Share

Kabanata 9

"Wala ka bang pinagtanungan, hija? Kung hindi ka sigurado, sana tinanong mo kina Rebecca o Paul, hindi yung binabasta mo na," malumanay pero may diin na sabi sa akin ni Ms. Tanya, isang umaga pagka-pasok ko sa Office.

I made a mistake with the files yesterday, probably because of the exhaustion. Uwian na kasi noon kaya nag-madali na ako. It was my mistake. Hindi ko kasi tinanong sina Ma'am Rebecca dahil mukhang naghahabol din sila sa uwian. Lahat kami ay ayaw mag-overtime.

"Paano na 'to? Tambak ang gawain ngayon tapos may backlogs ka pa?"

"I'll make sure to finish all my duties, Ma'am. I'm sorry," mataman akong tinitigan ni Ms. Tanya, pagkatapos ay malalim na bumuntong-hininga, suko dahil wala naman siyang magagawa.

"Oh, sige. Magsimula ka na."

I breathe deeply pagkatapos ay nagsimula na sa mga urgent files na kailangan. I'll just do my backlogs at lunch. Kaya naman siguro iyong tapusin sa isang oras. I'll just need to edit a few mistakes. 

Bago mag-lunch ay tinuro sa akin ni Ms. Rebecca yung mga parte kung saan ako nagkamali. Kaya naman, noong dumating ang lunch break ay tinrabaho ko na ito kaagad. I was in the middle of editing the parts I got wrong when Grey sat beside me.

"Paul said you're busy doing your backlogs? Have you had your lunch?"

"How do you know Paul?" I curiously asked, hindi pinapansin ang iba niyang sinabi.

"I made friends with him?" parang hindi pa siya sigurado noong sumagot.

"And why do you made friends with my seniors? Wala ka bang ka-trabaho sa finance?" I sarcastically asked. I wanted to assume that he's stalking me, but he's Grey. Never in a million years he'd do that.

"Have you had your lunch ba? Why are you obsessing with whom I made friends with?" Wow! Parang lumalabas na naman na stalker ako! Anong obsessing obsessing ang sinasabi niya? Banatan ko 'to, eh.

"Why are you obsessing if I had taken my lunch?" I fired back at him, angry that he's insuating that I'm madly inlove with him.

"Is it bad? I just wanted to know."

"Then, you are the one who's obsessing here! Ha!" I wanted to do a victory dance when I cornered him but the brute just confidently smiled at me, not really bothered if he's the one obsessing here.

"So, did you ate ba?"

"No. I have to finish this. I'll just take a snack later at noon." I didn't look at Grey because I am so busy typing but I can feel his objection.

"Did you have a packed lunch? You don't have, do you? You haven't even started learning any dish," he stated, sigurado sa mga sinasabi niya. "Go and eat. Just explain what you're doing so I can take over for a bit."

"What? Ayoko nga! I can do this. Nag-breakfast naman ako kanina!"

"Cupnoodles again, right? Do you want me to buy you something and then go back to feed you myself? Which one do you prefer, Peyn?" Why is he being so pushy to make me eat ba? He's really being weird this whole week!

"So what if I had cupnoodles for breakfast? It's still food! I'm not even hungry," Grey sighed, not really looking pleased with my stubborness.

"So you want me to feed you myself? Is that it, Peyn?"

"Ofcourse not! Fine! I'll eat!" I violently gave him my notes, 'yong ginawa ni Ms. Rebecca para maayos ko yung files kahapon. 

"I'll be quick! Wag kang magkakamali, ha!" he triumphantly looked at me kaya naman ay nagmartsa agad ako paalis.

I made sure to eat fast, para hindi maabutan nina Ma'am si Grey doon na sinasalo ang trabaho ko. Baka mamaya pa ay mapagbintangan kami nang mga iyon na mag-jowa. 

I hurriedly entered the Office, huli na dahil pinagpi-piyestahan na si Grey ni Ma'am Tanya. Bakit ang aga niya bumalik? 12:40 pa lang, ah?

"Maam!" hinigingal na tawag ko, sabay na lumingon sa akin ang dalawa.

"I didn't know that you and Grey are close, Elle. You should've mentioned. Sana ay ako na ang gumawa nang backlogs mo." Ha? At bakit? Is he that big in this company? Ilang percent ba ang ini-invest nang tito niya dito?

"Hindi naman po kami close," I politely denied her accusation. Kaya lang ay mukhang hindi tinanggap ni Ms. Tanya ang sinabi ko. She excused herself, iniwan na kami ni Grey dito.

"Ako na diyan. Bumalik ka na sa Department mo," naka-nguso at masama ang loob na sabi ko.

