로그인i'll continue posting chapters later. may pasok pa ako kahit sunday huhuhu
“Grabe talaga! Kayo ang huling nag-depart pero kayo ang unang nakarating. Eroplano ba ang gamit niyo o helicopter?” tanong ni Mateo at mahinang natawa.“Kay President Andreev ako sumabay. May mga kailangan kasi siyang iutos sa ‘kin na kailangan kong magawa kaagad habang na sa byahe.”Muli itong sumubo sa pagkain. “Grabe. Ang hardworking. Hindi ka ba binibigyan ni President ng pahinga na pati sa byahe ay may trabaho ka?”Trabaho ba ‘yung pagsusubo ng pagkain sa kanya? Trabaho ko naman talaga ‘yon. Mahigpit na bilin sa akin ni Mrs. Veloso na hindi lang sarili ko ang aalagaan ko, kundi pati na rin si Sir A. Kasama na roon ang pagpapakain dito sa tamang oras.Most of the time daw kasi, masyadong busy si Sir A sa mga trabaho nito sa loob ng opisina at hindi man lang nito napapansin ang oras, kaya naman kailangang focus ako sa pagbibili tanghalian nito at kahit hapunan.“Parang ganon na rin,” mahinang sagot ko.Kasalukuyan kaming na sa resto ng kanilang hotel para sa aming tanghalian. At ka
Feeling ko masyadong matagal kami bago nakarating sa hotel kung saan kami mag-che-check in. Panay ang check ko sa orasan sa display sa dashboard. Kulang na nga lang ay tumalon ako palabas ng sasakyan dahil parang hindi ako makahinga sa bigat ng hangin sa loob ng sasakyan.Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa harap ng hotel ay agad kong kinalas ang aking seatbelt. Binalingan ko siya ng tingin at bahagyang yumuko kahit na medyo hirap ako dahil sa maliit ng space ng sasakyan.“Maraming salamat po sa pagpapasabay sa ‘kin, Sir. At ‘yung pagkain po—”“Wait for me at the lobby.”Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang aking sarili sa pagtatangkang pagtatanong tungkol sa kung bakit ako nito gustong maghintay sa lobby. Simple lang akong tumango rito at tipid na ngumiti.Agad akong lumabas ng sasakyan. Iikot na sana ako para kunin ang aking bagahe nang biglang pumaharurot ang sasakyan paalis. Namilog ang aking mga mata sa gulat. Bahagyang umawang ang aking labi. Gusto kon
“Axton, kain.”Iniumang ko ang pagkain sa kanyang bibig at agad naman niyang kinagat ang burger. Nanatili ang tingin ni sa kalsada, ni hindi man lang ako nililingon. Focus na focus ito sa pagmamaneho habang ako naman ay focus sa pagsubo sa kanya ng pagkain.Hindi ako nililingon ni Sir at dahil doon, nababawasan ang kaba ko dahil kami lang dalawa ang nandito sa loob ng sasakyan. Hindi rin ito umiimik dahil abala ang kanyang bibig sa pagnguya ng kinakain.Ganito ang ganap namin sa loob. Medyo nakakalimutan ko na nga na boss ko siya dahil wala nang honorifics kung tawagin ko siya. Diretsong name na lang. Feeling ko tuloy nakababatang kapatid ko siya. Parang si Yael lang.“Gusto mo ng coke?” mahinang tanong ko.He nodded his head. Agad ko naman itong binigay sa kanya.“Gusto mo pa ba ng burger?” tanong ko ulit.Nang umiling siya ay agad kong binalot muli ng wrapper ang burger at nilagay sa loob ng paper bag. Umayos naman ako sa pagkakaupo at inubos na ang aking burger.Maliit lang naman a
Tahimik akong nakaupo sa passenger’s seat habang walang imik din naman si Sir A na nagmamaneho. Kahit na gusto kong maupo sa backseat, hindi ko naman alam na two-seater lang pala ang sasakyang ito. Nagtitipid sa pasahero.Wala sa sarili akong napasulyap sa lalaking na sa harapan ko at nakitang busy ito sa pagmamaneho. Wala na itong suot na headphones, pero may sunglasses naman. Mukha tuloy siyang artista o hindi kaya ay model.“I have a picture in my pocket.”Napakurap-kurap ako nang marinig ang kanyang tinig. “Po?”“You’re staring.” Sinulyapan ako nito. “I can’t steady my position for a long time. You can have my photo instead.”“Po?!” Agad akong pinamulahan ng pisngi. “H-hindi naman po sa ganon, Sir. N-naninibago lang po ako sa ‘yo. Ngayon ko pa lang po kayo nakitang nagmamaneho.”Totoo. Kung hindi si Sir Oli, may driver silang nagmamaneho para sa kanya. Kaya hindi ko pa nakikita si Sir na nagmamaneho. Akala ko nga ay hindi siya marunong, e.At saka, ayoko rin naman maging hipokrita
Guess what?“Dito mo na lang ilagay ang bagahe mo, Asli!” Kumaway sa ‘kin si Mateo. “Hali ka na! Aalis na ang van!”Limang van ang gagamitin namin patungong Batangas. Nauna nang umalis ang apat at itong isa na lang ang natira. Kasama si Mrs. Veloso sa naunang apat na umalis dahil ito ang naging event coordinator ng team building at ito dapat ang mauna sa location.At dahil isa na lang ang naiwang van at marami na ang na sa loob, medyo nagdalawang isip akong pumasok.“Hindi ba’t masyado nang puno?” nag-aalala kong tanong nang makalapit sa ‘kin si Mateo.“Hindi naman. Kasya pa ‘yan. Hindi kasi namin alam na may tatlo pang sasama. Pero pwede ka naman kumandong sa ‘kin,” wika niya at kumindat.Ilang beses ko na ba nabasa ‘yan sa mga nobela?Ah, hindi ko na mabilang.Sa halip na makaramdam ng hiya sa sinasabi nito, natawa na lang ako. “Masyado akong mabigat para makandong mo, Mateo.”Medyo komportable na rin kasi ako kay Mateo, e. Sa ilang buwan kong pagtatrabaho rito sa kompanya, siya lan
Sa mga lumipas na linggo ay ganoon ang naging takbo ng buhay ko.Tuwing may meetings si Sir A ay kami ni Sir Oli ang sinasama. Sinabi na sa ‘kin in Sir Oli na ginagawa ito ni Sir A para makita ko kung gaano kakomplikado ang business world. At sa totoo lang, nakakatakot pumasok sa ganitong mundo. Ngunit hindi na ako magtataka kung bakit tinatawag na shark si Sir A pagdating sa business.Kasi lahat pala ng sinasabi ni Sir Oli, scripted mula sa mga utos ni Sir A. Ayaw ni Sir A na makipag-usap sa ibang tao kaya’t si Sir Oli ang sumasalo sa mga katanungan nito. Hindi na rin ako masyadong nagtanong dahil baka mapikon sila sa ‘kin.“Sigurado ka bang hindi ka sasama bukas?” tanong ni Mrs. Veloso. “It only happens once a year. You should come.”“Hindi na po.” Tipid akong ngumiti. “Ipapasyal ko na lang po ang kapatid ko sa mall. Masyado po kasi akong naging busy nitong mga nakaraang araw.”Yung agreement ni Sir A at ng governor nung nagdaan ay na-approbahan at ako ang pinagawa ni Sir A ng agree







