Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2026-01-13 20:02:25

Nakangiting nagmamaneho si Anton habang ang kanyang asawa na si Lira ay hinehele ang kanilang sanggol na anak na si Jea o mas kilala ngayon bilang si Janna.

“Sinabihan mo na ba si Papa?” tanong ni Lira.

“I called him a while ago. He wants to meet our daughter,” sagot naman ni Anton.

“I’m sure he’s excited,” ani naman ni Lira.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay ilang putok ng baril ang tumama sa kanilang sasakyan dahilan para madiskaril ito at mawala sa linya.

“Anton!” malakas na sigaw ni Lira.

Mabilis na iniwasan ni Anton ang mga balang tumatama habang hawak naman ni Lira ang kanilang anak at pinoprotektahan ito. Dahil sa bilis ng pagtakbo at pagdiskaril ng sasakyan sinasakyan nila ay malakas na bumangga ang sasakyan sa isang malaking poste.

Nawalan ng malay si Lira sa aksidente habang nakayakap ito sa anak na umiiyak. Isang anino naman ng tao ang makikita sa di kalayuan ang nakatingin sa bumanggang sasakyan at kalaunan ay umalis din ito. Ang sasakyan naman ay nagkaroon ng matinding pinsala dahil sa pagkakabangga nito. Si Anton ay duguan at walang malay habang ganoon din si Lira at ang sanggol ay nasa ibaba at patuloy na umiiyak roon.

Makalipas ang ilang linggo ay inilagay ni Lira ang abo ng kanyang asawa sa museleo. Sa likod nito ay ang ama ni Anton na si Don Roberto Guzman at ang kapatid nito na si Elton.

“Lira,” tawag ng ama ni Anton dito.

“Sir,”

“Hindi pa rin nahahanap ang mga taong nag-ambush sa inyo,” saad ni Don Roberto.

“Mas mabuting lumayo muna kami ng anak ko para na rin sa kaligtasan niya.” ani ni Lira at tumingin sa sanggol na natutulog ngayon sa kanyang stroller. “Puputulin na muna namin ang koneksyon namin sa inyo para hindi kami matunton ng kung sino man kaaway ninyo. Babalik kami ni Jea sa tamang panahon,”

Bumuntong hininga ang Don at tumango bago tumingin sa kanyang apo.

“Kung iyan ang mas makakabuti sa apo ko ay pumapayag ako. Pero hayaan ninyong ibigay ko ang kaunting tulong na ito para makapagsimula kayo. Huwag mo nang tanggihan,” saad ng Don at tinawag ang isa pang anak nito. “Elton.”

“Pa,”

Lumapit si Elton sa matandang lalaki at inabot ang isang duffel bag rito.

“Gamitin ninyo ang laman ng bag para makapagsimula ulit. Gusto kong mabuhay kayong dalawa nang maayos para na rin sa anak kong si Anton,” sambit nito.

“Maraming salamat po, Don Roberto,”

Umalis ang mag-inang si Lira at ang sanggol na si Jea sa mansion ni Don Roberto. Ilang taon ang lumipas at naging tahimik ang buhay ng dalawang mag-ina. Pinalitan din ni Lira ang pangalan ng anak at ngayon ay lumaki ito sa pangalang Janna.

Ilang araw matapos ang kasal ay nagbalik sa trabaho si Janna bilang isang cashier at barista sa isang local coffee shop.

“Welcome to Gold Beans, what’s your order po?” bati ni Janna sa customer na pumasok.

Ngumiti ang isang medyo may katandaan na lalaki at tumingin sa menu na naroon. Binasa nito ang mga nakatingin doon bago muling tumingin sa dalaga.

“Isang Iced Americano and red bean bun, please” ani nito.

Mabilis na pinunch ni Janna ang order nito at muling nagtanong. “For here po ba or to go?”

“For here,” sagot ng lalaki at tumango si Janna roon.

“175 pesos po, Sir,” aniya at inabot ng lalaki ang card nito.

Kinuha ni Janna ang card at ini-swipe iyon saka ibinalik ang card sa lalaki.

“Thank you po Sir. Pa-wait na lang po ng order niyo. Eto po ang table number niyo, we’ll call you na lang po,” magalang na sabi ni Janna at nakangiting tumango ang lalaki roon.

Naupo ang lalaki sa may bandang dulo at pinanuod ang pagtatrabaho ni Janna roon.

Ilang sandali pa ay inilapag ni Janna sa harap ng lalaki ang inorder nitong kape sa kaniyang mesa kasama ang pagkain na inorder nito.

“Here’s your order, Sir. Enjoy your meal.”

“Thank you,” sagot ng lalaki at tumango si Janna roon.

 Umalis ito sa harapan ng lalaki at muling nagpatuloy naman sa kanyang trabaho. Kinuha ng lalaki ang kanyang cellphone at agad nagtipa bago may tinawagan doon.

