Share

Kabanata 10

Tahimik kami ni Grey noong umuwi, wala ni isang nagsasalita pagkatapos kong kumalma. He escorted me until we get home, tahimik lang din na nakasunod at paminsan-minsang umaalalay kapag matutumba ako.

I let him, though. Hindi alam kung bakit ako nagpapaubaya kay Grey gayong dapat ay lumalayo ako. It's over, I got under his spell again. Dismayed by my feelings, inaamin ko na wala akong magagawa. Hangga't gusto nang puso ko si Grey, wala akong magagawa.

"Bruha ka, anong meron sa inyo ni Grey? Chinika ni Brent na nagalit daw si Grey kay Steffi noong pagsalitaan ka na naman nang masama kagabi," Carl said, nagsisimula na naman nang chismis.

Nandito kaming talo nina Kara sa Cafeteria, sabay sabay na kumakain nang lunch. Nagkataon kasi na walang utos sa amin. Sa ilang linggong internship, ito pa lang ang unang beses na makaka-kain kami nang sabay.

"Totoo ba yan, Carl? Wag ka nga maniniwala basta basta doon sa kaibigan ni Grey, paniguradong magkakampi ang dalawang iyon lalo na pagdating sa kalokohan."

"Ano ka ba, Kara? Totoo ang sinasabi ko! Bakit ba napaka-kontrabida mo pagdating kay Grey?"

Bago pa man magsimula ang ayaw sa pagitan nang dalawang kaibigan, nakita namin si Grey sa Cafeteria, mukhang papalapit sa table namin dala-dala ang pagkain niya.

"Tignan mo, bakla! Dito ang punta! Kinikilig ako, sabi ko sayo may something!" Carl excitedly blabbed, para nang bulateng inasinan sa upuan niya hindi pa man nakakarating si Grey.

"Are you done eating? Can I sit here?" Grey said, making all of us gaped at him. 

Hindi niya na ako hinintay sa pagsagot, walang hiya na siyang naupo sa tabi ko at isa-isang binati ang mga kaibigan ko.

"Why aren't you guys eating?" he asked noong wala ni isa sa amin ang gumalaw. Napaubo si Carl bago energetic na sumubo sa pagkain niya. Sa aming apat, mukhang si Carl ang pinaka-natutuwa.

Kara looked at Grey longer, shock still evident on her face. She then looked at me, and mouthed "Oh my ghad" a little times.

Dahil ako na lang ang hindi ginagalaw ang pagkain ko, Grey looked at me curiously, pagkatapos ay tinaasan ako nang kilay.

"Eat," he pushed a spoonful of his food at my mouth, hindi ko na napansin na nakanganga pala ako sa gulat.

I heard him laugh noong makita niya ang mukha ko noong nginunguya ko na ang gulay na isinubo niya sa bibig ko. Inis ko siyang tinignan dahil alam niya naman na pili lang ang gulay na kinakain ko.

"What? Kumain ka na kasi," he innocently said na lalong nagpa-inis sa akin.

"Bakit ka ba kasi tulala diyan, Peyn?" mahaderang sabat ni Carl. "Hindi naman halatang nasilaw ka sa kaguwapuhan ni Grey ano?"

I fiercely looked at Carl, ready to point my fork at him. Kara nudged his elbow to stop him but  he just laughed. Abat! Makakatikim ka sakin mamaya, Carlo!

"I'll join you for lunch from now on. You'd better be used to it," pagsakay pa ni Grey sa biro ni Carl, natutuwa na naiinis ako.

Hindi ko naman sinabing okay na kami, ah? Kung umasta 'to akala mo naman bati na kami.

Hanggang pag-akyat namin sa taas ay hindi ko iniimik yung tatlo. Panay naman ang usap nila tungkol sa dinner namin na plinano nang mahaderang si Carl. Grey politely joined their conversation because Carl obviously want to include him.

Uwian nang sadyain talaga ako ni Grey sa loob nang Office, hinihintay ako sa pag-uwi, habang ako naman ay busy sa pag-double check nang tinrabaho ko. I'm afraid I'd make another mistake kaya naman hindi ko na inisip kung mago-overtime man ako.

Ma'am Tanya looked at us shamelessly. Siniko naman ako ni Ma'am Rebecca bago siya umuwi, nginunguso si Grey sa akin na tahimik lang na naka-upo sa tabi ko.

"You can go home, Grey. Bakit ba kailangan ko pang sumabay sayo?" I snapped, nahihiya na sa atensyon na nakukuha ko sa Office.

"Stop talking and focus. I'll wait," he said, not really bothered if Ma'am Tanya is watching us like a hawk.

Tumahimik nalang ako at pilit nang tinapos ang ginagawa, alam na hindi ko siya mapipilit. We both went home together that day, pati noong mga sumunod pang araw, maliban nga lang ngayon. Calum asked me out for dinner, kaya naman ay pinagbigyan ko.

"Let's go?" Grey asked, nakasilip sa may pintuan nang Office. I forgot to tell him during lunch, dahil sigurado ako na uusisain ako ni Carl kapag sinabi ko na may lakad ako. 

"Hindi ako sasabay. Mauna ka na."

"Why? Backlogs? I'll wait," akmang papasok na siya sa loob pero inunahan ko na. Lumabas na agad ako, hinayaan siya na sumunod sa akin.

"I have somewhere to go," agad na kumunot ang noo ni Grey sa sagot ko.

"Sinong kasama mo?" 

"A friend."

"Carl? Your friend Carl?"

"A friend. Hindi mo kilala," sinasadya na hindi banggitin ang pangalan ni Calum. Hindi naman sa nagf-feeling ako, pero ayokong malaman ni Grey na lalaki ang kasama ko. He knows I want him, ano na lang ang iisipin niya kung malalaman niya na ibang lalaki naman ang kasama ko?

