PAGOD niyang pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa kanyang noo. Isang oras yata ang nilakad niya para makarating sa bahay na nakatayo sa harap niya ngayon. Since it was a private subdivision, bawal pumasok ang mga pampublikong sasakyan o taxi, kaya wala siyang choice kundi maglakad all the way from the main gate.Agad niyang kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa nang bigla itong tumunog at mag-ring. "Hello po, Tita?" sagot niya sa kabilang linya habang inaayos ang gamit na bitbit niya. "Nakarating ka na ba diyan, iha?" tanong ng kanyang Tita mula sa kabilang linya. "Opo, Tita. Nandito na po ako mismo sa tapat ng malaking gate. Pagod lang po nang kaunti kasi kailangan pang maglakad mula sa entrance, ang lawak naman kasi ng lugar na 'to," natatawa niyang sagot kahit ramdam na ang bigat ng mga binti. "Mabuti naman at nakarating ka nang ligtas. Pasensya ka na ha, alam mo naman na bawal talaga pumasok ang ibang sasakyan sa loob ng subdivision na 'yan. pero wag kang mag alala, sulit a
Last Updated : 2026-07-06 Read more