Mag-log inKIARA
Nakatingin lang ako sa mga gamit na dadalhin ko sa bahay na titirahan namin ni Zoren. Hindi ko na rin dinamihan lahat dahil hindi ko naman alam kung masasanay ako doon.
Ang hinihintay ko na lang kung kailan darating si Zoren dahil siya ang maghahatid sa akin papunta sa penthouse. Sinabihan ko naman siya na kaya ko ng mag-isa, magbo-book na lang ako pero mapilit din siya, siguro gawa ng sinabi ni Tito sa kaniya.
Hindi pa nagtatagal ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko at doon ko nakita ang pangalan ni Zoren. “Andito ka na ba?” I asked politely.
“Sorry Kiara, I can’t make it. Ang dami kong inaasikaso sa office. Pero meron na akong tao na pinapunta jan para sunduin ka,” wika niya sa akin.
“No need na Zoren, sabi ko naman kasi sa ‘yo na kaya ko naman pumunta mag-isa doon. Magbo-book na lang ako,” sagot ko pabalik.
“No I insist, sige na kita na lang tayo mamaya sa penthouse, bye.” Napahinga na lang ako nang marinig kong binaba niya ang tawag.
Sigurado akong napipilitan lang siya, dahil parehas naman naming ayaw ito, pero sila lang ang mapilit.
Hindi na rin ako nag-intay pa at nagbook na rin ako ng car para makaalis na. Wala pang ilang sandali ay narinig ko na itong bumusina sa labas.
Nagmadali na akong lumabas at sumakay sa sasakyan. Pumwesto ako sa likurang bahagi ng sasakyan dahil nahihiya ako na tumabi sa driver.
Medjo pagod na rin ako gawa ng ang dami ko ring nilinis sa kuwarto ko para wala akong kalat na maiwan dahil matagal din ako bago makabalik sa bahay.
Maraming sinasabi ang driver, pero hindi ko rin ito maintindihan gawa ng antok.
Pagkadilat ko, nakita kong nasa harapan na kami ng building kaya agad akong napabalikwas ng upo. “Buti naman gising ka na,” wika ng driver sa akin.
“Sorry po, masyadong pagod lang po. Ito po yung bayad, salamat.” meron pa siyang gustong sabihin pero agad na akong lumabas dahil sa hiya ko. Hindi ko kayang marinig ang sasabihin niya kaya tumakbo na ako papunta sa penthouse.
“Tanga mo talaga, bakit ka kasi natulog. Nakakahiya sa driver.” inis na sabi ko sasarili ko. Tinignan ko ang orasan at nanlaki ang mata ko ng makita ko na dalawang oras na rin ang nakakalipas. “Fudge, ang haba ng oras pala akong nakatulog sa sasakyan niya.”
Pagkadating ko sa penthouse, agad bumungad sa akin ang malaking lugar. Ang kulay ng pader ay pinaghalong beige at black. May malaking chandelier din sa dining area at malaking couch. Hindi ko alam kung bakit ganito ang binigay nilang tirahan sa amin na dalawa lang kami pero sobrang laki ng space. But I think it’s fine dahil sa ganitong paraan hindi talaga kami makakapagkitang dalawa.
“Kailangan na naman mag-ayos ng gamit,” wika ko sa sarili ko. Nilapag ko ang bag ko sa couch para simulan ayusin ang gamit ko. Pero napatigil ako nang hindi ko makita ang maleta ko. “Shocks, naiwan ko ata sa driver yung maleta ko,” kabang sabi ko.
Napapikit na lang ako at napahinga nang malalim dahil sa kaba. Agad kong kinuha ang cellphone ko para i-contact ang ni-book kong kotse, pero ang pinagtataka ko ay walang kahit ano’ng receipt ang nagpapatunay na nag book ako. “What the f*ck kanino ako sumakay kanina?” kabadong tanong ko sa sarili ko.
Bigla na lamang tumungog ang doorbell dahilan upang magulat ako. Kahit na nag-aalangan ako ay pinuntahan ko pa rin at pinagbuksan ang pinto. Nagulat naman ako nang makita ko ang lalaki na nakatayo sa harapan ng pintuan ko hawak ang luggage ko.
Napangiti naman siya sa akin sabay tinignan ang luggage ko. “Nice meeting you again, Kiara,” wika niya sa akin. Napalunok naman ako at dahil sa kaba ay agad kong isinarado ang pintuan, pero agad naman niyang hinarang ang katawan niya dahilan upang hindi ko tuluyan na maisarado ang pintuan.
