MasukKIARA
Gusto ko ng umalis sa lugar na iyon ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. “What’s wrong?” tanong niya sa akin. Bumibigat lalo ang hininga ko at gusto na makawala sa lugar na iyon.
“Please, kailangan ko ng umalis, mali, mali yung ginawa nating dalawa.” Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.
“What’s wrong with it?” tanong niya sa akin.
“Ikakasal na ako! Mali yung ginawa natin,” sambit ko. Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko, na parang siya rin ay nagkamali dahil sa ginawa naming dalawa.
“Sorry, Lianne let’s go!” sambit ko kay Lianne. Agad naman siyang napatingin sa akin at kita sa mukha niya ang pagtataka.
Nagmamadali akong lumabas hanggang sa makarating kami sa parking lot.
“Wait lang Kiara, ang bilis mong maglakad. Ano bang nangyayari? Sino yung morenong lalaking iyon?” tanong niya sa akin. Napapikit na lang ako sabay napahawak sa aking ulo.
“I did something wrong Lianne. Nakipaghalikan ako sa lalaking hindi ko kilala.” Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko. “Mali, mali yung ginawa ko. Hindi ko kilala yung lalaking iyon yet we just make out.”Napahinga naman si Lianne at nilapitan. “Okay easy, nasa bar tayo and those things can really happen.”
“Pero Lianne, ikakasal ako.”
“Pero hindi mo naman siya mahal, so technically single ka,” dahilan niya. “Basta huwag mo ng isipin iyon. Umuwi na tayo.” Napalunok naman ako at napatango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.Buong biyahe, hindi pa rin matanggal sa isipan ko yung lalaking iyon. Lalo na yung halik na nangyari kanina. Aaminin ko, that kiss was really good. Siguro dahil sanay na siyang gawin iyon o dala ng pagkapusok ko at kagustuhan kong maranasan ang bagay na iyon.
“Hey, ang lalim naman ng iniisip mo. About pa rin ba sa kiss?” tanong niya sa akin. “Umamin ka nga, nagustuhan mo ano?” Napatingin naman ako sa kaniya nang masama. “Why? Nagtatanong lang ako.”
“Pero mali iyon.” “Pero nagustuhan mo.” wala na akong mabato na rason dahil totoo naman ang sinasabi niya. I really like it. Ang galing niyang mang-akit na para bang sanay na sanay na siya sa ginagawa niyang iyon. “Well magaling siyang humalik, but if I didn’t stop it baka sa iba pa mapunta iyon,” wika ko sa kaniya. Napatingin lang ako sa labas at iniisip ang mga nangyayari kanina.“Nakuha mo ba yung pangalan?” tanong niya sa akin.
“No, natakot ako eh. I pushed him away.” sambit ko. “Pero nakakainggit siya, isipin mo kaya niyang maging malaya sa mga oras na iyon.” Napatawa naman si Lianne sa akin. “Huwag ka ring mainggit, mukhang babaero. Buti na lang din at napigilan mo baka mamaya madagdag ka sa collection niya.” Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa curious ko.“But his really good, hindi ba magbabago yung mga lalaking playboy?” napailing-iling na lang siya.
“Alam mo, iyan ang mali nila tita. Masyado ka nilang sinasakal kaya look ang bilis mo lang bilugin ng mga lalaking kagaya no’n. Yes gwapo siya, magaling sa mga mabulaklak na salita. Pero iyon yun skills nila para makakuha ng mga babae,” dahilan niya sa akin. “Kung iisipin mas better pa rin yung mga katulad ni Zoren, simple lang at goal oriented.”
“Hindi ko naman mahal,” pagdadahilan ko.
“Bakit yung lalaking nasa bar ba kanina, mahal mo na?” Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I feel like kay Zoren, hindi naman ako magiging masaya kasi hindi naman namin gusto ang isa’t isa. If kaya ko lang makahanap ng lalaking compatible sa akin,” wika ko sa kaniya.
“Malay mo naman yung lalaking nakahalikan mo. If nakita mo ulit iyon, baka kayo talaga,” pang-aasar niya.
“I don’t believe in that. Sila mom na ang nagtakda sa mangyayari sa buhay ko, sa future ko.” Nakaramdam ako ng kalungkutan sa mga pagkakataon na iyon dahil iyon ang totoo. Wala na akong control sa magiging buhay ko.“Sana dumating yung time na kaya mo ng ilaban yung sarili mong buhay. Yung mag-stand up ka sa decisions mo at papanindigan mo ang sarili mong buhay na walang kahit ano’ng utos nila,” nakangiting sabi ni Lianne sa akin.
