LOGIN"Manang Lowena! Pakitawag nga si Yaya Michelle, kanina ko pa siya hinahanap hindi ko makita!" Tawag ko kay Manang.
"Sandali po Senyorita Rasselle, puntahan ko po sa laundry area. Napahinto ako saglit. Nakalimotan ko, inutusan ko nga pala si Yaya Michelle na labhan ang mga panty ko. "Manang, huwag na ho pala, nakalimotan ko. Inutusan ko ho pala siya na i handwash ang mga panty ko." Sabi ko. "Ikaw na bata ka, ki bata bata mo pa makakalimotin kana agad. Hala, kumain kana ng almusal mo bago ka pumasok sa eskwela." Wika ni Manang Lowena. Tumawa na lang ako sa tinuran ni manang. Sumunod na lang ako sa kanyang likuran patungong dining area. Habang kumakain ako, pumasok si Yaya Michelle. "Senyorita Rasselle, tapos ko na po labhan ang mga panty mo, nakasampay na po lahat. Kinuha ko na rin po ang mga bag mo, at sapatos. Alin po dito ang gagamitin mo sa bag?" Magalang na sabi ni Yaya Michelle. "Ano ba ang magandang gamitin ngayong araw? Louis Vuitton o Chanel?" Tanong ko, at huminto ako saglit sa aking pagsubo at nag-isip din kung alin nga ba ang gusto kong gamitin ngayong simula ng aming klase. "Lahat naman po Senyorita Rasselle magaganda. Ang hirap pong pumili." Wika ni Yaya Michelle. "Hmm... Sege, yan na lang Louis Vuitton. Gusto kong maging shala ngayong araw, gusto ko lahat ng lalaki sa sikat na university ng Mandaluyong ay sa akin titingin, at ako ang mas nakakaangat sa mga magiging ka klase ko." Mataray kong sabi, sabay ngiti ko. "Tawagan ko na po ba si Senyorita Chyrll para sabihin sa kanya na Louis Vuitton na sikat na pangalan ang gagamitin ninyong dalawa ngayong araw? "Sege, pakisabi narin sa bff ko na dadaan ako sa mansyon nila para sabay kaming pumasok ngayon. "Masusunod po Senyorita Rasselle. "Opss, Teka yaya Michelle. May nakalimotan akong sabihin saiyo. Pakisabi narin kay Manong Rolando na pakihanda na ng sasakyan dahil maaga kaming aalis ngayon. "Yon lang po ba Senyorita? Baka po may nakalimotan kapa? Nag-isip ako, kung may nakalimotan pa ako. Bigla kong naisip ang harden ko. "Yong harden ko pala, pakisabi kay Paco na huwag mona n'ya gagalawin ang mga halaman ko. Hintayin n'ya akong umuwi. Yun lang Yaya Michelle. Ilan sandali pa ay tapos ng kumain si Rasselle. Handa na rin itong umalis ng kanilang mansyon. Lumabas na ang dalaga, patungo sa naghihintay na sasakyan. "Good morning po Senyorita Rasselle." Bati ni Rolando sa akin. "Good morning din po Kuya Rolando." Balik na bati ko. Pinagbuksan na ng pinto ni Rolando ang kanyang Senyorita. "Dumaan mona tayo kina Chyrll." Sabi ko. "Masusunod po Senyorita. Habang nagmamaneho si Rolando, hindi nito napansin ang daan na may tubig. Dahil umulan ng malakas kagabi. Natalsikan nito ang babaeng nagwawalis sa kalsada, sa loob ng exclusive subdivision. "Bwisit! Mabangga sana ang sasakyan na minamaneho mong matanda ka!" Galit na galit na sigaw ng babae. Pinahinto ni Rasselle ang sasakyan. "Manong, balikan mo ang babaeng maingay na yun. Parang yon lang, hindi mo naman sinasadya na madaanan ng gulong ng sasakyan ko ang tubig na yun. Kasalanan ng ulan yun, at yun ang sisihin n'ya, baliw ba siya? Alangan paliparin mo ang sasakyan maiwasan lang ang tubig na yon at hindi siya matalsikan. Hindi ba n'ya nakikita ang sasakyan na nakasalubong natin, na iniwasan lang naman natin?" Utos ko. Pinaikot ni Mang Rolando ang sasakyan, at binalikan ang babaeng hindi tumitigil sa pagya yawyaw. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto ni Manong. Bumaba ako ng nakataas noo, magkasalubong ang dalawa kong kilay. Anghelita ako, pero ngayon ilalabas ko ang kakambal kong demonyo. Nagmukha tuloy akong kontrabida sa pelikula, Gladys Reyes ang pigura ko ngayon. "Magkano ang damit mo?" Mataray kong tanong. Dahil Gladys Reyes ako ngayon, hindi ko pinagsalita ang babae. Mukhang nalunok din naman ang dila n'ya, dahil hindi na ito nakapagsalita pa ng makita akong bumaba at ang pustura ko ngayon. "Narito ang Singkwenta mil, bumili ka ng mga damit mo sa mall, sa TITINI'S MALL . Madumi na yan, kaya palitan mona. Sobra sobra na seguro yang pera na binigay ko. Hindi mona mababawasan pa ang sinusweldo mo sa TUPAD o sa AKAP at sa 4p's. Hindi nagdalawang isip ang babae, tinanggap nito ang pera na binigay ko. Mga tao nga naman, nasisilaw agad sa pera. Mga mukhang pera. "Hindi po ako kasali sa 4p's, dahil kasali na po ako sa AKAP. Saka hindi po ako nagtatrabaho sa TUPAD, empleyado po ako dito sa Residenza de Marcos. "So, ngayon, hindi kana galit? "Hindi na po, nakakawala ho pala ng init ng ulo ang pera, may pambili na po ako ng bigas at de lata para sa mga anak ko. Hindi na sila magugutom ngayon." Naluluhang sabi ng babae sa akin. Bigla naman akong naawa, lumambot agad ang puso ko. Sinubukan ko lang maging masama ang ugali ngayon,pero hindi ko pala kaya. "Huwag mo ng gastosin yang pera. Itabi mo na lang, ako na ang bahala sa isang taon ninyong pagkain." Sabi ko. "Segurado ka po ma'am? Diyos ko, hulog po kayo ng langit sa akin. Maraming maraming salamat po, hinding-hindi ko po kayo makakalimotan madam. "Walang anuman. Mamayang hapon, bumalik ka dito. Sumama ka kay manong Rolando sa pamimili ng kailangan ninyo ngayong buwan." Sabi ko. Tuwang-tuwa ang babae sa akin. At hindi matigil ang pasasalamat sa akin. "Ano ang pangalan mo?" Tanong ko pa. "Rachael, Rachael Labatete po, madam. "Okay, Rachael. Alis na ako, baka malate pa ako sa klase ko. "Ingat ka po madam. Sumakay akong muli sa sasakyan, at umalis na kami ng tuloyan. Malapit lang naman ang mansyon ng aking kaibigan at dito lang din sa loob ng exclusive subdivision. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa labas ng mansyon nila. "Ang tagal mo kapatid, kanina pa ako naghihintay saiyo dito. Kahit kailan talaga napaka kupad mong kumilos. "Wow ha! Hiyang hiya naman ako saiyo. Ikaw pa talaga ang naghintay ng matagal sa ating dalawa. Halos makatulog ulit ako sa tagal mong dumating." Nakaingos na wika ni Chyrll. "Ikaw naman, hindi na mabiro. May nadaanan kasi kami kanina, kawawa naman kaya tinulongan kona. Sumakay kana, dahil naiinip na si Kuya Arnolfo saiyo. At baka malate pa tayo." Sabi ko habang natatawa ako. Sarap kasi asarin nitong kaibigan ko, masyadong pikunin. "Ang ganda mo ngayon, kamukha mo si Angel Locsin sa ayos mo." Puri ni Chyrll kay Rasselle. "Maliit na bagay kapatid, ikaw rin maganda. Pareho tayong maganda at mukhahg artistahin. "Mag-aral mabuti. Huwag magbulakbol! Parehong napalingon ang dalawang magkaibigan ng magsalita si Wilson. "Good morning po Tito Wilson." Bati ni Rasselle. "Good morning hija. Isumbong mo sa akin kapag inaya ka nanaman ng magaling mong kaibigan na magbulakbol." Bilin ni Tito Wilson. Napairap naman ng mata si Chyrll dahil sa tinuran ng kaniyang ama. "Bye Dad! Pasok na po kami!" Paalam na lamang ni Chyrll, pagkatapos nitong humalik sa pisngi ni Wilson. "Bye po tito." Paalam din ni Rasselle. "Mag-ingat kayong dalawa. Habang binabaybay nila ang daan patungong university walang humpay sa pagtingin sa social media si Rasselle.... Sa pag scroll nito ng kanyang F******k nakita nito ang itsura ng lalaking bumangga at nagbigay sa kanya ng calling card at black