MasukAlas dos na nang madaling araw kami nakauwi. Mabuti na lang talaga at open twenty-four-seven ang samgyup store na ‘yon. Hindi kami pinalayas kahit na ilang oras na kaming nandoon. Sobrang ingay pa ng bibig ni Sabby at Paula.“Thank you, Manong.” Ngumiti ako sa driver at inabot sa kanya ang bayad. “Sa inyo na po ang sukli.”Dahil na rin sa dami ng mga blessings na natatanggap ko ngayon, hindi ako nagdadalawang-isip na tumulong sa iba lalo na’t alam ko kung gaano kasalat ang pera sa panahon ngayon.Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at nag-angat ng tingin sa kalangitan. Mukhang uulan dahil wala akong nakikitang bituin.O baka naman lasing lang ako?Dumiretso ako sa gate para sana buksan ito. Ngunit muntikan na akong mapatalon sa gulat nang biglang may humawak sa ‘king braso. Wala sa sarili ko itong nilingon at bumungad sa ‘kin ang isang lalaking sobrang tangkad.Matangkad siya at kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha nito.Sa tulong ng streetlights sa gilid, unti-unt
“Ang gara ng sasakyan! Bagong sasakyan ni President?”“Nakauwi ba si President? Himala pinalabas ka?”Yan ang mga naging bungad nila sa ‘kin nang makapasok ako sa loob ng Korean restaurant kung saan nila napiling mag-celebrate ng kaarawan ni Mateo. Seryoso namang nakatingin sa akin si Mateo.Umupo ako sa kanyang tabi at agad na pinulot ang isang baso na may lamang tubig. Tinunga ko ito ngunit agad ko ring naiduwal nang mapagtantong hindi ito tubig.“Asli!”“I’m sorry!” agad kong sambit at mahinang umubo. “Akala ko tubig.”Naramdaman kong hinimas ni Mateo ang likod ko at dinaluhan ako ng tubig. Agad ko itong ininom at napahilot ako sa ‘king sintido.“Bakit ka ba kasi nagpupulot na lang bigla? Hindi ka man lang nagtanong kung tubig ba ‘yon o lason,” masungit na wika ni Sabby. “At saka, late ka ng isang oras.”“Sorry,” mahinang wika ko. “Hindi naman kasi halatang alak. Colorless.”Mahinang natawa si Mateo sa aking tabi at patuloy pa rin akong tinatapik sa likod.At nang medyo kumalma na
Dahil na rin sa hiling niyang iwasan ang paggamit ng honorifics at professionalism, at dahil na rin sa tama ng cocktail na hawak ko, hindi ko namamalayan na napapahaba na pala ang aming usapan.Kung hindi pa nag-ring ang phone ko, hindi ko maalala na kailangan ko pa palang umalis dahil birthday celebration ngayon ni Mateo. I can’t miss this. Kapag hindi ako nakasipot, paniguradong magtatampo na sila sa ‘kin dahil palagi akong wala.“Uhm, Sir Collin…” mahinang wika ko. “I’m really sorry but I have to go.”“Something important?”Walang pagdadalawang-isip akong tumango sa kanya. “May kailangan po kasi akong puntahan. Pinangakuan ko po, e.”At isa pa, magdadalawang oras na kami rito. Kung ano-ano na lang ang kinikwento ko.Oo, ako lang. Nanatili lang kasi siyang tahimik. Ayoko namang magkaroon kami ng dead air dahil masyadong awkward ang ganon. Kaya ginawa ko ang best ko para naman kahit papano ay maging entertaining naman sa kanya.Kumunot ang noo nito. “Your boyfriend?”Mabilis akong um
Seryoso akong nakatingin sa kanya, naghihintay kung anong ‘business’ ang ibig niyang sabihin. Talagang curious ako kung ano ‘yon dahil bukod sa wala akong naging background check, wala rin si Sir Oliver para tulungan ako sa mga ganitong bagay.Mayroon siyang nilapag na dokumento sa harap. Wala sa sarili ko naman itong tinignan at mariing kinagat ang aking ibabang labi. Bahagya akong lumunok at tipid na ngumiti rito.“That contains the business proposal that you might be interested in,” he said.Kahit na gaano pa kahaba ang mga sinasabi nito, nanatili pa ring malamig ang kanyang tinig.Hilaw akong ngumiti sa kanya. “I might be interested in? M-Mr. Ferrell, hindi po ako ang nagdedesisyon sa mga business ventures ng—”“Why don’t you open the document first and find out what I’m talking about?” malamig niyang wika.Pansin kong unti-unti na siyang nawawalan ng pasensya kaya naman pinilit ko ang aking sarili na ngumiti at binuksan ang folder.Laman nito ang sinasabi niyang business proposal
