Share

Chapter 2. Manong

last update Last Updated: 2025-08-29 23:16:51

"Aray! Ano ba yan, hindi manlang marunong mag-ingat! Ano bulag lang! Hindi nakikita ang daan?Naiinis kong sambit ng mabangga ako at napaupo sa semento ng isang tao na hindi ko kilala.

"Sorry miss, hindi kita napansin. Nagmamadali kasi ako, pasensya na talaga.

Tumingala ako ng magsalita ang nakabangga sa akin. Hindi kaagad ako nakapagsalita kaagad. "Shit! Ang guwapo n'ya sobra. Natulala ako sa kanyang taglay na kagwapuhan, pero saglit lang. Tumayo akong mag-isa at nagkunwari paring galit. Pinagpagan ko ang kamay ko at ang suot kong jogger pants.

"Sa susunod manong, tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka nakakadisgrasya! Paano kung sa maputik na daan ako napaupo, may magagawa ba yang paghingi mo ng sorry sa akin?" Pagtataray ko pa.

"Miss nagmamadali ako, kung hindi mo matanggap ang paghingi ko ng sorry saiyo wala na akong pakialam don. At saka hindi pa ako manong para tawagin mong manong. Matikas pa ako. Mukhang mamahalin yang mga suot mo, tanggapin mo itong black card ko. Walang limit ito, bilhin mo ang lahat ng gusto mo. Pero, isang araw mo lang 'yan magagamit, pagkatapos hindi na. At kung hindi mo parin matanggap ang paghingi ko ng sorry, hito naman ang calling card ko. Nakasulat lahat diyan kung saan ang address ng office ko. Pwede mo akong puntahan don, pero huwag mona ngayon dahil nagmamadali ako. Naiintindihan mo ba miss sungit?

At agad itong tumakbo papalayo sa akin.

"Hoy! Bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos! Bwisit ka!" Nagpupuyos ako sa inis sa lalaking 'yon. Parang ang siste ako pa ang may mali.

"Bwisit! Inis kong sambit.

"Madapa ka sana! Gwapo ka lang pero demonyo ka! Wala kang mata! Isa kang bulag na manong!

Pinagsisipa ko pa ang lata na nakakalat dito sa kalsada, hindi ko ito tinigilan hanggang sa mayupi ito.

Ilang sandali pa ay dumating na si Chyrll sa tagpuan ng magkaibigan.

"Kapatid, anong nangyayari sayo? Bakit nagwawala ka dito sa kalsada? Nang aamok kaba ng away.

"Hayst salamat dumating ka din sa wakas! Bwisit na lalaking 'yon! Binangga ako, gwapong manong sana kaso bulag! Tapos hito binigyan ako ng black card na walang limit at calling card kung sakaling hindi ko daw matanggap ang kaniyang paghingi sa akin ng sorry!" Nakapamay awang kung sambit.

"Patingin nga ako kapatid, mukhang mayaman ang gwapong manong na 'yon. Wow kapatid, RH company pala siya! Ang ibig sabihin seguro ng RH, Red Horse. Gumagawa sila ng alak, kapatid! Tawagan mo, gusto kong matikman ang alak nila!" Masayang sabi sa akin ng aking kaibigan at para na itong sinisilihan sa puwit dahil sa sobrang saya nito.

"Akin na nga 'yan. Ang oa mo! Alam mo ba 'yon? Pangalan niya yan, initial name kumbaga. Nabasa mo lang na RH, Red Horse agad nasa utak mo, palibhasa puro alak ang laman ng kukute mo." Naiiling na sabi ko.

"Napaka mo naman kapatid, nakakasakit kana. Ano bang plano mo diyan sa calling card at black card na binigay saiyo ng pogeng manong na 'yon? At bakit ka n'ya nabangga? Seguro, nagbabasa ka nanaman sa Slam Book mo? Hindi ka na nagsawa kakabasa n'yan, kaya ka nababangga eh.

