مشاركة

DOS

مؤلف: Hopeyurgurl
last update تاريخ النشر: 2026-07-06 14:58:44

UMAGA pa lang ay abala na siya sa paghahanda ng agahan para sa kanyang amo. Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit niya 'to ginagawa—meron naman dapat na ibang nakatalaga para rito. But according to mayordoma, utos ng mahal nilang senyorito.

AHHHHH BWSIT talaga. bulong niya sa sarili habang mariing pinipilahan ang mga labi.

Siguradong gusto na naman siya nitong pahirapan, mukhang ito ang bayad sa pag tulong nito sa kanya para mag grocery. Ito lang ang Kilala niyang tumulong pero nag pa bayad.

Labag man sa kanyang kalooban, kinuha pa rin niya ang tray na puno ng pagkain at dahan-dahang naglakad paakyat patungo sa silid ng binata. Habang umaakyat, hindi niya mapigilang mag-isip at mainis.

Paano ba manakit ng tao nang hindi ka nadedemanda? tanong niya sa isip, habang iniisip na baka naman kailangan na niyang gumanti ng kaunti sa mga susunod na pagkakataon.

Nakarating siya sa tapat ng pinto at huminto. Bumuntong-hininga muna siya, inayos ang hawak sa tray, at dahan-dahang kumatok.

"Come in,"dinig niyang matigas na sagot mula sa loob.

Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at sumilip, handang-handa na ang kanyang pasensya sa mga susunod na sasabihin o gagawin ng Senyorito.

"Nandito na ang pagkain niyo, Senyorito," anunsyo niya sabay lapag ng tray sa ibabaw ng mesa. Dahan-dahan siyang lumingon dito, pero nakatuon lang ang buong atensyon nito sa binabasang libro ni hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang sulyap.

Yumuko na lang siya bilang pamamaalam at akmang tatalikod na para umalis nang bigla itong magsalita at tawagin siya.

"Stay here, until I'm done eating."

Masama at matalim ang tingin na ibinigay niya rito habang nakatalikod, pero agad din niyang pinalitan iyon ng pilit na ngiti nang dahan-dahan itong mag-angat ng mukha at tumingin sa kanya nang diretso.

"Pero kasi Senyorito—" pagtutol niya, hindi makapaniwala sa narinig.

"Sit down."

Maikli, mababa, pero mariin ang pagkakasabi nito. Walang emosyon ang mukha, pero sapat na ang tono nito para ipaalam na wala nang diskusyon. Nanatili siyang nakatayo sa pwesto, nag-aalinlangan at punong-puno ng reklamo sa isipan. Bakit kailangan pa akong maghintay? Parusa ba 'to ulit?

Napabuntong-hininga na lang siya nang malalim. Wala na nga siyang magagawa. Mabigat ang bawat hakbang niya habang lumalakad palapit sa bakanteng upuan sa tapat nito, at dahan-dahang umupo habang nakapamulsa at nakasimangot.

Napalingon ang mata niya sa librong nakalatag sa mesa. Nag-aalangan man, naglakas-loob pa rin siyang tumingin sa binata at nagtanong na parang humihingi ng pahintulot.

"Uh, Senyorito... pwede ko bang basahin 'yang libro?"

Hindi ito sumagot ni tumingin man lang. Basta lang nitong tinulak ang aklat papunta sa kanyang direksyon, parang sinasabing gawin niya ang gusto niya.

Ngumiti naman siya agad dahil parang pinayagan na siya. Kinuha niya ito at binasa ang genre — Romance novel. Tuwang-tuwa pa siyang binuklat ang unang pahina, pero agad din niya itong sinara nang napakalakas. Nanlaki ang mga mata niya at parang naputulan ng dila sa nabasa.

Ano 'to? Diba romance'to? Bakit ganun agad? Romansa agad sa kama ang laman?!

Mabilis niyang ibinalik ang libro sa dating pwesto, halos itulak pa palayo sa kanya dahil sa hiya. Inayos niya ang pagkakaupo, deretsahan na ngayon ang likod at halos hindi na makatingin sa binata dahil sa init ng pisngi.

"Huwag na pala... parang hindi naman bagay sa akin," mabilis at nahihiyang sabi niya habang nakayuko at kunwari ay inaayos ang damit.

