Mag-log inPagdating ni Alice sa set, agad siyang sinalubong ng balita na nagbago ang buong filming schedule. Ayon sa staff, nag-leave si Theo dahil sa isang family matter.Sandaling natigilan si Alice.‘Family matter?’Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo. Sa mga maliliit na bagay nga, kayang magreklamo ni Theo sa kanya nang kalahating araw. Pero sa ganitong kalaking problema, wala man lang siyang nasabi?Agad niyang kinuha ang phone at tinawagan ito.Pagkasagot pa lang, ramdam na niya agad na hindi maganda ang mood nito.“Bakit ko sasabihin sa’yo?” malamig nitong sagot. “Hindi ba ayaw mong ginugulo kita? Hindi ba gusto mong i-mind ko na lang sarili ko? Hindi ba gusto mong lumayo ako sa’yo? Well… congrats. Nakuha mo na gusto mo.”Bahagyang napasinghap si Alice, sabay tumaas ang kilay.“Theo, ano’ng problema mo? Kumain ka ba ng pulbura?” sagot niya, halatang napipikon na rin.Sa kabilang linya, mariing napahinga si Theo. Halatang pinipigilan ang emosyon. Sa totoo lang, galit siya, pero mas gal
Sumandal si Theo sa sofa habang hinihimas ang kanyang sentido, halatang sumasakit ang ulo sa dami ng iniisip.“Pero paano ’yung mga pelikulang ongoing pa?” tanong niya, puno ng pag-aalala. “Don’t tell me kailangan ko silang i-cancel lahat?”Tahimik na nag-isip si Jay sandali, bago marahang sumagot, tila binubuo na sa isip ang pinaka-praktikal na solusyon.“Hindi naman siguro kailangan,” paliwanag niya. “’Yung Land Under Heaven, period film ’yon, maraming malalaking eksena at matagal talaga ang production. Puwede kong kausapin si Director Jam na ilipat muna sa dulo ang lahat ng scenes mo. Tayo na rin ang sasagot sa anumang magiging losses habang wala ka. I think papayag siya.”Napabuntong-hininga si Theo at napakamot sa ulo.“Mukhang iyon na nga lang ang choice…” bulong niya, halatang hindi pa rin mapakali. “Damn it… bakit parang sunod-sunod ang malas ko these days? ’Yung deal sa HN, dapat final na ’yon, walang dahilan para magkaproblema. Tapos kanina… umulan habang may kissing scene?
Nang makabalik si Alice sa mesa, saka pa lamang tuluyang nakahinga si Theo nang maluwag. Kanina pa siya patingin-tingin sa direksyon ng pinto, halatang hindi mapakali.“Ang tagal mo naman,” reklamo niya agad. “Akala ko nahulog ka na sa inidoro.”Napangiwi si Alice at pabagsak na sumandal sa sofa, halatang pagod at may bahid pa ng takot ang mukha.“Mas malala pa doon,” sagot niya, mahina ang boses. “Parang napunta ako sa lungga ng mga lobo.”Agad na kumunot ang noo ni Theo. “Anong ibig mong sabihin?”Napabuntong-hininga si Alice bago nagkuwento, pilit pinapakalma ang sarili.“Napunta ako sa maling room. Puro big shots ng city nando’n… tapos may isang matabang manyak na hinawakan ako at ayaw akong pakawalan. Pinipilit pa akong uminom kasama niya.”Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon ni Theo. Nawala ang kalasingan sa mga mata niya.“What?!” agad niyang sabi, sabay tingin kay Alice mula ulo hanggang paa, tila sinisigurong wala itong nasaktan. “Paano ka nakabalik dito?”Bahagyang ngumit
Bahagyang tinaasan ni Alice ang kilay at ngumiti nang may halong pang-aasar.“Sa buong bansa, may babaeng hindi gustong matulog kasama si Zedhryx?” balik niyang tanong, tila ba obvious na ang sagot.Hindi napigilan ni Theo ang sarili.“Well, halos lahat din naman ng babae gustong matulog kasama ako,” mabilis niyang sagot, may halong yabang. “Pero ikaw? Never mo naman naisip ’yon tungkol sa’kin!”Bahagyang tumingala si Alice, saka siya tinignan nang diretso.“Paano mo nasabing hindi ko naisip?” tanong niya, bahagyang tinaasan ang boses.Natigilan si Theo.Sa loob ng isang segundo, parang nag-freeze ang mundo niya, at kasunod noon, agad na namula ang kanyang tenga.Isang mahinang tawa ang kumawala mula kay Alice.Doon lang napagtanto ni Theo na niloloko lang siya.“Alice!” halos mapasigaw siya, halatang napahiya. “Just you wait! Hindi pa tayo tapos!”Kung hindi lang niya iniisip ang ibang tao sa paligid, baka kanina pa siya tumayo at pinatulan si Alice.Samantala, tila kuntento na si Al
“Alice! Don’t change the topic!” halos mapataas ang boses ni Theo, halatang hindi na maitago ang inis at selos sa tono nito. Lalong sumikip ang dibdib niya habang pinipilit unawain ang sitwasyon. Sa loob-loob niya, hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa lalaking kararating lang.‘Paano ako magiging ex-lover? Paano ako makakatapat sa ‘childhood sweetheart’ mong si Harvey? Eh kahit sa panaginip mo, siya pa rin ang tinatawag mo…’ mapait niyang naisip.Napabuntong-hininga si Alice, halatang napapagod na sa drama nito.“Fine, fine… hindi ako umiiwas sa topic,” mahinahon ngunit may bahid ng pagkapikon niyang sagot. “Pero anong balak mo? Gusto mo bang ipangalandakan dito sa lahat ang kung an
“Ah! Umuulan!” sunod-sunod na sigaw ng mga tao sa paligid.Sa isang iglap, nabasag ang perpektong ambience ng set. Dahil karamihan sa mga parol at lanterns ay gawa lamang sa papel at pandikit, at nakalagay pa sa bukas na espasyo, mabilis silang namatay sa buhos ng ulan.Si Alice, na ilang segundo na lang sana ay sisimulan na ang eksenang halikan, ay biglang natigilan. Para bang naputol ang koneksyon niya sa eksena. Agad niyang itinaas ang kamay upang takpan ang ulo.“Ha? Bakit biglang umulan?” nagtatakang sabi niya. “Parang… may tumatama?”Sa kabilang banda, si Theo ay halos mapatigil ang tibok ng puso kanina pa lang. Nang biglang itigil ang eksena, parang nabunutan siya ng hininga, at muntik pa siyang masamid.







