LOGIN"Kuya, ibaba mo pa, yung kita na dapat ang ulo ng pagong! Whoah! Ang yummy yummy mo naman!" Sigaw ni Rasselle at tumayo pa talaga ito sa ibabaw ng table.
"Bumaba ka nga diyan, kapatid! Nakakahiya ka, may pagtayo kapa talaga diyan. Alalahanin mo, tumakas lang tayo. Kapag may kumuha saiyo ng video at in-upload sa F******k tiyak na maba viral tayong dalawa, lagot na talaga tayo nito! Ikukulong talaga tayo nito sa isla nila lolo." Saway ni Chyrll sa kaniyang kaibigan na lasing na lasing. "Ikaw ang may gusto nito diba? Ang magsaya tayo, kaya nga tayo tumatakas, tapos pipigilan mo ako! Bitiwan mo ang kamay ko, kapatid. Gayahin mona lang ako." Ayaw paawat na turan ni Rasselle. "Sabi ko magsasaya lang tayo, pero hindi yong para tayong nakawala sa hawla ng mga tigre. Bumaba kana d'yan!" Pagpilit pa nito kay Rasselle... "Ayaw ko! Hayaan mona ako kapatid. Habang bata pa tayo, gawin natin ang mga gusto natin, kahit pinagbabawalan pa tayo ng mga parents natin; Whoah! Party, party!" Muling sigaw ni Rasselle, napapakamot naman ng ulo si Chyrll. Huling takas na ata nila ito, sa isip isip ng dalaga. "Bahala ka nga diyan. Ang tigas ng ulo mo. Kapag talaga tayo kinulong nila Daddy at Tito William, kakalbuhin kita, makita mo lang. Tinawanan lang ni Rasselle ang tinuran ni Chyrll. Muling sumigaw ito na akala mo na parang wala ng bukas. Binantayan na lamang ni Chyrll ang kaibigan na sayang-saya sa ginagawa nito. Nilapitan nito ang bouncer at kinausap na kapag may nakitang kumukuha ng video sa kanyang kaibigan na sumasayaw ay kumpiskahin ang cellphone. "Kapatid, halika dito! Samahan mo ako!" Tawag ni Rasselle kay Chyrll. Naiiling ng ulo na lumapit muli si Chyrll kay Rasselle. Nilapitan nila ang sumasayaw na macho dancer. Sigawan at tuksuan ang mga taong nilalamon narin ng alak ang kanilang sistema. Walang nagawa ang manager ng club ng Casa Isabella na pag-aari ni Joseph Zotomayor. Sumayaw si Rasselle, na hinayaan lang ni Chyrll. Ngayon lang naman ito at hindi na mauulit pa. Dahil tiyak na bantay sarado na talaga sila ngayon ng mga bodyguard nila. "Sege, ekembot mo pa baby! Ganyan nga!" Sigaw ng mga kalalakihan. Hindi pa nakuntento si Rasselle, kumapit pa ito sa pole, at umiikot ng umikot habang gumigiling. Inaakit nito ang macho dancer na may suot na maskara. Hinila nito si Rasselle at pinatihaya sa sahig, pumatong ang macho dancer sa tapat ng tiyan ni Rasselle na hindi nakalapat. Tuwang-tuwa naman ang dalaga ng gumiling ng swabe ang macho dancer. Ng punitin nito ang damit ay namilog pa ang mga mata ng dalaga dahil sa mala adonis na katawan ng macho dancer. "Whoah, kapatid! Ang sarap nito!" Sigaw ni Rasselle. "Sana all ako, kapatid na Rasselle."Ganting sigaw ni Chyrll. Tuwang-tuwa ang mga tao, sa kanilang nakikita sa entablado. Ng matapos na ang pagsayaw ng macho dancer, ayaw parin tumigil ni Rasselle. Kundi pa ito inawat ni Chyrll. "Gusto ko pa eh, gusto ko pang sumayaw!" Reklamo ni Rasselle. "Tama na, umuwi na tayo. Kanina pa tayo pinagpipyestahan ng mga tao dito. Ako na ang nahihiya saiyo, sa mga pinaggagawa mo, alam mo ba yun?" Sermon ni Chyrll. "Ano ba yan! Napaka KJ mo naman. Ngayon lang ako naging wild ng ganito, pagbabawalan mo pa. Mabuti kong naghubad ako dito, e hindi naman... Diba? Diba?" Maktol ni Rasselle at yumukyok na sa lamesa. Lasing na lasing na ang dalaga. Tumayo si Chyrll at kinausap ang manager na kung pwede ay ihatid ang kaibigan sa vip room. Doon na lang sila magpapalipas ng magdamag, tiyak na mapapagalitan din sila ng kanilang parents kapag