Share

Kabanata 2

Penulis: mnwrites
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-28 17:57:15

KIARA

Minsan sa buhay ko ay wala talaga akong nilabag na kahit ano’ng ayaw nila dahil ayaw kong magalit sila. Kaya sa loob ko, nakabuo ako ng mga bagay na alam kong comfort ko at mga bagay na dapat kong iwasan. 

All of my life sinusunod ko ang kung ano’ng image ang gusto nilang magkaroon ako. Ayaw ko na magkaroon ako ng isang pagkakamali na magiging disappointed sila sa akin dahil sa buhay ko walang room ang pagkakamali. 

Ni minsan hindi ko pa nagawang maging wild, maging malaya. Sa decisions ko sa nung college about sa mga papasukan kong universities at program, doon lang ako naging malaya. Pero sa pinaka buhay ko, nakakulong pa rin ako sa kung ano’ng alam nilang tama. 

“Malalim na naman yung iniisip mo, spill it,” tanong ni Lianne sa akin. Napangiti naman ako at napailing-iling. “Ano sila tito at tita na naman? Ganyan ka naman lagi kapag meron silang pinapagawa sa ‘yo.” wika niya sa akin. 

“Ikakasal na ako,” walang prenong sambit ko. Napatigil siya at seryosong napatingin sa akin. “Ikakasal na yung kaibigan mo, kay Zoren Alcantara.” Nanlaki naman ang mata niya dahil sa gulat. 

“What! Seryoso ka ba?” gulat na gulat niyang tanong. “Paano? Bakit? Ano’ng reason?” sunod-sunod niyang tanong. 

“Ano pa nga ba, for business. Hindi naman ako makahindi sa kanila, kasi may isusumbat sila sa akin.” Napahinga na lang siya nang malalim at tumabi sa akin. “Alam kong ayaw rin ni Zoren, pero wala naman akong choice.” 

“Grabe, hindi ko alam na ito pala ang malalang plot twist na mangyayari sa buhay mo. Wala bang originality yung mga magulang mo? Ginawa na nila yung arrange marriage eh, dapat sa ‘yo rin mangyari?” nagawa niya magbiro. 

“I don’t know what to do, gusto nilang magsama kami ni Zoren sa iisang bahay para kilalanin ang isa’t isa. Natatakot ako Lianne. I never even know that guy. Sabihin na natin na matangkad siya, matipuno, mestizo, typical hot guys, pero ang hirap pakisamahan nung katulad niya lalo na kung parehas ninyong ayaw sa isa’t isa.” Napahawak na lang siya sa kaniyang noo. 

“Problema nga iyan. Ano ba naman kasing mga idea yung pumapasok sa isip nila?” napapikit na lang ako at napayuko sa mesa. 

“Wala na akong choice, ayaw ko namang matali sa lalaking hindi ko mahal. Ang hirap no’n nakita ko kila mom at dad yung struggles to the point na meron silang sariling kuwarto.” Napapikit na lang ako at napadasal. “Kahit yung love na lang sana yung maranasan ko.” 

Hinawakan naman ni Lianne ang kamay ko. “Alam ko na, bakit hindi na lang ikaw humanap ng lalaking magugustuhan mo?” napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. 

“Walang ganon, hindi ka naman makakahanap ng lalaking magiging mahal mo agad sa isang araw at maipapakilala mo sa parents mo ng ganon-ganon lang,” wika ko sa kaniya. 

“Madali lang iyan, let’s go, it’s time to go window shopping!” Hindi ko alam kung saan niya ako hinahatak pero sumunod na lang ako sa kaniya kung saan niya ako dadalhin. 

Buong byahe ay nakangiti lang siya na parang merong binabalak na hindi ko alam. Kahit na ilang beses kong tanungin sa kaniya kung saan kami papunta ay wala naman siyang sinasabi. Until tumigil kami sa isang lugar na alam kong hindi ko papasukan. 

“No, Lianne, hindi ako papasok sa bar!” sambit ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinahatak papasok sa loob. 

“Ang KJ mo naman, minsan ka lang magpunta ng bar. Hindi mo nga nasubukan nung college mag-bar. Besides andito tayo para mag-window shopping, hahanap tayo ng lalaki!” napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. 

“Seriously Lianne, ang need ko lalaking mamahalin ko, hindi play boy!” 

“Ay sorry, kala ko for one night stand.” Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa inis. 

“Seriously Lianne, your mouth! Argh!” Pero wala pa rin akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya sa loob. Ang dinadasal ko na lang na sana ay walang kakilala sila mom at dad dito. Ngayon ko lang sisirain ang mga pangako ko sa kanila at talagang sa ganitong paraan ko pa gagawin iyon. 

But somehow, looking at this place it feels free. Para kang walang iniisip, ang gagawin mo lang ay uminom, sumayaw, at magpakasaya. Isigaw lahat ng nararamdaman mo hanggang sa mapagod ka at maubos ka. No wonder a lot of people goes here, kasi lahat ng problema mo ay mapapalitan ng saya, kalayaan, kahit sa sandaling oras lang. 

