Share

Chapter 7

Dalawang araw na ang nakalipas pero naging palaisipan sa akin ang mga sinabi ng matanda. I was bothered by it that I couldn't stop thinking about it. 

Sana, hindi nga iyon totoo dahil iyon ang pinakamatagal ko nang inaasam—ang makita ang pamilya ko. Gusto ko lang malaman ang rason, kung bakit nila ako ibinigay sa ampunan. Tanggap 'man nila ako o hindi, ayos lang. Magpapasalamat pa rin ako sa kanila na binuhay nila ako. 

Sinarado ko na ang report na binabasa ko dahil alas dos na nang hapon. We are going to have a meeting with the other corporation who is facing a bankruptcy right now. All materials are ready and the board members are already there. 

I am just fixing my makeup when Lily knocked on my door and opened it. 

"Ms. Morint, are you ready?" she asked. I sprayed a little bit of perfume and I stood up from my seat. 

"Yes," I replied and went out of my office. Sinundan naman ako ni Lily sa paglalakad hanggang sa elevator. Nasa 3rd floor pa lang ang elevator kaya naghihintay pa ako. 

"Lily, you don't have to come with me. I'm fine," I said and smiled. She nodded her head and she also returned a smile. 

"Meryenda tayo mamaya ha," paalala ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin ng nakakaloko. 

"Wala si 'best friend' mo?" she mockingly asked while quoting the word 'best friend'. 

"Huh? Wala. May pinuntahan sila sa laguna," sagot ko at parang kinikilig naman akong sinundot sa tagiliran ni Lily. 

"Alam na alam ah! Yie," pambubuska nito. Tinampal ko naman ang kamay niya dahil alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya. 

“Duh, best friends nga kami ‘di ba?” Pambabara ko sa kaniya.

"Kung ano 'man ang nasa isip mo tungkol sa amin, alisin mo na 'yan kasi malabo 'yon. Magkaibigan lang kami," dagdag ko sa kaniya. Tumawa ito bago nagsalita. 

"Pero sa'yo hindi lang kayo magkaibigan," sabi niya at makahulugang ngumiti. Kinunot ko lang ang noo ko. 

"Ewan ko sa'yo. See you later, Ly," pagpaalam ko. Tumango lang ito at sumakay na ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang conference room. 

Pagdating ko ay nagsisipasukan na ang mga kasali sa meeting. Pumasok na ako sa loob at ang iba ay nakaupo na doon at nasa likod nila ang mga kani-kanilang sekretarya. Nakita ko si Dad na nakaupo sa dulo at katabi niya si Jonathan– his secretary. Naglakad na ako malapit sa pwesto niya dahil nandoon ang upuan ko pero bago iyon, dumiretso muna ako sa kaniya para bumati. 

"Good afternoon, Dad," I greeted and hugged him. He returned my hug and kissed my forehead. 

"Good afternoon, sweetie," he said. I smiled and sat down on my seat.

"Oo nga pala, I forgot to tell you that I am happy sa ginawa niyo ni Raze sa outreach program," sabi niya.

"Oh, thank you, Dad. Worth it din naman po dahil nakita ko sa mga mata at bakas sa mukha nila ang saya," nakangiting sabi ko. 

"Did you use your savings for it? I noticed na hindi mo ginagamit ang pera na binibigay namin sa'yo nang Mom mo," puna ni Daddy. 

"I used my own money, Dad. Sobra-sobra na po ang naitulong niyo sa akin. I am making my own money now, I don't have to depend on you guys anymore po," I answered. He smiled at me after I said that. 

"We're proud of you and we are very lucky that we have you," he praised. My heart warmed with what he said. Me, too, Dad. I'm lucky to have you, guys.

Shortly after that, the meeting began. The owners of the corporation are still contemplating whether to sell their shares or to just continue the corporation without the other owner. 

"Ms. Morint, what can you say? As the COO of the company?" a representative asked. 

"If you want to sell your shares to us. It is fine with me, after all, your company is already trusted by many and it has built its reputation. It is a win for us. But if you want to start a new company and kick the other owner, you have to dissolve the corporation. Are you aware of that?" I asked them. 

The board of directors agreed with my answer and decision. I can sense that the other corporation is having a hard time making an answer right now. 

“We won’t have any money if we will dissolve the company! Of course, we will have to sell all of our assets!” galit na sabi ng isa sa may-ari ng korporasyon. 