"Nakalimotan mona agad? Ng dahil lang naman saiyo kaya, ako nabangga ng manong na yon. Kung hindi mo ako pinapunta dito, e di sana, hindi ako nabangga." Mataray kong sagot sa aking kaibigan.

"At saka, ano ba ang ginagawa sa black card?" Tanong ko.

"Ano pa nga ba? Eh di lustayin natin. Bumili tayo ng luxury car, LV na bag, shoes etc. Siya naman ang nagsabi saiyo na walang limit ang laman ng black card niya diba? Walang sisihan kapag nalaman niyang uubusin mo ang yaman n'ya, siya naman ang may gusto niyan diba? Hayaan nating umiyak ang manong na 'yon. Magpasalamat kana lang sa akin, dahil nakabanggq ka ng lalaking bigatin at hindi putcho putcho sa kanto. Bumili na rin tayo ng bar, para may sarili na tayo. O diba nakaganti kana, may bar kapa." Suhestyon pa ng kaibigan kong baliw. Sira talaga.

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Sayang naman ito kung hindi ko ito gagamitin.

"Tara, kapatid. Simulan na natin ang maglustay ng pera. Ubusin natin ang kayamanan niya. Walang sisihan. Subukan lang niya, ipapakulong natin siya sa Daddy mo." Ani ko.

"Teka, kapatid! Bukas na natin yan gawin. Nakalimotan mona ba? Ngayon ang punta natin sa bar dahil nung nakaraan linggo ng tatakasan natin ang mga body guard natin sa kapihan ay hindi natin nagawa dahil naabotan nila tayo.

"Oo nga pala, buti pinaalala mo. Tara na, baka makita pa tayo ng tauhan ng madrasta mong impakta. Bukas na lang natin waldasin ang laman ng black card na ito.

Dumaan kami sa iskinita. Dahil alam na nila Daddy kung saan ang tagpuan naming dalawa ni Chyrll ng pasekreto ay nagbago kami ng tagpuan.. Dito na kami sa mga kita ng mga tao, malapit sa supermarket... Iyon nga lang sa hindi inaasahan, nabangga ako ng isang diyablo na bumaba galing sa impyerno.

Patuloy lang kami sa paglalakad kahit na may nadadaanan kaming mga nag-iinuman sa gilid ng kalsada.

"Pre, may naligaw na mga magagandang dilag." Sabi ng lasing na lalaki.

"Wheeeet wew! Grabe ang gaganda nila at ang sesexy pa!" Sipol ng isa pang lasing.

"Mapapalitan ko na seguro si Shawe ng isang maganda at sexy!" Rinig pa naming sabi.

"Hoy, Rolando! Hinaan mo nga yang boses mo, gusto mo bang habulin tayo ng asawa mong butangera ng itak? Dahil kami ayaw namin." Saway pa ng lasing.

Nangingilabot naman kami ng aking kaibigan dahil sa pinagsasabi ng mga lasenggo.

"Kapatid, natatakot ako. Nakatakas nga tayo sa bodyguard natin, pero sa mga lasinggo na 'yon mukhang katapusan na ng petchay natin! Bilisan na natin maglakad, baka gawin nga nila ang binabalak nila sa atin! Ayaw kong maging kabit ng isang expired na sardinas. Iww kadiri! Natatakot kong bulong kay Chyrll.

"Huwag kang matakot, pwede ba? Ako ang bahala sa kanila, magaling ata ako sa martial arts. Hindi pa sila nakakatayo sa kanilang inuupuan, nakahandusay na ang mga yan sa semento.

"Huwag kang masyadong magtiwala sa sarili mo, isipin mo parin na kahit papaano ay babae kapa rin. Malalaki ang katawan nila, hindi mo ba nakita?

"Sisiw lang ang mga yan sa akin, kaya huwag ka ng matakot diyan at baka mahawa mo pa ako saiyo. Lalo tayong malintikan nito.