“I found her,” saad nito sa kabilang linya.

Samantala napatingin si Elton sa labas ng kaniyang opisina habang may kausap ito sa kaniyang telepono.

“Good, ayusin mo na ang mga dapat ayusin para sa pagbabalik niya,” ani nito at ibinaba ang tawag.

Tiningnan nito ang kaniyang cellphone at saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga mula roon. 

Maya-maya pa ay isang katok ang narinig mula sa pintuan ng kaniyang opisina. Bumukas iyon at agad na nagsalita ang kasambahay.

"Sir, kakain na po," saad nito at tumango si Elton doon.

Umalis ang kasambahay at bumaba na rin si Elton sa dining area kung saan naroon na din si Don Roberto. Naupo ito sa kaliwa ng ama at agad silang pinagsilbihan doon. Nag-umpisang kumain ng hapunan ang mag-ama hanggang sa nagsalita ang matandang Don.

“Nahanap na ba sila?” tanong ng Don at umiling si Elton roon.

“We’re still looking for them Pa,” sagot ni Elton dito.

“Please find them as soon as possible,” anang ng Don at tumango si Elton doon.

“Yes Pa,”

“Anyways, is Dalton also coming home soon?” tanong ni Don Roberto at tumango si Elton doon.

“Yes Pa, sabay sila ni Cristine na uuwi dito from Morocco.”

“I’m hoping that once Dalton and Cristine came home ay mahanap na din natin ang mag-ina agad.”

“Don’t worry Pa. Nagdagdag na ko ng mga tao na tutulong sa atin sa paghahanap kay Lira at sa anak nila ni Kuya.”

Sa coffee shop ay umalis na din ang lalaki matapos maubos ang inorder nito. Saglit nitong nilingon si Janna bago ito tumulak palabas doon. Ipinagpatuloy naman ni Janna ang pagtatrabaho roon nang biglang umilaw ang kaniyang cellphone.

Francis: I'll be home late, marami akong kailangang tapusin sa office. Don't wait for me.

Inilapag ni Janna muli ang kaniyang cellphone at napabuntong-hininga na lamang. Matapos ang kanilang kasal ay saglit lang sila nagsama sa iisang kwarto bilang mag-asawa. Sa mga sumunod na araw ay parati ng umuuwi si Francis ng dis-oras ng gabi. Sinasabi nito na siya ay busy lagi sa trabaho na siyang ipinagsawalang-bahala na lamang ni Janna.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 13

    Pumasok si Francis at Carrie sa loob ng cafe at agad na binati si Janna roon. Lumingon sa paligid si Carrie habang hinihintay naman ni Francis na matapos ang asawa sa ginagawa nito."Hon! Carrie!" bati ni Janna matapos yakapin ang dalawa.Humalik si Francis sa pisngi ng asawa at ngumiti naman si Carrie rito. "Nakasalubong ko si Carrie kanina kaya isinabay ko na. Eksaktong napadaan kami dito sa cafe. Malapit na ba matapos ang shift mo?" tanong ni Francis."Malapit na, may gusto ba kayong inumin or kainin?" tanong naman ni Janna sa kanila at iniabot ang menu."I think I'll have the cake and tea," saad ni Carrie at tumango si Janna bago bumaling sa asawa."How about you. Hon?""I think, I'll just have a black coffee," sagot nito at nagtungo si Janna sa loob ng kitchen area para ihanda ang kanilang order. Inilapag ni Janna ang mga orders at naupo sa tabi ng kaniyang asawa. Sa oras na kuhanin ni Carrie ang tasa ng tsaa ay bigla na lamang itong nakaramdam ng kakaiba. Mabilis itong napat

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 12

    Pumasok si Carrie sa loob ng kwarto at malaki ang ngiting inilibot ang paningin doon. Sa wakas ay makakasama na niya ang lalaking kaniyang minamahal. Isa na itong pagkakataon para sa kaniya upang mapasakanya ang lalaki at ano man ang meron ito. Ang kailangan na lamang ay alisin sa landas nilang dalawa ang asawa nito.Sumapit ang hapunan at sabay-sabay na kumain ang tatlo roon. "Thank you ulit ha, sa pagpapatuloy sa akin dito. Kapag nakahanap ako ng bagong apartment aalis agad ako." Ngumiti si Janna roon at bigla naman hinawakan ni Francis ang kamay ni Carrie dahilan para mapatingin si Janna roon."Ano ka ba, kahit matagalan ka ayos lang. Mas mabuti nga narito ka para siguro may kasama dito si Janna minsan pag nasa trabaho ako," ani ni Francis at inalis naman ni Carrie ang kamay nito.Sa isip ni Janna ay siguro hindi niya na lang dapat pansinin o isipin pa iyon. They're childhood friends, so it's probably normal to be that close. Iyon lang iyon, wala nang iba pang kahulugan. "Kung g

