Share

KABANATA 2: baby

Author: Auroravillez
last update Last Updated: 2025-10-01 06:24:23

It feels like my world suddenly stopped. Stop when he said those words. Malaking pera yun ha?

“Haha, joker ka talaga sir. ” saad ko pa at tumawa na parang biro lang. Sana biro lang. Sabihin mo sir nagbibiro ka lang!

“No, I'm not. ” ani nito at pinasadahan ako muli ng tingin. Tingin na parang nakakaakit, anong gagawin niya sa akin? Tanga ka, Luna! Ano sa tingin mo ang gagawin niya sa'yo?! Wala! Assuming ka lang! Bulyaw ko sa sarili ko na parang gusto ko pang patayin ang sarili ko.

“Matutulog na po ako sir. Galing niyo pong magjoke, good night. ” tumawa ako ng peki at nagwave pa. Sabihin mo sir na nagbibiro ka lang, please!

“10 billion, Luna. ” he said and a playful smirk shown up in his handsome face. Umalis rin ito sa harapan ko at naiwan akong nakatulala.

Totoo? Ngumiti talaga ito?! O guni-guni ko lang talaga?

“Tanga! Di siya nagbibiro.” usal ko sa sarili ko at pumasok sa loob. Agad akong nahiga sa isang malambot kama. I'd never felt like this before. Ano ba ang nangyayari sa bwesit kong puso? Bakit tumitibok ito ng napakabilis at napaka-ingay?!

“Pero wait, 10 billion? Di nagbibiro?! Ang laki naman. ” kinakausap ko ngayon ang sarili ko at naupo pa ako. Hindi talaga ako makapaniwala sa kaniya, arghh! Seryoso talaga ang boss ko. Walang halong biro!

Pero bakit ako? Bakit ngaba ako? Eh narinig ko naman na may pangalan ng babae siyang binanggit sa kinakausap niya kanina. Trip niya ba ako? O sadyang biro niya lang yun? Tama, wa'g dapat akong mag-assume, di naman siguro mangyayari ang mga kwento na binabasa ko sa aklat.

Wag assuming, Luna. Katulong ka lang tandaan mo yan…

Ayoko ng mag-isip pa ng kung ano-ano, natulog na lang ako at ilang sandali lang ay nilamon na ako ng antok, dahil na rin siguro sa komportable ako sa kama. Ang lambot.

Sana parating ganito, ayaw ko ng makita ang mga magulang ko. Gusto ko na lang habambuhay dito, kahit na katulong lang ako… pero at least walang magbubulyaw sa akin, walang magagalit kahit na ako na ang biktima. Parati namang gano'n sa bahay eh, yang si Liana. Parating pabida, di ako inggit, sadyang maarte lang ito, kahit pa mahirap kami. Tapos ang nanay ko, iniispoil pa alam naman na walang pera, iniispoil pa rin. Hays!

Nabalot ng kadiliman ang paligid ko. Nahulog na nga ako sa pagkatulog ko at nakaidlip.

Di ko na nasundan ang mga pangyayari. Basta maaga akong nagising at tumulong sa ibang kasambahay na kasama ko. Ang iba ay dati ng nagtatrabaho dito, ang iba naman ay bago pa lang gaya ko. Nakakalungkot dahil wala pa akong ka-close, wala si Jane, di siya natanggap. Nahihiya naman akong makipagkilala, basta ayokong ako mismo ang gagawa ng hakbang. Introvert lang, ganon.

Habang nagpupunas ng vase ay may lumapit na kasambahay sa akin na sa tingin ko ay mga 20 plus na ang edad. Pero maganda ito, makinis ang kutis at maputi, parang koreana siya.

