Share

Chapter 73

Nagising si Keyla dahil sa ingay na nasa paligid niya. Pagdilat niya ay nakapalibot na sa kanya ang buo niyang pamilya.

“Ate!”

“Anak…”

Nag-aalalang sambit ng mga ito. Napatingin siya sa kanyang ama dahil ang huli niyang naalala ay naghihinagpis siya sa gilid ng kotse yung nasaan ang bangkay ng tumangay kay Baby Seb.

Naupo siya sa kama at muli niyang naalala na wala na sa kanyang piling ang kanyang anak kaya muling nangilid ang kanyang luha at napahagulgol sa sakit ng kanyang nararamdaman.

“Anak, tama na…alam na namin kung sino ang may pakana ng lahat.”

Nag-angat siya ng tingin dahil sa sinabi ng kanyang Ama. Kinuha nito ang pulang sobre sa ibabaw ng mesa na ibinigay ni Mr. X para sa susunod niyang misyon.

“Anong ibig sabihin nito?” Nagtatakang tanong ni Keyla.

“Open it...hahayaan ka naming mag-desisyon kahit labag sa loob namin dahil sa pagkawala ng kapatid mo.”

Kinabig ni Brian ang kanyang asawa na si Aliixane na nasa tabi lang niya at naiiyak na rin. Dahil alam niyang kapag tinangap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leonida Guibao
Thanks sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status