Sino ba naman kasing mag-aakala na andito sa harap ko yung lalaking nakahalikan ko sa bar kahapon. “Hindi mo man lang ba ako babatiin?” napaiwas naman ako nang tingin sa kaniya. Hindi ko kayang makipatitigan sa kaniya after what happened yesterday. Isa pa bakit siya andito? At paano niya nalaman ang pangalan ko? Paano rin niya hawak ang luggage ko? At higit sa lahat paano niya nalaman kung asaan ako?
“Parang kahapon lang ang wild mo tapos ngayon tahimik ka?” tanong niya sa akin. “Bakit hindi alam ni Zoren yung side mo na iyon? Kaya takang taka ako sa sinabi niyang tahimik ka.” Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ni Zoren.
Napatingin ako sa kaniya at pinagmasdan siya maigi. Somehow may resemblance nga siya kay Zoren, pero moreno lang siya tignan. “Zoren?”
“Oo yung mapapangasawa mo, yung kapatid ko,” wika niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa gulat. Hindi ko ine-expect na ganito ang mangyayari. Paano’ng ang kapatid ni Zoren ang nakahalikan ko kahapon sa bar? Ganito ba talaga kaliit ang mundong ginagalawan namin?
“Hindi mo ba ako papasukin?” tanong niya sa akin. Napatayo naman ako nang maayos at sinenyasan siya na pumasok sa loob. Napangiti naman siya sa akin at pumasok sa loob dala-dala ang maleta ko. Napahinga naman ako nang malalim bago isarado ang pintuan.
“So kumusta si Zoren?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon, lalo na’t nahihiya pa rin ako sa nangyari sa amin kahapon. “Bakit hindi ka makatingin? Is it because of the kiss yesterday?” napatingin naman ako sa kaniya sabay tinakpan ang bibig niya.
“Pwede ba huwag mo na ngang i-bring up iyon. Hindi ko naman sadya okay? Dala lang ng alak kaya nangyari iyon.” depensa ko. Dahan-dahan naman niyang tinaas ang dalawa niyang kamay sign na sumusuko na siya sa diskusyon. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko at lumayo ng kaunti sa kaniya.
“Don’t overthink about it, wala lang sa akin iyon.” tinignan ko naman siya ng may panghuhusga.
“Bakit lagi mong ginagawa sa ibang babae iyon?” tanong ko sa kaniya. “So tama nga ako ng speculations, babaero ka nga,” sambit ko sa kaniya. Napatawa na lang siya sabay napailing-iling.
“Why? Andoon tayo sa bar, hindi ba other than being happy ay may make out na nangyayari sa loob?” tanong niya sa akin. Napailing-iling na lang ako at kinuha ang maleta ko para ayusin ang gamit ko. Kaya siguro si Zoren ang mas pinu-push nila kasi kita naman ang pagkakaiba nilang dalawa. Si Zoren ay may kakayahan na sumunod sa utos ng mga magulang niya. While itong isang ito mukhang pariwara sa buhay niya.
“Noah,” Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Kanina mo pa kasi ako tinitignan na parang hinuhusgahan mo ako. So call me Noah Mateo Alcantara.”KIARA “Alam mo ang laki ng bahay ninyo, pero hindi mo man lang ako magawang makausap,” kulit na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit andito pa rin itong lalaking ito? Gusto ba nito makikain din dito?“Alam mo ang dami mong sinasabi? Bakit ba andito ka pa rin? Kanina mo pa kinukwento na pinadala ka ni Zoren dito kahit na meron kang party na pupuntahan? Bakit hindi ka pa umaalis, iwan mo na ako dito.” wika ko sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. “Easy lang, parang lahat ng galit mo sa mundo ibinuhos mo sa akin?” patawa niyang sabi. “Besides andito na ako bakit hindi pa ako makikikain, sayang ang utos ni Zoren kung wala rin naman akong benefit.” Napairap na lang ako at napailing-iling. Tinuloy ko na lang ang niluluto ko dahil ano’ng oras na rin. Pero hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, dahil first time ko lang na gawin ang pagkain na ito. Sinusundan ko lang kung ano ang step na pinapanood ko. Kumuha ako ng kutsilyo para hiwain ang mg
