LOGIN•Rasselle
Limang araw na buhat ng magsimula ang aming klase... Pareho kaming masaya ng aking kaibigan na si Chyrll ng magkaroon kami ng panibagong kaibigan. Noong una, nag-aalangan pa kaming lumapit sa kanila ng mag uuwian na ang lahat. Pero, dahil makapal ang mukha ng aking kaibigan ay nilapitan namin sila at nakipagkilala. Mababait naman sila, mukha lang mataray tingnan lalo na si Aria, sa una lang nakakailang dahil nasanay lang seguro kami ng aking kaibigan na kami lang dalawa ang palaging magkasama. Si Isadora na medyo kulot ang buhok, pero bumagay naman sa kanya. Nung unang kita pa lang namin sa kanila, nilait lait pa ito ni Chyrll, pero kami lang dalawa ang nag-uusap noon. Kung hindi lang daw ito maputi, iisipin daw n'ya na may lahi itong mangyan. Si Szarina naman, clingy, mahilig mang asar kahit maliit na babae, bansag sa kanya ni Chyrll ay Banak o kaya ay si Nakba, hindi daw kasi nalalayo ang height nito sa mga adamyan. Si Marian naman, matangkad at pang modelo ang height... Bansag ni Chyrll dito ay loading, paano lagi na lang lutang na para bang nakalutang sa alapaap. Mabuti na lamang hindi nila kami nahahalata na nilalait na sila ng aking kaibigan. "Bakit mo ba tinatawag na Bisugo ang isa pa nating kaklase, Isadora? Maganda naman s'ya a, maputi at matangkad, tapos maganda pa ang kanyang mahabang buhok." Tanong ko sa aming bagong kaibigan ni Chyrll. "Demonyo kasi s'ya. Hindi ko naman kasalanan na nabangga ko s'ya, kasalanan ko ba na tanga s'ya? Eh, siya yong nakatingin sa daan, tapos ako ang sisihin n'ya at siya pa may ganang magalit sa akin. Oh diba sira ang ulo lang. Kasalanan ko ba na ngayon lang ako nakakita ng matataas na gusali dito sa syudad, kaya ang paningin ko ay nakatuon lamang sa taas ng mga nagtataasang gusali, pagkatapos kong bumaba sa bus na sinasakyan ko." Sagot ni Isadora Ajaizah. Nagkatinginan naman kami ni Chyrll at pareho pa kaming natawa dahil tama s'ya nong unang araw ng klase namin na galing probinsya ang bago naming kaibigan. "Tapos, akala mo kung sino. Akala mo s'ya ang bumili ng kalsada. Saka alam n'yo ba, ha? Parang may tililing ang babaeng 'yan. Biro n'yo nababasa n'ya ang nasa isip ko ng araw na magkasagutan kami." Sabi pa ni Isadora at inayos pa ang pagkakaupo sa harapan ng mga bago nitong kaibigan. Lahat kaming lima ay namilog ang mga mata at nagletrang O pa ang aming mga bibig na parang gulat na gulat sa aming nalaman. Kung ano-ano narin ang pumapasok na imahe sa kanilang isipan tungkol sa kaklase nila. "Baka, mangkukulam s'ya? Eeehh nakakatakot naman s'ya! Dapat mapalayas natin s'ya dito, baka kung ano ang gawin saiyo Isadora, tapos baka idamay pa kami dahil sayo!" Parang praning na komento ni Aria. "Tingnan n'yo, kamukha nga n'ya yong witch. Lagot ka Isadora! Mukhang nagugutom na si Bisugo, ikaw ang gagawin n'yang pananghalian ngayong araw." Praning din na komento ni Szarina. "Sabihin na natin kay Prof. John Lloyd na may ka klase tayo na kampon ng demenyo habang maaga pa!" Seryusong saad ni Marian. At akmang tatayo na ito ng pigilan ang kamay nito ni Chyrll. "Kumalma kayo! May naisip akong paraan. Gusto n'yo tawagan ko si Daddy? Isang Pulis Heneral yon, magaling pang umasinta sa kalaban. Isang bala lang ang mangkukulam na Bisugo na yan." Seryuso din na kumento ni Chyrll. "Good idea yan kapatid na Chyrll. Mabuti pa tumawag kana sa opisina nila Tito Wilson, sabihin mo magpadala na dito ng SWAT habang maaga pa, baka makatakas pa ang Bisugo na yan! Akala ko pa naman mabait s'ya, hindi pala." Wika ni Rasselle at nagmamadaling kinukuha