card habang naglalakad ito patungo sa tagpuan nila ni Chyrll. Nawala sa isip ng dalaga ang lalaki, at ang binigay nito sa kanya. "Aha! Hmm... Rage Hidalgo pala ang pangalan ng kumag na ito. Humanda ka sa akin. Uubusin ko ang yaman mo. Ewan ko lang kung hindi ka magsisi na binigay mo ang black card sa akin. Pinakatitigan nitong mabuti ang larawan. "Pwede na, iyon nga lang mukhang barumbadong lalaki, kung sabagay hindi na maikakaila. Sa porma pa lang at tindig nito ay alam mong sakit lang ng ulo ang binibigay sa magulang nito. Pinindot ni Rasselle ang photos, tiningnan lahat nito ang mga larawan ng bintana, hanggang sa mapadako ang mata nito sa isang larawan na kumuha ng intensyon nito. "Annesa Dela Cruz. My beautiful fiance." Basa ni Rasselle sa caption. "Hindi naman maganda, mukhang pwet ng manok ang nguso. Nasaan ang ganda n'ya? Bulag ata ang lalaking ito. Hindi nakikita ang kapintasan sa babae. Maganda pa ako sa fiance n'ya eh, ingrown ko lang siya. May puwang sa isip n'ya na nanghihinayang. "Sayang may fiance na pala siya. Tumibok pa naman sa kanya ang tingle ko." Bulong ni Rasselle. Nag scroll pa ng nag scroll si Rasselle sa F******k account ni Rage, hanggang sa magsawa ito. "Senyorita, nandito na po tayo." Pukaw sa akin ni Mang Rolando. "Huwag, mona ako pagbuksan ng pinto Mang Rolando, pakibalikan na lang si Rachael. Ito ang pera, bilhin mo lahat ng kailangan nila sa kanilang bahay. "Baka po magalit si Sir William sa ginagawa mong pagtulong sa babae kanina, Senyorita." Ani ni Mang Rolando. "Huwag mong intindihin si Daddy, Mang Rolando. Pera ko naman na inipon ko ang binigay ko kay Rachael. At itong ibibili ko ng kailangan nila para sa buong isang buwan na budget sa pagkain. Saka na lang ako bibili ng Dior at Hermes na bag. Mahalaga sa akin ang tumulong sa mga taong nangangailangan, kaysa bumili ng mga luho ko. Pwede ko naman pag-ipunan yon." Sabi ko. "Ikaw po bahala, Senyorita. Sinasabi ko lang po ang opinion ko, baka po kasi nagdadrama lang ang babaeng yon dahil hindi maitatago sa wangis ng iyong mukha ang kabaitan mo, kahit pinakita mona sa babaeng yon ang pagpapanggap mong masama ang ugali mo po." Saad pa ni Rolando. Ngumiti naman si Rasselle. "Salamat Mang Rolando. Naiintindihan ko naman po ang nais mong iparating sa akin. Kapag nalaman ko naman po na niloloko lang ako ni Rachael, may kalaglagyan siya sa akin. Tumango na lamang ng ulo si Mang Rolando at bumaba na ng kanyang sasakyan. "Akala ko hindi kana baba ng sasakyan mo." Saad ni Chyrll. "Sorry may sinabi lang ako kay Mang Rolando. Tara na at huwag ka ng mainis sa akin, baka mahila ko na yang dila mo. Naglakad na nga ang dalawa, at hinanap nila ang magiging classroom nila. "Kapatid, nakita mo ba kanina yonh dalawang babae na naglalakad kanina?" Tanong ni Chyrll. "Hindi ko napansin, bakit mo naitanong sa akin? Anong meron sa kanila? "Mukhang galing probinsya yong isa, yong kulot katulad ng buhok ko, mukhang manang. At yong isa naman, mukhang taga dito lang. Tumatanggap pala ng poor ang university na ito? Base kasi sa itsura nila, di bale na nga lang. Umikot ang mata ni Rasselle dahil sa tinuran ni Chyrll. "Umiral nanaman ang pagiging laitera mo. Magbago kana kapatid, hindi maganda yan. "Hindi ko naman sila nilalait, sinasabi ko lang kung ano ang napansin ko. Hindi naman seguro masama yon, diba?" Katwiran pa ni Chyrll. "Minus 5 kana sa langit, Kapatid. Lima na lang ang buhay mo. Hindi naman masama kung dito sila mag-aral malay mo may tumulong sa kanila kaya dito nila naisipan pumasok. "Whatever! Tara na nga, hindi ko