Share

LUCAS:112

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-10-17 10:22:36

Napahigpit ang pagkakahawak ng mga daliri ko sa doorknob.

Hindi ko rin maiintindihan sa sarili ko kung bakit ko siya tinawag na “Kuya” kagabi. Basta na lang iyong lumabas sa bibig ko na para bang isang awtomatikong reaksyon. Parang napakatama niyon sa pakiramdam. Parang… matagal ko na siyang kilala at nakakasama kahit na sa katotohanan ay bago ko pa lang siyang nakilala.

Napakakakaiba at napaka-weird.

Pero nung dahan-dahan siyang tumango at pumayag kagabi… parang may napakalaking bigat ang guma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Secretary of Mr. Caleb   LUCAS:205

    Pumasok si Kiefer—magulo ang buhok, nakahoodie, at halatang pilit na bumaba mula sa kanyang kwarto. Nang magtama ang mga mata namin, bahagya siyang natigilan, marahil ay naalala niya ang pambihirang palitan namin ng salita noon.“What is this about?” tanong niya kay Kianna, malamig ang mukha.“Apologize to Ysa,” utos ni Kianna.Napakunot ang noo niya. “For what?”“For calling her creepy when she was just trying to adjust here,” direktang paratang ni Kianna habang nakakross ang mga braso. “Gusto mo bang tawagin din kitang creepy araw-araw?”Tumingin si Kiefer sa akin. Isang tingin na pormal na nagsusuri—hindi bastos, at hindi rin agresibo. Para lamang siyang isang taong labis na pagod sa paligid.At nang walang anumang dramatikong ekspresyon, binigkas niya ang isang salita:“Sorry.”“Is that it?” taas-kilay na tanong ni Kianna.Napangiti ako nang mahina. Kahit paano, isang pormal na paghingi ng paumanhin iyon mula sa kanya.“Okay na po,” agaw ko bago pa man lumaki ang usapan.Tumango s

  • Secretary of Mr. Caleb   LUCAS:204

    Kaya tumango ako at bumalik sa loob ng study room.Subalit kahit nakaupo na ako muli sa harap ng laptop at nakabukas ang dokumento, tila ayaw gumalaw ng aking isip. Ang tanging nararamdaman ko ay ang mabigat at mabagal na pagtibok ng aking dibdib.“Okay, Ysa,” mas mahinahon at mas banayad ang boses ni Liane ngayon. “We can transition to offline documentation today.”“Mas mabuti po siguro iyon,” mabilis kong sagot. Mas gusto kong humawak ng totoong papel kaysa tumitig sa isang screen na pwedeng maglabas ng anumang hindi inaasahang banta.Inilayo ni Liane ang laptop at naglabas ng isang makapal na folder ng mga pormal na halimbawa ng kontrata at kasunduan. “Basic contract structure. Verification of signatures, identification requirements, and how to thoroughly analyze the fine print.”Fine print.Awtomatikong kumirot ang lumang sugat sa loob ko. Dahil sa mundong pinanggalingan ko, ang fine print at mga nakatagong linya ang dahilan kung bakit ka laging natatalo at natatagpuan sa ilalim k

  • Secretary of Mr. Caleb   LUCAS:203

    Ysabelle Cuevas (Ysa)Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naririnig ko ang salitang “congratulations,” kailanman ay hindi ito nagmumula sa isang tunay na dahilan para maging masaya.Parang minsan, isa lamang itong matalim na kutsilyo na pilit na binalot sa isang makulay na laso para lamang itago ang pait ng pananakit.Nakatayo pa rin ako sa tahimik na hallway, habang nanginginig ang mga daliri ko sa paghawak sa telepono. Sa harap ko, seryosong binabasa ni Victor ang dalawang linyang ipinadala ni Mia. Para bang kasabay ng pagbabasa niya sa screen ay binabasa niya rin ang buong pagkatao ko—ang nakatagong takot sa aking mga mata, ang pamilyar na hiya, at ang lumang reflex ko na agad sisihin ang sarili ko kahit wala naman akong ginagawang mali.Hindi siya nagtanong kung sino ang nagpadala.Hindi siya nag-abala na magtanong kung bakit.At lalong hindi niya itinatanong kung ano ang ginawa ko para makuha ang galit ng ibang tao.Ang sinabi lang niya, sa isang mababa ngunit napakapormal na tono