Mas binilisan pa namin ang aming paglalakad, pinalakas pa namin ang aming loob, kahit na anumang oras ay bibigay na ang aking tuhod.

May humarang sa aming dinadaanan na isa pang lasing habang naglalakad kami ng mabilis.

"Miss, saan ang punta ninyo? Mukhang naliligaw ata kayo?" Tanong ng lalaking mukhang pinagkaitan ng magandang mukha.

Tumago naman ako sa likuran ng aking kaibigan. "Ayan na kapatid, anong gagawin natin. Nalampasan nga natin ang mga kupal don sa isang kanto, tapos hito at may mga mukhang patis na humarang sa atin!" Nahihintakutan kong bulong sa aking kaibigan.

Hinawakan naman nito ang aking kamay.

"Kuyang Poge," Sambit ng aking kaibigan.

Ang laki naman ng pagkakangiti ng lalaking mukhang patis. Samantalang ako ay masuka-suka na dito sa likuran ng aking kaibigan.

"Poge talaga ako," Wika ng lalaki at nagpa poge points pa sa amin.

"Kadiri, saang parte ng mukha niya ang poge na sinasabi niya?" Bulong ko.

"Tumahimik ka diyan, kapatid. Sakyan mona lang ang mukhang kuhol na ito." Bulong din ng aking kaibigan sa akin.

"May sinasabi ba kayong dalawa? Hindi ba kayo naniniwala na poge ako?" Tanong ng lasing sa amin na may pagbabanta sa kaniyang boses.

Nakangisi lang na nakatingin sa amin ang mga lalaking kainuman nito. Nagtataasan na ang mga balahibo sa aking balat dahil sa klase ng pagtitig nila sa amin. Mukhang mga mahihilig silang kumain ng tahong na hilaw.. "Oh, papa Jesus, iligtas mo po ang matagal nanaming iniigat ingatan perlas namin sa mga hudas barabas na ito.

"Wala kuyang Poge. Pinapasabi lang ng kaibigan ko na, ngayon lang siya nakakita ng ganyan ka poge na kakaiba, walang katulad." Paliwanag ng aking kaibigan.

"Mabuti naman, akala ko hindi kayo naniniwala eh.

"Naku! Huwag kang mag-isip ng ganun kuya. Diba mga kuyang Poge din, poge siya diba?" Saad muli ng aking kaibigan at humarap pa sa mga kaibigan ng lalaking kaharap namin.

"Oo, wala talagang tatalo sa kaibigan namin, walang panama yang artistang si Robin Padilla sa boss namin... Maskulado na, poge pa!" Pagsang-ayon ng lalaking bungal. Nagpalakpakan naman ang mga mukhang patis.

Kung pwede nga lang sumuka, ay sumuka na ako..Dangan nga lang itong aking kaibigan ay pinagbabawalan ako. Ang lakas kasi ng amats nila, wala naman akong makita na gwapo sa kanilang kaibigan.

"Eh.... Saan ba ang punta ninyo mga magagandang dilag? Sa itsura n'yo pa lang ay mukhang anak mayaman kayo." Tanong muli sa amin ng lalaking humarang sa amin.

"A, e kuyang poge, ganito kasi yon. Yong mga bodyguard namin na puro armado, tinakasan namin. Gusto sana naming pumunta ng bar para sana magsaya. Kaso hinahabol nila kami, kaya dito kami naligaw. Huwag n'yo sana kaming sasaktan." Paliwanag ni Chyrll sa lalaking humarang sa amin. Napalunok naman ito ng laway. At humarap ito sa kaniyang mga kaibigan.

"Mga pre, may mga armadong bodyguard pala ang mga ito. Malalagot tayo kapag kinanti natin ang mga 'to.

Lahat sila ay parang mga among tupa. Mga takot din pala, akala ko pa naman mga siga sila dito. Tinakot lang nila ako.