Hindi ko magawang ngumiti, iniisip ko ang sinabi niya dahil kaya ko bang harapin sila mom? Kaya ko bang ilaban yung kagustuhan ko at gawin ang gusto kong gawin sa buhay ko, malayo sa mga kagustuhan nila?
“Kakayanin ko kaya yung bagay na iyon?” tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay napatango-tango.
“Oo naman, kakayanin mong gawin yung bagay na iyon lalo na kapag naramdaman mong mas matimbang yung pinaglalaban mo kaysa sa kagustuhan nila I know for sure na ilalaban mo yung sarili mo.” Napatigil ako nang marinig ko iyon. Darating pa kaya yung araw na iyon? Ngayon pa lang ang dami ko ng gustong gawin, pero hindi ko rin naman mailaban sa kanila.“Sige na, andito na tayo sa bahay ninyo. Baka naman mamaya magalit pa sila tita sa akin.” Napatingin ako sa labas at doon ko nakita na nakaparada na sa harapan ng bahay namin ang sasakyan niya. “Basta, if meron ka mang ishe-share sa buhay mo, you can tell to me.”
“Thank you, for always being there, Lianne.”
“Ano ka ba, hindi ka na bago sa akin. Since high school magkasama na tayong dalawa. Para saan pa at mag-bestfriend tayo hindi ba?” Niyakap ko siya bago magpaalam. “Basta, kung alam mong hindi na tama yung gusto nilang ipagawa, lumaban ka sa kanila. Hindi masamang tumayo sa sarili mong mga paa lalo na’t anak ka nila, hindi employee.”
She’s right, ang trato sa akin ng mga magulang ko ay isang employee na dapat lahat ng gusto nilang utos ay magawa ko. Pero gaya rin ng mga employee, kaya ko bang lumaban sa boss ko?
Nang makapasok ako sa loob ng bahay, napatigil ako nang makita ko sila mom at dad na nakatayo sa harapan ng pintuan. “Asaan ka nagpunta?” tanong nila sa akin. Napalunok naman ako dahil sa kaba.
“Uhm…kasama ko po si Lianne, pumunta kami sa condo niya.” Lumapit naman si mom sa akin at bigla akong inamoy, dahilan upang mapaatras ako.
“Bakit amoy alak ka?” doon ay mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
“U-uminom po kami sa condo niya. Yes sa condo niya, meron kasing celebration.” pagsisinungaling ko.
“Iyan talagang kaibigan mo napaka bad influence,” sambit niya sa akin.“Mom, matanda naman na ako and besides onting alak lang iyon, wala namang magagawa iyon.”
“At nangangatwiran ka pa. Hindi ba dapat inaasikaso mo na yung mga gamit mo? Bukas ka na lilipat.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
“Bukas po? Bakit bukas agad?”
“Bakit hindi? Mas maaga mas maganda,” sagot ni mom sa akin.
“Besides, hindi ba mas makikilala ninyo agad ni Zoren ang isa’t isa. Mas magiging maganda ang business at collaboration kung maganda ang relationship ninyo sa isa’t isa.” sambit ni dad.
“May sasabihin ka ba?” tanong ni mom sa akin. Napalunok na lang ako at dahan-dahan na umiling.
“Wala po.” Dahil kahit ano’ng sasabihin ko, sa huli, yung desisyon pa rin nila ang masusunod.