Nakita niya mula sa gilid ng mata na bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Senyorito Gabriel—tila ba aliw na aliw ito sa naging reaksyon niya.

"B-bakit kayo nagbabasa nang ganoong libro, Senyorito?" mahina niyang tanong, halos pabulong na lang dahil sa sobrang pamumula ng kanyang pisngi. Hindi niya kayang itapat ang tingin sa binata, kaya nakayuko na lang siya at pinaglalaruan ang dulo ng kanyang damit.

"What's wrong? Educational purposes?!"

Natawa ito nang mahina, tunog malambot at kakaiba na hindi pa niya naririnig. Tiningnan niya ito nang mabilisan, at nakita niya ang pagngisi nito na hindi na maitago. Inilapag nito ang kutsara at tinidor na kanina pa ginagamit, saka tumingin nang diretso sa kanya na may halong pang-aasar sa mga mata.

"Ewan ko ba sa'yo," sabi nito habang itinatagilid ang ulo. "Bakit parang ang inosente mo pa? Ah, O 'di ba sabi mo NBSB ka? Kaya naman pala,"

Napakamot siya sa batok, lalong namula ang mukha sa inis at hiya. "H-hindi 'yon ibig sabihin... eh kasi iba kasi 'yung nabasa ko... masyadong... mabilis..."

"Masaya ka ba na nabasa mo?" tanong nito ulit, mas malambot na ang boses ngayon pero may kakaibang tono na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Napadako ang tingin niya sa mesa, hindi na makasagot. Bakit ba ang lakas ng loob niyang magtanong ng ganyan? naiisip niya habang hinahawakan ang kanyang dibdib na parang gugupitin na sa bilis ng pagtibok nito.

"H-Hindi no! At bakit naman—patawa ‘to!"

Agaran siyang tumayo at mabilis na naglakad palayo, dumiretso sa terasa ng silid para makalayo man lang sa nakakakilig at nakakahiyang usapan.

Sinalubong siya ng malakas at malamig na hangin, pero kahit gaano pa ito kalamig, hindi nito matakpan ang init na kumakalat sa kanyang pisngi at maging sa kanyang leeg. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso, hindi dahil sa pagod kundi dahil sa hiya at kakaibang kaba na dulot ng mga sinabi ng binata.

Aaminin nga niya sa sarili na may pagka-inosente talaga siya sa mga ganyang bagay. Eh paano ba naman, wala naman talaga sa isip niya ang mga ganoong eksena o usapin. Wala siyang karanasan, wala siyang ideya, at hindi naman siya lumaki sa kapaligirang ganyan ang laman ng usapan. Kaya naman ganoon na lang ang gulat at hiya niya nang mabasa iyon at lalo na nang pag-usapan pa nila iyon ni Senyorito Gabriel.

Sumandal siya sa rehas at huminga nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili at ibalik sa dati ang kulay ng kanyang mukha. Bakit ba kasi kailangan pa niyang magtanong? At bakit ganoon pa sumagot? reklamo niya sa isip habang nakatingin sa malayo.

Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto sa likuran—alam niyang sumunod ito.

Tumabi ito sa kanya at sumandal din sa rehas na bakal, pero habang nakatanaw sana siya sa malayo, ibang direksyon naman ang tingin nito—sa kanya.

"Bakit?" mahina niyang tanong. Sinubukan niya itong sulyapan sandali, pero agad din niyang binawi ang tingin nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya kayang tagalan ang matalim at matamang titig nito.

Nakapamulsa ito habang nananatili ang paningin sa kanya, tila ba sinusuri ang bawat galaw at reaksyon niya. Mabigat ang bawat segundong lumilipas, hanggang sa marinig niya ang mababa at malambing na boses nito sa kanyang tabi.

"You're quite interesting,"

Nanlaki ang mata niya at dahan-dahang lumingon ulit dito, naguguluhan at hindi sigurado kung tama ba ang narinig niya. Nakakainteres? Ako?

"Ah—ano po ibig niyong sabihin?" nauutal na tanong niya, muling umiwas ng tingin dahil sa bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Lalo lang siyang namula dahil sa tono ng pananalita nito, parang may ibang kahulugan na hindi niya matukoy.

