PININDOT ko na yung doorbell na sanhi para tumunog ito, maaring marinig rin ng tao sa loob dahil sa ang lakas ng tunog nito.
Hanep ha! Iba kasi yung doorbell sa bahay nila ni Zyrus. Malaki iyon, pero mas malaki ang mansyon na ito. Parang mansyon ng hari at reyna sa sobrang rangya kahit sa labas pa lang.
“Good afternoon po.” magalang na pagbati ko sa babaeng may edad na. Siya yung ang bukas ng malaking gate. Nakasuot ito ng damit na pang maid.
“Magandang umaga rin. Ano nga pala ang kailangan mo ija?” bagama't parang suplada ito dahil sa arko ng kilay niya, malamyos naman ang boses niya.
‘Don't judge the book by its cover’ ika nga ng karamihan.
“Yun po.” simpleng saad ko naman syaka tinuro ang karatulang may nakasulat ‘wanted maid’.
“Ah, sige pumasok ka.” saad niya naman at nilakihan ang bukas ng gate para makapasok ako. Tumango na lang at maliit na nginitian ito.
Mas nauna u***g naglakad sa akin matapos niyang maisara ang gate. Alangan naman ako.
My jaw dropped when I saw how beautiful and clean rye garden is. Nalula ako lalo sa fountain na umaandar. Ang ganda!
Sumunod ako sa ginang. Di ko alam kung ano ang pangalan niya. Syaka ko na lang siya guro tatanungin kapag natanggap na ako.
Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa nakarating na pala kami sa loob.
Mha antigong bagay. Lalong-lalo na yung vase na babasagin, halatang ang mahal-mahal. Sana all.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa gamit sa paligid. Kung maganda sa labas, mas maganda pa pala ang loob. Ang linis-linis at ang bango.
“Samahan na kita sa loob ng opisina ng boss namin.” maya-maya saad ng ginang sa unahan ko syaka ako tumango ng galingan niya ako ng tingin.
Umakyat kami sa isang mahabang hagdan. Halos di ko mapigilan hawakan iyon dahil sa sobrang kintab kahit pa na gawa ito sa matibay na kahoy, kumikinang pa rin iyon sa linis.
Kung tutuusin, yung sala nila parang buong bahay na namin sa sobrang lawak nun. Yun kasi ang bumungad sa amin pagkapasok namin sa pintuan.
Umakyat pa kami hanggang sa narating na namin ang itaas. Ang laki talaga. Nakikita ko sa bawat sulok na may kanya-kanyang kwarto ang bawat gilid.
Lumiko ang ginang sa kaliwa kaya ako sunod lang nang sunod sa kanya. Hanggang sa huminto ito sa malaking pintuan na kulay grey na namumukod-tangi sa lahat.
“Ito yung opisina ng boss namin. Ginagalang yan ng lahat. Wag na wag mong bibiruin iyon, masyado siyang seryoso sa buhay. ‘O siya na nga, may gagawin pa ako. Kumatok ka na lang ija.” mahabang lintaya ng ginang na tinanguan ko na lang.
Masyadong seryoso sa buhay? Grabe naman. Kumatok ako ng ilang beses bago ko narinig ang boses niya na pumasok ako.
May narinig akong mga tao sa labas, di ko alam kung ano ang nangyayari, parang kakarating lang na mga bisita.
“Magandang umaga po. Mag-aaply po ako as maid.” panimula ko sa kanya matapos kong buksan ang pintuan. Naabutan ko ito na may ginagawa siya, may parang pinipirmahan na papel habang nakayuko na tila walang pakialam na nandito ako sa harapan niya.
“Name? ” tanong ng boss ko ata? Ang lamig ha!
“Lunarae Kaine Dela Vega, sir! ” saad ko naman sa masiyahing na tono.
“Dela Vega? ” takang tanong nito at napakonot pa ang noo.
“Yes sir! Pero Luna na lang.” maligayang sabi ko at ngumiti pa.
I am one of the person who want to apply in this ‘cold-hearted boss ’ kono na boss ng lahat. Lahat daw ay yumuyuko sa kanya. Parang yelo kasi kung makipag usap at makatingin.
“You can start now. ” sabi niya na nagpagulat sa akin, he said it with his deep yet addicted voice. Parang sarap pakinggan kahit pa ang tigas niya magsalita.
“Talaga?! Thank you sir! ” yayakapin ko sana siya, kaya lang napatigil ako, no! It can't be! The fùck, Luna! He is the boss! “Ay, sorry po sir. ” sabi ko at pinagkrus na lang ang kamay na nakabuka kanina. Ngumiti pa ako ng ubod ng tamis at nag-peace sign.