"Sege, mga madam. Daan na po kayo, mag-ingat po kayo sa isa pang kanto na dadaanan n'yo, dahil may aso pong nakatali don." Pakli ng isang lasing.

Dahil hindi nila kami sinaktan, dumugot si Chyrll ng pera sa kaniyang wallet.

"At dahil mababait po kayo, tanggapin po ninyo ang limang libong ito. Bumili pa hu kayo ng alak. Alis na po kami, maiwan na po namin kayo.

Tuwang-tuwa naman ang mga mukhang patis sa binigay na pera ng aking kaibigan sa kanila.

"Opss! Teka lang, sabihin ko lang sainyo na kapag may nagtanong kung may nakita kayo na may dumaan dito na dalawang babae, huwag na huwag ninyo kaming ituturo. Nagkakaintindihan ba tayo, mga kuya?

"Areglado boss, naka zipper at nakapadlock pa ang bibig namin. Diba mga pare?" Sagot ng lalaki kay Chyrll

Sabay sabay naman silang sumang-ayon sa kanilang kaibigan.

Hindi naman makapaniwala ang mga tambay na binigyan sila ng pera ng dalawang dalaga. Balak lang sana nila itong takutin, pero sila yong natakot dahil sa mga sinabi ni Chyrll.

Nakarating ang dalawa sa labasan ng kanto. Tuwang-tuwa ang mga ito ng hindi sila nasundan ng dalawang bodyguard ni Rasselle.

"O, diba kapatid? Ang galing ko! Bilib kana ba sa akin?" Tuwang-tuwa na sabi ni Chyrll.

"Iba ka talaga, kapatid! Dahil diyan magwawalwal ako mamaya. Yong macho dancer ng Casa Isabella, gigilingan ko yon, hanggang sa maglaway sa akin.

"Hoi, Rasselle! Subukan mo lang gawin yan. Iiwanan talaga kita. Pupunta lang tayo don para magsaya, hindi para lumandi, sabunutan kita d'yan eh.

"Ah, basta. Aakitin ko ang gwapong macho dancer na 'yun. Kaya, huwag kang killjoy kapatid na Chyrll. Sa kakaganyan mo, baka tumandang dalaga ka n'yan.

"Hindi baling maging matandang dalaga ako, noh! Huwag lang tumandang dalaga na keringking. Kaya, subukan mo lang na kumiringking mamaya gupitin ko talaga yang tingle mo.

"Hayst! Halika na nga, mag abang na lang tayo ng taxi. Baka kung saan pa mapunta ang usapan nating dalawa.

Tumawid sa kabilang kalsada ang magkaibigan, at nag aabang ng taxi.

"Bakit wala pang dumadaan na taxi dito?" Naiinip na tanong ni Chyrll sa akin.

"Bakit ako ang tatanungin mo? Hindi ko naman alam ang lugar na ito.

"Nakakainis naman, nagkamali ako. Halika nga, maglakad-lakad pa tayo, baka sa kabilang kanto pa ang sakayan ng taxi.

"Dahil sa ginagawa natin, baka makasalubong natin sina Jerome. Kanina pa nila tayo hinahanap, ang alam lang nila, bibili lang ako ng ice cream sa seven eleven. Anong oras na, malamang nakapag report na yon kay Daddy." Ani ko.

"Kakainis naman, bilisan nanatin maglakad! Mapurnada nanaman ang lakad natin dahil diyan sa mga asungot mo. May pa body bodyguard pa kasing nalalaman. Akala mo anak ng hari at reyna.

"Ito na nga, nadadapa na nga ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Melody of Heartbreak (Bastarda Series-Five)   Chapter 6. Pwet ng bebe.