ang kaniyang phone sa loob ng bag upang tawagan ang kaniyang Mommy at Daddy upang ibalita na may witch silang ka klase. Naalarma naman ang bagong magkakaibigan ng tumingin sa kanila ang tinutukoy nilang Bisugo, at tumayo pa ito sa kanyang inuupuan, at nagsimula ng ihakbang ang mga paa. Sabay sabay pa sila na lumunok ng laway dahil sa kabang nararamdaman nila. "Walang kukurap ng mga mata!" Halos pabulong na bigay babala ni Isadora. "Narinig n'ya seguro tayo. Lagot na tayo nito! Katapusan ko na ba? Hindi ko pa naman tapos panuorin ang bagong viral ngayon sa sementeryo." Bulong din ni Aria na kinakabahan. "Mamamatay na lang tayo, yong viral na naghi-hin-dutan pa sa sementeryo ang iniisip mo Aria." Bulong din na sita ni Szarina. "Sabay sabay tayong mag cross finger, kapag malapit na s'ya sa atin." Bulong din ni Marian na halos gusto ng maihi sa salawal dahil sa takot na nararamdaman nito na baka may gawin sa kanila ang kanilang witch na kaklase, oras na makalapit ito sa kanilang magkakaibigan. Nang ilang hakbang na lang ang tinutukoy nilang Bisugo sa kanilang harapan ay sabay sabay silang nag cross finger. At sabay sabay din binigkas ang- "Huwag, maawa ka sa amin!" Habang nakapikit ang kanilang mga mata. Nagtataka naman ang tinatawag nilang Bisugo dahil sa ginawa nila. "Anong nangyayari sainyo?" Nagtataka naman nitong tanong sa mga bagong magkakaibigan. Minulat ng mga ito ng kalahati ang kanilang mga mata upang tingnan si Bisugo. Nagtataka din ang mga magkakaibigan dahil walang ginawa sa kanila si Bisugo. Hindi manlang sila nito sinaktan. Ang buong kaklase naman ng mga ito ay nagtataka din sa ginawa nila. Dahan dahan nilang binaba ang kanilang mga kamay. At nahihiyang ngumiti kay Bisugo. "Ah, wala. Umaakting lang kami." Nahihiyang sagot ni Rasselle. "Oo tama si Rasselle, may gusto sana kaming salihan na acting. Nagpa practice lang kami." Nahihiya din na segunda ni Chyrll. Ang apat naman ay hindi na nakaimik, nalunok na seguro nila ang kanilang mga dila. Nangunot naman ang noo ng kanilang ka klase. Sa ilang araw nila na magkakasama sa iisang room, hindi pa nila alam kung ano ang pangalan ng tinatawag ni Isadora na Bisugo. Palagi itong nakakalimotan ipakilala sa amin... Kibit-balikat na lang ang babae, hindi na nito nagawa pang manghiram sana ng lapis. Umikot ito at bumalik sa kaniyang inuupuan. Nakahinga naman ang magkakaibigan ng tumalikod ang kanilang kaklase na walang ginawa sa kanila na kahit na ano. "Muntikan na akong mapaihi kanina, grabe ang kaba ko my goodness!" Wika ni Szarina na kinakabahan ng sobra. Natawa naman ang magkakaibigan. "Akala ko nga, mag super science siya kanina. Mabuti na lang hindi niya tayo narinig." Turan naman ni Marian. "Itong si Isadora kasi ang lakas ng trip. Mabuti na lang, mabait pa sa atin si Lord, niligtas tayo sa kampon ng demonyo." Kumento din ni Aria. Si Isadora naman ay kanina pa gustong bumunghalit ng tawa dahil sa kabang nararamdaman ng kanyang mga bagong kaibigan. Natapos ang kanilang klase. Maaga silang sinundo ng driver at ng bodyguard nila. "Ang hot at ang gwapo naman ng bodyguard mo Rasselle. Baka naman pwede mo kaming ipakilala sa kanya." Bulong ni Szarina kay Rasselle. Nailayo naman nito ang kanyang mukha at nakangiti na tumingin sa bago nitong kaibigan sabay ngisi. "Sorry ha, pero bawal landiin ang bodyguard ko mawawalan sila ng trabaho. Naitakip naman ni Szarina ang palad sa kaniyang bibig at namilog pa ang mga mata. "Seryuso ka? Makikipagkilala lang naman kami." Ani pa nito. "Bawal eh, nasa rules ko yan na mahigpit kong