Buti na lang pogi kayo! Halata sa ekpresyon niya ang gulat ng muntik ko na siyang yakapin. Nakakahiya! Pero at least natanggap ako. Kailangan ko pa naman ang trabahong ito dahil sa pamilya ko!
Agad na akong lumabas habang may malaking ngiti sa labi.
“Tanggap ka? ” tanong ng taga sa amin, isa rin kasi siya sa gustong magtrabaho. Halata kasing natanggap ako dahil sa malapad na ngiti sa labi ko, parang abot tenga na nga, pero buti na lang ay maganda pa rin.
Tumango naman ako ng ilang beses. At ngumiti ulit, 𝘶𝘭𝘪𝘵.
“Sana ako rin. ” sabi ni Jane at nagpout pa.
“Sige una na ako Jane. Kukunin ko na yung mga gamit ko sa bahay. Goodluck. ” saad ko at nagpaalam na, tumango naman ito at paulit-ulit na sinabi na ‘sana’.
Masaya ang araw ko ngayon, sa wakas! Makakalalis na ako sa bahay, sana tumagal ako, naiirita na kasi ako sa bahay. Utos dito utos doon, sumbat dito sumbat doon—yun lang ang parating nangyayari sa buong buhay, di ko nga alam kung anak ba talaga nila ako? Parati na lang masasakit na salita ang natatanggap sa sariling magulang. Basta gano'n sila, mga walang pinagkatulad.
Sa totoo lang gusto ko pang mag-aral, gusto ko pang magkolehiyo, gusto ko pang aralin ang trabaho na gusto kong kunin. Matalino ako, oo, but no matter I tried, I will never be appreciate, I will never be a good daughter to them.
Hays, mahirap talagang mabuhay kapag walang may gustong magtiwala at handang magsuporta.
Napabuntong hininga na lang ako habang tinatahak ang daan papunta sa bahay namin. Wala talaga akong ibang masasandalan, walang iba kundi sarili ko lang.
Sumakay pa ako ng taxi dahil ang layo ng bahay namin papunta sa Velasquez Mansion. Nagulat nga ako sa nakita ko ng papasok ako sa opisina nito. Lahat ng gamit ay gawa sa antigong bagay, the design gothic were very old, but the appearance were very expensive.
“Ano ba yang anak mo, di man lang magtrabaho, gusto pang mag-aral! ” rinig kong sumbat ni mama na sa tingin ko ay kausap ang ama ko.
“Ma, pa. ” saad ko na ikinalingon nila, si papa na nakaupo ay kalmado lang, habang si mama naman ay nakaupo rin at pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay nito, halatang masama ang timpla. Parati naman.
“Oh, nandiyan na pala ang palamunin mong anak. ” sambit ng nanay ko at tiningnan ako na parang nandidiri, nakataas pa ang isang kilay na parang kinukutya ang pagkatao ko.
Hindi ako umimik at deretso lang sa kwarto at nagsimula ng mag-impake.
“Ayan! Nagiging bastos na! ” narinig ko pang sigaw ni mama na nagpapadagundong sa loob ng maliit naming bahay.
Nang matapos mag-impake ay maririnig pa rin ang mga mura at bulyaw ng ina ko. Habang ang ama ko ay pilit na pinapakalma ang nanay ko na parang dragon.
“At sa'n ka namang bata ka, lalayas ka? Sige, wag ka ng bumalik rito, ha!” bulyaw ulit ng nanay ko, pagkalabas ko pa lang ay kailangan ko munang tiisin ang matulis na nakakarindi niyang boses.
“Ma, aalis na ako. ” pagpapaalam ko kahit alam ko naman na wala silang pakialam. “Magtatrabaho na ako, di na ako uuwi—”
“Buti naman! At wala ng palamunin sa bahay na 'to. ” pinutol niya ang sasahihin ko at tumayo na nakapaweyang pa. Parang Dragon talaga! Nakakarindi rin naman kayo ha!
“Tama na yan, Amy. ” pagpapakalma ng ama ko sa nanay ko, pinaupo niya ito. “Wa'g kalimutang magpadala, Luna ha? Kailangan natin ng pera ngayon, yung kapatid mo mag-aaral na sa susunod na taon. ” saad ng ama ko na ikinagulat ko.
“Wa'g na, madamot ang batang yan, pero para sa buhay mo at pagiging palamunin mo, bayaran mo ang utang mo sa tanang buhay mo. ” sarkistong saad nito na ikinairap ko ng palihim. 𝑢𝑡𝑎𝑛𝑔?
“Amy.” matigas na sambit ng ama ko, tila sinusuway ang nanay ko.
“Bakit? Totoo naman ha. ” sumbat naman ng nanay ko.
