Share

The Marriage Interview 18

Nag-aalala man siya para sa kaibigan, hindi niya maiwasan ang hindi pansinin ang binata habang nasa elevator sila nito.

Napakalawak kasi ng ngiti nito at pakiramdam niya ay nang-aasar ito.

Isa pa, hindi niya maiwasang hindi maalala ang ginawa nila ng binata sa loob ng kotse nito.

At kung paano niya ginaya ang ginagawa nitong pag-halik sa kanya kanina. Ramdam niya ang kung ano sa batok niya.

Kaya sa tuwing magtatangkang hawakan ng binata ang kamay niya ay mabilis niyang inilalayo ang kamay at nagkukunwaring hinahaplos ang sariling braso.

Pero hindi man lang yata naapektuhan ang binata sa ginagawa niyang pag-iwas sa gustong gawin nito.

Ngumingiti pa ito at pakiramdam niya'y may mainit na tubig ang ibinubuhos sa mukha niya.

“Khal, masasapak na talaga kita.” Banta niya sa binata habang palabas sila ng elevator.

He chuckled, “Masaya lang ako, Abigail.” he chuckled again. “Ano'ng masama sa pag-ngiti?” saka ito muling ngumiti.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status