"Walang ano-ano," sagot nito habang bahagyang ngumisi, mas lalong inilapit ang mukha sa kanya. "Ganyan lang talaga ang tingin ko sa'yo."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Halos huminto ang pagtibok ng puso niya sa gulat at takot, kaya naman agad niya itong tinulak palayo nang malakas—takot na baka may makakita sa kanila, takot na baka kung ano pa ang isipin ng iba kung sakaling masumpungan sila sa ganitong kalapitan.

"Kung ano-anong sinasabi niyo, Senyorito!" aniya, nanginginig na ang boses sa halong hiya at kaba. Agad siyang humarap para umalis na at tumakas sa sitwasyon, pero mas mabilis pa ang kilos nito.

Sa isang iglap, hinapit nito ang bewang niya at hinila pabalik. Napasinghap siya nang mahigpit siyang isandal nito sa malamig na bakal ng rehas, walang matakbuhan at walang malalabasan. Nakulong siya sa pagitan ng matibay na braso nito, habang nakatayo ito nang napakalapit sa kanya.

"Anong—" Hindi niya na natapos ang sasabihin, natigil ang dila niya nang seryoso at diretso itong tumitig sa kanyang mga mata. Nawala ang pang-aasar sa mukha nito, napalitan ng seryosong ekspresyon na nakapagpabilis lalo ng tibok ng puso niya.

"Alam mo... gusto na kita," diretsong sabi nito, mababa pero malinaw at puno ng diin ang bawat salita.

Nanigas siya sa kinatatayuan. Nawala ang hangin sa kanyang baga at parang umikot ang paligid. Gusto? Anong ibig niyang sabihin? Nakatitig lang siya rito, hindi makapaniwala at hindi alam kung ano ang isasagot.

"Pinaglalaruan niyo ba ako?"

Binitiwan siya nito bigla at umayos ng tayo, tila ba nagulat sa naging reaksyon niya.

"Ano?" maikli at walang emosyong tanong nito.

Mapakla siyang napatawa, puno ng sakit at inis ang halakhak na lumabas sa kanyang bibig. "Akala mo ba... tingin niyo ba sa akin, ganoon kabilis makuha? Na isang salita lang, maniniwala na ako agad?"

Tinagilid nito ang ulo, nakakunot ang noo at tila hindi naiintindihan ang ibig niyang sabihin.

"I don't know what you're talking about," sagot nito nang walang bahid ng kasalanan, parang bata na itinatanggi ang kasalanan.

Doon na umapaw ang galit niya. Hindi na niya napigilan ang sarili—itinaas niya ang kamay at Malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi nito.

Nanginginig ang buong katawan niya sa halo-halong emosyon—galit, hiya, at lalong sakit na dulot ng mga sinabi nito. Hindi siya naghintay ng anumang sasabihin o gagawin pa nito. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo, lumabas ng silid nito habang halos tumutulo na ang luha na kanina pa niya pinipigilan.

Pero habang tumatakbo palayo, lalo lang siyang nainis at nasaktan. Sa huling sulyap niya bago isara ang pinto, nakita niyang nakatayo lang ito doon—hinahaplos ang pisngi na sinampal niya, pero ang mukha ay walang galit, walang paki, at parang... hindi man lang naapektuhan ng ginawa niya.

Ano ba talaga ang tingin niya sa akin?

ALAS-siyete na ng gabi at oras na para sa hapunan, pero naroon siya sa kusina at walang balak dalhin ang pagkain sa itaas para sa binata. Masama pa rin ang loob niya at sariwa pa sa isip niya ang nangyari kanina sa terasa.

Siniko siya ni Hanna, ang kasama niya sa trabaho at naging malapit na rin niya matagalan. Sumulyap ito sa tray na nakahanda.

"Siguradong naghihintay na ang Senyorito, dalhin mo na 'yan!" pangungulit nito.

Napatingin lang siya sa pagkain, saka biglang naglakad pabalik sa lamesa ng kusina at ibinaba iyon doon nang malakas.

"Kung gusto niyang kumain," tumingala siya sa direksyon ng hagdan, puno ng pagmamalaki ang tono, "ede bumaba siya, hm."

Umirap pa siya bago kumuha ng plato para maghanda ng sariling pagkain. Sa ngayon, sila lang naman ang naririto sa bahay. Wala si Madam, at ang Daddy naman ni Senyorito Gabriel ay hindi pa niya nakikita mula nang dumating siya rito.