We're both doing great, ayokong masira kung ano na ang mayroon kami ni Grey. Lalo pa ngayon na may improvement sa lahat nang paghihirap ko. I put a lot of effort just so we'd be like this. 

"Just...just don't stay too late. I'll check on you later."

"Why?" kuryosong tanong ko, tinatago na natutuwa ako. Wala naman kasi siyang pakialam dati kahit dis oras na nang gabi at nasa layasan pa ako.

Ang walang hiyang si Grey ay hindi na nga lang sumagot, nauna pang maglakad at iniwan ako.

Calum and I ate at a fastfood chain, malapit lang sa Office, dahil sawa na kami sa fastfood malapit sa Condo.

"That must be fun! Having your friends at the same company for internship."

"Yes! Kaya lang ay magkakaiba kami nang Department. Ikaw ba?"

"I'm a fresh graduate. I'm working at my Mom's company." Oh. This is the first time that we talked about each other's personal details. Noong nakaraan kasi ay general details lang, mostly ay about pa sa condo unit namin. 

"Kasama mo din ang friends mo?"

"Nope. We lost contact after graduation. I don't know about them anymore."

"Talaga? Bakit naman?"

"I don't know. It's pretty normal, I guess? Sometimes, the people you met in College will never be your friend forever. But I do have a few friends from way back. We just don't keep in touch like before," he explained, patapos na sa kinakain namin.

"Ako na ang magbabayad dito ha! Hindi ka na puwedeng tumanggi!" I out of nowhere said na tinawanan naman ni Calum. 

"Sure. I promised I'd let you pay this time," he smiled at me, that genuine smile na palagi niyang ginagamit, showing his dimple.

"And also, I'll let you meet my friends! Isasama kita kapag night-out, kapag bored ka lang naman at may oras." Calum looked at me longer, shocked at what I said. 

Ano ba ang nakakagulat sa sinabi ko? Nakababa na kami sa sasakyan at naglalakad lakad na sa labas nang Towers. Malamig dahil December na, pero mas pinili namin ang umikot muna sa labas bago umuwi.

"Thank you, I appreaciate it, Elle," I smiled and waved goodbye at him.

"Is that your friend?" Lumingon ako at hindi na nagulat na nandito si Grey sa labas nang Tower.

"What are you doing here?"

"Hinatid ko si Steffi palabas," he simply said, walang ideya na kumukulo na agad ang dugo ko marinig ko pa lang ang pangalan ni Steffi.

"Uh-huh. Someone said that you had a row with her? Ayos na kayo kaagad?" pinilit ko na gawing normal ang boses pero halos manginig ako sa huling tanong.

Si Steffi na naman. Anong ginawa nila ni Grey kanina? Project na naman? Bakit silang dalawa lang? Sa inis ko ay inunahan ko na siya sa elevator, hindi na nag-abala na hintayin kung may isasagot nga siya sa tanong ko.

Grey hurriedly ran noong makasakay ako sa elevator, I pressed the button para hindi ito magsara, pinipilit na hindi ipahalata ang inis ko.

I don't wanna piss Grey right now dahil lang sa nagseselos ako kay Steffi. If I can keep it all to myself, I'd keep it. Isa pa, wala namang kami ni Grey. I'll just look like a delusional, obsessive, little girl. I don't like that. No one likes that.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," he said, pagkasakay na pagkasakay sa loob.

"Ano ba 'yon?"

"You sound cold. Do we have a problem?" he cautiously asked, sinusuri ang mukha ko at sinusubukan kung galit ako.

"Ano ba 'yung tanong?" bagkus ay tanong ko pabalik, kahit na alam ko naman na kung ano 'yung tinatanong niya.

"Forget it. Why are you mad?"

"I am not mad. Baka guni guni mo lang yan," imbes na mag-alala dahil galit ako, Grey laughed out loud. Inis ko siyang hinarap, malapit na talang mapikon sa kanya.

"You sound like a character in a horror film when you said guni guni," hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi mainis. Hinampas ko nang bag ko si Grey at padabog na lumabas sa elevator.

Tatawa-tawa pa rin siyang nakasunod sa akin. Noong kinuha ko na ang susi nang unit ko ay inagaw niya iyon, pagkatapos ay masuyong hinawakan ang kamay ko. I almost got electrified when he held my hand, naramdaman ang pag-init nang mukha ko.

Ano, Peyn? Ganito ka ba kababaw para pamulahan nang mukha sa simpleng hawak ni Grey?

"Tell me, are you mad at me?" he whispered, staring right back into my eyes.

Hindi ko siya matignan nang matagal, kaya naman nag-iwas agad ako nang tingin. 

"Peyn?" he called me noong hindi ako sumagot. He sighed, but when I take a peek at him, he's smiling like an idiot.

"How can I solve this when you won't talk? Alam kong hindi 'yon guni-guni," hindi na siya tumawa but there's a ghost of smile plastering on his pretty face. Hindi ko na namalayan na ganito na pala kami kalapit sa isa't isa.

"What if I tell you I'm pissed right now?" I angrily spat at him, naaalala na galing si Steffi kani-kanina lang sa unit niya.

"Then, I'll try to make it up to you," he whispered and then lean in to give me a soft and short kiss. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. I can feel my face heat up.

I feel him opening my front door using the keys in his hand, nang tuluyan niya nang mabuksan, masuyo niya akong hinawakan sa baywang at itinulak papasok. Para akong papel na nagpatianod sa kanya. My body moved willingly, magaan at maaliwas sa pakiramdam.

"Brent's at my unit, I can't be here for long."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status