nalaman ng mga ito na tumakas nanaman sila. Huling warning na ng tatay ng dalawang dalaga na kapag tumakas pa ang mga ito ay ikukulong na sila sa Isla nila Lolo Daimon. Samantala, sa dalawang mansyon ng mga magulang ng dalawang dalaga ay pinaghahanap na ang mga ito. "Kumalma ka, William! Hayaan mona ang anak natin. Dalaga na 'yon at alam na niya ang kaniyang ginagawa. Kaya, nagiging matigas ang ulo ng anak natin dahil sobrang higpit mo sa kanya. Gusto lang naman niya ang maranasan ang maging buhay dalaga na masaya, at habang bata pa siya." Anas ni Clarabelle. "Ayan, ang sinasabi ko. Kaya, mas lalong tumitigas ang ulo ng anak natin dahil din d'yan sa pagsusuhito mo. Alalahanin mo, babae ang anak natin. Ayaw kong mapariwara siya katulad ng ibang kabataan ngayon na kung ano ano ang ginagawa, nagiging adik, nagiging ina ng maaga. Hindi mo ako masisisi kung pinaghihigpitan ko ang anak natin, dahil gusto ko siyan ingatan. "Sana manlang ay huwag masyadong mahigpit, magtiwala ka lang sa anak mo. Matalino si Rasselle, alam niya kung ano ang tama at mali. May pangarap siyang gustong abutin, kaya hayaan mong maging memorable ang buhay dalaga ng anak natin. Hindi naman niya sisirain ang pangako niya sa atin, diba? Kaya, nakikiusap ako saiyo. Matulog na tayo ulit, uuwi din siya dito bukas." Wika pa ni Clarabelle. Napabuntong hininga na lamang ng malalim si William. "Isa pa yan si Chyrll, promotor sa mga kalokohan nilang dalawa. Mga pasaway ang mga kabataan ngayon, sobrang titigas ng ulo. ~~~ "Shit! Ang sakit ng ulo ko!" Sambit ni Rasselle ng magising ito. Nilibot nito ang kaniyang paningin sa paligid. "Nasaan ako?" Tanong nito sa sarili. Nakaramdam ito ng takot sa kanyang sarili. "May dumukot ba sa akin? Sino? At paano nangyari iyon? High in ang bar na pinuntahan namin kagabi. Bawal ang mga bobo at laking kanto don, kaya paano ako napunta sa kwarto na ito? Sinilip nito ang kanyang sarili sa ilalim ng kumot. "Suot ko pa naman ang mga damit ko. Napahinga ito ng malalim. "Sayang, akala ko ginahasa na ako ng mayaman at gwapong lalaki. Nakatikim na sana ako ng maugat na talong." Bulong nito. Inalis nito ang kumot sa kanyang katawan. Iba-baba na sana nito ang kaniyang paa ng makita nito ang kanyang kaibigan na mahimbing ang pagkakatulog sa sahig. "Kapatid, anong ginagawa mo d'yan sa sahig? At bakit diyan ka natulog? Malawak at malaki naman itong kama." Gulat na sambit ni Rasselle at ginising nito ang kaibigan na mahimbing natutulog na tulo pa ang laway sa kanyang gilid ng labi, at nakabukaka pa. Inalis ni Rasselle ang kamay ni Chyrll na nakasuot pa sa sa suot nitong mini skirt. Paborito talaga ng kaniyang kaibigan na pinalilimliman ang mga daliri sa loob ng panty nito. Umungot si Chyrll. "Hmm... Antok pa ako!" Sambit ni Chyrll na antok na antok pa nga. Nilagay naman ni Rasselle ang daliri nito sa ilong ni Chyrll, upang ipaamoy ang daliri na babad sa loob ng sariling panty nito. Tumatawa naman ito sa kanyang kalokohan. Wala naman amoy ang daliri ng kanyang kaibigan, gusto lamang nito na pagtripan ang kaibigang matalik. "Ano ba ang ginagawa mo dito sa sahig?" Ulit na tanong ni Rasselle. "At ano ang ginagawa natin dito sa silid na ito? At paano tayo napunta dito?" Maraming tanong ni Rasselle. Dahil ginugulo ni Rasselle ang mahimbing na natutulog na si Chyrll ay bumangon ito ng pabalya. "Gusto mong malaman kung bakit tayo nandito? At kung bakit hindi tayo nakauwi sa mansyon natin?" Inis na tanong ni Chyrll. Tumango naman ng ulo si Rasselle at hindi alintana ang nabubugnot