KEYLA
Ididilat ko na sana ang mga mata ko nang may marinig akong pamilyar na boses na nag-uusap malapit sa akin. Mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko akalain na magagaling din pala ang mga tauhan ng Mr. Fang na yun. Kung hindi ako nakailag ay siguradong napuruhan ako. Involved si Mr. Fang sa illegal business like drugs and human trafficking. Ibinibenta niya ang mga babae na makukuha nila sa mga parokyano niyang yakuza. At sa Casino umiikot ang kanyang negosyo. Isa siya sa high profile na matagal nang binabantayan ng TAJSO. Sinigurado ‘kong nagawa ko ng maayos ang aking ikatlong misyon ngayon taon. Anim na buwan pa lamang mula nang maging isa akong agent na kasapi ng Trial and Justice Secret Organization or (TAJSO). Kasama ko ang aking kakambal na si Nara. Sa ngayon ay nasa labas siya ng bansa dahil may sarili din siyang misyon. Ang mga magulang namin ay myembro din ng isang undercover organization pero nagretero na si Mommy dahil ayaw na ni Daddy na pumasok pa siya sa delikadong trabaho. Mas pinili ni Daddy na itira si Mommy sa hacienda dahil doon ay tahimik. Si Daddy naman ay nanatiling consultant ng TAJSO at siya din ang nag-recommend sa amin kaya kami pinili ng organization. Nalagpasan namin ang tatlong buwan na training. Hindi lang ako pati narin ng mga kaibigan ko na sina Riya, Luna at Sol na anak ni Tita Tamara at Tito Nathan. Mga kaibigan sila ni Daddy at Mommy.
Hindi ko alam kung nasaan na ako. Pero may pakiramdam akong wala ako sa hospital. Iba ang amoy ng kwarto na ito at malambot din ang kama na hinihigaan ko. Bigla kong naalala ang lalaking nakita ko kanina bago ako mawalan ng malay dahil sa tama ng baril sa likuran ko. Hindi ako maaring magkamali. Ang lalaking nagligtas sa akin kanina! Siya ang lalaking nasa auction!
Bakit niya kaya ako niligtas? Wag niyang sabihin na sisingilin niya ako ng five hundred million? Kahit ibenta ko ang Krystal de Galio private island na minana ni Daddy ay hindi siguro yun aabot sa ganun kalaking halaga.
Ano ang gagawin ko?!
“Okay naman siya Thiago, kailangan lang niyang magpahinga. Mabuti na lamang at napasalinan kaagad namin siya ng dugo tumagos ang bala sa tagiliran niya kaya maraming blood ang nawala sa kanya. Kakaiba ang babaeng ‘to. Kahit malala ang naging tama niya ay normal pa din ang vitals niya. Tawagin mo na lamang ako kapag gising na siya.”
Narinig kong sabi nang isa pang boses. Sa tingin ko siya ang gumamot sa akin. Maya-maya ay naramdaman ko nang wala ng ibang tao sa kwarto dahil narinig ko ang pagsara ng pinto. Pero napakuyom ako ng kamay ng maramdaman ko ang presensya ng umupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung ididilat ko ang mata ko o papakiramdaman ko ang mangyayari. Wala naman siguro siyang balak na masama sa akin dahil kung meron man ay hindi na sana niya ako pinagamot. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang mainit niyang haplos sa aking pisngi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil ayoko ng may humahawak sa mukha ko. Kaya kaagad ‘kong hinawakan ang pulso niya. Gamit ang may dextrose kong kamay. Dumilat ako at matalim ang matang tinignan ko siya.
“Anong gagawin mo?”
Bumalik sa alaala ko ang mukha niya noong gabing yun. Ganito din kaseryoso ang mukha niya. Makapal ang kanyang kilay malalim ang itim na itim na mga mata. Katamtaman ang kapal ng kanyang labi at sobrang tangos din ng kanyang ilong. Sa tingin ko ay may iba siyang lahi.
“Kanina ka pa gising?” Mahinahon na tanong niya. Kumpara sa mukha niya ay kampante lang siya kung magsalita. Binitawan ko ang kanyang kamay at sinubukan kong umupo pero napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng tiyan ko. Wala nang epekto ang pangpamanhid sa sugat ko at kailangan kong uminom ng pain killers.
“Wag ka munang munang tumayo. Kakatahi lang ng sugat mo.” Pigil niya pa sa akin. Bumalik ako sa paghiga. Hindi ko naman maramamdaman na delikado ako sa kanya.
“Paano ka nakawala sa kulungan?” Tanong ko sa kanya na ikinangisi niya.