“Luna di'ba? ” tanong niya nang makalapit sa akin, tumango naman ako, kahit na di ako palangiting tao ay nagawa ko pang ngumiti, kahit maliit lang. Smile para mukha ka ng mahinhin sa harap nila. “Tawag ka ni boss sa taas, sa opisina niya. ” saad nito at umalis na. Ay, ganon lang? Wala na? Maldita naman. Gusto ko pa sanang tanungin kong bakit, kaya lang ay umalis na ito kaagad.

Sinunod ko na lang ang gusto niya at nagpaturo na lang sa ibang maid kung saan ang opisina ng boss namin. Medyo nakalimutan ko kasi. Naninigurado lang. Dalawa kasi ang opisina ni Boss. Baka sa ibang opisina niya ako pinatawag.

Tinuro naman ng mga ito ang daan, di na ako nagpasama at tinahak na lang ang daan papunta sa kwarto na tinuro nila malapit sa isang malaking frame kono? Sabi ko na eh, sa isang opisina niya ako pinatawag. Sana all kay opisina sa mansyon niya.

Mabilis ko namang nahanap ang sinasabi nilang kwarto na may malaking frame sa gilid. Napatigil pa ako sandali, hindi ito isang simpleng larawan, it's a family picture.

Bata pa ang boss namin dito, mga kinse pa lang siguro ang edad, may dalawang maliit na kapatid, babae at lalaki. Nasa gitna silang apat, habang sa bawat gilid nila ay sa tingin ko ay ama at ina niya. Masasabi kong maganda ang ina niya, at ang ama niya naman ay kamukhang-kamukha niya. Ang pagkaintimidato ay kitang-kita sa mga sulok ng mata ng mag-ama sa iisang larawan. Parang pinagbiyak na bunga lang kung tutuusin.

“Tapos ka na. ” nagulat ako ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ng boss ko. Nakapoker face pa ito at halatang kakaligo niya lang. Nakasuot lang ito ng isang plain na polo shirt na kulay white at jorts na cardigan, yung parang nasa bahay lang, pero kahit na simple ang suot ay para pa rin itong modelo.

“Ha? I mean, sorry boss. ” pagpapaumanhin ko at yumuko para magbigay galang sa boss ko na nakasandal sa pintuan, sana all cool pa rin tingnan.

“It's okay, you will meet them… malapit na. ” parang di maproseso sa utak ko ang sinabi niya. Hanggang sa nakarating na kami sa loob ng opisina niya.

“Ha?” inosenteng tanong ko at tiningnan na ito. Nakakunot pa ang noo ko na parang naguguluhan kung ano nga ba ang ibig sabihin nito.

“So slow. ” saad niya at tumawa pa. Bakit parang may lahi ito? Kung makapagsalita ng lenggwahe na English ay may accent. Masarap rin sa tenga kapag nagtatagalog ito. Ba't ko ba iniisip yun! Oo nga ‘no? Hanga lang, ganon?

“Get in. ” saad nito at naunang pumasok sa opisina niya.

Habang ako ay nakakonot ang noo at hindi pa rin gets ang sinasabi nito. Gano'n ba talaga ito? Nang-aasar? But it wasn't my first impression to him. He is so cold-coded type of person. Pinilit ko na lang na iwaksi ang mga alanganin at sumunod sa kanya.

Di ako umupo, hinintay ko na lang ito na senyasan o sabihan ako na maupo na. Gamit ang mata nito ay naupo na lang ako. Ito na po boss. Very demure pa ang galawan ko na parang mahinhin na babae kung makakilos, di makabasag-pinggan yarn?

“Rowan Grey Velasquez. ” basa ko sa pangalan niya sa table. “Grey? ” tanong ko na ikinatango niya, parang di ako nahihiya sa harapan niya ngayon ha. Parang di na ako natakot.

“Di naman obvious. ” sabi ko pa at tumawa na ikinatigil niya, bakit kaya? Tumigil na ako, siguro alam naman nito ang pinupunto ko. Ang mala-abong mata niya. Nakaakit naman nun kahit papaano. Sarap ka eye to eye—ANO RAW?

