Share

The Marriage Interview 5

4 PM nang makarating si Alelie sa Cafe Innamorata. Habang nasa labas ng Cafe, sinubukan niyang silipin ang loob nito mula sa labas. 

“Narito na kaya siya? I mean, sabagay maaga pa. Bakit ba ang aga ko?” Naiiling na tanong niya sa sarili. 

Huminga siya nang malalim, at nang pag-buksan siya ng pinto ng guard, dahan-dahan niyang pinalibot ang mata. 

Her heart beat suddenly went so fast na halos makalimutan niya na ang paghinga.

Her eyes found the man she came here for. 

“Narito na siya?” Tanong niya sa sarili. 

Dahan-dahan din siyang naglakad palapit dito at napansin niyang nakayuko ito at tila may iniisip. 

Umupo siya sa harap nito. 

Nang maramdaman siguro nitong may umupo sa harapan ng mesa ay agad itong nag-angat ng tingin sa kanya. 

Pansin niya ang pag-tigil nito sa kung ano mang sasabihin sa kanya. 

Bakit ba ganyan siya makatingin? tanong ni Alelie sa sarili dahil sa tingin ipinukol sa kanya ng kaharap. 

Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin. 

Saka niya nakitang kumurap-kurap ito habang nakatingin sa kanya. 

“Abigail,” anito na naging dahilan ng mas lalong pagbilis nang tibok ng puso niya. 

She blinked, “Hi?” Sinubukan niyang hindi ipahalata rito ang nararamdaman dahil sa pagtawag sa kanya nito sa ikalawa niyang pangalan. 

Wala pang tumatawag sa akin ng Abigail. Siya pa lang. Anang isip niya. 

Nakita niyang umayos ito ng upo sa silya nito, “I'm Khal--” agad niyang pinutol ang pagpapa-kilala nito dahil sa kabang namutahi sa kaloob-looban niya. 

“Yeah, Khalid Ezrael Allada. I'm Alelie Garcia. Nice to meet you,” Pagpapakilala rin niya t'saka siya naglahad ng kamay rito. 

Hindi agad nagsalita ang kaharap at tumingin lang ito sa kamay niyang nakalahad. 

Kaya naman siya na mismo ang kumuha sa kamay nito para makipag-kamay. Na agad din naman niyang binitawan. 

“So?” Tanong niya rito bilang pag-uumpisa ng usapan sa pagitan nila.

Ang lakas pa rin nang tibok ng puso niya. At gamit ang kaliwang kamay ay kinukurot niya ang hita niya. Pinipigil ang kilig. Napailing siya. 

Hindi ito nagsalita sa halip ay pinagmasdan pa siya nito. 

What? Ayaw niya ba sa suot ko? tanong niya sa sarili nang makitang nakatingin ito sa suot niya. Sorry na lang siya. Mas bet ko ito. Anang muli ng isip niya. 

Umubo ito, “You really do agreed with this? Are you sure?” Tanong nito sa kanya. 

Tumango siya, “Yes, I am.” Simpleng sagot niya.

“Look, Abigail,” anito at umayos ng upo saka ito tumitig sa kanya. Peke pa itong umubo bago nagpatuloy, “I'm going to take away your freedom and tied you with me for as long as I can,” dugtong nito, “You still okay with that?” Tanong pa nitong muli sa kanya dahilan para mamula siya. 

Shit! Bakit ba kinikilig ako? sigaw ng isip niya. 

You're so fuck up, self! Maghunos-dili ka nga! Pagpapakalma niya sa sarili. 

Napayuko siya ng wala sa oras dahil alam niyang pulang-pula na ang mukha niya. 

Dad! This is your fault! Bakit ba sa'yo ako nagmana! pakikipagtalo niya sa isip. 

“Abigail?” Rinig niyang pag-tawag nito sa kanya. 

Kapag tumingin ako sa kanya, makikita niya ang sobrang mapula kong mukha! Anang isip niya. 

Bahala na nga! Kagat-labi niyang tiningala ang binata at hindi nakaiwas sa kanya ang makitang bumaba sa labi niya ang mga mata nito. 

Alam niyang mas lalo siyang namula dahil do'n. 

“Uh, let's eat, first?” aniya saka nilingon ang counter para maitago ang pamumula niya bago niya muling tiningnan ang binata, “You see, Cafe Innamorata is my favorite cafe in town,” aniya habang nakangiti rito, “And, I'm hungry.” Pag-amin niya rito at ramdam niyang namumula na naman ang magkabilang pisngi niya. 

Gusto niya munang pakalmahin ang sarili bago sila mag-usap about sa sitwasyong papasukin nila. 

She looked at him and found him staring at her then he heard him chuckled. What? 

Nakita na lang niya ang pag-tango nito sa kanya at inabot ang cafe menu sa kanya na agad naman niyang inilingan at nagtawag para maka-order siya.

Lumapit naman agad ang isang magandang babae. At nang makalapit ito sa kanila, ang ngiti at titig na iginawad nito sa kanya ang nakapag-pakunot ng noo niya habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. 

Iniwas niya ang tingin dito upang balingan ng tingin ang binata bago niya muling tiningnan ang babae. 

She's weird. Komento ng isip niya. 

“Uhh, It's my first time to see you here. You're new?” Tanong niya sa babae. 

Sa tuwing may free time siya at alam niyang wala siyang klase o gagawin, lagi siyang narito sa Cafe Innamorata, pero ngayon lang niya nakita ang babaeng kaharap niya. 