"Ano ka ba, mapapagalitan ka na naman ni Mayordoma niyan eh," saway ni Hanna sa kanya, nag-aalala na baka mapahamak siya dahil sa katigasan ng ulo.

"Ayoko nga kasi," pagmamatigas niya, hindi talaga nagpapatinag.

Magsasalita pa sana si Hanna para pakiusapan siya, pero pareho silang natigilan at napatahimik nang biglang lumitaw ang isang anino sa pintuan ng kusina.

Dahan-dahang lumapit si Senyorito Gabriel, walang imik, at diretsong umupo sa gitna ng mahabang lamesa kung saan nakahain ang pagkain na dapat sana ay para dito. Nanatili ang tingin nito sa kanya—matalim, seryoso, at tila ba may sinasabing kahit ano pa ang gawin niya, siya pa rin ang panalo.

Nanigas siya sa kinatatayuan, hawak pa rin ang sandok. Bakit siya bumaba? At bakit ganoon lang siya makatingin?

Tumikhim siya nang mahina at agad na umiwas ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata. Mabilis niyang binitawan ang sandok na hawak at siniko si Hanna sa tagiliran, tila ba humihingi ng tulong o senyales na aalis na siya.

"Mamaya na ako kakain,"mabilis niyang anunsyo, saka humakbang paatras at akmang tatalikod na naman para tumakas—parang bata na ayaw humarap sa kaparusahan.

Pero bago pa man siya makalayo ng isang dipa, narinig niya ang mababa, malamig, at tiyak na utos mula sa kinaroroonan nito.

"Stay."

Isang salita lang, pero sapat na para mapako siya sa kinatatayuan. Nanigas ang mga paa niya at parang ayaw na itong sumunod sa utos ng utak niya. Dahan-dahan siyang lumingon ulit, nakita niyang hindi man lang ito gumalaw sa pwesto, nakasandal lang ito sa upuan habang nakatitig pa rin sa kanya—hindi kumukurap, parang naghihintay lang ng susunod niyang gagawin.

Nagkatinginan sila ni Hanna, parehong naguguluhan, pero kitang-kita sa mukha ng kasama niya ang takot at pag-aalala.

Ano na naman ba ang gusto nito? reklamo niya sa isip habang pigil ang hininga, hindi makagalaw at hindi makasagot.

"Kasi, Senyorito... may iniutos lang po si Mayordoma," dahilan niya habang yumuko nang bahagya, muling sumusubok gumawa ng paraan para makalayo at makatakas sa sitwasyon.

Pero bago pa man siya makahakbang, tumagos sa butas ng kanyang tainga ang mga salitang sapat para patigilin ang buong katawan niya.

"Do you want me to fire you?"

Nanigas siya sa kinatatayuan. Para bang nawalan ng bigla ng lakas ang kanyang mga binti at hindi na muling nakagalaw pa. Alam niyang seryoso ito. Alam niyang kaya nitong gawin iyon nang walang pag-aalinlangan. At kahit gaano pa kasama ang loob niya o kahit gaano pa siya kagalit, hindi niya kayang mawalan ng trabaho. Ito ang kailangan niya.

Kaya naman, labag man sa kalooban at puno ng sama ng loob, dahan-dahan siyang bumalik sa dating pwesto. Nakayuko lang ang ulo at iniwasan itong tingnan, parang batang napasunod kahit ayaw.

Nakita naman iyon ng binata at unti-unting gumuhit ang isang mapang-asar at panalong ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig sa dalagang tila sumuko na sa huli.

"Thought so," bulong nito nang mahina, puno ng kumpyansa sa sarili dahil alam niyang hawak niya ang kahinaan nito.

Nakayuko lang siya doon, nagngangalit ang mga ngipin sa inis, habang nararamdaman niya ang matagal at matamang titig nito na parang nananalo sa isang labanan.

"You can leave."

Napaangat siya ng tingin, halos sumigaw na sa tuwa at gulat dahil buong akala niya ay siya ang tinutukoy nito. Salamat naman, palalayain na niya ako, ang laman ng isip niya, handa na sanang tumalilis agad ng takbo palayo.

"Opo, Senyorito," sagot naman ni Hanna, sabay yuko at mabilis na naglakad palayo palabas ng kusina.