“Bakit mo po pala ako pinatawag, boss? ” tanong ko at mahinhin na umupo at maayos naman ang posisyon ko, di naman ako mukhang barako umupo.

“Sign it. ” saad niya at inabot sa akin ang isang papel na galing sa cabinet niya na may nakasulat.

Inabot niya rin ang ballpen at isinama sa papel.

‘10 𝘣𝘪𝘭𝘭𝘪𝘰𝘯 𝘥𝘦𝘢𝘭𝘴. ’

Basa ko sa nakabold letter na nagpakuha ng atensyon ko.

“Ano po to? ” inosenteng tanong ko, wala talaga akong kaide-ideya. Ano ‘to? Kayamanan?

“You didn't take my words seriously last night. ” malalim ang boses nito. Mas lalong lumalim tuloy ang konot ng noo ko. Gago ba ‘to o baliw?

“P-Po? Seryoso? ” tanong ko na nauutal pa. Di ko alam kung bakit ako kinakabahan, sa titig niya ba? O sa offer niya.

“Yeah.” simpleng sambit nito at sumandal sa swivel chair niya.

“I mean… ayoko ko po boss. Bakit ako? Maraming iba diyan, wa'g akong pagtripan ha? Gusto ko lang magtrabaho. ” usap ko na parang bastos ang tono. Wala na akong pakialam, di ako easy to gets ‘no? I mean, marami na akong nareject, ayaw ko kasing magboyfriend. Parang di pa ako handa, sa offer na kasal pa kaya?

Anong easy to gets, Luna? Offer sa kasal yan! Hindi panliligaw. Baliw ba ako.

“15 Billion. ” dagdag niya sa perang offer niya. What?! Ang laki na non! 1 billion nga mayaman na ako niyan.

“Fake? Or we need to file an annulment after you get the chairs of your parents company?” sambit ko, ibig sabihin, tinatanggap ko ang offer niya. Ang kasal, bahala na, di ko naman gagastusin lahat, gusto ko lang mabayaran ang 𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨 ko sa pamilya ko.

“Love the accent Ms Dela Vega. ” hanga nito sa akin, natural matalino ako sa English! Kahit pa mahirap lang kami, ako. “It's fake, let's fake it. ” sagot niya sa tanong ko. “Deal ms Dela Vega. Or I should call, Ms Velasquez. ” dagdag nito na parang yun ang paraan upang may kung anong dugo ang lumatay sa pisngi ko.

“Deal” ani Rowan

“Deal”

“Fake.” pagpapa-alala ko. Mabuti at nakayanan ko pang magsalita ng casual.

“Yeah.” he said, let out a small attractive chuckle.

“Aalis na po ako, marami pang lilinisin sa labas—” he cut me off.

“No, di pwedeng magtrabaho ang magiging asawa ko.” mapang-asar na saad nito na ikinalingon ko.

“What the—” I cut by my own words. Shuks, Luna! Boss mo yan. Wa'g bastos.

“Tommorow, you don't need to work. ” huling sambit niya bago ko natagpuan ang sarili sa loob ng room ko.

What?! Bakit naman ako pumayag?! For my fucking debt?!

Kung sa bagay, bakit kailangan ko pang bayaran yun? Sila naman ang lumuwa sa akin sa mundo. Bakit ang pagpapalaki nila ay kailangan ko pang bayaran?

Such a foolish reason…

Hays! Ito na naman ako. Sa isang bagay na iisipin ko buong magdamag. Sana pala ay di na ako nabuhay, kasi sa tanang buhay ko, ni hindi ako nakaramdam ng kalinga ng isang magulang. Parang bawal akong maging masaya. Ang pagmamahal na hinahangad ko ay ipinagkait sa akin.

“Don't think them, Luna. ” pagpapa-alala ko sa sarili ko. Di ko alam kung anong oras na. Pero di talaga ako makatulog ngayon.

