Share

The Marriage Interview 6

Tahimik silang kumakain at hindi maiwasan ni Khalid na hindi pagmasdan ang dalaga. 

At sa tuwing magagawi ang mata niya sa counter kung nasaan ang kakambal niya, nakatingin ito sa kanila at tila sayang-saya ito habang nakatingin sa Abigail niya. 

Aangkinin ko na. My Abigail. Anang isip niya nang ibalik niya ang mga mata rito. 

Tila nakalimutan siya nito dahil busy'ng busy ito sa pagkain ng in-order nito. 

Salitan nitong tinitikman ang mga pagkaing napili at kanina pa nito naubos ang isang baso ng Mango Shake na in-order nito. 

His smile turned into a cute chuckles as he stared at his woman. She looks more beautiful when she's eating. His mind said. Napailing siya. 

Nakita niya ang pag-angat ng tingin nito sa kanya. 

He smiled at her. 

“Sorry, nag-enjoy lang ako sa kinakain ko.” Paumanhin ng dalaga sa kanya at agad na bumaba ang mata niya sa labi nito ng kagatin na naman nitong muli iyon. 

He smiled, still looking at her lips, “It's okay, Abigail. You looked so cute when you focused yourself on your food.” aniya sa dalaga. 

Namula na naman ito at hindi iyon nakaligtas sa paningin niya. 

She can easily blushed. Komento ng isip niya. 

“You're blushing, again.” Pag-puna niyang muli rito. 

Umirap ito sa kanya na mahina niyang ikinatawa. 

“This is your fault,” anito saka ngumuso. 

Umiwas siya ng tingin sa labi nito. Baka hindi niya mapigilan ang sarili niya. 

“I'm just telling you what my eyes seen whenever I looked at you,” Paliwanag niya rito saka niya itinuon ang atensyon niya sa pagkaing nasa harap. 

He heard her tsked. Napailing siya. 

“Bolero,” Komento nito na ikinatingin niya rito. 

“Hey, I'm not.” Depensa niya. 

Umiling ito na tila hindi ito sang-ayon sa sinasabi niya. 

Magsasalita pa sana siya at dedepensahan ang sarili ng ito na mismo ang nagbukas ng usapan tungkol sa sitwasyong papasukin nila. 

“Look, Khal. I do hope that my parents informed you about this,” Tumigil ito saglit at saka umayos ng upo, “It's an honor for me to be your fiancée and I'm not against with that idea pero, uhm,” Nakita niya ang pagaalinlangan sa mga mata nito, “Puwede bang, pwede bang ano 'y-yung kasal ano,” Hindi nito matapos ang nais sabihin kaya siya na ang tumapos para rito. 

Nasabi naman na sa kanya ng kanyang ina. 

“After you graduate? It's fine with me, Abigail. Don't worry,” aniya. 

There. She blushed, again. 

He can't help himself but to chuckled. His woman is such a beauty, especially, when she's blushing. And, that's because of me why she blushed, His mind proudly said. Napailing siya sa sariling naisip. 

“Talagang okay lang sa'yo? Hmm, sure?” tanong pa nito. 

Tumango siya, “But, can I ask you something I don't know if you will be able to say, yes?” he asked while chuckling. 

Tumingin ito sa kanya saka tumango, “Oo naman. Ano iyon?” tanong nito. 

“Abigail.” aniya. 

“Hmm?” She hummed.

“Will you live with me in my condo? I promise I'll be good,”  Walang alinlangan niyang tanong dito. 

Napaawang ang bibig nito sa narinig mula sa kanya. 

“I just want to see you everyday. When I wake up, when I leave for work and when I get home,” there he said what's on his mind. 

Ilang beses iyong pabalik-balik sa isipan niya mula pa kahapon. 

“I'm sorry. No need to say yes if you don't want to. I just tried my luck,” Baling niya rito saka siya ngumiti, “I did shocked you, I see.” Naiiling niyang sabi rito. 

She blinked, still looking at him. Kinakabahan tuloy siya na baka dahil sa tanong niya kanina ay umatras din ito sa pagiging fiancée niya. 

Shit! His mind cursed. 

“Abigail.” Tawag niya rito. 

Saka niya ito nakitang yumuko. Napansin din niya ang isang kamay nito na kinukurot ang kabilang braso nito. 

Nanlaki ang mata niya sa nakita saka muling tiningnan ang mukha ng babae na ngayon ay kagat-kagat muli ang ibabang labi. 

She's really shocked to what I said. Fuck! Bahagya niyang naikuyom ang kamao. 