“Ano tutungaga ka lang jan? Let’s drink Kiara! You deserve this! Isipin mo ang dami mong pinagdaanang hirap at pagod sa pamilya mo. It’s time to give back to yourself! Kaya cheers!” malakas na sabi ni Lianne. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at kumuha ng inumin para makipagkampay sa kaniya. 

Sa sandaling oras na iyon nakamit ko ang kalayaan na inaasam-asam ko. Sa bawat lagok ng alak, sa bawat sayaw, sa bawat sigaw nailabas ko ang lahat ng pressure na nabubuo sa loob ko. Sa ilang oras na iyon, nailabas ko ang tunay na ako, malayo sa impluwensya ng mga magulang ko. 

Sa gitna ng kasiyahan, napatigil na lang ako nang may lumapit na lalaki sa pwesto ko. Medjo kinabahan ako dahil hindi ko naman siya kilala. His tall, moreno, well built ang katawan dahil kitang-kita ang pumuputok niyang biceps sa t-shirt na suot niya at the same time his chest na alam mong matigas kapag hinawakan mo. 

“I couldn’t stop to lay down my eyes on you. Do you want some fun?” pang-aakit na aya niya sa akin. Napangiti na lang ako sabay napahawak sa balikat niya. 

“Babaero.” napatawa na lang siya. 

“We barely know each other then you will accuse me as a womanizer?” wika niya. “You’re too judgemental.” 

“Halata naman, look the way you look, the way you lay your hands on my waist just right now, and the way you talk. Full of seduction,” he smirked. Slowly he moved closer to me. 

“They say it’s bad to accuse people, yet here you are painting me as a womanizer. Putting much evidence like you already experienced it from me.” 

“Don’t I? Ginagawa mo na nga ngayon.” 

“Pero meron pa akong isang hindi ginagawa, then by that you can call me womanizer,” mapang-akit niyang pagbulong. Napakunoy naman ang noo ko dahil sa pagtataka. 

“What is it?” 

“Now you’re curious, I like it,” nakangiti niyang sabi. “Kiss me then you’ll find it,” sambit niya sabay hatak papalapit sa akin. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa na onti na lang ay dadaplis na ang mga labi namin. Biglang napako ang tingin namin sa isa’t isa, unti-unting tumataas ang temperatura at ang bilis ng pagtibok ng puso ko. 

At sa ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi na ngayon ay inaangkin na ako. Hindi ko alam kung paano siya lalabanan, pero sinabayan ko ang bawat ritmo ng kaniyang paggalaw hanggang sa makuha ko ang tamang tyempo. 

Ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig at bigla siyang tinulak papalayo. Doon ko napatunayan na ang kalayaan ay minsan ding mapusok. “Mali ito, I need to go.” Kailangan kong pigilan bago pa maging pagkakamali ang lahat. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 68

    NOAHHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Kakaibang galit ang nararamdaman ko… I wanted to fight pero paano ko gagawin? So all this time lahat ng nangyayari sa buhay ko noon lalo na ang plano ni tita Helena na saktan ako ay dahil sa kaniya. Ano ba ang reason niya bakit niya ginagawa ang bagay na ito.“Why are you doing this? Ang daming buhay na ng dinamay mo dahil sa ambisyon mo.” “Bakit ko ginagawa ito?” tanong niya sa akin. “Simple lang, I want power… sino ba ang hindi gusto ng kapangyarihan? Kaya tignan mo, dahil sa kapangyarihan at kayamanan nagawa ni Helena ang mga bagay na hindi niya kayang gawin.” wika niya habang naririnig ko ang nakakainis na tawa niya. “Nagsangay-sangay lang naman ang lahat, Noah. From your stepmom na gusto ang daddy mo. Pero pinakasalan ng dad mo yung mom mo. Dahil sa galit niya she drugged your dad and have a s*x with him, kaya nabuo si Zoren.” napatigil ako dahil sa sinabi niya. “Your dad wanted to keep you alive, kaya ang m

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 67

    NOAH“Akala ko ba ayos na?” tanong ko kay Zoren. Napahinga siya nang malalim. Kita sa mukha niya ang pagkadismaya. “Gaano na kalala diyan?” “Ang lala na. Ilang buwan na kayong hinahanap ng mom ni Kiara. I’m trying my best not to give your place pero mukhang natutunugan na nila.” Napahawak ako sa ulo ko habang hawak ko ang phone ko. Napatingin ako kay Kiara na mahimbing na natutulog sa kama. Hindi niya dapat ito marinig. Alam ko na matatakot at malulungkot siya sa oras na malaman niya ang mga bagay na ito. “Ano ang gagawin natin?” tanong ko sa kaniya. “What’s Elyse doing?” “Hindi ko alam, she’s trying to talk to their mom. Pero as if naman na makikinig iyon sa kaniya. Alam mo naman ang mom nila ni Kiara.” Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Hindi dapat fail ito, hindi dapat mauuwi sa ganito. “Mag-ingat kayo, jan Noah.” rinig ko na sabi niya. Halata sa kaniya ang pag-aalala. Alam ko na nagwo-worry siya sa sitwayon namin ngayon. Gaano ba kaimportante lahat ng ito