    "Rasselle Regala! Napabaling ang tingin ko sa upuan ni Prof. "Bakit po Sir John Lloyd?" Nagtataka kong tanong. "Bakit lahat ng sagot mo dito ay hindi ko po alam, dahil hindi pa ako ginagawa ng mga araw na 'yon nila Mommy at Daddy. Tama ba ang sinagot mo dito? Hindi ko naman alam ang aking gagawin. Hindi ako makatingin kay Sir John Lloyd. Pinagtatawanan narin ako ng aking mga kaklase, lalo na ang aking mga kaibigan. "A, e sir. Ano po ba ang tanong sa number 1?" Nahihiya kong tanong kay Sir. Napailing na lang ito ng kanyang ulo. "Pumunta ka sa likod. Tumayo ka don, at huwag kang uupo hangga't hindi ko sinasabi!" Utos sa akin ni Prof. Napakamot na lang ako ng aking kilay. Hanggang ngayon ba naman ay nangyayari ito sa akin? College na ako, ano ba yan!" Maktol ng aking isipan. "Ayan, slambook kasi ang inaatupag, hindi ang gumawa ng research work natin." Pang-aasar ni Chyrll sa akin. Kaysarap lang batukan talaga nitong kaibigan ko. Kaibigan ko ba talaga siya? Humanda din talag

  • The Melody of Heartbreak (Bastarda Series-Five)   Chapter 5. Bisugo

    •Rasselle Limang araw na buhat ng magsimula ang aming klase... Pareho kaming masaya ng aking kaibigan na si Chyrll ng magkaroon kami ng panibagong kaibigan. Noong una, nag-aalangan pa kaming lumapit sa kanila ng mag uuwian na ang lahat. Pero, dahil makapal ang mukha ng aking kaibigan ay nilapitan namin sila at nakipagkilala. Mababait naman sila, mukha lang mataray tingnan lalo na si Aria, sa una lang nakakailang dahil nasanay lang seguro kami ng aking kaibigan na kami lang dalawa ang palaging magkasama. Si Isadora na medyo kulot ang buhok, pero bumagay naman sa kanya. Nung unang kita pa lang namin sa kanila, nilait lait pa ito ni Chyrll, pero kami lang dalawa ang nag-uusap noon. Kung hindi lang daw ito maputi, iisipin daw n'ya na may lahi itong mangyan. Si Szarina naman, clingy, mahilig mang asar kahit maliit na babae, bansag sa kanya ni Chyrll ay Banak o kaya ay si Nakba, hindi daw kasi nalalayo ang height nito sa mga adamyan. Si Marian naman, matangkad at pang modelo ang height...

  • The Melody of Heartbreak (Bastarda Series-Five)   Chapter 4 Gladys Reyes

    "Manang Lowena! Pakitawag nga si Yaya Michelle, kanina ko pa siya hinahanap hindi ko makita!" Tawag ko kay Manang. "Sandali po Senyorita Rasselle, puntahan ko po sa laundry area. Napahinto ako saglit. Nakalimotan ko, inutusan ko nga pala si Yaya Michelle na labhan ang mga panty ko. "Manang, huwag na ho pala, nakalimotan ko. Inutusan ko ho pala siya na i handwash ang mga panty ko." Sabi ko. "Ikaw na bata ka, ki bata bata mo pa makakalimotin kana agad. Hala, kumain kana ng almusal mo bago ka pumasok sa eskwela." Wika ni Manang Lowena. Tumawa na lang ako sa tinuran ni manang. Sumunod na lang ako sa kanyang likuran patungong dining area. Habang kumakain ako, pumasok si Yaya Michelle. "Senyorita Rasselle, tapos ko na po labhan ang mga panty mo, nakasampay na po lahat. Kinuha ko na rin po ang mga bag mo, at sapatos. Alin po dito ang gagamitin mo sa bag?" Magalang na sabi ni Yaya Michelle. "Ano ba ang magandang gamitin ngayong araw? Louis Vuitton o Chanel?" Tanong ko, at hum