pinagbabawal, kaya sorry talaga my friend. Laglag ang balikat ni Szarina. "Sayang ang guwapo pa naman, at ang sarap sarap pa. "Seguro crush ni Rasselle kaya ayaw ss atin ipakilala. Binabakuran na n'ya, baka makuha ng isa sa atin." Wika naman ni Marian. "Hoy! Hindi a! Nasa rules ko kasi yan. Bawal sila makipag usap sa kahit na sinong tao, kahit sa mga kaibigan ko kapag oras nila sa trabaho. Kaya, kung gusto n'yong makipagkilala sa kanila. Hintayin n'yo mag hating gabi saka kayo makipag kilala sa bodyguard ko." Paliwanag ni Rasselle sa mga kaibigan nito. "Hating gabi?!" Sabay sabay nilang tanong..Tumango naman ng ulo si Rasselle. "Friend, pinagluluko mo ba kami... Kasarapan na ng tulog namin yon, humihilik na ang tumbong namin sa mga oras na yon." Hindi makapaniwala na sabi ni Aria. "Wala kayong magagawa, nasa rules ko kasi yon. Minsan kasi, nasa bar kami ni Chyrll, binabantayan kami. Eleven na ng gabi kami umuuwi, kaya hating gabi ang tapos nila sa trabaho. "Alam mo, palitan mona yang rules mo. Nahihirapan kaming makuha ang buong detalye sa bodyguard mo. Nakakatakam pa naman ang body niya." Ani naman ni Isadora. Natawa naman nag magkaibigan na Rasselle at Chyrll. "Hindi talaga pwede eh, pasensya na. Pero yong driver ko, wala akong rules na binigay sa kanya, malaya kayong makipag kilala." Sabi pa ni Rasselle. "Yong driver ko din, baka matipuhan n'yo rin siya." Sabi din ni Chyrll. Ang apat naman ay napatingin sa loob ng kotse ng dalawa, at sabay sabay silang napangiwi. "Pass ako... Hindi ako pumapatol sa sugar daddy na expired." Nakangiwing sabi ni Aria. "Ako din, baka sumakit pa ang tiyan ko. Wala pa naman akong pambili ng gamot para sa expired na sardinas. "Pwera usog baka, mausog ako ng kalbong driver mo Rasselle. Nasa kanya pala ang nawawalang bolang kristal ni manang Auring." Pagtanggi din ni Marian. "Pass din ako. Allergic ako sa mga senior citizens." Nakangiwi din na sabi ni Szarina. Ihit naman sa kakatawa ang dalawa dahil sa pinagsasabi nila sa kanilang driver. "Grabe kayo sa kanila ha. Mga gwapo naman sila a, kahit mga maeedad na." Tumatawang sabi ni Rasselle. "Pass talaga kami." Sabay pa nilang sagot. "Hintayin ko na lang maghating gabi, pupuntahan ko bahay n'yo Rasselle." Sabi pa ni Szarina. "Ikaw, ikaw ang hahala. Kung alam mo ang mansyon namin." Lahat naman sila namilog ang mga mata dahil sa sinabi ni Rasselle. "Sa mansyon ka nakatira kapatid?" Gulat na gulat na tanong ni Aria. "Oo naman, sa mansyon ng Daddy ko. "Eh di maraming pagkain sa ref. ninyo?" Tanong ulit ni Aria. Ngumiti naman si Rasselle at tumango ng kanyang ulo. "Bakit mo naman tinatanong kung marami silang food. Aria?" Tanong ni Isadora. "Nagugutom na kasi ako. Baka sakaling pwede makikain sa kanila." Sagot ni Aria. "Pwede naman kung hindi ka malilate sa.partime job mo?".Sagot ni Rasselle. "Shit! Oo nga pala may trabaho pa ako ngayon..." Natapli ni Aria anh kanyang nuo. "Maiwan ko na kayo, uuwi pa ako sa amin." Nagmamadali na paalam ni Aria. "Ingat ka, Aria." Sabi nila. Halos takbuhin na ni Aria ang daan pauwi sa kanila. Samantala ang iba naman ay umuwi na rin sa dorm nila. Sumakay na si Chyrll sa sariling sundo nito at ganun din si Rasselle. Naging masaya ang buong maghapon ni Rasselle. Umuwi ito ng mansyon nila na may ngiti sa kaniyang labi. "Mukhang masaya ang maghapon ng babygirl ko a." Masayang salubong ni Clarabelle kay Rasselle. Humalik si Rasselle sa pisngi ni Clarabelle, bago niya ito sinagot. "Sobrang saya ko lang po mommy, dahil masasaya po at mababait ang bago po naming kaibigan ni Chyrll. "Oh! Talaga! Mabuti