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 66

    KIARA“Good Morning,” bati niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay binigyan siya ng halik sa kaniyang labi.“Good morning.” wika ko pabalik sa kaniya. “Meron ka bang gustong kainin?” tanong niya sa akin. “Iluluto ko.” Napaisip naman ako sa sinabi niya. Parang hindi ko na rin alam kung ano ang kakainin ko dahil parang lahat naman ay binigay niya sa akin. “Mhh, hindi ko rin alam eh. Parang lahat naman ng dish mo natikman ko na.” napangiti naman siya sabay napabangon sa pagkakahiga. “Sige mamalengke muna ako para makabili ako ng mga pwede kong lutuin.” napatigil naman ako ng marinig ko iyon. Hindi ko alam kung bakit pero parang meron akong kakaibang naramdaman sa mga oras na iyon. “Bakit ka pa mamalengke, ang dami naman nating stock ng pagkain d’yan.” “Kasi, parang lahat naman ata natikman mo na. Kaya nga bibili ako ng mga bagong ingredients.” nakangiti niyang sabi. “Huwag na, baka mamaya matagal ka na naman.” Napangiti naman siya sa akin sabay hinawakan ang mukha ako at

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 65

    KIARAAkala ko hindi magiging successful ang ginawa naming pag-alis ni Noah. Pero hero na kami ngayon, nasa tapat ng bahay na sinasabi niyang pupuntahan namin. “Ito na yun, Kiara.” Bulong niya sa akin. Hindi ko maitago ang ngiti ko. May saya akong nararamdaman sa mga oras na ito. May takot pero iyon ay ikinubli ko. Andito na kami ni Noah sa buhay na ito. Ngayon pa ba kami matatakot?Nagtiwala ako kay Noah ng buong-buo. Siya ang pinagkatiwalaan ko sa bagay na ito. Alam ko na hindi niya ako ipapahamak. Ilang araw at buwan na lumipas at nakapag-adjust kami sa buhay na ito. Hindi ko inaasahan na mayroong ganitong buhay na talagang sasalubong sa akin… sa amin.Ang tagal na naming magkasama ni Noah. Wala kaming naging issue, walang pagtawag na mula sa pamilya namin. Wala lahat, parang na-isolate kaming dalawa sa lugar na walang nakakakilala sa amin at masaya ako doon. “Saan mo na naman ako dadalhin?” tanong ko sa kaniya. “Alam mo simula nung nandito tayo sa Batanes kung saan-saan mo na

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 64

    KIARANapaatras ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at inisip niya ang bagay na iyon. Magtatanan? “Kiara,” tawag niya sa akin. “Hindi ba napakadelikado kung gagawin natin iyon?” tanong ko sa kaniya. “Paano ka, paano yung tayo? For sure magagalit si mom once nalaman niya ang bagay na iyon.” Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako ng diretso. “Listen to me, Kiara. Talaga bang magpapaalila ka lang sa mom mo? Hahayaan mo siyang masunod sa buhay mo?” tanong niya sa akin. Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin sa kaniya.“Hindi niya tayo mahahanap. Kakayanin natin siya. Once na ginawa natin ito hindi ka na niya mapipigilan. Hindi na niya tayo mapipigilan.” May kaba na bumabagabag sa loob ko. Hindi ko alam kung tamang desisyon ito. Mali ito, magiging mali ito dahil parehas namin alam na magagalit silang lahat. “Paano kung mapahamak ka? Tayo?” Hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang higpit ng pagka

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 63

    KIARA“Alam mo ang cheesy mo,” sambit ko sa kaniya matapos sabihin ang bagay na iyon. Hindi ko rin alam kung saan niya nakukuha iyon pero patagal nang patagal na nakakasama ko siya ay lagi niya akong binibigyan ng banat. “Para magkaroon ko ng energy na lumaban.” Napairap naman ako sa kaniya sabay napailing-iling. “Ewan ko sa ‘yo sige na pumunta ka na roon.”Hindi ko alam kung ano’ng kabaliwan ngayon ni Noah, pero kita ko kung gaano talaga siya ka-seryoso na kunin ang baboy na iyon. Dama ko rin ang kaba sa mga oras na iyon dahil ang co-competitive rin ng ibang kasali sa laro. Napapahawak ako ng mahigpit sa kaniyang tank top habang tahimik na pinagmamasdan siyang nakikipag-agawa ng baboy. “Go sir Noah!” sigaw ng ibang mga babae. Napapatingin na lang ako sa kanila dahil kita ko kung gaano nila kagusto na manalo si Noah. Sino ba naman ang hindi, pero dama ko na hindi ang naman iyon ang dahilan kaya nila chini-cheer si Noah. “Go Noah!” sigaw ko rin. Ayaw kong magpatalo sa kanila, dah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status