KIARANakatingin lang ako sa mga gamit na dadalhin ko sa bahay na titirahan namin ni Zoren. Hindi ko na rin dinamihan lahat dahil hindi ko naman alam kung masasanay ako doon. Ang hinihintay ko na lang kung kailan darating si Zoren dahil siya ang maghahatid sa akin papunta sa penthouse. Sinabihan ko naman siya na kaya ko ng mag-isa, magbo-book na lang ako pero mapilit din siya, siguro gawa ng sinabi ni Tito sa kaniya. Hindi pa nagtatagal ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko at doon ko nakita ang pangalan ni Zoren. “Andito ka na ba?” I asked politely. “Sorry Kiara, I can’t make it. Ang dami kong inaasikaso sa office. Pero meron na akong tao na pinapunta jan para sunduin ka,” wika niya sa akin. “No need na Zoren, sabi ko naman kasi sa ‘yo na kaya ko naman pumunta mag-isa doon. Magbo-book na lang ako,” sagot ko pabalik. “No I insist, sige na kita na lang tayo mamaya sa penthouse, bye.” Napahinga na lang ako nang marinig kong binaba niya ang tawag. Sigurado akong napipilitan lan
KIARA Gusto ko ng umalis sa lugar na iyon ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. “What’s wrong?” tanong niya sa akin. Bumibigat lalo ang hininga ko at gusto na makawala sa lugar na iyon. “Please, kailangan ko ng umalis, mali, mali yung ginawa nating dalawa.” Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. “What’s wrong with it?” tanong niya sa akin. “Ikakasal na ako! Mali yung ginawa natin,” sambit ko. Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko, na parang siya rin ay nagkamali dahil sa ginawa naming dalawa. “Sorry, Lianne let’s go!” sambit ko kay Lianne. Agad naman siyang napatingin sa akin at kita sa mukha niya ang pagtataka. Nagmamadali akong lumabas hanggang sa makarating kami sa parking lot. “Wait lang Kiara, ang bilis mong maglakad. Ano bang nangyayari? Sino yung morenong lalaking iyon?” tanong niya sa akin. Napapikit na lang ako sabay napahawak sa aking ulo. “I did something wrong Lianne. Nakipaghalikan ako sa lalaking hindi ko kilala.” Napatigil naman si
KIARAMinsan sa buhay ko ay wala talaga akong nilabag na kahit ano’ng ayaw nila dahil ayaw kong magalit sila. Kaya sa loob ko, nakabuo ako ng mga bagay na alam kong comfort ko at mga bagay na dapat kong iwasan. All of my life sinusunod ko ang kung ano’ng image ang gusto nilang magkaroon ako. Ayaw ko na magkaroon ako ng isang pagkakamali na magiging disappointed sila sa akin dahil sa buhay ko walang room ang pagkakamali. Ni minsan hindi ko pa nagawang maging wild, maging malaya. Sa decisions ko sa nung college about sa mga papasukan kong universities at program, doon lang ako naging malaya. Pero sa pinaka buhay ko, nakakulong pa rin ako sa kung ano’ng alam nilang tama. “Malalim na naman yung iniisip mo, spill it,” tanong ni Lianne sa akin. Napangiti naman ako at napailing-iling. “Ano sila tito at tita na naman? Ganyan ka naman lagi kapag meron silang pinapagawa sa ‘yo.” wika niya sa akin. “Ikakasal na ako,” walang prenong sambit ko. Napatigil siya at seryosong napatingin sa akin. “
KIARAHabang nakatingala sa kalangitan, doon ko napansin ang malalayang bituwin na nagniningning kasama ng buwan na nagbibigay liwanag sa gabing madilim. Kung iisipin, napakalaya nila, napakalaya silang makita ng lahat ng tao. Napakalaya silang gawin ang mga bagay na gusto nila–malayo sa kakayanan kong gawin ang bagay na gusto ko. Minsan naiingit na lang ako sa kalayaan na natatanggap nila, dahil may kalayaan din kaya ako? May kakayahan din ba akong gawin ang gusto kong gawin? Dahil sa pagkakataon na ito, para akong nakatali sa isang tanikala na ang tanging magagawa lamang ay ang sumunod sa utos na sasabihin nila sa akin. “Magpapakasal? Kanino naman po?” tanong ko sa kanila. “Sa anak nila Helena at Victor Alcantara na si Zoren.” Napapikit na lang ako nang marinig ang sinabi nilang iyon. Doon pa lang alam ko ng talo ako. Doon pa lang ay wala na akong kalayaan. “Mom, dad hindi ba sinabi ninyo ako na ang bahala sa buhay ko?” tanong ko sa kanila. “And we did,” sagot ni mom. “Ikaw ang







