Share

Kabanata 8

Na-guilty naman ako. Agad na lumabot ang puso ko sa simpleng "sorry" ni Grey.

Ganoon na lang yon, Peyn? Isang sorry lang ay titiklop ka na? Ang kaninang malambot na ekspresyon ay napalitan agad nang lungkot, pagkatapos ay inis sa sarili, at galit. Kung ganito ako lagi kalambot kay Grey, ako lang ang kawawa sa huli. I wanted to be firm at my decisions. If I wanna be mad at him to totally forget him, I have to be as hard as rock.

"I'm sorry. What I said the past few days were out of line. I should've considered your feelings," he continued, his eyes almost captivated me. 

Faith must be testing if I could resist his charm, dahil sa paningin ko ngayon, lalong gumwapo si Grey.

The way he looked down when he said he's sorry, lalong nadepina ang mahahaba niyang pilik-mata. His eyes, among all his features, is what I like the most. It's almost hypnotizing, yung mapapa-oo ka sa lahat nang sasabihin niya.

It's so sad I can't have him. I did my best, though. Hindi biro ang ilang taon na pinilit ko ang sarili ko para magustuhan niya.

"I'm sorry--''

"You don't have to apologize. It's done. Let's keep each other apart, like we've never been friends, kung itinuring mo nga akong kaibigan kahit minsan," I said after cutting him off. I shut the door behind us, iniwan siyang gulat sa labas.

Pagka-sarado pa lang nang pintuan, agad ko nang pinagsisihan ang lahat nang mga sinabi ko kay Grey. 

Stupid me! Sana ay hindi ko na lang sinabi ang mga iyon! I should've shut the door without uttering any word when he said he's sorry! Bakit ko pa ba pinalala?

Sawi ako habang kinakain ang cup noodles, parang siraulo na nagta-tantrums.

Ang t*nga ko naman!

Kara, Carl and I, we graced the lobby hall of the company that we will be staying at for our OJT. Malaki at sikat ang kompanya na ito, ia-assign kami sa magkakaibang department.

"Later, ha! Yung date mo! Be sure to show up!" Kara reminded me, a few times already since we entered the premises.

"Oo, punta ako."

"Sure ka ba na mabuting tao yan, Karlita? Baka naman panget yan ha!"

"Hoy, Carl! Kapal mo! Kababata ko 'to. Hindi ko ipapahamak si Peyn, ano!" halos marindi ako sa sigawan nina Kara.

Natapos lang ang bangayan nang dalawa nang mag-hiwalay na kaming tatlo. I entered the editing department and looked at everyone around me.

"Hello, ako po yung intern. My name is Elle," I greeted them with enthusiasm.

"Hi, Elle! I am Rebecca, Junior Editor," Ma'am Rebecca shook my hands bago ako pinakilala isa isa sa mga nasa loob.

"I'm Paul." Tinanggap ko ang kamay ni Sir Paul pagkatapos ay humarap na sa elevated na table, malapit sa salamin na bintana, kung saan kita ang nagtataasang building sa labas.

Apat lang kami sa loob dahil hindi ganoon kalaki ang office, pero kung titignan sa bawat cubicle, malaki naman ang space.

"I am the senior editor and officer-in-charge, Ms. Tanya," the oldest woman said. She's my boss! She doesn't look that old, though. Mukhang kasing-edad lang nina Mommy.

"Hello po," I politely greeted back.

"Kasing edad ka pala nung isang intern dito sa tapat, yung sa Finance. Bakit dito ka pala dinala? Hindi ba Business Administration ka din? Dapat sa Finance ka."

"Hindi po! AB in Communication po ako."

"Oh! Akala ko kaklase mo yon si Grey," Grey? Did she just said Grey?

Hindi common ang pangalan ni Grey pero malabong siya yon. Hindi ko alam na OJT din nila, at kung OJT man nila, doon 'yon sa kompanya nila magpa-practice.

"Eto pala si Grey! Hijo, nautusan ka na naman ba dito? Ang mga iyon talaga!" Napalingon ako agad sa Grey na sinasabi ni Ma'am Tanya.

Kung umiinom lang ako nang tubig ngayon, malamang ay nasamid na ako. Anong ginagawa niya dito?

I fight the urge to ask him that, naalala ang pambibintang niya na sinundan ko siya sa bar. 

Grey looked at me confidently, hindi man lang nagulat na nandito ako. Hindi ko na siya pinansin, bagkus ay dumiretso na agad ako sa cubicle na assigned sa akin. Ms. Rebecca explained everything to me, may nakahain na kasi akong gawain pagka-upo ko pa lang.

"I'll leave you here na, ha. You can message me if you have questions. Kailangan ko kasing lumabas nang office, may imi-meet ako today, pero pag hindi ako nag-reply, kulitin mo si Paul. Kayong tatlo kasi ni Ms. Tanya ang maiiwan, pero kay Paul ka magtatanong, nandon nga lang siya sa dulong cubicle. Goodluck, ha!"

I smiled and waved my hand at Ms. Rebecca before she hurriedly left. Saktong pag-alis ni Ma'am, naramdaman ko ang paglapit ni Grey. Kanina pa siya nandoon sa gilid, hinihintay lang yata na matapos sa instructions yung boss ko.

"Ano?" I snapped, hindi pa man nagsasalita si Grey.

"My uncle is an investor here." So?

"That's why I'm here," sagot niya, siguro ay nabasa ang nasa isip ko.

Ano naman? Hindi ko naman siya pinag-bibintangan. Siya lang naman ang mahilig mambintang.