“That is why I am proposing that you sell your shares to us. And as far as I can remember, your personal assets are not included in your corporation. Only the company’s properties will be liquified,” I said and from my peripheral vision, I can see my Dad’s smile. 

"We will think about it," the other owner answered. I shrugged. No matter what decision they will make, we'll support it. 

“Any other suggestions?” Dad asked while roaming his eyes around the room. 

"If that's all then I would like to formally close this. Meeting adjourned," Dad said then stood up. 

Nakipag-kamay na kami lahat sa meeting at lumabas na. Isa-isa na rin silang lumabas habang may pinag-uusapan pa rin ang iba sa kanila. Lumapit sa akin si Dad. 

"Namimiss ka na namin ng Mom mo," he said and I laughed. 

"Dad! Magkasama pa lang tayo kahapon nila Mommy!" tumatawang sabi ko. Ginulo lang niya ang buhok ko. 

"Ang bilis talaga ng panahon, ang laki mo na," sabi niya. Napangiti naman ako ng mapait. Yeah, at malapit na akong umalis.

Tumango lang ako at ngumiti na. May sasabihin pa sana siya ng tawagin siya ng isang board member. Hindi pa niya alam kung lalapit ba siya. 

"Sige na po, Dad. I'll visit the house na lang," sabi ko and waved goodbye. Pagkatapos ay naglakad na ako paakyat sa elevator. 

Pagdating ko sa opisina ay kakaiba ang ngiti ni Lily. 

"Miss Morint!" she squealed. 

"Ano 'yun? Mukhang tuwang-tuwa ka ah," puna ko sa kaniya. 

"Hey, what took you so long? Let's eat" 

Gulat kong hinarap si Raze. He smiled and he spread his arms gesturing to me for a hug. I excitedly ran and hugged him. I haven't seen him for two days. After that outreach program, he went to Laguna. 

"Huwag mo naman gaanong ipahalata na sobrang miss mo ako," pambubuska niya. Bumitaw naman ako kaagad at hinampas siya. 

"Panira ka talaga ng mood kahit kailan eh!" sabi ko at sumimangot. 

"Oh, oh. Tama na 'yan! Tara na! Meryenda na tayo!" singit ni Lily. 

"Joke lang eh," singit ni Raze. Bigla naman akong ngumiti sa kaniya. 

"Joke lang din," sabi ko at tumawa. 

Nagligpit lang kami ni Lily ng mga gamit namin at umalis na sa opisina. Iniwan ko na lang ang sasakyan ko sa company dahil kay Raze kami sumabay. It's been a while since I went to a mall. Actually, we are one of the big investors of this mall kaya sure ako na maganda doon. That's why, doon din ako madalas mamili. And now, parang gusto kong bumili kahit ilang piece of clothing lang. 

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanilang dalawa. 

"Tara, Shakey's! Nagke-crave ako sa pizza eh," suhestiyon ni Lily. Napatango naman ako, pwede naman, gusto ko rin ng mojos eh. 

"Sure, let's eat there," pag-sang ayon ni Raze kaya doon kami pumunta. Nasa third floor nang mall ang Shakey's. 

We ordered a monster meal deal. Hindi lang halata pero malakas kami kumain ni Lily. We love food but of course, we still keep our body in-shape. 

Nagkukwentuhan lang kami bago dumating ang pagkain at paglapag pa lang ng waiter ay nagsimula na kami agad kumain. 

"Dahan-dahan naman jusko ka, A–Cassiea!" muntik pang madulas si Lily kaya sinamaan ko siya ng tingin. Iniwasan niya ang mga mata ko at sumubo na lang ulit ng pizza. 

"Here," nilagyan ni Raze ang baso ko ng iced tea. 

"Thank you," pasasalamat ko. Naka-apat na slice na ako ng pizza at dalawang chicken. Umorder din ako ng extra kong mojos and malapit na rin siyang maubos. Sobrang tagal ko ng hindi nakakain ng fast food, kaya sinusulit ko na kasi sobrang busy ko na talaga at minsan na lang magkaroon ng mga pagkakataon na ganito. 

Isang oras pa ang nakalipas at natapos na rin kami kumain. Sabay pa kaming dumighay ni Lily kaya binigyan kami ni Raze ng weirdong tingin. 

"Seriously, I'm still amazed at how you can fit that food in your tiny bodies," he said while slowly clapping. 

