunit sa presensya ng kakambal, unti-unting bumagal ang paghinga niya.“Pinatay niya sila,” paos na sabi ni Briane. “Naririnig ko pa rin ang sigaw nila.”Habang pinapakalma ni Juliet si Briane, agad namang lumapit si Rio kay Gray. Kinuha niya ang isang piraso ng tela mula sa bag niya—punit na damit, hindi na mahalaga kung ano pa iyon. Ang

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 169

    Tahimik ang gubat—hindi na iyong katahimikang puno ng banta, kundi isang kakaibang katahimikang parang may hinihintay na desisyon. Ang liwanag ng umaga ay mas malinaw na ngayon, tumatama sa mga dahon, sa dugong natuyo sa lupa, sa mga bakas ng laban na katatapos lang.Nakaupo si Alliyah sa ibabaw ng isang ugat ng puno.Hindi na siya nagwawala.Hindi na siya sumisigaw.Hindi na rin siya nanginginig sa galit.Tahimik siyang nakatingin sa sarili niyang mga kamay—mga kamay na dati’y sandata, ngayon ay tila hindi niya kilala. Ang paghinga niya ay mabagal, kontrolado, halos parang isang batang pinagsabihan at natutong tumahimik.Si Gray ay nakatayo ilang hakbang ang layo.Hindi niya inaalis ang tingin sa kanya.Hindi dahil takot siya—kundi dahil sanay na siyang magbantay. Ang bawat kilos ni Alliyah ay binabasa niya, hindi bilang kaaway, kundi bilang isang taong matagal nang sinanay na itago ang tunay na damdamin sa likod ng pagsunod.“Alliyah,” maingat niyang tawag.Dahan-dahang tumingin sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status