“Hindi nga ako umabot sa kulungan eh.”
“Tumakas ka?!” Bulalas ko sa kanya.
“Wag mo ng itanong kung paano. Ang mahalaga nandito ka na.” Kunot noo ko siyang tinignan. Parang may mali ata sa narinig ko mula sa kanya.
“Ano naman kung nandito na ako?”
Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha kaya hinarang ko ang aking kamay.
“Nakalimutan mo na ba? One hundred million ang bili ko sa’yo kaya dapat lang na nandito ka sa
bahay ko. Pag-aari na kita Keyla.” Sambit niya na ikinagulat ko.
“I’m more than that Thiago.” Matapang na sabi ko sa kanya. Subukan ko lang kung makalusot tapos mamaya iisip na ako kung paano ako makakatakas. Masama ang kutob kong hindi na niya ako papalabasin dito.
“I’m willing to pay more. Just name your price baby.” Nakangiting sabi niya sa akin.
“Anong baby? Hindi mo pa nga ako nililigawan baby agad? Hindi ako easy to get Thiago Profaci.” Wika ko sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Lumayo din siya ng bahagya pero nanatili siyang nakaupo sa tabi ko at nakatingin sa akin.
“How did you know me? Don’t tell me kasunod na ako sa mga target mong patayin?” May pambebentang niyang tanong sa akin.
“Narinig ko sa speech ni Mr. Fang ang pangalan mo pero hindi ko alam na ikaw yun. Until narinig ko kayong naguusap kani-knina lang. Bakit? Drug lord ka din ba? Kung ‘Oo’ ang sagot mo tama ka. Kaya mali ang ginawa mong pagtulong sa akin.” Seryoso ko ding sagot sa kanya. Wag niyang sabihin na gwapo, mabango at yummy-licious siya dahil kung isa siya sa salot at kailangan kong patayin hindi ako magdadalawang isip na gawin yun!
“Hindi ako drug lord Keyla. If you’re not here to kill me. You’re here to marry me.”
Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano daw? Pakakasalan niya ako o papakasalan ko siya?
“Jesus Christ! Ang bilis mo naman ata Pogi? Wala ka pa sa ligaw kasal na agad ang gusto mo? May lakad ka ba? O baka naman wala ka na sa kalendaryo kaya minamadali mo na ako?”
Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Pero ang totoo kinakabahan na ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hindi talaga siya nagbibiro.
“Oh! Don’t tell me na love at first sight ka sa akin kaya gusto mo akong pakasalan? Hindi kita masisisi Thiago. Maganda ako at sexy kaya lang bata pa ako at isa pa may boyfriend na ako kaya hindi pwede yang gusto mo.”
Marahas niya akong nilingon at parang na siyang lion na handa na akong sakmalin anytime. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Kapag sinabi kong pakakasalan mo ako. Pakakasalan mo ako sa ayaw at gusto mo. Sumunod ka na lang sa akin para hindi na tayo mag-away pa. Dahil kapag nagmatigas ka hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Pagbabanta niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.
“Kailangan ko na bang matakot? Kung gusto mo akong makuha ligawan mo muna ako. Para naman maramdaman ko kung totoo nga ang pagtingin mo sa akin saka tayo magpakasal.” Seryosong sagot ko sa kanya na ikinaawang ng labi niya.
“I thought you have a boyfriend.”
“Just kidding.”
Nag-peace sign pa ako sa kanya at ngumiti. Lumiwanag ulit ang kanyang mukha kung kanina at thunderstorm ngayon ay ambon na lang.
“I don’t know how to court a girl. Pero kung yun ang gusto mo. Okay I’ll do it.”
Pagkatapos niyang sabihin yun ay kinintalan niya ako ng halik sa noo at nagpaalam na rin siya sa akin. Seryoso? Hindi pa siya nakakapanligaw ng babae?
Thiago Profaci. Hindi ko alam ang tumatakbo diyan sa utak mo. Pero sa ngayon ay pagbibigyan muna kita sa gusto mong laro.