"And also..." he added, hindi pa din ako sumasagot o kahit nagpapakita nang kahit anong reaksiyon sa kanya.

"I'm here because I wanted to show you how sincere I am. I wanted us friends again, Peyn."

Baliw ba siya? Nai-untog niya ba ang ulo niya kung saan?

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ha?"

"Yes? I know what I'm doing, Peyn. I want you back, as a friend. I also want you to forgive me," matutuwa na sana ako dahil sa sinabi niya kung hindi niya lang idinugtong iyong "as a friend". Gusto ko 'ring sabihin sa kanya na wala lang iyon at puwede na siyang lumipat nang company, pero hindi ko kaya. Sino ba ang niloloko ko?

Deep down, I wanted to see how far he'll go just so I could forgive him.

Tinawag na si Grey sa labas bago pa man ako makapagtaray. Naiwan akong tulala at nakanganga. Hindi makapaniwala na sineseryoso ngayon ni Grey ang galit ko.

I went straight ahead at my dinner date noong mag-uwian. Hindi na nag-abala na magpalit nang kahit anong dress, just my work outfit.

I flawlessly sashayed my way in our reserved table, at nandoon na kaagad si Justin, yung kababata ni Kara.

"You're here early!" I am ten minutes early pero hula ko ay mas nauna siya dito.

"It's fine. You're Elle, right? I am Justin," he formally introduced himself. Oh. Ganoon nga pala dapat iyon.

"Yes, sorry! I am Elle, it's nice to finally meet you, Justin!" I wanted to choke at the formality of blind dates. This is probably the last time I'll do things like this.

Nahuli ko ang malagkit na tingin ni Justin, pero nagpatay malisya ako. Baka isipin naman nito ay feelingera ako. It's also too quick to judge.

We silently ate. Due to the awkwardness that I feel, I started thinking of any topic to talk about. Kaya lang ay naiilang ako dahil kanina ko pa siya nahuhuli na panay ang sulyap sakin, hanggang ngayon na kumakain na kami.

He's gwapo and all, kaya lang ay ang creepy niya tumingin. Buti sana kung madalang, kaso mo'y madalas. It made me feel so uneasy and concious.

"So, I'm hoping if I could take you out on a date again? Let's say a few days from now?" Nandito kami ngayon sa labas nang restaurant, hinihintay ang grab na kinuha ko. Ihahatid na sana ako ni Justin kaya lang ay mapilit ako sa pagtanggi.

Justin's hand suddenly went from my hips, habang kaswal ako na inaalok nang kasunod na date. Halos mapaigtad ako nang dumapo ang balat niya sa tagiliran ko.

"Sure! I'll just text you! Bye!" Sabi ko na lang para makawala na agad. Halos takbuhin ko yung grab makaalis lang agad.

Pagod na pagod ako noong makauwi ako. Pinagsisihan agad na nakipag-blind date ako. Sabagay, hindi ko naman alam na ganoon pala yung ka-blind date ko kanina.

"I heard you went out on a date? How was it? You looked beat," Grey said, nanggugulat na naman dahil bigla bigla na naman na sumusulpot.

"Wag ngayon, Grey," pagod kong sagot. Iniisip pa lang na may internship bukas ay lalo lang akong napagod.

Pagkabukas ko nang pinto ay pumasok din si Grey, makikipagtalo na sana ako kaya lang ay nilampasan niya ako at nauna pang pumunta sa dining area. This is his first time inside pero kung umasta siya ay parang naka-ilang balik na siya dito.

"I'll cook for you, it seems like you didn't enjoy your dinner."

Itinaas ko ang kilay ko at napatingin agad sa kanya. Pipigilan ko na sana siya kaya lang ay nabuksan niya na agad ang ref ko. After taking a peek at what's inside, yung mga cupboards naman ang pinakialaman niya, kung saan nakatago ang mga pagkain ko: cupnoodles.

"D*mn. There's no decent food. You eat this everyday?" Tumango lang ako bago pagod na umupo sa couch.

"Even your refrigerator's stocks were full of beer and water. Does Tita know you live like this?" he ridiculously ranted. "Let's go." Hinila ako ni Grey patayo, hindi maintindihan kung saan ako dadalhin.

"Pagod na ako, tsaka hindi ako kakain! Kakakain ko lang!" tanggi ko. Dahil ayokong sumama, si Grey na mismo ang nagdala nang bag ko. He's forcing me, it's almost shocking.

"Teka nga! Sasama na ako! Bitiwan mo na ako!" Grey immediately let go of my hand, pero ang tingin ay nasa akin pa rin. Tahimik nalang ako na sumunod sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob nang supermarket dito sa baba.

"I have enough groceries! Kakapamili ko lang noong isang araw!"

"Groceries na yon? It's all liquor and cup noodles!"

"Well, mayroon din na tubig at loaf bread at butter!" Hindi siguro alam ni Grey kung matatawa siya o maiinis sa akin.

Hindi na siya nakipagtalo kaya sumunod na lang ako sa kanya. Kumuha siya nang pork at chicken, kamatis, eggs, at kung ano ano pa.

"Kuha ka nang kuha nang mga yan, hindi ko naman kayang lutuin," I ranted, almost a whisper.

"You can search the internet. Kung hindi mo pa din kaya ay tawagin mo ako, I'll teach you." Sus. Kung nung isang araw mo inalok sa akin yan, paniguradong maya't maya ang balik mo sa unit ko.

"Why are you doing this?" I seriously asked him. Ibinaba niya ang hawak niyang repolyo at seryoso akong tinignan.

"Because it was a mistake pushing you away, Peyn," he said those words sincerely na halos maniwala na ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status