Se connecterNasa kalagitnaan siya ng paglilinis ng kwarto ng mahal nilang senyorito. Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na siya para maglinis. Hindi naman niya gawain ang magluto dahil may ibang nakatoka doon.
Si Senyorito Gabriel? Wala siyang pakialam sa baliw na 'yon. Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang unang pagkikita nila. Mula noon, ginawa na niya ang lahat para iwasan ito. Sa unang kita pa lang niya rito, halata nang may pagka-ampatiko ito. At sa tatlong araw na 'yon Wala itong ibang ginawa kundi utosan siya ng kung ano-ano. Hindi sa nag rereklamo siya, pero tama ba pati brief siya kukuha? ayy iwan. Pero sa tingin niya, maaga itong umalis para mag-gym, kapag wala ito sa ganitong oras, siguradong nasa labas na naman siya. Nagpapasalamat nga siya na wala ngayon dito ang Madam ng bahay—kasi naman, hindi niya ito matagalan. "Lira?" Napaayos siya ng tayo nang marinig ang pagtawag ng mayordoma. "Po?" Bitbit ang mga gamit na pambed sheet, agad siyang lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina. "Bakit po?" tanong niya. Inilahad ng mayordoma ang mahabang listahan sa harap niya. "Ikaw muna ang mamalengke ngayon dahil may gagawin pa ako!" Tiningnan niya ang listahan, saka tumingin sa matanda. "Bakit ako? Akala ko ba sa Senyorito lang ako nakatalaga?!" Agad siyang pinanlakihan nito ng mata kaya naman napanguso siya. "Tch. Kilos na, malapit nang dumating ang Senyorito," ani nito. Pinaliitan niya ito ng mata—ito naman ang laging dahilan ng mayordoma kapag ayaw niyang sundin ang mga utos nito. "E, maglalaba pa po ako!" Kinuha nito ang mga kumot at pambed sheet mula sa kanyang bisig. "May ibang araw pa para diyan." "Ibig sabihin, ako rin ang maglalaba niyan?" "Oo." "Nakakainis." Napadyak siya sa inis, agad naman siyang pininingot nito sa tainga. "Sige na, bago pa maghapon ay dapat mabili mo 'yan lahat." Binasa niya ang laman ng listahan at hindi makapaniwalang tinitigan ang matanda. "Lahat po 'to?" Nang tumango ito, agad siyang napanguso. "Pero, sobrang dami nito. Hindi ko ito kayang gawin nang mag-isa. Nasaan ba kasi ang Senyoritong 'yan? Dapat siya pa nga ang gumagawa nito eh—" Malakas nitong hinampas ang braso niya. "At bakit sa Senyorito mo ipapagawa 'yan? Nasisiraan ka ba ng bait?" "E kasi, hindi ko ito kayang mag-isa. Tapos ako pa ang magpapara ng taxi, tapos mamimili pa ako. May karne at delata pa ito, tapos—" "I'll go with you." Natigilan silang pareho at ang mayordoma nang marinig ang boses na nagsalita mula sa kanilang likuran. "S-Senyorito Gabriel?" kinakabahang sabi ng mayordoma. Tumingin siya sa senyorito — halatang kagagaling lang nito sa pag-eehersisyo dahil sa pawis na tumatagaktak mula sa noo pababa hanggang dibdib nito. Wala itong suot na pang-itaas, kaya naman parang libreng palabas ang nakikita niya. Hehehe. "Pasensya na po. Baguhan lang kasi ang batang 'to kaya hindi niya alam ang mga sinasabi niya." Hinampas nito ang braso niya, at wala siyang nagawa kundi tumahimik. Kasalanan mo rin kasi, be. "It's okay, she's right. I'm the one who needs to do this. I have a car after all." Tumingin ito sa kanya. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito base sa ekspresyon ng mukha nito. "I'll just change." Matapos sabihin iyon, agad itong umalis at umakyat sa itaas. Para bang biglang nawalan siya ng lakas. "Aray!" Hinilot niya ang braso dahil sa lakas ng palo ng matanda. "Nakita mo 'yon? Narinig tuloy niya ang sinabi mo. Alam mo, Ikaw na bata ka, sigurado akong hindi ka tatagal ng isang linggo dito sa mga ginagawa mo." Itinaas niya ang kaliwang kamay na tila nanunumpa. "Promise po, tatagal ako dito. Siguro mga tatlong linggo— Arayy..." Napatakbo siya sa gilid ng kusina nang kunin nito ang spatula at handa nang ihampas sa kanya. "Let's go." Nabitin sa ere ang kamay nito ng pumasok si senyorito gabriel sa kusina. agad naman niyang sinamantala ang pagkakataon at mabilis na lumabas sa