  • The Melody of Heartbreak (Bastarda Series-Five)   Chapter 3. At da bar

    "Kuya, ibaba mo pa, yung kita na dapat ang ulo ng pagong! Whoah! Ang yummy yummy mo naman!" Sigaw ni Rasselle at tumayo pa talaga ito sa ibabaw ng table."Bumaba ka nga diyan, kapatid! Nakakahiya ka, may pagtayo kapa talaga diyan. Alalahanin mo, tumakas lang tayo. Kapag may kumuha saiyo ng video at in-upload sa Facebook tiyak na maba viral tayong dalawa, lagot na talaga tayo nito! Ikukulong talaga tayo nito sa isla nila lolo." Saway ni Chyrll sa kaniyang kaibigan na lasing na lasing. "Ikaw ang may gusto nito diba? Ang magsaya tayo, kaya nga tayo tumatakas, tapos pipigilan mo ako! Bitiwan mo ang kamay ko, kapatid. Gayahin mona lang ako." Ayaw paawat na turan ni Rasselle."Sabi ko magsasaya lang tayo, pero hindi yong para tayong nakawala sa hawla ng mga tigre. Bumaba kana d'yan!" Pagpilit pa nito kay Rasselle..."Ayaw ko! Hayaan mona ako kapatid. Habang bata pa tayo, gawin natin ang mga gusto natin, kahit pinagbabawalan pa tayo ng mga parents natin; Whoah! Party, party!" Muling sigaw

  • The Melody of Heartbreak (Bastarda Series-Five)   Chapter 2. Manong

    "Aray! Ano ba yan, hindi manlang marunong mag-ingat! Ano bulag lang! Hindi nakikita ang daan?Naiinis kong sambit ng mabangga ako at napaupo sa semento ng isang tao na hindi ko kilala. "Sorry miss, hindi kita napansin. Nagmamadali kasi ako, pasensya na talaga. Tumingala ako ng magsalita ang nakabangga sa akin. Hindi kaagad ako nakapagsalita kaagad. "Shit! Ang guwapo n'ya sobra. Natulala ako sa kanyang taglay na kagwapuhan, pero saglit lang. Tumayo akong mag-isa at nagkunwari paring galit. Pinagpagan ko ang kamay ko at ang suot kong jogger pants. "Sa susunod manong, tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka nakakadisgrasya! Paano kung sa maputik na daan ako napaupo, may magagawa ba yang paghingi mo ng sorry sa akin?" Pagtataray ko pa. "Miss nagmamadali ako, kung hindi mo matanggap ang paghingi ko ng sorry saiyo wala na akong pakialam don. At saka hindi pa ako manong para tawagin mong manong. Matikas pa ako. Mukhang mamahalin yang mga suot mo, tanggapin mo itong black card ko. Wa

  • The Melody of Heartbreak (Bastarda Series-Five)   Chapter 1. Dear Crush

    •RASSELLE "Ano ba ang sinusulat mo sa Slam Book mo kapatid? Hanggang ngayon ba naman meron ka n'yan? Panahon pa 'to ng digmaan ng mga Kastila at Amerika. At saka hindi kana high school student." Tanong ni Chyrll sa akin. "Huwag mo na akong pakialaman dito kapatid. Ubusin mo na yang kape mo, dahil kanina pa yan sa harapan mo nag-aabang kung kailan mo siya hihigupin." Nakangiti kong sagot sa aking kaibigan, sabay turo sa kaniyang kape na naiinip na. Kung tao lang seguro ang kape, baka nagsalita na ito at nagreklamo. "Patingin nga ako, nahihiwagaan talaga ako sa sinusulat mo." Sabi nito sabay hablot sa Slam book ko. Nag-agawan kami, pero ayaw niya talagang ibalik sa akin. At marami na ding nakatingin sa amin na kapwa naming costumer dito sa Starbucks. "Akin na kapatid! Isusumbong kita kay Tito Wilson na may binabalak ka nanaman na tumakas at pumunta sa Casa Isabella! mamayang gabi" Pananakot ko, baka sakaling matakot sa pagbabanta ko. Baliw pa naman ang kaibigan kong ito. "Gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status