naman nagkaroon kayo kaagad ng mga bagong kaibigan sa university ninyo. Pero ingat parin kayo sa pakikipagkaibigan ha... Marami ngayon ang mga bully na studyante." Paalala kay Rasselle. "Segurado po ako mommy na hindi naman po sila bully na kaklase. Mukha lang po silang matataray pero mababait po sila. "Basta, mag-iingat kayong dalawa ni Chyrll. Hindi n'yo pa sila kilala ng lubusan kaya huwag kayong pàkampanti na dalawa, okay!" Tumango na lang ng ulo si Rasselle. "Halika kana, samahan mo ako sa kitchen. May ginawa akong cookies para saiyo. Tiyak na magugustuhan mo yon. "Talaga mommy! "Oo, kaya puntahan nanatin para matikman mona. Naglakad na nga sila patungong kusina. Hindi nga nabigo si Clarabelle ng tikman ni Rasselle ang binaked nitong cookies para kay Rasselle. "Ang sarap mo po talagang gumawa nito mommy. Pwede po ba ako magdala nito bukas? Gusto ko pong ipatikim sa mga bago kong kaibigan. "Oo naman, anak. Maramo naman akong ginawa kaya maari mo silang dalhan bukas. Sa sobrang saya ni Rasselle ay nayakap nito ang kanyang mommy. "Thank you mommy. "Walang anuman baby girl ko. Basta para saiyo, walang problema sa akin.°°°Rage. Bukod sa galit litong lito na ako. Hindi kona alam ang gagawin ko ng malaman kong umalis si Rasselle dito sa Pilipinas. Gusto kong malaman kung saan bansa siya ngayon pumunta ngunit walang matinong impormasyon akong nakukuha sa taong inutusan ko. Malawak ang koneksyon ko ngunit baliwala lang ang lahat ng ito. May taong makapangyarihan ang humaharang sa akin at nagbibigay ng protekta kay Rasselle. Napadaan ako sa isang church at napahinto ako dahil sa kantang narinig ko. Who am I, that the Lord of all the earth would care to know my name? Would care to feel my hurt? Who am I, that the bright and morning star would choose to light the way For my ever wandering heart? Not because of who I am But because of what you've done Not because of what I've done But because of who you are I am a flower quickly fading Here today and gone tomorrow A wave tossed in the ocean (ocean) A vapor in the wind Still you hear me when I'm calling Lord, you catch me when
°°°Rasselle. Kumakabog ang dibdib ko ng hindi ko inaasahan na makita ko ulit si Rage. Muling bumalik ang galit ko sa kanya. Ayaw ko na s'yang makita kahit kailan, baka hindi kona mapigilan pa ang aking sarili ay bumigay nanaman ang puso ko sa kanya, sa dalawang buwan naming hindi nagkita, siya parin ang lalaking tinitibok ng puso kong ito. Gusto ko ng bumitaw, ngunit ayaw pa ng puso ko. Naguguluhan na ako. Hindi kona alam ang gagawin ko. Tama nga si Mommy Clarabelle, mas nakakabuti sa akin ang umalis na mona dito sa Mandaluyong upang maghilom ang bakas ng sugat na ginawa sa akin ni Rage. At mali ang aking desisyon na manatili dito habang sariwa ang sugat dito sa puso ko upang makalimot. Nakasulat na ang mga gusto kong gawin sa aking pag alis. 1. Una gusto kong sumali sa art exhibit. Gusto kong iguhit ang isang babae na nag asam at nagmahal ng isang lalaki, ngunit niloko lamang ito. Pero ganun pa man, hindi ito nagpatalo sa bugso ng damdamin, ng galit. Nagpakatatag ito para sa mu