pinto. Hinihingal niyang hinawakan ang dibdib. "Hays buti nalang.." Diretso siyang napatingin sa senyorito ng maglakad ito papunta sa kanya habang naka pamulsa. "Umm,"Bahagya siyang yumuko. "Pasensya na po pala sa mga sinabi ko kanina, Hindi napo mauulit." Tinitigan lang siya nito nang matalim, dahilan para lalo siyang kinabahan. Bakit ba ba’t sobrang hilig nilang tumingin nang ganyan? Kinagat niya ang pang ibabang labi at mahinang nag tanong. "Senyorito? Aalis na po ba tayo?" Hindi ito sumagot at basta lang siyang nilampasan at dumiretso sa likod bahay kaya agad niya itong sinundan, eh, Sabi ko iiwasan Ko na siya e.—Pero halos mapatanga siya dahil kahit garahe mala Bahay ang datingan. Ganon ba talaga pag mayaman? hmm 'di siya na inform. Sumakay ito sa isang Lamborghini at sinenyasan siya na pumasok. Napaturo naman siya sa sarili at pilit na napangiti. "Masyadong agaw pansin 'yong sasakyan..."Mahina niyang bulong sa sarili pero sumakay parin, alangan naman mag lakad siya papuntang market—hell no. Tahimik ang naging byahe nila kaya naman mas lalo siyang kinabahan. Bakit ko ba Kasi sinabe 'yon? Nakakailang tuloy. "Uh, senyorito?" Pambabasag niya sa kahatimikan. Binalingan niya ito ng tingin, pero nanatili lang nakatuon ang paningin nito sa kalsada. Napanguso na lang siya at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. "How old are you?" Agad siyang napabaling dito bago sumagot. "21 years old po" Napatango naman ito. "Boyfriend?" Umiling siya agad. "Really huh?"Saglit siya nitong tiningnan na parang hindi naniniwala sa sinabi niya. "Totoo po 'yon—NBSB po ako." Biglang nag tagis ang panga nito na kinataka niya. May nagawa na naman ba akong mali? "Stop saying po, I'm not that old" "uh... Sige po-" Tinaliman siya nito ng tingin kaya agad niyang itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Say that again and I'll give you one reason to stop it." Natigilan siya at natuptop na lang ang bibig. Hindi na siya mulang nagsalita pa, takot na baka may masabi na naman siyang hindi nito magustuhan. HALOS kalahating oras tumagal ang biyahe, kaya naman halos ayaw na niyang lumabas ng sasakyan nang makarating sila sa harap ng malaking supermarket. "Get out." Ito ang utos na lumabas sa bibig nito. Pagod siyang nagtanggal ng seatbelt at dahan-dahang bumaba ng sasakyan. “Senyorito, hintayin niyo na lang po ako rito—ako na ang mamimili, para hindi na po kayo mahirapan.” Lumapit ito at inilahad ang kamay sa harap niya. “Ano po ‘yan?” tanong niya nang may halong pagtataka. “Hindi ako nagpapabasa ng kapalaran sa’yo. Give me the list,” mariing sagot nito. Agad naman niyang inabot ang papel na nakasulat doon, at lalo siyang nagtaka nang makita nitong kinukuhanan ito ng litrato gamit ang cellphone nito. “Bakit po kailangang kunan ng litrato? May mali po ba sa listahan?” nag-aalalang tanong niya. Hindi ito sumagot. Tiningnan lang siya nito sandali bago naglakad palapit sa pasukan ng tindahan, tila hinihintay siyang sumunod. Sa sobrang laki ng hakbang nito kailangan niyang madaliin ang paglalakad para makasabay sa bilis ng lakad nito, habang nagtataka pa rin sa mga kilos na hindi niya maintindihan. "Senyorito? Ano pong problema?" Agad itong tumigil sa pag lalakad dahilan para mabunggo siya sa likuran nito. Napahawak siya sa sariling ilong dahil sa pag ka untog. "Bakit po?" "Didn't I tell you not to use po?!" Ilang beses siyang napakurap bago sumagot rito. "Eh ano po ba dapat?. Amo ko kayo kayo kaya dapat lang 'yon."Pangangatwiran niya. Humakbang ito palapit sa kanya na kina atras niya sa kaba. "Hindi ka talaga marunong makinig, dapat sayo pinaparusahan."bulong nito, saka malakas na pinitik ang noo niya na kina daing niya sa sobrang sakit. "ARAY! —MASAKIT 'YON HA." Hinawakan niya ang noo nang mahigpit, ang mga mata ay halos mapaluha na sa sobrang hapdi at inis. Tinagilid nito ang ulo, may halong pangunguyam at pagiging mapagbiro sa mukha nito. "There! —kailangan pa pala masaktan bago ka makinig, ha?" Hindi siya nakasagot, nakayuko na lang at pinisil-pisil ang sariling noo. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng pagkapitik nito, at lalo lang siyang kinakabahan sa bawat kilos nito. Bakit ba kasi ang tigas ng kamay niya? Akala ko ba mga mayayaman ay malalambot ang hawak? "Ngayon, matututo ka na ba?" tanong nito, habang nakatitig pa rin sa kanya. Tumango siya nang mabilis, parang batang natatakot na mapagalitan ulit. "Oo... Oo Sige na, matututo na ako..." Hindi na ito nagsalita pa, tuluyan na lang silang naglakad papasok sa loob ng supermarket. Kahit na may halong takot, hindi niya mapigilan ang pag-iisip — Bakit parang mas nagiging kakaiba ang kilos niya? At bakit parang gusto ko pang maramdaman ulit 'yon? "I'll find the meat and the other heavy things. Ikaw, doon ka na lang sa mga magagaan." Utos nito habang ibinibigay muli ang listahan sa kanya. Uh, kaya pala pinicturan niya 'yon kanina, naiisip niya habang tinatanggap ito nang maingat. "Sige, salamat—Saka pasensya na sa abala senyorito."Bahagya siyang yumuko, pero nakita niya ang bahagyang pag-angat ng mga labi nito—parang may maliit na ngiti na hindi mapigilan. Ngiting Hindi niya alam kung ano ang nakapaloob. "Don't thank me. This is not free," mariing sabi nito bago siya nilampasan at naglakad patungo sa meat section. Naiwan siyang nakatayo sa kanyang pwesto, naguguluhan pa rin. What's with him today? tanong niya sa sarili habang pinapanood ang paglayo nito. Ang mga kilos at salita nito ay parang magkasalungat—madalas siyang pagtawanan at parusahan, pero bakit may mga oras na parang nag-aalala o may iba pang ibig sabihin ang mga ginagawa niya? Nagkibit-balikat na lang siya at nagtungo sa kanyang itinakdang pwesto, habang patuloy na iniisip ang mga kakaibang ugali ng binatang kasama niya.Lirielle Amara DeLos Santos Mireille Alarih Delos Santos Salubong ang kilay niya habang pinapanood na bumaba ang kapatid niya mula sa kotse nito. Nakahanda na ang kamay niya para batukan ito pagkalapit na pagkalapit pa lang nito—dahil sa totoo lang, hindi na naman ito pumasok sa klase. The moment her younger sister caught sight of her standing there, instantly recognizing the deadly glare on her face, bigla itong nag-alinlangan na pumasok sa loob ng bahay. "A-Ate... hi?" Mireille offered a weak, nervous smile, taking a cautious step backward toward her car. "Mireille, sumunod ka sa akin," malamig niyang utos bago tumalikod para pumasok sa loob ng mansyon. "Gusto mo bang i-cut off ko naman ang allowance mo, ha?!" inis na banta ng dalaga pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa malawak na sala. She turned around, crossing her arms as she stared down her younger sister. "Mireille, pang-ilang beses mo na ba itong hindi pagpasok? You’re wasting your tuition, and Dad will absolutely l
Lirielle Amara DeLos Santos Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kusina, nakita na niya agad ang mga magulang niya na naglalambingan. Hindi niya mapigilang mapangiwi. As their daughter, she was genuinely happy for them, but sometimes, their extreme sweetness just makes her cringe."Ang aga-aga naman para sa teleserye niyo, Ami, Dad," She cleared her throat loudly as she walked toward the refrigerator.Natawa si Gabriel at dahan-dahang binitawan ang baywang ng asawa. He leaned back against the kitchen counter, casually folding his arms across his chest. Kayang-kaya niyang patakbuhin ang isang dambuhalang business empire nang walang takot, pero pagdating sa anak niya, he always had this soft, teasing smile."Good morning to you too, Doc," Gabriel said, looking incredibly handsome for a father of a grown-up daughter. "Inggit ka lang. Bakit hindi mo kasi ipakilala sa amin 'yang sinasabi ng mga nurse mo na misteryosong pasyente mo?"She nearly choked on her glass of water. Misteryosong pa