Naiwan siyang nakatulala sa pwesto, nakabuka pa ang bibig at parang binuhusan ng malamig na tubig nang tuluyang sumara ang pinto at marinig ang mga yabag ng kasama niya na papalayo.

Si Hanna? Si Hanna ang pinalaya niya? Eh ako?

Dahan-dahan siyang lumingon pabalik sa binata. Nakaupo pa rin ito nang maayos, nakasandal sa upuan at dahan-dahang humihiwa ng karne sa plato, habang ang mga mata naman ay nakapako lamang sa kanya—tila ba aliw na aliw ito sa gulat at pagkabigla na nakikita sa mukha niya.

"At ikaw," mahinang sambit nito sabay angat ng tinidor, "dito ka lang. Maghintay ka hanggang matapos ako."

Napakapit siya sa laylayan ng kanyang damit sa sobrang inis at galit. Gusto niyang magreklamo, gusto niyang magwala, pero naalala niya ang banta nito kanina tungkol sa pagtatanggal sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya nang malalim at muling yumuko, pilit na kinikimkim ang lahat ng gustong sabihin.

Siraulo. Baliw. Wala talagang ibang salita para sa kanya kundi 'yan, mura niya sa isip habang nakatayo lang sa isang sulok at nag-aabang sa susunod nitong gagawin.

Halos manhid na ang mga binti niya sa katatayo nang tuwid. Naninigas na ang kanyang likod at balikat sa pagkakatindig nang matagal, pero kahit gustuhin man niyang umupo o kahit dumikit lang sa pader, alam niyang bawal. Hindi siya maaaring gumalaw nang walang paalam.

Ano bang nagawa ko sa nakaraang buhay para parusahan ako ng ganito? tanong niya sa sarili habang pilit na pinapakiramdaman ang sarili, halos maiyak na sa pagod at inis.

Biglang basag ng katahimikan ang pagtawag nito sa pangalan niya.

"Lira?"

"Po?!" Mabilis at matinis niyang sagot, halos mapatalon pa siya sa gulat. Agad siyang yumuko nang bahagya, handang sumunod o sumagot sa anumang iuutos nito, ang puso naman ay muling kumabog nang mabilis dahil hindi niya alam kung ano na naman ang sasabihin nito.

Tiningnan lang siya nito sandali habang dahan-dahang nagpupunas ng bibig gamit ang bimpo. Mabagal ang bawat kilos nito, tila sinasadya nitong pahabain pa lalo ang paghihintay niya.

"Put some water in," utos nito nang walang emosyon, sabay turo sa baso sa harap nito na halos puno pa naman.

Napakuyom ang kamao niya sa likuran. Tubig? Puno naman 'yan ah! Gusto lang talaga niya akong pagalaw-galawin at pahirapan! Pero syempre, imbes na sigawan ito, napilitan siyang sumunod. Dahan-dahan siyang lumapit, inabot ang pitsel, at punuin ulit ang baso kahit halos wala namang nabawas.

Habang ginagawa iyon, naramdaman niyang nakasunod ang mata nito sa bawat galaw niya.

"I'm sorry."

Natigilan siya sa pagbuhos ng tubig at halos malaglag ang pitsel na hawak. Dumeretso ang tingin niya sa binata, nanlalaki ang mga mata sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa narinig—siya ba talaga ang kausap nito? Siya ba ang hinihingan nito ng paumanhin?

"I think you misunderstood what I'm talking about," dugtong pa nito. Humugot ito ng isang mahabang hininga, tila ba nag-iipon ng lakas ng loob o sadyang nag-iisip ng maigi bago muling magsalita.

"And I don't have any plans to explain it, but still... I'm sorry."

Bumalik sa pagkakababa ang tingin niya. Magulo ang isip niya. Humingi ito ng tawad, pero ayaw naman nitong ipaliwanag kung ano talaga ang ibig sabihin ng mga sinabi at ginawa nito. Para bang binigyan siya ng kapayapaan, pero iniwan pa rin siyang nagtatanong at naguguluhan.

Ano ba talaga siya para rito? Bakit ganoon ito kung makasalita at umakto, tapos hihingi lang ng tawad nang basta-basta?

Pinunasan niya ang basang gilid ng mesa gamit ang basahan, pilit na itinatago ang panginginig ng kamay. "Senyorito... kung naintindihan ko man o hindi... ang mahalaga po ay kung ano ang narinig at nakita ko," mahina niyang sagot, hindi pa rin maalis ang bigat sa dibdib.