She must be new? tanong ng isip niya. 

Umiling ito sa tanong niya, “I'm the owner of Cafe Innamorata. I always spent time at my office and sometimes the kitchen. Maybe, that's why you've never see me here. I do help them to served but not everyday.” sagot nito sa kanya at kita niya ang pag-ngiti nito sa kanya, “I'm Kailey, by the way.” At kumindat pa ito sa kanya. 

Sa isip niya, kung lalaki lang ito ay baka iisipin niyang babaero ito. 

Tinanguan niya ito saka ngumiti rito, “And, I'm Alelie. Nice to meet you,” Pagpapakilala niya rin, “Anyway, sure ka na sa'yo ako magbibigay ng order? You're the boss. Nakakahiya.” Tanong niya rito at alam niyang pinamulahan siya ng pisngi dahil sa hiya. 

Sa boss pa siya magbibigay ng order! 

Ngumiti naman agad ito sa kanya bago sumagot, “Of course, don't worry. Nice to meet you, too. So, ano'ng order mo?” Tanong nito sa kanya. 

Nagaalinlangan siyang tumango rito saka binigay ang order niya rito ng hindi tinitingnan ang menu, “One slice of blueberry cheesecake. One slice of strawberry cake, a slice of black forest, a plate of macaroon and 2 mango shake. Thank you.” Sunod-sunod niyang pag-banggit ng order niya habang ito naman ay sinusulat ang mga ito. 

Tumingin sa kanya ang may-ari ng Cafe at ngumiti sa kanya, “Looks like you've already memorized what's on our menu. You know what to order without looking at it,” Ngumiti ito niya sa kanya, “Is that all for your order?” Tanong nitong muli. 

Tumango siya rito bago ngumiti, “Yes, that's all for my order,” aniya saka bumaling sa kasama niyang binata, “What about you, Khal? Ano ang gusto mong kainin?” Tanong niya rito habang nakangiti. 

Khal. I'll call him Khal from now on. anang isip niya. 

Napansin niyang natigilan ito sa tanong niya. What? 

“Hey?” Pag-tawag niya rito. 

Tumingin ito sa babae saka um-order, “Hmm, Coffee caramel cake and uhh, Mango shake.” Pag-order nito. 

Nang umalis na ang kumuha ng order nila, humarap ang binata sa kanya, “I thought you ordered for two. Mango shake is also my favorite.” anito. 

Agad na nag-init ang magkabila niyang pisngi at alam niyang namumula na naman siya, “Sorry, ganoon lang talaga ako kumain. Kahit mag-isa ako rito.” Nahihiyang sagot niya sa binata. “I love this Cafe ever since I saw it. I'm always here kahit wala ang mga kaibigan ko.”

“It's okay,” anito. 

No, it's not! Nakakahiya! Sigaw ng isip niya. 

“You're so cute while ordering earlier, anyway,” She heard him chuckled. 

That makes her blushed even more. Oh, no!

“You're blushing,” Komento nito habang nakatingin sa kanya. 

She pouted, “Yes, I am. So, stop saying I'm cute.” Pag-saway niya rito. 

And, her crazy heart beats so damn fast. What a traitor you are, my heart!

He chuckled, AGAIN, and she heard it, AGAIN, “I can't promise you that. ” sagot nito na ikinailing nalang niya. 

Ilang beses ba siyang namumula sa harap ng lalaking ito?

At bakit nga ba siya namumula? Sobrang kahihiyan ba ang nararamdaman niya? Haynako.

Nang dumating ang order nila ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. 

Mas pinili na lamang niyang ituon ang atensyon niya sa pagkaing nasa kanyang harapan.

Hindi niya magawang kausapin ang binata. Paano pa kaya nila pag-uusapan ang tungkol sa kanilang dalawa?

Ano ba naman itong napasok ko? Alam kong pumayag ako sa meeting-meeting na ito, pero sobra namang nakakahiya kausapin ang isang ito. Aniya sa sarili.

Baka mamaya may bigla pang sumugod sa akin at gerahin ako. Muling pagkausap niya sa sarili.

Pasimple niyang pinakikiramdaman ang binata at alam niyang nakatingin ito sa kanya.

May balak ba itong butasin ang bunbunan ko sa titig niya? aniya sa sarili.

Halos sigawan at sabunutan na niya ang sarili. Ngayon lang yata niya kinausap ang sarili na akala mo'y kaaway ito.

Bakit naman kasi siya tinitingnan ng binata? Puwede naman siguro itong kumain na lang ng hindi nakatingin sa kanya di'ba?

Para tuloy siyang patay-gutom dahil nasa pagkain lang ang atensyon niya.

Ganito ba siya sa lahat ng babaeng mini-meet niya? Tanong niya sa sarili.

Saka isa pang nagpapailang sa kanya ay ang makita niyang nakatingin sa kanya ang may-ari ng kinakainan nila ngayon.

Napansin niya iyon mula pa kanina at naiilang siya dahil do'n.

Assuming man siya o hindi pero pakiramdam talaga niya nakatingin sa kanya ito hanggang ngayon.

Dahil siguro sa kasama ko kaya ganoon. Sinasabi ko na nga ba e. Pahamak itong modelong ito. Aniyang muli sa sarili nang maisip niyang baka gusto ng babaeng may-ari ang kasama niyang lalaki ngayon.

Muli na lang niyang itinuon ang atensyon sa kanyang pagkain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status