“Please, Abigail. No need to answ--” his words were cut by her sharp eyes looking at him. 

“W-What?” Wala sa sarili niyang tanong sa dalaga. 

Umiling ito, “Ang ingay mo,” kinagat nitong muli ang ibabang labi at saka yumuko, “Pinapakalma ko pa 'yung puso ko, e.” anito saka muling namula. 

Kinukurot na naman nitong muli ang sariling braso. Hindi siya nakapagsalita. 

Paulit-ulit sa utak niya ang huling sinabi nito. 

Pinapakalma ko pa 'yung puso ko, e. 

Pinapakalma ko pa 'yung puso ko, e.

Pinapakalma ko pa 'yung puso ko, e.

Nakatingin siya sa dalaga habang paulit-ulit niya pa ring naririnig sa isipan niya ang mga huling salitang binitiwan nito. 

Shit, fcvk! I made her heart beat crazy! Fuck it! aniya sa sarili. 

Umangat muli ang tingin nito sa kanya at hindi na ito namumula at tumigil na rin ito sa pagkurot sa sarili. 

“Okay na ko.” Ngiti nitong balita sa kanya. 

Tumango lang siya. Hindi niya alam kung sasagot ba siya o mananahimik na lang at tititigan na lang ang dalaga. 

“H'wag ka ngang tumingin nang ganyan,” Pagsaway nito sa kanya na ikina-kunot ng noo niya, “Kinakabahan na naman ito dahil sa titig mo, e.” Tila batang pagmamaktol na reklamo nito sa kanya habang nakalapat ang kamay sa kaliwang dibdib nito kung nasaan ang puso. 

He bit his lower lip. He can't hide his smile. 

“Pinagtatawanan mo ba ako?” Simangot na tanong nito. 

Agad siyang umiling bilang depensa.

“No. Ang ganda mo kasi.” wala sa sarili niyang sagot dito. 

Agad namang namula ito na nagpabalik sa katinuan niya. Umiwas ito ng tingin. 

“Why are you asking me to live with you?” Tanong nito nang hindi siya tinitingnan. 

Hindi siya sumagot. Inantay niya itong tumingin sa kanya, hanggang sa tingnan nga siya nito. 

“Bakit ayaw mong sagutin. Pinagtritripan mo ba ako?” Agad na kumunot ang noo nito. 

“What? No!” Medyo napalakas ang boses niya ng sumagot at napansin niyang binalingan sila ng tingin ng ibang naroon lalo na ng kapatid niya. 

Kinunutan siya ng noo ng kapatid na parang nagtatanong. Umiling siya. 

Nang ibalik niya ang tingin sa dalaga, nakatingin ito sa kanya ng nanliliit ang mga mata na para bang sinusuri siya. 

“W-What?” Kabado niyang tanong rito. 

Umayos ito ng upo saka tinungga ang isa sa Mango Shake na in-order nito bago nito tinuon sa kanya ang buo nitong atensyon. 

Now, her gazed sent him chills. May kung anong lamig ang namutahi sa batok niya.

“Gusto mo akong tumira kasama ka? Why?” tanong nito. “Kung hindi mo trip 'yung tanong mo kanina, why?” Tanong nitong muli. “Hindi pa naman tayo kasal, so, why?” Tanong nitong muli kahit na hindi pa niya nasasagot ang unang dalawang tanong nito. 

Nang makitang magtatanong itong muli ng hindi pa siya nakakasagot, itinaas niya ang kamay sa harap nito. 

“Stop right there, My baby,” he blew out some air then looked back at her. She's blushing. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy siya, “Let me answer your first question, first.” aniya. “Yes. I want you to live with me,” sagot niya. 

Still, she's blushing. But, managed to nodded her head. 

“And, look, hindi ako nantitrip lang kanina sa tanong ko. I was serious,” Dugtong niya. Huminga siya nang malalim saka kinuha ang tissue at pinunasan an gilid ng labi nito. 

May chocolate icing ito sa gilid ng labi, “And, what's wrong kung titira ka kasama ko kahit hindi pa tayo kasal?” he stopped for awhile then looked straight into her eyes, “If you just say yes to my proposal for you living with me, then, I can see you everyday. Hold you and talk to you everyday before I leave for work and when I get home.” Paliwanag niya rito. 

Hindi pa siya tapos at hindi niya magawang matapos ang gustong sabihin ng puso niya ng makitang sobrang pula na ng mukha, leeg at tainga nito. 

He panicked. Agad siyang umalis sa upuan niya at lumapit rito. 

Lumuhod siya sa gilid ng upuan nito at sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. 

Shit! 