na si Chyrll sa kanya. "Ngiting pusa ka pa diyan. Dahil lang naman sa kalasingan mo kaya nandito parin tayo sa bar ng Casa Isabella." Masungit na turan ni Chyrll. "Ano? Nakalimotan mona agad kung ano ang pinaggagawa mo kagabi, habang lasing na lasing ka?" Anas pa nito. Umiling si Rasselle ng kanyang ulo. Inis na inis naman si Chyrll sa kanyang kaibigan kaya, nakaltukan nito sa ulo si Rasselle. "Bahala ka nga sa buhay mo, hindi na tayo babalik pa dito sa oras na lumabas tayo dito. Nakakahiya ka, alam mo ba yon?" Nangunot naman ang ulo ni Rasselle at pilit inaalala kung anong katangahan ang ginawa niya kagabi. "Eh bakit dito ka sa sahig natulog? Malawak naman itong kama." Tanong pa ulit nito. "Wala ka talagang matandaan ano? Ang likot mong matulog, sinipa mo lang naman ako. Kaysa naman mabagok ang ulo ko, dahil diyan sa kakasipa mo kaya dito na lang ako natulog. Nakakahiya naman saiyo diba? Kapatid." Pinagduldulan pa ni Chyrll ang mukha nito kay Rasselle dahil sa inis nito. Napangiwi naman ito dahil sa nalaman nito. "Ang hininga mo, kapatid. Ang baho! Mag toothbrush ka nga!" Saad na lang ni Rasselle sa kaniyang kaibigan, kahit hindi naman mabaho ang hininga nito. "Wow, ha! Hiyang hiya naman ang hininga ko sa hininga mo, kapatid!" Mataray na sabi ni Chyrll. Natawa na lamang si Rasselle sa pagtataray sa kanya ni Chyrll. "Nagugutom na ako kapatid, baka pwedeng umorder ka ng makakain natin?" Biglang paawa na sabi nito. "Ewan ko saiyo! Ikaw ang umorder ng pagkain natin, dahil inaantok pa ako. Bumalik sa higaan si Chyrll at tumalukbong ng kumot. Dahil makulit si Rasselle, kiniliti nito ang talampakan ng paa ni Chyrll. "Arg! Oo na, oo na! order na ako ng pagkain mo, pashnea! Akin na ang telephone? Tumatawa namang dinampot ni Rasselle ang telepono sa ibabaw ng center table at inabot sa kaibigan nitong nakasambakol na ang mukha pero maganda parin. "Ang pretty talaga ng kaibigan ko. "Huwag mo akong utuin, baka masabunutan kita. Antok na antok pa ako. "Sege, na nga. Napaka sungit mo naman. Pagkatapos mo akong e order ng food, matulog kana ulit. Huwag na natin alalahanin ang mga parents natin, "Dahil, malamang pinaghahanap na tayo ng Daddy mo, ko." Panabay na salita ng dalawa at may pag-ikot pa ng mata si Chyrll na tinawanan lang ni Rasselle. "Pakisamahan na din ng lubid, pwede? May gusto lang akong igapos ng makaganti manlang ako sa magaling kong kaibigan." Wika ni Chyrll sa kabilang linya ng umorder ito ng pagkain nilang dalawa. Tumawa lang ng tumawa si Rasselle. "Ang ganda talaga ng Bar na ito, sobrang yaman talaga ng mga Zotomayor, biruin mo meron silang Chief dito. Hindi magugutom ang mga tao dito, na katulad nating inabot na ng umaga dito. Ang class pa ng room...." Saad ni Rasselle pagkatapos umorder ng food ni Chyrll. "Kaya, lubos lubusin mona dahil hindi na tayo babalik dito, dahil pasaway ka." Sagot ni Chyrll. "Bakit naman? Ano ba ang ginawa ko kagabi, bakit hindi na tayo babalik dito?" Curious na tanong ni Rasselle. "Wala ka talagang matandaan noh? Pwes, isipin mong mabuti, dahil gusto ko pang matulog, kaya huwag kang storbo, okay? *** Dahan dahan ang paglalakad ni Rasselle na parang magnanakaw sa loob ng kanilang mansyon, nakatingkayad pa ito at hawak pa nito ang suot nitong heels. Natatakot kasi itong makita ng kaniyang ama, dahil tiyak na sermon nanaman ang aabotin nito. "Bakit ngayon ka lang umuwi? Hapon na. Naiwan naman sa ere ang kanang paa ni Rasselle, nagulat ito ng marinig nito ang boses ng kaniyang ama. Dahan dahan nitong tinapak ang kanang