  • Secretary of Mr. Caleb   LUCAS:202

    Biglang tila lumaki ang buong study room. Ang whiteboard ay mukhang napakalayo, at ang hangin sa paligid namin ay lalong nanikip.Huminga nang malalim si Gavin at tuluyang humakbang palapit sa akin. “Ysa… kung kumusta ka? Like… really.”Napakakakaiba. Dahil noon, sa tuwing magtatanong siya ng ganoon, laging may kasunod na pang-aasar o biro. Ngayon, wala. Walang kahit ano.At sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako nagtangkang magtago sa likod ng isang mabilis na pagsisinungaling.“Okay naman po,” sagot ko. “Mas okay kaysa noong mga nakaraang araw.”Tumango siya, ngunit may isang bagay sa kanyang mga mata na hindi ko lubos na mabasa—relang ba, guilt, o matinding pag-aalala?Nagsalita si Victor, ang kanyang boses ay nagsilbing angkla sa silid. “Tutoring continues. No changes in the schedule.”Subalit si Gavin ay halatang hindi mapakali. Ibinaling niya ang kanyang tingin kay Victor at nagsalita sa mas mababang tono.“Victor… I need to speak with you regarding the latest update.”Hindi ma

  • Secretary of Mr. Caleb   LUCAS:201

    Noong una, pakiramdam ko ay nagpapanggap lamang ako. Para bang hindi sa akin ang bibig na naglalabas ng salitang “no.” Kasi sa buong buhay ko, sa tuwing binibigkas ko ang salitang iyon, kailanman ay walang nag-abala na makinig o igalang ito.Pero pinilit ko ang sarili ko. Inulit-ulit ko ang bawat pantig.Stop.I said no.Hanggang sa dahan-dahang tumigas ang tono ng boses ko. Hanggang sa hindi na ito nagmumukhang biro o pag-aalinlangan sa sarili kong mga tainga.At habang nasa gitna ako ng pagbigkas sa linyang “I need help,” bumukas ang pinto ng study room.Si Victor.Hindi siya gumagawa ng ingay kapag pumapasok. Para lamang siyang malamig na hanging nagdadala ng matinding bigat at awtoridad sa silid. Nakatayo siya sa gilid, tahimik na nagmamasid, at walang binitiwang kahit anong komento habang tinititigan ang ginagawa ko.Nang mapansin niyang huminto ako dahil sa kanyang presensya, dahan-dahan siyang humakbang palapit sa tabi ng whiteboard.“Continue,” utos niya. Ang kanyang mga mata

  • Secretary of Mr. Caleb   LUCAS:200

    Ysabelle Cuevas (Ysa)May mga umagang gumigising ka na parang may mali—iyong hindi nagmumula sa napanaginipan mong masama, kundi mula sa mabigat at tahimik na presensya sa iyong paligid.Siguro dahil sa buong buhay ko, sanay akong ang “tahimik” ay hindi isang biyaya o kapayapaan, kundi isang babala. Iyong uri ng katahimikang nag-aabang bago bumasag at sumabog ang kung anong gulo. Kaya kahit pa napakaganda ng sikat ng araw sa labas, kahit kumakanta ang mga ibon sa naglalakihang puno ng Floresta, at kahit amoy-kahoy at bagong linis ang villa ni Kianna… may nakatagong bahagi pa rin sa sistema ko ang nananatiling nakaangat ang balikat at naghihintay ng babagsak na banta.Hindi na ako nagpapanic nang walang kontrol tulad noong mga unang araw.Pero nakahanda ako. Alerto.At iyon ang unang bagay na malinaw kong napansin na nagbago sa sarili ko.Noong mga unang linggo ko sa pasilidad na ito, sa tuwing may kakaibang kaluskos sa hallway, pag-click ng doorknob, o kahit ang simpleng panginginig n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status