Di na nasundan ang trabaho ko kanina dahil nga sa pinagbawalan niya ako. Magtatrabaho pa rin ako ‘no! Bahala ka diyan!

Tumayo ako upang pumunta ng kusina. Nakaramdam kasi ako ng panunuyo sa lalamunan ko.

Di naman siguro masama kapag iinom lang ako? Tubig lang naman, di naman ako nagnanakaw. Oo nga, ano ba ang mga iniisip ko, bakit naman maging pagnanakaw ang iinom lang ng tubig.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan, narinig ko ang boses ng isang babae na parang may inaaway ito sa galit at diin sa boses niya.

“What?! Bakit ayaw mong ikasal sa akin, Rowan? Do you have a another girl, a fling?” rinig ko palang pagkababa ko ang boses ng isang hindi pamilyar na babae. Dahil dakila akong chismosa ay nagtago ako sa isang haligi at tiningnan ng mabuti kung sino ang mga tao ngayon sa living room. Hating gabi na ha? Bakit may nag-aaway pa ngayon? Ay sino naman ang babaeng ‘to?

“I don't need to explain something to you, Zenna. We're not even together, why did you act like you owe me? ” rinig ko ang boses ni boss Rowan. Naainag ko na sila. Nakatayo ang babae sa harapan niya, habang siya ay parang walang pakialam sa ano mang pinagsasabi ng babae. “Go home now. Wala kang mapapala, I don't like you, don't assume again. And I don't want to marry you. ” malamig na saad ni boss Rowan. Parang nawala ang pagiging mapagbiro nito sa akin. O hindi lang talaga oras na makipag-biruan siya. Nakaupo lang ito sa couch at malayang nakatingin sa kawalan, hindi sa babaeng nasa harapan niya.

“What?! Yun lang? Bakit ayaw mo, meron ka na bang nagugustuhan—” he cut her off. Almost pissing off and lots his patience by the presence of the girl.

“Yes, and we were getting married as soon as I want to. ” pagputol niya sa sinabi ng babae. Na ikinagulat ng babae. Natigilan ito, pero nagsalita ulit na parang desperada.

“Who is she? ” she said desperately. Pinakalma nito ang boses niya, pero halatang may diin at galit sa tono nito na para bang sasabog na.

“Here she is. ” nagulat ako sa sinabi ng boss ko. Nakapajama lang ako ngayon, kulay pink pa. Hindi ko alam kung ako ang nagugustuhan o tinutukoy niya, sa tingin ko ay palusot niya lang yun. “Come here, baby. ” malambing na saad nito na ikinagulat ng babae sa harapan niya. “Luna.” dagdag niya na ikinagulat ko. Did he just call me ‘baby’? Na uh, palusot yan, Luna.

Dito na ba magsisimula ang acting namin? Acting ko?

Wala na akong nagawa at lumabas na lang ako sa lungga ko ngayon. Ano ang gagawin ko? Siguro sasakyan na lang ang amo ko. Yun ang napag-usapan namin. Kaya siguradong kailangan kong maging best actress ngayon. Play the cards, Luna.

“Yes baby? ” malambing rin ang pagkakasabi ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Rowan, pero napalitan ito ng isang nakakalokong ngiti. “Oh, who is she baby? ” kunwaring tanong ko at nagulat ako ng higitin niya ako at hinapit ang beywang ko. Naramdaman ko ang pang-iinit ng pisngi ko habang nakayapos ang kamay ko sa bewang nito. Ang liit naman ng bewang niya. Parang palaging nag-g-gym.

“Argh! ” maririnig ang iritang boses ng Zenna ata at padabog na lumabas ng mansion. Naiwan ako na hindi makapaniwala sa ginagawa ko ngayon. Sinasakyan ko ang mga galaw niya?!

Acting nga yun. Best actress ka na, Luna.