"Well," sagot ko na parang nagmamayabang pa. 

"Wait, naiihi ako," sabi bigla ni Lily kaya tumayo na kami at naglakad sa pinakamalapit na restroom. 

Pumasok na roon si Lily at katabi naman no'n ay ang H&M, gusto ko bumili ng bagong shirt or hoodie and maybe, I can find a cute office attire? 

"Raze, dito lang ako ha," pagpapaalam ko sa kaniya na may kausap ngayon sa phone niya. Tumango lang ito at pumasok na ako. 

Nagtitingin-tingin ako sa shirts section nang mapansin ang titig ng isang lalaki sa akin. He bit his lower lip while looking at me. Na-awkward ako sa tingin niya kaya lumipat ako ng isle. I picked two gray shirts and a black cotton shorts then I plan on walking to the next isle when I saw that guy again. Umiwas ako ng tingin dahil naaasiwa pa rin ako sa tingin niya. Tinitignan niya ako from head to toe. Wala namang mali sa suot ko ah. I am wearing white long-sleeves turtle neck, a black plaid pants and beige block heels. 

Hindi na ako gaanong nakapili dahil sa kakaiwas ko sa lalaking iyon. Naglakad na ako papunta sa cashier nang may humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya. Bumungad sa akin ang isang babae na halatang galit na galit. 

"Ang landi mo rin eh 'no?!" galit na sigaw niya. Agad na nakaagaw siya ng atensyon. 

"I don't know what you're talking about," I said and turned my back on her. 

"Ang mga malalandi talaga, ayaw umamin sa mga kasalanan nila," pagpaparinig niya. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. 

"I don't even know you. Who are you again?" I asked. 

"Kanina mo pa nilalandi ang boyfriend ko! Sunod ka nang sunod sa amin at ngayon lang siya nagsalita!" sigaw niya at itinuro ang isang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang marealize kung sino iyon. That was the guy! 

"Hindi ko siya nilalandi. He keeps on following me and he looked like a maniac kaya kanina pa ako iwas nang iwas sa kaniya!" sagot ko pabalik. Lalong tumindi ang galit sa mukha ng babae. 

"Aba ang kapal ng mukha mo! Ang galing mong mambaliktad ng kwento! Bakit ba nagpapapasok ng mga taong katulad mo sa mall na ito?" matapobreng sabi niya. Napangisi naman ako. 

"He bites his lips whenever he was looking at me and he is eyeing me from head-to-toe since I entered here. And wait, do you even know me?" tanong ko. I can see from my peripheral vision that the manager is already here. Hinarap ko ang manager at nanlaki ang mata niya, kasama niya pala ang ilang personnel ng mall. Lahat sila nag-bow ng makita ako. 

"What's happening here?" biglang sulpot ni Raze at humawak sa baywang ko. Napakislot naman ako sa ginawa niya at napatingin sa kamay niya bago ibinalik ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko.

"K-kanina pa nilalandi ng b-babaeng 'yan ang boyfriend ko!" nauutal na sabi ng babae ngayon. She suddenly felt intimidated with Raze's presence here. 

"She's my girlfriend, so I am sure that she is not flirting with your boyfriend,” Raze announced and before we turned our backs, he added something. “Oh. And from now on, you two are banned from this mall," he said with a stern look on his face. 

"S-sino ba kay—" naputol ang sasabihin ng babae nang lumapit sa amin ang manager. 

"Ms. Morint, M-Mr. Alfonze, sorry for the inconvenience but we will make sure to follow your order," sabi nung manager. Tumango lang ako pero nagsalita si Raze. 

"My girlfriend has been harassed. I won't let that pass" 

Iyon lang ang sinabi niya at umalis na kami. Hindi ko na rin ipinagpatuloy ang pagkuha ng mga damit. Paglabas namin saktong kakalabas lang din ni Lily sa restroom. 

"Sorry, ang dami kasing tao sa restroom," pagpapaumanhin niya pero napansin niya yata ang kaseryosohan ni Raze. "May nangyari ba?" 

"Kwento ko na lang sa'yo mamaya, Ly. For now, gusto ko na lang umuwi," sabi ko kaya naglakad na kami at dumiretso sa parking lot. 

Kaya ko naman kanina pero I'm still thankful that Raze came to save me. Pero, girlfriend? Really, Raze?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status