Lirielle Amara DeLos SantosPagod siyang naglalakad sa hallway ng hospital nang tawagin ulit siya ng isang nurse. Gusto na niyang magmura sa sobrang inis, pero pilit pa rin siyang ngumiti bago ito hinarap."Yes?""Doc, 'yong isang patient mo kasi nagwawala naman," sumbong nito.Napahilot siya sa kanyang sintido sa narinig. "Alam mo, dapat sa mental hospital nila dinala 'yon, hindi dito," inis niyang ani habang naglalakad na sila pabalik.Ito 'yong pasyente niya na ayaw na ayaw na hinahawakan siya. Tingin niya nga ay may sakit talaga ito sa utak. Nag-suggest na siya sa pamilya nito na ilipat na lang ang lalaki sa psychiatric facility, pero natatakot ang mga ito na baka mas lalong mabaliw ang anak nila.Hello? Pero kami naman ang nababaliw dito ngayon.Isinuot niya ang kanyang doctor’s coat bago tuluyang pumasok sa kwarto nito. Bukas ang pinto at agad niyang nakita ang lalaking nakatayo sa tapat ng malaking bintana. Sobrang gulo ng kwarto—nagkalat ang mga bedsheet sa sahig at literal na
Bago naging tahanan ni Gabriel ang mga bisig ni Lira, ang buhay niya ay isang malaking silid na gawa sa yelo. Growing up, he was the definition of cold and emotionless. Sa labas, he was the envy of everyone—the perfect, handsome heir to a multi-billion empire. Pero sa loob ng mansyon nila, he was nothing but an empty shell. Ang bawat kilos niya, bawat salita, at maging ang mga taong kakaibiganin niya ay kailangang dumaan sa approval ng kanyang ina. "You are a Delos Santos. You don't show weakness. You don't show emotions. Emotions make you pathetic," his mother's cold, sharp voice would always echo in his mind. He was trained to be a robot. Bata pa lang siya, bawal na siyang umiyak kapag nadadapa. Bawal siyang magreklamo kahit pagod na siya sa sandamakmak na lessons at business meetings na ipinipilit sa kanya. High school and college passed like a blur—he had no real friends, only connections that would benefit the family business. He didn't know what happiness felt like because he
The next day, the backyard of Allan’s house was transformed into a small, intimate celebration. Allan and Arianna insisted on hosting a welcome-home dinner for them. The smell of grilled food, the soft fairy lights strung across the trees, and the sound of Lirielle’s giggles completely erased the five years of cold silence they had all endured. Gabriel hadn't let go of Lirielle all afternoon. He carried her on his shoulders, ran around the grass with her, and listened intently to every single story his daughter had to tell. It was as if he was trying to make up for every birthday, Christmas, and milestone he had missed in a single day. Lira stood by the patio, holding a glass of juice, just watching them. Her heart felt so full it almost ached. "See? I told you everything would be fine," Arianna said, walking up beside her with a gentle smile. She patted her pregnant belly. "Gabriel looks so alive today. Years of looking dead inside, and now he can't even stop smiling." Lira let o
Magkasabay na lumabas sina Allan at Arianna sa kusina, habang ang anak niya ay nanatiling nakatayo sa hagdan. Her cute eyes were looking at Gabriel curiously. Gabriel couldn't breathe. Napapakurap-kurap siya, looking back and forth between the little girl and the woman beside him. The resemblance was uncanny, but it was the little girl's eyes—intense, deep, and identical to his own—that completely stripped away any doubt. "A-Ami...?" Gabriel stammered, his voice barely a whisper. He looked at her, his eyes wild with a mix of shock and dawning realization. "Is she... is she ours?" Lirielle took a step down the stairs, her tiny hands clutching her plush toy tighter. She looked up at Gabriel with pure innocence. "Mommy, who is he? Bakit po siya umiiyak?" Umiyak na rin siya nang tuluyan at dahan-dahang hinawakan ang braso ni Gabriel. "Gab, meet Lirielle. Our daughter. Buhay siya... hindi siya nawala sa atin." It felt like a bomb exploded in Gabriel's chest. All those years of grievin