Pagkalabas ng babae ay winasik ko ang maskuladong kamay nito na nakapalopot sa bewang ko. Namumula ang mga pisngi ko, alam ko yun. Paktay! Naka on pa ang mga ilaw na mariing nakatama sa mukha ko.

“Your blushing, baby. ” pang-aasar nito na ikinanlaki ng dalawang mata ko.

“Yuck, sinakyan lang kita boss. ” pagtatanggol ko sa sarili ko. Totoo naman eh! Pero anong blush, totoo ba? Hinawakan ko ang pisngi ko at ramdam ko ang init doon na ikinahiya ko sa harapan ng boss ko.

“Call me Rowan, or maybe… baby? ” usal nito at tumawa ng mapang-akit sa harapan ko.

“Gago, may makarinig sa'yo. ” hininaan ko ang boses ko. Tyaka napalinga-linga sa paligid baka may kasambahay pala na makakakita sa amin.

“Na ano? Baby ang call sign natin? ” parang walangyang sambit nito at yumuko pa para pantayan ang mukha ko.

“Ang corny ha!” iritang balik ko rito, pero ang totoo ay parang sasabog na sa kaba ang dibdib ko. Parang di na normal, I think I need to check-up.

“Hindi kaya… baby. ” ayaw niya talagang tumigil. Para naman akong tanga sa kakapigil na ngumiti, mamaya sasabihin pa ng loko na kinikilig ako. Pero parang gano'n na nga, argh!

“Bahala ka jan. ” inis na saad ko at tumalikod na habang padabog na umakyat. Parang nawala ang pagkauhaw ko.

Gosh! That grey-eyed man! I want to punched him! For causing my heart pounding and race so fast!

Pagkadating ko sa kama ko. Doon ko ibubuhos ang kilig at irita ko. Di ko talaga alam kung irita o galit ito. Di ko kasi mapigilang mapangiti.

Kahit pa na malamig siya minsan sa iba. Pero bakit iba naman sa akin. Noon una ko lang siya nakitaan ng pagkalamig, pero di na nasundan pa simula ng gabing inalok niya ako sa pekeng kasal.

Argh! Lord kunin mo na lang ako! Di ko na kaya ang puso ko. Para na akong mamamatay sa sobrang tibok nito. Dumagdag pa ng makita niya kung paano mamula ang pisngi ko. Bwesit!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 4: his family

    “Luna?” tanong ng kung sino sa likod ng pintuan. Nakadapa ako at nilulublob ang mukha sa unan. Ang punto ko lang ngayon. NINAKAW ANG FIRST KISS KO! Naiinis ako hanggang ngayon, ewan ko ba. Bakit ba ganito yung nararamdaman ko?! Bakit ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko simula ng mangyari ang di inaasahan. Di inaasahan nga ba? Bumangon ako mula sa pagkakadapa ko. Naiirita ang mukha ko habang hinuhubad ang heels na may takong na 4 inch. Sumasakit na ang paa ko. Hindi ako sumagot sa katok at tawag niya sa akin. Kahit pa na sirain niya ang pinto, hindi pa rin ako sasagot. Sabi ko nga sa noo niya lang ako halikan, bakit pati sa bibig?! Nananadya ba ang boss ko na yon?! “Luna” tawag niya ulit. Pero bakit bigla akong natakot sa boses niya? Kanina kasi ay kalmado pa ito at parang ang haba pa ng pasensya kung makapagtawag sa akin. I heard him breathe deeply as if he was pissing