“Sige na po pa. ” sabi ko sa ama ko, ni di manlang binalingan ang mama ko. Tumango na lang si Papa at ang nanay ko naman ay parang sasabog na at parang umuusok pa ang butas ng ilong.
Parati talaga itong galit sa tuwing nakikita ako, ewan ko ba kung bakit, naging mabuti naman akong anak ha? Bakit hindi pa rin sapat upang mapasaya sila, siya, ang nanay ko.
Hays! Ama ko na lang talaga ang maasahan ko, wala ng iba. Istrikto man ito, pero maganda naman ang pakikitungo nito sa akin.
Mabigat ang loob habang bitbit ang malaking bag, tinatahak ang daan papuntang mansion ng mga Velasquez. Nasa daan na ako, malungkot ang mukha, masikip pa naman papunta sa amin hanggang dito, kung saan ka pa maghihintay ng motor.
Naiinis rin ako kay mama ha? Parati na lang bulyaw, kung hindi ay puro mura naman. Ang tinis pa ng boses na parang masisira ang ear drum, pero pagdating sa kapatid kong bunso na si Liliana ay napakalambot, 𝘧𝘢𝘷𝘰𝘳𝘪𝘵𝘪𝘴𝘮!
Ewan ko ba kung bakit ganito ang buhay ko, kung may kakayahan lang akong pumili ng magulang ay ginawa ko na sana, yung hindi ka pagsasalitaan ng kahit na ano, basta mahal na mahal ka kahit gaano man kayo kahirap.
Patingin tingin ako sa paligid, maggagabi na wala pa ring masasakyan, patay ako sa bagong boss ko nito, first day of work, late agad. Kasalanan ko ba na ayaw niyang ipabukas?
Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng may mamahaling sasakyan ang pumarada sa harap ko, napakabit pa ang malaking bag sa balikat ko.
Pagkatigil pa lang ng sasakyan na parang porche ata? Narinig ko na yan sa school eh, ambisyosa kasi yung mga classmate ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng binuksan ng kung sino ang bintana ng sasakyan.
“S-Sir? ” tanong ko na tila nauutal pa, nasalubong agad ng mga mata ko ang mala-abo nitong mata, napakonot pa ang makapal nitong kilay na animo'y parang may kalaban.
“Get in. ” malamig na saad nito na tila yelo na bumabalot sa katawan ko. Anong ginagawa niya dito? Ang layo ng binyahe niya panigurado.
Patuloy pa rin akong nakatayo at nabukas pa ang bibig na tila gulat na gulat, break that stare, Luna!
“Di mo ba narinig ang sinabi ko? ” nabalik ako sa aking katinuan ng magsalita ito sa wika ng tagalog, tila ang sarap sa tenga pakinggan ang tila baratinong boses nito.
Ngumiti na lang ako at tila parang tanga na niyuyugyog ang ulo upang iwaksi ang mga ilisipin na hindi naman importante. Ano ba ang nangyari sa akin?
“Sabi ko nga sir. ” magalang na saad ko na animo'y parang si Maria Clara na patango at payuko-yuko pang nalalaman. Natatawa na lang ako sa sarili ko habang iniisip ang inasal ko ngayon. Pumasok na ako sa likod ng sasakyan niya, alangan naman na tatabi ako sa kanya, nakakahiya para sa dukha na tulad ko.
Pagkaupo ko pa lang ay naamoy ko na ang pangmayaman at nakakadik na amoy ng magiging amo ko na masungit at napakalamig. Parang umi-echo yung boses ng idol ko sa Bini, yung si Maloi, 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎𝑙𝑎𝑚𝑖𝑔.
Nakakatawa lang, parang sasabog rin ako sa inis kanina gaya ng nanay ko, paano kakapasok mo pa lang bulyaw na, eh wala ka namang ginagawang masama, parang di anak eh.
Pero ngayon ay parang gumagaan na ang pakiramdam ko ng kung ano-anong bagay ang pumasok sa utak ko. Siguro dahil aalis na ako sa parang empyerno na bahay na yun, bahay at buhay. Ayoko na silang makita pa, siguro magpapadala rin ako kahit minsan, kahit kalahati lang ng sweldo ko ay magpapadala ako para daw sa 𝑢𝑡𝑎𝑛𝑔 ko.
Tahimik ang buong byahe, wala akong gana na makipag-usap, nakakahiya naman na makipagkwentuhan ako sa magiging amo ko? Wala na akong hiya niyan?
Parang walang salitang namutawi sa pagitan namin ng boss ko, alam ko lang ay ang apelyido ng boss ko, pero di ko alam kung ano ang pangalan nito.Velasquez.
Tahimik hanggang sa nakadating na kami sa labas ng mansion. Siguro ang ganda ng buhay niya no? Ang rangya, nakakainggit.