"Why are you so upset?" Grey laughed, nagtatanong kahit may ideya naman siya kung bakit.

Hindi ako sumagot pero tumayo na si Grey para maka-upo ako sa upuan ko. It's almost 1pm. He should return to their Office.

"I'll see you later. Sumabay ka na sakin pauwi."

"Ayoko nga!"

"Why? Do you have plans?" bakit ba kailangan pa nang explanation ko? Ayoko nga!

"M-meron. May night out kami nina Kara."

"Just your friends or is it another blind date again, Peyn?" he arched his eyebrow. I'm not really sure if he's pissed off or just curious.

"Why do you ask? Pumasok ka na nga sa Office niyo! Late ka na, oh!" he looked at his watch bago walang paalam na umalis na.

Tignan mo yon! Ang bastos! Hindi man lang nagpaalam!

Dahil inimbento ko lang yung night out, kampante ako noong mag-uwian. Siguradong sigurado na diretso na ako sa unit. Kaya nga lang ay nagulat ako nang matanaw si Grey sa labas nang building, mukhang inaabangan ako.

Bakit nasa labas ang sasakyan niya? Don't tell me imbes na diretso pauwi galing basement parking ay sinadya niya talaga ako dito? Imposible!

"Kara! You owe me a party! Hindi ko nagustuhan yung kababata mo!" I out of nowhere blabbed, gulat ang dalawang kaibigan sa biglaan ko 'ring pag-sigaw. And to add fuel to my embarassment, kanina lang ay nag-uusap kami tungkol sa pag-uwi na sa bahay dahil sa pagod!

I sound weird but I don't care!

"Ngayon na? Akala ko ba pahinga tayo? Sabi mo din okay lang yung date niyo ni Justin?"

"H-hindi okay! Kaya tara na! Gusto ko ngayon! Kahit diyan lang sa malapit!"

"Okay? Tara Carl?" Kara looked weirdly at Carl. Nawindang siguro sa akin.

"Tara! Kaya lang ay wala tayong sasakyan? Wait lang ite-text ko lang si James. Pasundo tayo," Carl said while typing on his phone, tinetext na nga agad si James.

Paglabas namin nang building ay saktong paglapit din ni Grey sa amin.

"Night out? Hop in, doon din ang punta ko," he cooly said, confident na sasakay kami sa sasakyan niya.

"Doon ang punta? Talaga? Saang bar nga kami pupunta?" I challenged Grey, naiirita dahil malakas ang kutob ko na susunod lang naman siya at wala talaga siyang plano na mag-bar.

"Ano ka ba, Peyn! Sumakay ka na lang! Matatagalan pa tayo kung hihintayin natin ang jowa ko. Gusto ko din na maagang umuwi sa bahay!" eskandaloso pa akong itinulak ni Carl malapit sa sasakyan ni Grey.

"Ayoko nga! Lets just wait for James!"

"Who's James? I can drive you there. I invited Brent, doon din talaga ang punta namin sa bar na pupuntahan niyo." talaga ba? Eh bakit hindi niya mabanggit ang pangalan nang bar na pupuntahan namin?

"Tara na, Peyn. Pagod na din ako. Tatayo tayo nang matagal sa labas kung hihintayin pa natin si James," Kara said, pumanig na rin kina Carl.

Bumuntong hininga ako at padabog na lumapit sa sasakyan, suko na at talo dahil nagkampihan na silang tatlo. I was about to enter the backseat when Grey opened the passenger seat and pushed me inside. Agad akong umirap noong pumasok na 'rin siya sa loob, kulang na lang ay kalmutin siya sa sobrang inis.

What is this all about? Bakit ba iba na ang pakikitungo niya? At bakit ba sunod siya nang sunod? Tumahimik na lang ako buong biyahe, masama talaga ang loob dahil kasama siya. Carl instructed him where we'd go.

Sa kalagitnaan nang traffic ay nakita ko kung paano i-text ni Grey si Brent kung saang bar sila magkikita. I knew it! Wala talaga ito sa plano niya! Sumunod talaga siya sakin! 

I wanted to laugh at my own thoughts. Who would have thought na darating ako sa ganitong punto? It's almost unbelievable.

Laking gulat namin pagpasok noong maabutan si Brent sa loob. Ang bilis niya ha! Siguro ay malapit lang ang training niya dito? Pero noong akala namin ay gulat kami kay Brent, mas magugulat pa pala kami dahil kasama ni Brent si Steffi. 

I stepped back, nag-iisip na nang reason kung paano sasabihin sa mga kaibigan na umuwi na lang pala kami.

"She insisted! You know how persistent she is, Grey! She forced herself inside my car!" Brent explained noong makalapit siya kay Grey.