“F-Fuck. W-What happened? Hey, are you okay?” Kabadong tanong niya rito. 

Ngunit sa halip na sagutin siya ay nilamutak nito ang mukha niya gamit ang isang kamay nito hanggang sa mapaupo siya sa sahig. 

Nang maramdamang wala ng kamay sa mukha niya, tiningala niya ito at kahit gulat pa siya sa ginawa nito, nagawa niya pa ring tanungin ito.

“W-What was that for?” he asked, still confused. 

His woman bit her lower lip again. She grabbed a piece of tissue and gently wipe his face. 

“I-Ikaw naman kasi, e.” Pagsisi nito sa kanya na ikinatanga niya rito. 

Now, it's my fault? Tanong niya sa sarili. 

Tumayo ito sa kinauupuan at inalalayaan siyang tumayo saka siya pinaupo nito sa upuan, katabi nito. 

Umupo na ito pabalik at humarap sa kanya, kagat pa rin ang ibabang labi. 

“Sorry sa ginawa ko sa mukha mo,” hinging pasensya nito saka tipid na ngumiti, “Kinikilig kasi ako e.” anito saka nag-iwas ng tingin. 

Alam niya sa sarili niyang iba ang hatid ng sinabi ng dalaga.

Shit! Don't tell me I fucking blushed! sa isiping baka namumula ang mukha niya, agad siyang yumuko. 

Fuck, shit! I just made her feel the word 'kilig'. Fuck! His mind cursed. 

“Hindi ba magagalit ang parents mo k-kung,” She cleared her throat,“k-kung t-titira ako k-kasama mo?” Paputol-putol na tanong nito. 

Agad na nagmura ang isipan niya sa narinig. 

“Why would they?” Balik na tanong niya rito. Nararamdaman niya, hindi pa rin kumakalma ang sarili niya mula sa narinig niya mula rito kanina. 

“Uh k-kasi, w-we're planning to live t-together kahit hindi pa tayo k-kasal?” Patanong na paliwanag nito sa kanya. 

He stared at his woman. 

“I'm at age to live with the woman I like and they have no say to that. The question is,” tumingin siya rito. Nagkatitigan sila, “Kaya mo bang tumira kasama ako, Abigail? Kasi ako, kahit hindi ako tanungin, kaya ko at gusto ko.” Seryoso niyang sabi at kita niyang nagulat ito. 

Sino naman kasing lalaki ang gustong tumira kasama ang babaeng ngayon lang niya nakasama at nakilala? 

I already know her. My beautiful and crazy woman, Abigail. anang isip niya. 

But for her, she doesn't know you at all, Khalid. Anang demonyo niyang isip. 

“What if I can? And, I said yes at gusto kong subukang tumira kasama ka?” tanong nito pabalik sa kanya. 

Is she testing me or something? His mind asked. 

Lumapit pa siya lalo sa dalaga at dahil magkatabi na sila ng upuan ay madali niyang naipalibot ang mga braso niya sa bewang nito. 

“Then, live with me, my Abigail.” Hamon niya rito. 

He was about to smirk at her when he saw her shook her head, chuckling. What? 

Nilingon siya nito. Nakatagilid ito sa kanya at ang mga braso niya ay nakapalibot pa rin sa bewang nito. 

“Pang-ilan na ba ako sa mga niyaya mong tumira kasama ka?” Nakangiti ito sa kanya pero ramdam niyang may inis sa boses nito. 

Is she jealous? He smirked to himself. 

“Hindi mo na ba mabilang?” Naiiling na tanong nito sa kanya. 

Kahit naman sabihin niya rito ang totoo, alam niyang hindi ito maniniwala. Lalo pa't alam niyang alam nitong ilang beses na siyang nakipag- meeting sa iba't-ibang babae dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang ina.

Tinanggal nito ang mga braso niyang nasa bewang nito saka umayos ng upo. 

Ipinatong na lang niya ang mga braso niya sa palibot ng puwesto ng dalaga sapat na makulong pa rin ito. 

Ang isang braso niya ay nasa lamesa at ang isa ay nasa taas ng sandalan ng upuan nito. 

“For me, marriage means not to hide anything from the person you're marrying with, Abigail. Don't worry,” He took a deep breathe then looked at her eyes. 

“I owned a house near my parents house. I bought it with the idea of marrying the first woman whom I believed to stay with me for as long as we can. But, sadly, she left me.” Pagsimula niya ng kuwento rito. 

Gulat ang nakita niya sa mga mata nito. 

I can't even tell this to my friends but telling her my story was just so easy. What the?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status