THIAGOPagkalabas ko ng kwarto ay nagtatakang mukha ni Harvey ang sumalubong sa akin.“May nangyari ba? Nabawasan kasi ng isang linya ang wrinkles mo don’t tell me naka-score ka agad kay Miss K?” Nakangising sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at nagmadali akong bumaba ng hagdan. Nakasunod siya sa akin hangang makababa na ako sa sala at umupo ako sa malaking sofa.Pina-tingnan ko muna si Keyla kay Doctor Alvin. Para malaman ko kung okay na ba siya at kung pwede na siyang kumain. Narito kami sa mansyon ko, malayo ito sa city at nasa tagong bahagi pa ito ng mataas na bundok. Kaya bangin na ang likuran nito. Para makarating dito ay kinakailangan pang sumakay ng helicopter. Pinasadya ko ang ganito kalayong palasyo para walang ibang makapunta dito. Wala din ibang nagtatangka na pumunta dito dahil bukod sa kontrolado ko ang buong lugar ay heavily guarded din ang lugar na ito. Hindi lang nagkalat ang mga tauhan ko sa labas. Nagkalat din ang mga Doberman pinscher sa nasasakupan ng l
KEYLANagising ang diwa ko dahil may naramdaman akong humihila ng laylayan ng damit ko sa hita. Hinanda ko na ang aking sarili na sugurin ang sira ulong humihipo sa hita sa akin. Sisipain ko na sana siya pero pagdilat ko ay ang guwapong mukha niya ang bumungad sa akin. Naka-loose pajama siya at fitted na gray t-shirt, hawak niya ang laylayan ng damit ko. Nagulat din siguro siya dahil yun ang nakita ko sa mukha niya.“Anong ginagawa mo?” Napa-upo ako at napa-atras sa headboard ng kama.“Ah, eh wala akong balak gawin sa’yo. Inaayos ko lang ang damit mo dahil baka pumasok si Doctor Alvin dito makita itong makinis at maputi mong hita.” Kunot noo niyang sabi sa’kin. Hinila ko ang kumot at itinakip ko sa aking hita pababa. Malikot talaga ako matulog kaya dapat palagi akong naka pajama ang problema itong malambot at mahabang damit ang binigay sa akin. Kapag tinangka kong lumakad sa gabi sa labas mapagkakamalan na akong white lady.“Eh ano naman kung makita niya? Doctor siya at walang malisya
KEYLANakakakilabot ang mga tahol ng malalaking aso! At napakabilis din nilang tumakbo! Nahihilo na rin ako sobrang sakit na ng sugat ko. Kahit magpasikot-sikot ako sa damuhan siguradong matutunton ako ng malalaking aso na yun. Hindi ko na alam kung makakaalis pa ba ako at kung aabot pa ba ako ng buhay!“Keyla!!!”Narinig ko na naman ang malakas na sigaw niya. Siguradong nakalabas na gilagid noon sa galit sa akin pero wala akong paki-alam kung galit siya sa akin mas galit ako sa kanya!Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa dinadaanan ko dahil napapasin kong mas matatalim na ang bato dito kaysa kanina hangang sa nagmali ako ng tapak at nagulat na lamang ako nang dumulas ang paa ko pababa.“Ahhh!”“Keyla!!!”Jusko! Bakit bangin na itong nasa ibaba ko? Kung hindi ako nakahawak sa nakausli at malaking bato sigurado akong lasog-lasog na ang katawan ko sa ibaba sa lalim ng bangin! Hindi nga ako malalapa ng aso siguradong hindi na ako mabubuhay kapag tuluyan akong nahulog dito!“Keyla! Huma
KEYLALagpas tanghali na ay hindi pa rin siya bumabalik sa kuwarto ko. Nakatulog na nga ako ng ilang oras kanina pagkatapos tahiin ang sugat ko. Hindi naman sa ina-antay ko siya. Pero hindi ko rin alam kung bakit panay ang tingin ko sa orasan. Simula kanina hindi na siya bumalik. Parang ayaw ko na tuloy maniwala kay Doc Alvin na kinilig nga siya sa sinabi ko kanina.Parang nakakaramdam ako ng inis na hindi ko alam kung saan nangangaling. Naiinis ba ako dahil hindi niya ako dinadalaw dito o naiinis ako dahil hindi tumalab sa kanya ang pagpapabebe ko kanina?Hmp! Kapag hindi pa rin siya nagpakita sa akin maghapon ay hindi ko na siya kakausapin! Hindi man lang niya sinilip kung buhay pa ako! Tapos nagwalk-out pa siya kanina!Pagkatapos ‘kong magtanghalian kanina ay wala pa rin siya. Hindi ko pa rin nakikita ang masungit niyang mukha.Hangang sa malapit nang magdilim ay talagang hindi pa rin siya pumapasok sa kuwarto ko. Nakakabagot kaya mag-stay dito wala naman akong puwedeng kausapin ku