nagugustuhan ang mga titig ng mga lalaki sa akin. Masyado ba akong maganda, para titigan nila ako. Pakiramdam ko, wala na akong suot na panty." Sabi na lang ni Chyrll. Tumawa naman si Rasselle. "Ang lakas din naman ng amats mo kapatid. Sa akin yata sila nakatingin, hindi saiyo. Tingnan mo ang singkit at pogeng lalaki na yon, kulang na lang tumulo ang laway nila sa akin." Saad naman ni Rasselle. "Baliw, sa akin kaya nakatingin." Ayaw papatalo na sabi ni Chyrll. Biglang humagalpak ng tawa si Rasselle. At bumulong sa tainga ni Chyrll. "Kapatid, duling siya. Sayang gwapo sana, kaso na deformed ang mata n'ya. Tinitigan naman ni Chyrll ang mata ng lalaki. At ganun din ang reaksyon ng dalaga. Humagalpak din ito ng tawa. "Kaya, pala. Akala ko sa akin siya nakatingin... Ayaw ko na pala sa kanya, bagay kayo kapatid." Tumatawang saad ni Chyrll. Hindi parin tumitigil sa pagtawa ang dalawa, hanggang sa nahanap nila ang magiging classroom nila. Napili nila sa unahan, para daw mapansin kaagad ang kanilang kagandahan kung sakaling gwapo ang kanilang magiging professor. At hindi nga sila nagkamali dahil makalaglag panty nga ang kanilang professor.°Rage Halos hindi ako nakatulog, pinagmamasdan ko lamang ang ni Rasselle, kahit ilang beses na akong sinasabihan ng mga magulang ng fiance ko na magpahinga na ako. Ang mga kaibigan ko ay umuwi mona sa kani kanilang condo unit upang magpahinga. Si Szarina na asawa ng kaibigan ko, ay binigyan ng pahintulot na kung maaari s'ya ang maging private doctor ni Rasselle. Dahil sa maimpluwensya ang pamilyang Underthesaya ay natupad ang kagustuhan nila. "Rage, hijo magpahinga kana. Maayos na ang lagay ng anak namin. Baka ikaw naman ang maratay sa kama kapag inabuso mo ang kalusugan mo. Hindi kaba natatakot sa banta ni Szarina na tuturukan ka n'ya ng malaking syringe kapag nalaman n'yang hindi kapa nagpapahinga? " Tita, Serenity hindi naman po ako takot sa Dwende na yon, ang liit liit nong babae." Pangangatwiran pa ni Rage. "Gusto mo bang tawagan ko, para sabihin ko ang sinabi mo? Akmang tatalikod na si Serenity ina ni Rasselle ng magsalita si Rage. "Dito nalang po ako sa upuan ma
°Rage Akala ko patuloy na kami magiging masaya ni Rasselle, ngunit nagkamali ako. Sinira ni Regie at ni Anessa ang pinaka masayang araw sana naming dalawa ni Rasselle. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama kay Rasselle. Hinding-hindi ko sila mapapatawad lahat. Papatayin ko sila. Hindi ko pinansin o nilingon manlang ang aking mga kaibigan, alam ko naman na susundan nila ako. Ayaw kong pigilan nila ako sa gusto kong gawin sa aking kakambal. Magalit na silang lahat sa akin, mahal ko si Rasselle mahal na mahal, lahat gagawin ko maipaghiganti ko lang s'ya sa taong nanakit sa kanya. Hindi kona pinarada ng maayos ang aking gamit na motorsiklo, bahala na ang mga tauhan ko. Hinanap ko agad kung saan silid nila dinala ang kakambal ko dito sa lugar na pag-aari ko dito sa Vancouver. Nanlilisik ang aking mga mata, ang galit ko ay lalong nagyabong ng makita ko si Regie na nakagapos sa isang upuan na kahoy. Nakagapos din ang dalawang kamay nito sa kanyang likuran