KIARA “Alam mo ang laki ng bahay ninyo, pero hindi mo man lang ako magawang makausap,” kulit na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit andito pa rin itong lalaking ito? Gusto ba nito makikain din dito?“Alam mo ang dami mong sinasabi? Bakit ba andito ka pa rin? Kanina mo pa kinukwento na pinadala ka ni Zoren dito kahit na meron kang party na pupuntahan? Bakit hindi ka pa umaalis, iwan mo na ako dito.” wika ko sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. “Easy lang, parang lahat ng galit mo sa mundo ibinuhos mo sa akin?” patawa niyang sabi. “Besides andito na ako bakit hindi pa ako makikikain, sayang ang utos ni Zoren kung wala rin naman akong benefit.” Napairap na lang ako at napailing-iling. Tinuloy ko na lang ang niluluto ko dahil ano’ng oras na rin. Pero hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, dahil first time ko lang na gawin ang pagkain na ito. Sinusundan ko lang kung ano ang step na pinapanood ko. Kumuha ako ng kutsilyo para hiwain ang mg
KIARANakatingin lang ako sa mga gamit na dadalhin ko sa bahay na titirahan namin ni Zoren. Hindi ko na rin dinamihan lahat dahil hindi ko naman alam kung masasanay ako doon. Ang hinihintay ko na lang kung kailan darating si Zoren dahil siya ang maghahatid sa akin papunta sa penthouse. Sinabihan ko naman siya na kaya ko ng mag-isa, magbo-book na lang ako pero mapilit din siya, siguro gawa ng sinabi ni Tito sa kaniya. Hindi pa nagtatagal ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko at doon ko nakita ang pangalan ni Zoren. “Andito ka na ba?” I asked politely. “Sorry Kiara, I can’t make it. Ang dami kong inaasikaso sa office. Pero meron na akong tao na pinapunta jan para sunduin ka,” wika niya sa akin. “No need na Zoren, sabi ko naman kasi sa ‘yo na kaya ko naman pumunta mag-isa doon. Magbo-book na lang ako,” sagot ko pabalik. “No I insist, sige na kita na lang tayo mamaya sa penthouse, bye.” Napahinga na lang ako nang marinig kong binaba niya ang tawag. Sigurado akong napipilitan lan
KIARA Gusto ko ng umalis sa lugar na iyon ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. “What’s wrong?” tanong niya sa akin. Bumibigat lalo ang hininga ko at gusto na makawala sa lugar na iyon. “Please, kailangan ko ng umalis, mali, mali yung ginawa nating dalawa.” Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. “What’s wrong with it?” tanong niya sa akin. “Ikakasal na ako! Mali yung ginawa natin,” sambit ko. Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko, na parang siya rin ay nagkamali dahil sa ginawa naming dalawa. “Sorry, Lianne let’s go!” sambit ko kay Lianne. Agad naman siyang napatingin sa akin at kita sa mukha niya ang pagtataka. Nagmamadali akong lumabas hanggang sa makarating kami sa parking lot. “Wait lang Kiara, ang bilis mong maglakad. Ano bang nangyayari? Sino yung morenong lalaking iyon?” tanong niya sa akin. Napapikit na lang ako sabay napahawak sa aking ulo. “I did something wrong Lianne. Nakipaghalikan ako sa lalaking hindi ko kilala.” Napatigil naman si
KIARAMinsan sa buhay ko ay wala talaga akong nilabag na kahit ano’ng ayaw nila dahil ayaw kong magalit sila. Kaya sa loob ko, nakabuo ako ng mga bagay na alam kong comfort ko at mga bagay na dapat kong iwasan. All of my life sinusunod ko ang kung ano’ng image ang gusto nilang magkaroon ako. Ayaw ko na magkaroon ako ng isang pagkakamali na magiging disappointed sila sa akin dahil sa buhay ko walang room ang pagkakamali. Ni minsan hindi ko pa nagawang maging wild, maging malaya. Sa decisions ko sa nung college about sa mga papasukan kong universities at program, doon lang ako naging malaya. Pero sa pinaka buhay ko, nakakulong pa rin ako sa kung ano’ng alam nilang tama. “Malalim na naman yung iniisip mo, spill it,” tanong ni Lianne sa akin. Napangiti naman ako at napailing-iling. “Ano sila tito at tita na naman? Ganyan ka naman lagi kapag meron silang pinapagawa sa ‘yo.” wika niya sa akin. “Ikakasal na ako,” walang prenong sambit ko. Napatigil siya at seryosong napatingin sa akin. “
KIARAHabang nakatingala sa kalangitan, doon ko napansin ang malalayang bituwin na nagniningning kasama ng buwan na nagbibigay liwanag sa gabing madilim. Kung iisipin, napakalaya nila, napakalaya silang makita ng lahat ng tao. Napakalaya silang gawin ang mga bagay na gusto nila–malayo sa kakayanan kong gawin ang bagay na gusto ko. Minsan naiingit na lang ako sa kalayaan na natatanggap nila, dahil may kalayaan din kaya ako? May kakayahan din ba akong gawin ang gusto kong gawin? Dahil sa pagkakataon na ito, para akong nakatali sa isang tanikala na ang tanging magagawa lamang ay ang sumunod sa utos na sasabihin nila sa akin. “Magpapakasal? Kanino naman po?” tanong ko sa kanila. “Sa anak nila Helena at Victor Alcantara na si Zoren.” Napapikit na lang ako nang marinig ang sinabi nilang iyon. Doon pa lang alam ko ng talo ako. Doon pa lang ay wala na akong kalayaan. “Mom, dad hindi ba sinabi ninyo ako na ang bahala sa buhay ko?” tanong ko sa kanila. “And we did,” sagot ni mom. “Ikaw ang