“Magandang gabi sir. ” salubong sa amin ng isang matandang babae na sa tingin ko ay Mayodorma ata. Ang tingin nito ay dumampi sa akin na parang nagtataka, siya kasi yung tumulong sa akin na pumunta sa office ng boss 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛.
Isang tango lang ang iginawad ng ‘amo’ raw namin?
“Dalhin mo na siya sa kwarto niya manang. ” saad ng boss namin at tiningnan pa ako na parang may kakaiba sa akin.
Tumango naman ang Mayodorma kono at nginitian ko na lang.
“Ito yung kwarto mo iha, . ” saad ng mayodoma habang tinuturo ang kwarto na ngayon ay nasa harapan namin. Mukhang hindi naman sa pinakamataas na palapag ang kwarto ko. Paniguradong kapag ilang palapag pa bago makapunta sa kwarto ko ay siguradong mamamatay muna ako bago makaakyat sa paroroonan. Kahit nga nasa ikatlong palapag ako ay keri na, atleast hindi sa ikalima, wala pa namang elevator sa mansion ng Velasco. Di ata sila nahihirapan na umakyat sa pinakamataas o sa balkonahe. 'O di ko lang alam, ang lawak ba naman ng mansion.
“Salamat po—” napatigil ako kung ano ba ang itatawag ko sa kanya.
“Manang Loleng na lang, iha. Nga pala, ang ganda mo pala ha no? Swerte mo rin, maraming di na natanggap kanina, suwerte mo at napili ka pa. ” ani naman nito ng mailapag ko ang gamit ko sa kama.
Parang kasing laki ng kusina sa papuntang sala ka laki ang kuwarto ko kung ikukumpara sa bahay namin.
Iniwan na ako ni manang Loleng at ako naman ay inayos ko ang mga gamit ko sa loob ng aparador. Maganda ang kwarto kahit simple lang, malinis rin, halatang inalagaan talaga.
Para akong nalulula at hindi pa rin makapaniwala sa mansyon na tinatapakan ko ngayon.
Gabi na rin kasi, nagugutom ako, pero kaya ko namang tiisin yun.
Isasara ko na sana ang pinto ng magiging kwarto ko ng may marinig akong mga boses ng tao na nag-uusap sa kabilang linya.
“What? Kailangang magpakasal?! But I don't have any girl, fling, or whatever! ” rinig kong galit na saad ng boss ko malapit sa kwarto ko, alam kong nasa kabila lang siya. Hindi sa chismosa, pero parang gusto kong makichismis, parang ang sarap pakinggan na galit ang boses nito.
“Kailangan nga boss, kung ayaw niyo, hindi Ibibigay ang lahat ng chairs ng kompanya ng mga magulang mo. ” saad naman ng isang kalmado ang boses sa kabilang linya.
Parang iritang-irita ang boses ng boss ko ngayon, sasara ko na sana ang pinto ng marinig ko ang ilang mura niya matapos niyang pinatay ang tawag.
“The fuck! Anong gagawin ko? Ayaw kong magpakasal kay Zenna, I don't like her. ” parang baliw ito na nakikipag-usap sa sarili niya. Natawa pa ako at hindi na napigilan pang mapahagikhik sanhi ng pagtigil niya sa kakamura at kakausap sa sarili niya.
“Ayy, sorry boss. ” lumabas na ako sa lungga ko at nahihiyang hinarap ito. Nagulat pa ito dahil sa tawa ko, parang di makapaniwala na narinig ko ang mga pinagsasabi niya sa sarili niya.
“What's your name again? ” he said, kalmado na ito at napalunok pa na tila pinipigilang wag mahiya, kung sa bagay mahihiya rin ako kapag may makakita sa akin na nagsasalita mag-isa, buang na ako niyan?
“Luna, boss. ” kunwari sundalo pa ang boses ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na tila sinusuri ang buong pagkatao ko. Akala ko may gagawin siya sa akin dahil dumapo ang mga mata niya sa dibdib ko, ako naman ay tinakpan ito na ikinatawa niya.
“Anong nakakatawa? ” takang sabi ko na parang hindi siya ang boss ko.
“Nothing.” saad niya at tumigil na sa kakatawa, galing ng tawa niya ha? Tawa pang mayaman.
Tinaasan ko ito ng kilay, para bang ipinapahiwatig kung may sasabihin pa ito. Tatalikod na sana ako dahil wala naman akong nakuhang sagot sa kanya.
“Marry me, Luna. ” he said in a serious tone that make me shock.
No, he was joking, tinawanan ko na lang ito para sabihing baka nagbibiro lang ito.
“I'll give you 10 billion after I received the chairs of my parents company. ”