°Rasselle "Magaling! Magaling! Lahat kami ay napatingin sa babaeng nagsasalita habang pumapalakpak ng kamay. "Anessa, Regie!" Gulat kong sambit. "May nagaganap pala dito, bakit hindi n'yo manlang kami nagawang imbitahan? Grabe naman oh, nakakasakit kayo ng damdamin!" Aniya pa nito. "Regie, anong ginagawa ninyo dito? Paano n'yo nalaman na nandito kami?" Nagtataka at naguguluhan na tanong ni Rage sa kanyang kakambal. "Bro, alam mo naman kung gaano ko kagusto si Rasselle. Hindi mona pinaubaya sa akin." May diin nitong sagot. Napasinghap ang ilan na nandito, lalo na sina Mommy at Daddy. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Regie? Fiance ng kakambal mo ang gusto mong agawin! Nahihibang kanaba?" Hindi makapaniwala na sabi ni Chyrll. "Wala eh, sa kanya tumibok ng ganito ang puso ko. Anong magagawa ko? Mahal ko s'ya at ako lang ang lalaking nararapat sa kanya, hindi ang kakambal ko." Katwiran pa nito. "Nababaliw kana nga!" Naiirita na sambit ni Aria. "Dapat saiyo dalhin sa m
°Rasselle "Segurado kanaba na magpakakasal ka diyan sa Rage mo?" Tanong sa akin ni Chyrll. "Oo naman," sagot ko agad. "Siya na seguro ang lalaking para sa akin, kaya hinayaan ako ni lord na bigyan s'ya ulit ng pangalawang pagkakataon na patunayan niyang mahal niya ako at hindi na niya ako ulit sasaktan. Pero, bakit parang ayaw mo para sa akin si Rage, nagbago naba ang isip mo? Hindi kanaba boto sa kanya?" Balik tanong ko sa aking kaibigan. "Hindi naman sa ayaw kona sa kanya. Nag-aalala lang ako saiyo. Lalo na't nilihim mo sa amin na naging kayo ng kumag na yan, tapos malalaman namin na nahuli mong kinakabayo ng Rage mo ang ex girlfriend niya. Pagkatapos hito at magpapakasal kayo. Oo at masaya kami na sa kasalanan din ang tungo ninyong dalawa pero, hindi mo maaalis sa amin na kaibigan mo ang hindi mag-alala. Baka nasa paligid lamang ang Anessa na yon, ang pag-ibig kung minsan nakakabaliw, baka ang babaeng yon ay baliw na, tapos magulat na lamang kami ay kinidnap ka n'ya, tapos tak
°Rasselle Magkasama kami ngayon ni Rage dito sa sarili niyang Penthouse. Hindi ko akalain na pag aari pala ng kumag na ito ang condominiums dito sa City ng Vancouver. Kung alam ko lang, sana dito nalang ako tumuloy. Hindi ko lubos maisip na kaya kong muli na tanggapin sa buhay ko si Rage, akala ko hindi kona kaya pa siyang patawarin. Traydor talaga ang puso, pilit ng aking isipan na ipagtabuyan siya, ngunit itong puso ko siya parin ang hinahanap hanap. Sabay namin ninamnam ang niluto niyang almusal naming dalawa. Napakasarap niyang magluto. Kamuntikan ko ng makalimotan ang aking pangalan. Iba talaga kapag inlove, nakakabaliw, simpleng sausage lang naman ang niluto niya, pero kakaiba ang lasa sa akin. Napakasarap. Ang sabi niya, aalis kami ngayon. May pupuntahan daw kaming lugar. Gusto ko sanang humiga lamang maghapon na kayakap siya, kaso inaya niya naman ako, kaya sasama na lang ako sa kanya. "Babe, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Malalaman mo mamaya babe, sa ng
°Rage Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Ngayong kapiling ko ng muli ang babaeng pangarap ko na makasama sa habangbuhay. Walang pagsidlan ang sayang nadarama ko habang pinagmamasdan ko siyang natutulog sa kama ko. Pagkatapos naming kumain sa Jollibee, inaya ko siya dito sa Penthouse ko. Gulat na gulat siya ng sabihin kong may sarili akong condominiums dito. Nandito kami ngayon sa Penthouse ko dito sa Vancouver. Hindi siya makapaniwala na may ganitong pag-aari ako dito sa Vancouver. Bukas, may gusto akong gawin. Gusto ko siyang surpresahin. Iyong hindi n'ya makakalimotan. Habang pinagmamasdan ko siyang natutulog tinawagan ko ang kaibigan kong si Jerry. "Yes, dude. Ang gusto yong hindi niya makakalimotan. Iyong bang araw araw niyang maalala na may isang Rage na nagmamahal sa kanya ng totoo. Iyong isang Rage na iisang babae lamang ang pinapangarap na makasama sa pagtanda... Kahit magkano ang magastos, wala sa aking problema basta para sa babaeng mahal ko