paa sa sahig at humarap sa kaniyang ama. "Hanggang kelan kaba magiging pasaway Rasselle? Hanggang kelan mo kami bibigyan ng sakit ng ulo ng mommy Clara mo? At ano na lamang ang sasabihin sa akin ng mommy mo? Na pinababayaan ka namin na sirain mo ang buhay mo, yan ba ang gusto mong isumbat sa akin ng momm ha, Rasselle?" Sermon ni William sa kanyang anak. Sorry po Daddy!" Iyon na lamang ang tanging nabigkas ni Rasselle, dahil kahit papaano ay may takot pa ito sa kanyang ama. "William, kadarating lang ng anak natin. Huwag mo ng sermunan. -Sege na hija, pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga kana, alam kong pagod at puyat ka. Pagpasensyahan mona itong ama mo." Saad ni Clarabelle. Agad naman tumalima si Rasselle malalaki ang mga hakbang nito. "Hindi pa tayo tapos mag-usap Rasselle! Bumalik ka dito!" "Tama na William, dalaga na ang anak natin. Sege na hija, pumasok kana sa silid mo. Ako na ang bahala sa Daddy mo. Nagpatuloy sa paglalakad si Rasselle at hindi na nito pinansin ang tawag ng kanyang ama. Bagsak sa malambot na kama ang katawan ng dalaga.°Rage Halos hindi ako nakatulog, pinagmamasdan ko lamang ang ni Rasselle, kahit ilang beses na akong sinasabihan ng mga magulang ng fiance ko na magpahinga na ako. Ang mga kaibigan ko ay umuwi mona sa kani kanilang condo unit upang magpahinga. Si Szarina na asawa ng kaibigan ko, ay binigyan ng pahintulot na kung maaari s'ya ang maging private doctor ni Rasselle. Dahil sa maimpluwensya ang pamilyang Underthesaya ay natupad ang kagustuhan nila. "Rage, hijo magpahinga kana. Maayos na ang lagay ng anak namin. Baka ikaw naman ang maratay sa kama kapag inabuso mo ang kalusugan mo. Hindi kaba natatakot sa banta ni Szarina na tuturukan ka n'ya ng malaking syringe kapag nalaman n'yang hindi kapa nagpapahinga? " Tita, Serenity hindi naman po ako takot sa Dwende na yon, ang liit liit nong babae." Pangangatwiran pa ni Rage. "Gusto mo bang tawagan ko, para sabihin ko ang sinabi mo? Akmang tatalikod na si Serenity ina ni Rasselle ng magsalita si Rage. "Dito nalang po ako sa upuan ma
°Rage Akala ko patuloy na kami magiging masaya ni Rasselle, ngunit nagkamali ako. Sinira ni Regie at ni Anessa ang pinaka masayang araw sana naming dalawa ni Rasselle. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama kay Rasselle. Hinding-hindi ko sila mapapatawad lahat. Papatayin ko sila. Hindi ko pinansin o nilingon manlang ang aking mga kaibigan, alam ko naman na susundan nila ako. Ayaw kong pigilan nila ako sa gusto kong gawin sa aking kakambal. Magalit na silang lahat sa akin, mahal ko si Rasselle mahal na mahal, lahat gagawin ko maipaghiganti ko lang s'ya sa taong nanakit sa kanya. Hindi kona pinarada ng maayos ang aking gamit na motorsiklo, bahala na ang mga tauhan ko. Hinanap ko agad kung saan silid nila dinala ang kakambal ko dito sa lugar na pag-aari ko dito sa Vancouver. Nanlilisik ang aking mga mata, ang galit ko ay lalong nagyabong ng makita ko si Regie na nakagapos sa isang upuan na kahoy. Nakagapos din ang dalawang kamay nito sa kanyang likuran