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 11

    Nagtatakang tumingin si Janna roon ngunit may bakas rin ng pagdududa. "Ahh, wala ito baka doon sa kinain ko. May kakaibang menu kasi doon sa isang resto na napuntahan ko may kulay yung food humawa siguro," pagpapalusot nito ngunit nanatili ang kunot na noo ni Janna."Hon, wag ka nang magtampo, okay? Sa totoo nga lang hindi masarap doon sa resto na 'yon. Hindi ko nga naubos di ko napansin na may kumalat pala." paglalambing nito at niyakap ang asawa."Kanina pa kasi kita hinahanap," saad ni Janna.Hinalikan ni Francis ang pisngi nito bago marahang hinaplos ang kamay nito. "Hon, nag-ikot lang talaga ko. I'm sorry if I made you worried hindi lang din kasi ako makatulog kanina." Bumuntong-hininga si Janna roon pero kasabay niyon ay sumagi tuloy sa kaniyang isipan ang sinabi ng kaibigan na may babae ang kaniyang asawa. "I'm sorry, hon. Wag kang mag-alala hindi na ako aalis sa tabi mo. I'll tell you right away if I'll leave," ani nito at marahang tinitigan ang asawa roon.Napanguso si Ja

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 10

    Nagcheck-in ang mag-asawa sa hotel at agad na iginaya ng mga staff roon. Nakamasid naman si Carrie sa dalawang mag-asawa mula sa malayo. She sipped on her cocktail as she watched them enter the elevator.Nasa may beach area ang mag-asawa, si Janna na ngayon ay naglalakad patungo sa tubig suot ang isang two-piece bikini swimsuit. Nakaupo naman sa sun lounger si Francis at nagbabasa ng magazine roon.Hindi napansin na naglalakad na patungo sa kanya si Carrie kaya naman nang makita ang mga binti nito sa gilid ng kaniyang mga mata ay agad siyang nag-angat ng tingin rito."Hi, babe." Mabilis na napatayo si Francis doon at agad napatingin sa gawi ni Janna. Kasalukuyan itong lumalangoy kaya naman hinawakan nito si Carrie sa kaniyang braso."Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba kami? Hindi ba sinabi kong iwasan muna natin ang magkita lalo pa at nandito si Janna?" mahina ngunit mariing bulong nito.Inalis ni Carrie ang kamay ng lalaki mula sa pagkakahawak sa kaniya at ngumisi rito."Relax

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 9

    Mabilis na umiling si Janna roon tila ayaw paniwalaan ang sinasabi ng kaibigan."Ano bang sinasabi mo? Hindi magagawa ni Francis 'yan," ani ni Janna habang umiiling."Alam kong mahirap paniwalaan pero bilang kaibigan mo hindi masama ang alamin ang totoo." Hindi alam ni Janna kung ano ang dapat niyang gawin dahil mahirap sa kaniya ang maniwalang may ibang babae ang asawa lalo pa at babagong kasal pa lamang sila nito."Hindi magandang biro 'yan, Adrian. Alam mo tara na lang at sumunod na tayo kay Sofia roon," aniya at nauna nang maglakad doon.Wala na ring nagawa pa si Adrian kung hindi ang sumunod na lamang papasok sa loob ng mall. Sinalubong sila ni Sofia roon na mukhang kanina pa naiinip sa paghihintay sa kanila."Ano ba, ang tagal niyo ha. Ano bang pinag-usapan niyo sa parking?" tanong nito.Nagkatinginan ang dalawa bago sumagot si Janna roon."Wala, may hiningi lang advise si Adrian," saad nito."Ano naman 'yon? Bakit hindi rin sa akin?" tanong ni Sofia at kabadong ngumiti na lam

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 8

    Kinuha ni Francis ang wineglass sa gilid at sumimsim doon bago muling tumingin kay Janna."Talaga? Ano daw ginagawa niya rito?" tanong nito."Well, sabi niya kasama niya yung boyfriend niya. Actually naisip ko nga na iinvite sila para we can do a double date since nandito na rin naman sila." Tumikhim si Francis doon bago hinawakan ang kamay ni Janna at tumingin sa mga mata nito."Hon, this is supposed to be our night. Carrie and her boyfriend seem to have already spent a lot of time together today. Maybe, next time we can invite them?" suhestiyon nito at ngumiti si Janna roon."Yeah, sure." Nagpatuloy sila sa pagkain doon at ilang sandali pa ay may inilabas muli si Francis na isang pulang kahon mula roon. Iniabot iyon ni Francis kay Janna at agad itong napatingin doon."Ano 'to?" "It's my gift for you, open it." saad nito at kinuha ni Janna ang kahon. Marahan niyang binuksan iyon at isang kwintas din ang naroon.Tumayo si Francis at kinuha ang kwintas bago ito isinuot kay Janna. H

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status