Buong araw akong nag-overthink dahil kay Evans.Hindi maitatanggi ang sinseredad sa boses niya habang nagsasalita kanina, lalo na ang lambing sa kanyang mga mata habang kinakausap ako. Mukhang talagang nag-aalala naman talaga siya sa ‘kin.Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit paulit-ulit niyang sinasabi sa ‘kin na delikadong tao ang kanyang kapatid. Sa mga lumipas na buwan kong kasama si Axton, wala naman akong nakitang nakakaduda sa kanya.Bukod sa pagiging malamig nito at masungit, wala na akong ibang bagay na nakikitang delikado sa kanya.Hanggang sa sumapit ang hapon, agad akong naghanda. Hindi na ako nagpunta pa kay Miss Catarina at nagbihis na lang ako ng akin mga damit.Isang white sleeve button up shirt ang suot ko at pinatungan ko ito ng black corset. Creamy satin trousers din ang pinares ko sa aking lower part. Sinuot ko ang paborito kong three inches heels na palagi kong suol kung may gimik kami nina Leah at Jenna.Jimmy Choo.Bukod sa paborito ko ito, bigay rin ito sa a
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa halip na pagbuksan ang pinto. “Naliligo pa ako.”“Let me in,” he said. “Pinagtitinginan na nila ang kapogian ko.”Shit! Namumugto pa ang mga mata ko. Nakakahiyang humarap sa kanya!Ngunit kung hihindi naman ako, paniguradong isa itong insulto sa kanya. Mababa ang estado ko kumpara sa kanya. Kung hindi ko siya papapasukin, baka may makakita na naman sa kanya sa labas at maging laman pa ako ng chismis.“Saglit lang. Magbibihis lang ako.”Muli kong sinarado ang pinto at ni-lock ito.Dumiretso ako sa loob ng aking silid para magbihis. Isang simpleng blouse lang at shorts ang mabilis kong nahugot mula sa aking cabinet, saka ako nagmamadaling lumabas at pinagbuksan siya ng pinto.Walang pagdadalawang isip naman itong pumasok. Na para bang obligado akong pagbuksan siya ng pinto?“Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Sir Evans.” Nanliit ang mga mata kong kanina pa maliit dahil sa pamumugto. “Anong sadya mo rito? Paano mo nahanap ang apartment ko?”“Woah. Da
Sa isiping ‘yon, nagmamadali akong nagpalaam sa aming manager dahil baka hindi lang si Sir Oli ang nandoon. Pero most of the time, si Sir Oli lang naman. Isang busy person si Sir Axton. Hindi naman siguro ito personal na pupunta sa akin, ‘di ba?“Sir Oli…”“Miss Bernardo, busy ka ba? May oras ka ba
Nang sumapit ang umaga ay nagising na si Yael. Nilipat kaagad siya sa private ward kung saan siya patuloy na mag-re-recover. Nasabihan na rin ako ni Dok kung ano ang dapat at hindi dapat na ginagawa ni Yael.Kabilang na roon ang pagbubuhat at pagligo nang matagal dahil hindi pa sarado ang incision.
Mabilis lamang na lumipas ang mga araw. Nang dumating ang araw ng surgery ni Yael. At kasalukuyan akong na sa labas ng operating room, mag-isa habang hawak ang rosaryo sa aking kamay. Palihim akong nagdarasal na sana ay maging successful ang surgery ni Yael.Ako na lang mag-isa rito sa labas ng ope
“Sir Ethan?” wala sa sarili kong sambit.Nang magtagpo ang aming paningin ay tila nagulat ito nang makita ako.Agad itong lumapit na may ngiti sa labi, ngunit ang mga mata nito ay mababakas ang pagkalito at pagtataka. Nang makarating ito sa harapan ko ay agad itong namulsa.“What brought you here, A