"It's okay, Brent. We'll just go far from your table. Carl will text you, Grey, kapag uuwi na kami," Kara said, taking over at the situation. Mukhang naramdaman nang kaibigan ang uneasiness ko.

"Thanks," I mumbled. Hinawakan ako ni Carl at iginaya sa malayong table, hindi na ako nagkaroon nang oras para sulyapan kung ano ang reaksiyon ni Grey dahil sa bilis nang mga pangyayari.

Hindi ko nilihim ang nangyari sa amin ni Steffi doon sa huling pagkikita namin sa bar, kaya naman naiintindihan ko kung bakit over-protective ang mga kaibigan ko. Konti lang din ang inorder ni Carl para makaalis na kami agad dito.

"Ang kapal din naman nang mukha niyang Steffi na yan, ano? Have you heard what Brent said? Halos nagpumilit lang yan na sumama dito! Halatang patay na patay kay Grey!" Kara ranted, pinangalahatian agad ang baso niya.

Ah! I wanted to get drunk, out of frustration! Pasimple akong sumilip sa table nina Grey at nahuli ang masinsinang pag-uusap nila ni Steffi. She linked her arms around Grey, habang seryosong nakikinig sa sinasabi nito. 

Anong pinag-uusapan nila? Mukhang seryoso, ah!

Inilipat ko ang tingin sa nakatalikod na si Brent. Kahit hindi kita ang mukha ay alam kong bored at iritado ito. Well, siya ang may kasalanan niyan! Bakit niya kasi sinama si Steffi? Pwede naman siyang humarurot na sa patakbo nang sasakyan niya.

Nang ibalik ang tingin kay Grey ay wala na ang dalawa sa kanilang inuupuan kanina. Bayolente akong napatayo, hinahanap kung saan sila nagpunta.

Aba't! Saan siya dinala ni Steffi? Sumakit ang puso ko, naisip na kahit saang anggulo, kahit anong sitwasyon, lamang sa akin si Steffi.

Gusto ni Grey na maging okay kami ulit as friends? Manigas siya! Ayoko siyang maging kaibigan!

"Bakit, babe? Is something wrong?" Carl asked, inilingan ko lamang ang kaibigan.

Inisang lagok ko ang alak sa baso ko, pagkatapos ay naupo.

"Hoy, Peyn! Don't tell me ngayon ka pa talaga maglalasing?" Kara warned me. Hindi natutuwa sa inaasal ko.

"Let her! She have all the reasons to get drunk! Tayo na lang ang wag maglasing," I heard Carl said.

True enough, hinayaan nga ako nang mga kaibigan ko na malasing. I'm on my fifth shot of my tequila when someone firmly hold my hand, stopping me from drinking.

"Ako na ang maghahatid sa kanya. I'm not drunk," I heard Grey said.

Hindi ko na alam kung paano niya napapayag ang mga kaibigan ko, but I do know that I am inside his car. Blangko na ang mga naunang pangyayari, dala siguro nang iba't ibang klase nang alak na ininom.

"Where's Kara and Carl?" I immediately asked him, now aware of the situation.

"May sumundo sa kanila. Are you alright? You need to drink a lot of water," iniabot niya sa akin ang isang bottled water.

I don't know but my heart sank and my eyes sting. Isa isang nagbagsakan ang luha ko, punong-puno na sa mga palabas ni Grey.

"Why? May masakit ba sayo?" Grey panicked, hindi alam kung ano ang gagawin.

Kinuha niya ang braso ko at hinanapan ako isa isa nang sugat. I let him. I don't have the energy to push him but I feel like I have a lot to say. Hindi minsang tumigil ang mga luha ko, pinipigilan ang mapahikbi pero kalaunan ay unti unti na rin na lumabas.

"Are you sick? Where does it hurt, Peyn?" masuyo niya na tanong, mukhang alalang alala sa biglaan kong pag-iyak.

"Tama na, Grey." I finally said, matagal bago nakapagsalita. "Tama na. I'm so tired. If you don't want me, tigilan mo na lang ako. Please."

He looked shocked, nakuha na ang dahilan nang pag-iyak ko. Hindi siya agad nakasagot, bagkus ay pinahid ang mga luha ko gamit ang mga hinlalaki niya. Masuyo at maingat, takot na baka masaktan ako. Dahil sa ginagawa niya, lalo akong napa-iyak. Patuloy ang pag-agos nang luha ko, patuloy din ang pagpahid niya.

He looked at me sincerely and with utmost care. Hindi sigurado kung tama ang nakikita ko o lasing lang ako.

"I'm sorry, Peyn," he said those words after a long silence.

"I'm sorry," pag-uulit niya. Hindi ko alam kung para saan ang sorry niya.

"I'm sorry."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status