THIAGOKakarating ko lang sa mansyon dahil may inayos akong negosyo sa Manila. Hindi na ako nakapagsabi kay Keyla dahil urgent ang naging meeting ko sa isa sa mga negosyong balak kong pagtuunan ng pansin kapag tinalikuran ko na ang lahat ng mga illegal kong negosyo. Dumaan din ako sa dangwa upang bumili ng maraming rosas dahil yun daw ang gustong bulaklak ng mga babae. Kaya pinakyaw ko na ang lahat ng variety na nakita ko sa tatlong tindahan. Sapat na siguro ang mga yun para magustuhan ni Keyla. Nahirapan pa nga ang mga tauhan kong pagkasyahin sa loob ng chopper ang mga bulaklak sa dami.Ginabi na ako at sabik na rin akong makita siya. Kaya pagkababa ko ay nagmadali na akong magtungo sa kuwarto ni Keyla.Nang buksan ko ang pinto niya ay narinig ko siyang umuungol kaya nagmadali akong lumapit sa kanya.“Keyla? Keyla!”Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at marahan ko siyang niyugyog. Sa tingin ko ay binabangungot siya.“Wag…wag mo akong patayin!” Sigaw niya na ikinataranta ko.“Ke
KEYLAPagkatapos naming kumain ay niyaya naman niya akong lumabas ng mansyon. Pagkabukas pa lang niya ng pinto ay mga basket ng bulaklak na ang bumungad sa akin. Nakahilera sila sa daan at ang ganda nilang pagmasdan.“Anong meron bakit ang daming nagkalat na bulaklak dito?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at dumaan kami sa gitna ng nakahilerang bulaklak.“Hindi ko alam kung anong favorite mong flowers kaya binili ko na lamang lahat.” Sagot niya sa akin na ikina-awang ng labi ko. Binili niyang lahat ng bulaklak na ‘to dahil hindi niya alam ang gusto ko? Malakas na talaga ang tama nito sa akin.Ilang hakbang pa ay bumungad na sa akin ang arko na korteng bulaklak din. Nakaharap ito sa nagkikislapang ilaw sa malayong syudad. Sobrang ganda ng arc iba’t-ibang kulay ng rosas ang nakakabit dito at may mga orchids din. May mga maliliit din na lights na nagkikislapan sa paligid nito. Masarap sa matang pagmasdan. Para kaming nasa fairytale na beauty and the wolf ang
KEYLAImbis na sa loob ng aking kwarto ay ibang kwarto ang pinagdalhan niya sa akin. Kung yung kwarto ko ay maaliwalas pa ng kaunti dahil sa light colors na pintura sa pinasukan naming ay puro naman dark ang nakikita ko. Kulay itim ang kurtina, gray ang dingding at ang sahig. Pero itim din ang kanyang kama pati na rin ang kanyang sofa na may glass table sa gitna. May malaking glass cabinet din at may dalawa pang itim na pinto. May malaking chandelier din na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. May kilala akong mahilig din sa ganitong mixed ng kulay. Yun ay si Luna, hindi na ako magtataka dahil pareho silang misteryoso ang pagkatao.Dahan-dahan niya akong nilapag sa malambot na kama. Pagkatapos ay umalis siya at nagtangal ng coat. At pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay bihisan niya. Mataman lang akong naghihintay pero kinakabahan din ako. Okay lang naman sa akin ang ganitong kwarto. Kahit hindi masyadong maliwanag napaka aesthetic lang at mas nagiging sensual sa pakiramdam. Napasi
KEYLA Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Tumayo ako sa kama at nag-unat dahil pakiramdam ko naninigas na ang mga muscles ko sa kakahiga dahil sa sugat ko. Kapag gumaling na ako ay balak kong mag rock climbing para makababa ako sa bangin gusto ko lang naman subukan kung kakayanin kong makatakas dito kapag doon ako dumaan. Sa tingin ko ay nasa dalawang daan na talampakan ang lalim nito kaya mas maige kung gagamit ng harness pababa at pa-akyat pero mukhang hindi rin ako papayagan ni Thiago baka isipin niya tatakasan ko siya ulit. Pero kapag nagising na siya sa kabaliwan niya sa akin baka nga takasan ko siyang muli. Pagkalabas ko ng kuwarto ay siya na agad ang hinanap ng mata ko. Baka nasa loob lang siya ng bahay. Nag-ikot pa ako ngunit wala akong makita. Imbis na si Thiago ay si Harvey ang nakasalubong ko sa sala. “Nagugutom ka na Ms. Keyla? Nakahanda na ang almusal sa mesa.” Nakangiting sabi niya sa akin. “Si Thiago?” “Ah! Umalis siya kanina pinuntahan si Victor.” Sagot n