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 3: first kiss

    “Ms Dela Vega, do you accept him as your husband?” tanong ng pastor sa harapan ko. Kinakabahan ako, mabuti na lang at walang tao o kahit na isinama si Rowan papunta rito. Bakit kailangan pa ng ganito kung peke lang naman ang kasal namin di'ba? “I do” simpleng saad ko at tumingin sa harapan ko kung saan nakatayo si Rowan. Ano na naman ‘to? Ba't may pa ‘I do’, I do pang nalalaman ang lalaki ‘to. Pwede namang maghire para gawan kami ng pekeng sertipiko. Parang totoo kaming ikinasal ngayon! Hindi ko na narinig ang sinasabi ng pastor sa harapan ko. Basta narinig ko lang ang ‘I do’ ni Rowan. “Okay you may now kiss the bride” the pastor said that made me shocked. Gulat na gulat kong nilingon ang pastor at bilog na bilog pa ang mata ko na hindi talaga makapaniwala. Nagtaka naman ang matandang pastor sa harapan namin batay sa ekpresyon nito, lalo na yung mukha ko. Dahan-dahang lumapit si Rowan

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 2: baby

    It feels like my world suddenly stopped. Stop when he said those words. Malaking pera yun ha? “Haha, joker ka talaga sir. ” saad ko pa at tumawa na parang biro lang. Sana biro lang. Sabihin mo sir nagbibiro ka lang! “No, I'm not. ” ani nito at pinasadahan ako muli ng tingin. Tingin na parang nakakaakit, anong gagawin niya sa akin? Tanga ka, Luna! Ano sa tingin mo ang gagawin niya sa'yo?! Wala! Assuming ka lang! Bulyaw ko sa sarili ko na parang gusto ko pang patayin ang sarili ko. “Matutulog na po ako sir. Galing niyo pong magjoke, good night. ” tumawa ako ng peki at nagwave pa. Sabihin mo sir na nagbibiro ka lang, please! “10 billion, Luna. ” he said and a playful smirk shown up in his handsome face. Umalis rin ito sa harapan ko at naiwan akong nakatulala. Totoo? Ngumiti talaga ito?! O guni-guni ko lang talaga? “Tanga! Di siya nagbibiro.” usal ko sa sarili ko at pumasok sa loob. Agad akong nahiga sa isang malambot

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 1: offer

    PININDOT ko na yung doorbell na sanhi para tumunog ito, maaring marinig rin ng tao sa loob dahil sa ang lakas ng tunog nito. Hanep ha! Iba kasi yung doorbell sa bahay nila ni Zyrus. Malaki iyon, pero mas malaki ang mansyon na ito. Parang mansyon ng hari at reyna sa sobrang rangya kahit sa labas pa lang. “Good afternoon po.” magalang na pagbati ko sa babaeng may edad na. Siya yung ang bukas ng malaking gate. Nakasuot ito ng damit na pang maid. “Magandang umaga rin. Ano nga pala ang kailangan mo ija?” bagama't parang suplada ito dahil sa arko ng kilay niya, malamyos naman ang boses niya. ‘Don't judge the book by its cover’ ika nga ng karamihan. “Yun po.” simpleng saad ko naman syaka tinuro ang karatulang may nakasulat ‘wanted maid’. “Ah, sige pumasok ka.” saad niya naman at nilakihan ang bukas ng gate para makapasok ako. Tumango na lang at maliit na nginitian ito. Mas nauna utong naglakad sa akin matapos

  • The Marriage We Never Meant   SIMULA

    “So in this type of tools, we can ensure that the flour that we used in a pastry was smooth enough. Baking is not a hobby. It's a passion. We simply said that baked is just for our tummy needed or to satisfy our cravings. But baking is also a dream, a job, and a passion. That's all. Thank you.” I reportedly smoothly and confidently. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko at natigil na lang sila ng ibang grupo naman ang magrereport. Ako kasi ang nagreport, dahil ika nga nila, magaling daw ako at ang ganda ng accent ko. Well thank you. Natuwa naman ako kapag kino-complement nila ang English skills ko. Lalo tuloy akong ginaganahang magreport. They always said those words. They said that maybe I had a American side. But no, I'm just a simple and poor girl, living in a poor village. Ngumiti ako habang papunta sa upuan ko kung saan katabi ko ang isang mokong. “Ano'ng gusto mong kunin na course pagtungtong mo ng college, Luna

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status