Nanatili lang itong nakatingin sa kanya, tahimik at seryoso, parang may gustong sabihin pero pinipigilan lang din ang sarili.

Napaiktad siya sa gulat nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Nanlalaki ang mga mata niyang ibinalingan ito ng tingin, parang naestatwa sa kinatatayuan. Ang init ng palad nito ay tumagos sa kanyang balat, at parang huminto sandali ang pagtibok ng puso niya sa gulat at kaba.

"Senyorito—" nauutal niyang tawag, hindi alam kung huhugot ba siya o mananatili lang doon.

"Come with me tomorrow, I'll explain everything," seryosong sabi nito. Tinitigan siya nito nang diretso sa mga mata, sapat para maramdaman niyang seryoso ito at hindi lang nagbibiro gaya ng dati.

Naguguluhan niya itong tiningnan. "Pero bakit po? Saan po tayo pupunta? At ano po ang kailangang ipaliwanag niyo?" sunod-sunod niyang tanong, puno ng pag-aalinlangan.

"Just come with me, and you'll know," maikli ngunit mariing sagot nito. Hindi nagbigay ng karagdagang detalye, pero mahigpit pa rin ang hawak sa kamay niya na parang sinisiguro nitong hindi siya tatanggi o tatakas ulit.

Dahan-dahan nitong binitawan ang kamay niya, pero naiwan pa rin ang init at pakiramdam na parang may nagbago na sa pagitan nila.

"Wag kang mag-aalala... hindi kita dadalhin sa lugar na makakasama sa'yo," dagdag pa nito bago ito tumayo at naglakad na paalis ng kusina, iniwan siyang tulala at puno ng tanong sa isip.

Naiwan siyang nakatayo doon, hinahaplos ang kamay na hawak nito kanina. Dadalhin niya ako? Ipapaliwanag ang lahat? Paulit-ulit na bumabagabag sa kanya ang mga salitang iyon, at hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o lalong matakot sa mangyayari bukas.

Basta isa lang ang sigurado siya, may nag bago na sa pagitan nilang dalawa.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    SPECIAL CHAPTER 3

    Lirielle Amara DeLos Santos Mireille Alarih Delos Santos Salubong ang kilay niya habang pinapanood na bumaba ang kapatid niya mula sa kotse nito. Nakahanda na ang kamay niya para batukan ito pagkalapit na pagkalapit pa lang nito—dahil sa totoo lang, hindi na naman ito pumasok sa klase. The moment her younger sister caught sight of her standing there, instantly recognizing the deadly glare on her face, bigla itong nag-alinlangan na pumasok sa loob ng bahay. "A-Ate... hi?" Mireille offered a weak, nervous smile, taking a cautious step backward toward her car. "Mireille, sumunod ka sa akin," malamig niyang utos bago tumalikod para pumasok sa loob ng mansyon. "Gusto mo bang i-cut off ko naman ang allowance mo, ha?!" inis na banta ng dalaga pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa malawak na sala. She turned around, crossing her arms as she stared down her younger sister. "Mireille, pang-ilang beses mo na ba itong hindi pagpasok? You’re wasting your tuition, and Dad will absolutely l

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    SPECIAL CHAPTER 2

    Lirielle Amara DeLos Santos Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kusina, nakita na niya agad ang mga magulang niya na naglalambingan. Hindi niya mapigilang mapangiwi. As their daughter, she was genuinely happy for them, but sometimes, their extreme sweetness just makes her cringe."Ang aga-aga naman para sa teleserye niyo, Ami, Dad," She cleared her throat loudly as she walked toward the refrigerator.Natawa si Gabriel at dahan-dahang binitawan ang baywang ng asawa. He leaned back against the kitchen counter, casually folding his arms across his chest. Kayang-kaya niyang patakbuhin ang isang dambuhalang business empire nang walang takot, pero pagdating sa anak niya, he always had this soft, teasing smile."Good morning to you too, Doc," Gabriel said, looking incredibly handsome for a father of a grown-up daughter. "Inggit ka lang. Bakit hindi mo kasi ipakilala sa amin 'yang sinasabi ng mga nurse mo na misteryosong pasyente mo?"She nearly choked on her glass of water. Misteryosong pa