•••Rage Umaga ngayon at nandito ako ngayon sa tapat ng coffee shop nila Rasselle. Dito ko siya aabangan upang makausap muli, kung galit parin ba siya sa akin, o ako parin ang nag iisang laman ng puso niya. Hindi nagtagal ay may dumating na sasakyan na hindi sa akin pamilyar, bumaba ang sakay nito mula sa driver seat. Napatayo ako ng tuwid ng si Rasselle ang nakita ko. Ang laki ng pinagbago niya, nag-iba ang estilo ng kanyang pananamit, lalo siyang gumanda sa paningin ko. Pero ang dating Rasselle parin ang gusto ko dahil sa ganun ko siya minahal. "Rasselle!"Tawag ko sa kanyang pangalan. Lumingon ito sa akin. Halatang nagulat ng makita niya ako. "Rage!" Mahina ngunit basa ko sa pagbuka ng kanyang bibig na binigkas niya ang pangalan ko. "Rasselle!" Tawag kong muli sa kanya, "Pwede ba tayong mag-usap na dalawa? Alanganin ko pang sabi, naiilang ako dahil biglang nangunot ang kanyang nuo, pero maganda parin. "P-Pasensya na busy ako ngayon, marami akong gagawin ngayong araw! Maram
•••Rage. Gusto ko pa sanang manatili dito ng ilan pang buwan dito sa private property ko dito sa El Nido Palawan, ngunit sa mga nababalitaan ko tungkol sa aking kambal kung ano ang ginagawa nitong pangungulit kay Rasselle ay hindi ko na pwedeng i extend at baka pagsisihan ko pa ng habang buhay. "Mag-iingat ka hijo saiyong pag-alis! Sana sa susunod na pagbalik mo dito ay kasama mona ang dati mong nobya, alam kong magkakaayos pa kayo kaya sana huwag kayong mainip ha! At huwag na maghanap ng iba. May dahilan ang panginoon kung bakit binibigyan kayo ng pagsubok, malalampasan n'yo din yan na dalawa. Huwag na huwag kayo padadaig sa tukso, dahil yan ang tuluyan na sisira saiyong relasyon at mawawala ang inyong pagmamahal sa isa't isa. Nawa ay gabayan kayo ng poon may kapal sa kalangitan." Payo sa akin ni Manang Tinay. Isang yakap na mahigpit at may pagmamahal bilang anak ang ginawad ko sa kanya. "Hayaan mo po Manang Tinay, palagi ko pong tatandaan ang mga payo mo sa akin. At sana sa dal
•••Rasselle Dalawang buwan ang lumipas buhat ng maghiwalay kami ni Rage. Hindi na ito nagpaparamdam sa akin, kahit ang anino nito ay hindi kona nakikita. Si Regie na walang katapusan na panliligaw sa akin. Halos araw araw kong nakikita ang pagmumukha sa aming coffee shop ni Chyrll, araw araw ding sira ang araw ko. Si Anessa naman, simula ng gabing yon ay hindi na nagpakita pa sa akin, pero hindi ako nagpapakampanti, alam kong halang ang bituka ng babaeng yon. May lahi pa naman na kabote yon, sumusulpot na lang bigla sa harapan ko, katulad ni Regie. Katulad na lang ngayon, sira nanaman ang araw ko. "Hindi mo ba ako titigilan Regie? Wala kang mapapala sa akin, kaya umalis kana dahil masisira nanaman ang araw ko dahil saiyo!" Pagsusungit ko. "Hindi ako titigil sa panliligaw ko saiyo. Kahit araw araw mo pa akong sinusungitan ay babaliwalain ko. Ganyan kita ka mahal Rasselle my love so sweet. Napairap na lang ako sa kawalan. Ang korne niya talaga, tumatayo ang balahibo ko sa aking
•••Rasselle. "Alam mo pinsan, maganda ka kaso wala kang taste sa lalaki. Puso ang pinapairal mo, hindi ang isip mo. Nagpakatanga ka ng mahabang panahon sa isang lalaki, tapos wala pang isang buwan na magkasintahan kayong dalawa ay niloko kana agad." Naiiling na wika ni kuya Joaquin. "Ang kagandahan ko nanaman ang nakita mo kuya Joaquin." Nakairap kong sabi. "Bakit pa kasi sumama kayo dito sa Probinsya, kung aasarin n'yo lang ako?" Sabi ko pa. "Sinasabi ko lang kung ano ang napapansi ko sayo, pinsan. Sinasayang mo ang talino mo sa lalaki. Matalino ka pero pagdating sa pag-ibig nagiging bobo ka, at ang malala pa nagiging tanga kapa." Sabi pa nito sa akin. "Sumama lang ba kayo dito, para pagsabihan ako? Napipikon na ako!" Kunwari na galit kong sabi. "Sino bang lalaki na matino ang pwede kong gawing boyfriend? Wala naman akong makita, kahit kayo hindi naman kayo loyal sa mga naging kasintahan ninyo. -Ops kuya Jacob, huwag ka ng magsalita! Kilala kita kaya huwag mo din akong paandar