°Rasselle "Magaling! Magaling! Lahat kami ay napatingin sa babaeng nagsasalita habang pumapalakpak ng kamay. "Anessa, Regie!" Gulat kong sambit. "May nagaganap pala dito, bakit hindi n'yo manlang kami nagawang imbitahan? Grabe naman oh, nakakasakit kayo ng damdamin!" Aniya pa nito. "Regie, anong ginagawa ninyo dito? Paano n'yo nalaman na nandito kami?" Nagtataka at naguguluhan na tanong ni Rage sa kanyang kakambal. "Bro, alam mo naman kung gaano ko kagusto si Rasselle. Hindi mona pinaubaya sa akin." May diin nitong sagot. Napasinghap ang ilan na nandito, lalo na sina Mommy at Daddy. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Regie? Fiance ng kakambal mo ang gusto mong agawin! Nahihibang kanaba?" Hindi makapaniwala na sabi ni Chyrll. "Wala eh, sa kanya tumibok ng ganito ang puso ko. Anong magagawa ko? Mahal ko s'ya at ako lang ang lalaking nararapat sa kanya, hindi ang kakambal ko." Katwiran pa nito. "Nababaliw kana nga!" Naiirita na sambit ni Aria. "Dapat saiyo dalhin sa m
°Rasselle "Segurado kanaba na magpakakasal ka diyan sa Rage mo?" Tanong sa akin ni Chyrll. "Oo naman," sagot ko agad. "Siya na seguro ang lalaking para sa akin, kaya hinayaan ako ni lord na bigyan s'ya ulit ng pangalawang pagkakataon na patunayan niyang mahal niya ako at hindi na niya ako ulit sasaktan. Pero, bakit parang ayaw mo para sa akin si Rage, nagbago naba ang isip mo? Hindi kanaba boto sa kanya?" Balik tanong ko sa aking kaibigan. "Hindi naman sa ayaw kona sa kanya. Nag-aalala lang ako saiyo. Lalo na't nilihim mo sa amin na naging kayo ng kumag na yan, tapos malalaman namin na nahuli mong kinakabayo ng Rage mo ang ex girlfriend niya. Pagkatapos hito at magpapakasal kayo. Oo at masaya kami na sa kasalanan din ang tungo ninyong dalawa pero, hindi mo maaalis sa amin na kaibigan mo ang hindi mag-alala. Baka nasa paligid lamang ang Anessa na yon, ang pag-ibig kung minsan nakakabaliw, baka ang babaeng yon ay baliw na, tapos magulat na lamang kami ay kinidnap ka n'ya, tapos tak
°Rasselle Magkasama kami ngayon ni Rage dito sa sarili niyang Penthouse. Hindi ko akalain na pag aari pala ng kumag na ito ang condominiums dito sa City ng Vancouver. Kung alam ko lang, sana dito nalang ako tumuloy. Hindi ko lubos maisip na kaya kong muli na tanggapin sa buhay ko si Rage, akala ko hindi kona kaya pa siyang patawarin. Traydor talaga ang puso, pilit ng aking isipan na ipagtabuyan siya, ngunit itong puso ko siya parin ang hinahanap hanap. Sabay namin ninamnam ang niluto niyang almusal naming dalawa. Napakasarap niyang magluto. Kamuntikan ko ng makalimotan ang aking pangalan. Iba talaga kapag inlove, nakakabaliw, simpleng sausage lang naman ang niluto niya, pero kakaiba ang lasa sa akin. Napakasarap. Ang sabi niya, aalis kami ngayon. May pupuntahan daw kaming lugar. Gusto ko sanang humiga lamang maghapon na kayakap siya, kaso inaya niya naman ako, kaya sasama na lang ako sa kanya. "Babe, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Malalaman mo mamaya babe, sa ng
°Rage Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Ngayong kapiling ko ng muli ang babaeng pangarap ko na makasama sa habangbuhay. Walang pagsidlan ang sayang nadarama ko habang pinagmamasdan ko siyang natutulog sa kama ko. Pagkatapos naming kumain sa Jollibee, inaya ko siya dito sa Penthouse ko. Gulat na gulat siya ng sabihin kong may sarili akong condominiums dito. Nandito kami ngayon sa Penthouse ko dito sa Vancouver. Hindi siya makapaniwala na may ganitong pag-aari ako dito sa Vancouver. Bukas, may gusto akong gawin. Gusto ko siyang surpresahin. Iyong hindi n'ya makakalimotan. Habang pinagmamasdan ko siyang natutulog tinawagan ko ang kaibigan kong si Jerry. "Yes, dude. Ang gusto yong hindi niya makakalimotan. Iyong bang araw araw niyang maalala na may isang Rage na nagmamahal sa kanya ng totoo. Iyong isang Rage na iisang babae lamang ang pinapangarap na makasama sa pagtanda... Kahit magkano ang magastos, wala sa aking problema basta para sa babaeng mahal ko