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    SPECIAL CHAPTER

    Lirielle Amara DeLos SantosPagod siyang naglalakad sa hallway ng hospital nang tawagin ulit siya ng isang nurse. Gusto na niyang magmura sa sobrang inis, pero pilit pa rin siyang ngumiti bago ito hinarap."Yes?""Doc, 'yong isang patient mo kasi nagwawala naman," sumbong nito.Napahilot siya sa kanyang sintido sa narinig. "Alam mo, dapat sa mental hospital nila dinala 'yon, hindi dito," inis niyang ani habang naglalakad na sila pabalik.Ito 'yong pasyente niya na ayaw na ayaw na hinahawakan siya. Tingin niya nga ay may sakit talaga ito sa utak. Nag-suggest na siya sa pamilya nito na ilipat na lang ang lalaki sa psychiatric facility, pero natatakot ang mga ito na baka mas lalong mabaliw ang anak nila.Hello? Pero kami naman ang nababaliw dito ngayon.Isinuot niya ang kanyang doctor’s coat bago tuluyang pumasok sa kwarto nito. Bukas ang pinto at agad niyang nakita ang lalaking nakatayo sa tapat ng malaking bintana. Sobrang gulo ng kwarto—nagkalat ang mga bedsheet sa sahig at literal na

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    EPÍLOGO

    Bago naging tahanan ni Gabriel ang mga bisig ni Lira, ang buhay niya ay isang malaking silid na gawa sa yelo. Growing up, he was the definition of cold and emotionless. Sa labas, he was the envy of everyone—the perfect, handsome heir to a multi-billion empire. Pero sa loob ng mansyon nila, he was nothing but an empty shell. Ang bawat kilos niya, bawat salita, at maging ang mga taong kakaibiganin niya ay kailangang dumaan sa approval ng kanyang ina. "You are a Delos Santos. You don't show weakness. You don't show emotions. Emotions make you pathetic," his mother's cold, sharp voice would always echo in his mind. He was trained to be a robot. Bata pa lang siya, bawal na siyang umiyak kapag nadadapa. Bawal siyang magreklamo kahit pagod na siya sa sandamakmak na lessons at business meetings na ipinipilit sa kanya. High school and college passed like a blur—he had no real friends, only connections that would benefit the family business. He didn't know what happiness felt like because he

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    TREINTA y SEIS

    The next day, the backyard of Allan’s house was transformed into a small, intimate celebration. Allan and Arianna insisted on hosting a welcome-home dinner for them. The smell of grilled food, the soft fairy lights strung across the trees, and the sound of Lirielle’s giggles completely erased the five years of cold silence they had all endured. Gabriel hadn't let go of Lirielle all afternoon. He carried her on his shoulders, ran around the grass with her, and listened intently to every single story his daughter had to tell. It was as if he was trying to make up for every birthday, Christmas, and milestone he had missed in a single day. Lira stood by the patio, holding a glass of juice, just watching them. Her heart felt so full it almost ached. "See? I told you everything would be fine," Arianna said, walking up beside her with a gentle smile. She patted her pregnant belly. "Gabriel looks so alive today. Years of looking dead inside, and now he can't even stop smiling." Lira let o

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    TREINTA y CINCO

    Magkasabay na lumabas sina Allan at Arianna sa kusina, habang ang anak niya ay nanatiling nakatayo sa hagdan. Her cute eyes were looking at Gabriel curiously. Gabriel couldn't breathe. Napapakurap-kurap siya, looking back and forth between the little girl and the woman beside him. The resemblance was uncanny, but it was the little girl's eyes—intense, deep, and identical to his own—that completely stripped away any doubt. "A-Ami...?" Gabriel stammered, his voice barely a whisper. He looked at her, his eyes wild with a mix of shock and dawning realization. "Is she... is she ours?" Lirielle took a step down the stairs, her tiny hands clutching her plush toy tighter. She looked up at Gabriel with pure innocence. "Mommy, who is he? Bakit po siya umiiyak?" Umiyak na rin siya nang tuluyan at dahan-dahang hinawakan ang braso ni Gabriel. "Gab, meet Lirielle. Our daughter. Buhay siya... hindi siya nawala sa atin." It felt like a bomb exploded in Gabriel's chest. All those years of grievin

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status