Share

Chapter 33: Catarina

Author: SenyoritaAnji
last update Petsa ng paglalathala: 2026-01-19 09:12:27

Sa isiping ‘yon, nagmamadali akong nagpalaam sa aming manager dahil baka hindi lang si Sir Oli ang nandoon. Pero most of the time, si Sir Oli lang naman. Isang busy person si Sir Axton. Hindi naman siguro ito personal na pupunta sa akin, ‘di ba?

“Sir Oli…”

“Miss Bernardo, busy ka ba? May oras ka ba kahit saglit?” tanong nito.

Bakas ang pagmamadali sa boses nito, kaya naman agad akong naalarma.

“B-bakit po? May problema po ba?” Hindi ko na rin mapigilan ang pag-aalala ko.

“Mukhang kailangan tayo
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Maricar Samela Per
bkt po ang tagal ng update...
goodnovel comment avatar
Sabel Descutido Bercero
update po miss author
goodnovel comment avatar
Helkiah Helkiah
update please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 122: Humble Confession

    Alas dos na nang madaling araw kami nakauwi. Mabuti na lang talaga at open twenty-four-seven ang samgyup store na ‘yon. Hindi kami pinalayas kahit na ilang oras na kaming nandoon. Sobrang ingay pa ng bibig ni Sabby at Paula.“Thank you, Manong.” Ngumiti ako sa driver at inabot sa kanya ang bayad. “Sa inyo na po ang sukli.”Dahil na rin sa dami ng mga blessings na natatanggap ko ngayon, hindi ako nagdadalawang-isip na tumulong sa iba lalo na’t alam ko kung gaano kasalat ang pera sa panahon ngayon.Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at nag-angat ng tingin sa kalangitan. Mukhang uulan dahil wala akong nakikitang bituin.O baka naman lasing lang ako?Dumiretso ako sa gate para sana buksan ito. Ngunit muntikan na akong mapatalon sa gulat nang biglang may humawak sa ‘king braso. Wala sa sarili ko itong nilingon at bumungad sa ‘kin ang isang lalaking sobrang tangkad.Matangkad siya at kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha nito.Sa tulong ng streetlights sa gilid, unti-unt

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 121: Gift

    “Ang gara ng sasakyan! Bagong sasakyan ni President?”“Nakauwi ba si President? Himala pinalabas ka?”Yan ang mga naging bungad nila sa ‘kin nang makapasok ako sa loob ng Korean restaurant kung saan nila napiling mag-celebrate ng kaarawan ni Mateo. Seryoso namang nakatingin sa akin si Mateo.Umupo ako sa kanyang tabi at agad na pinulot ang isang baso na may lamang tubig. Tinunga ko ito ngunit agad ko ring naiduwal nang mapagtantong hindi ito tubig.“Asli!”“I’m sorry!” agad kong sambit at mahinang umubo. “Akala ko tubig.”Naramdaman kong hinimas ni Mateo ang likod ko at dinaluhan ako ng tubig. Agad ko itong ininom at napahilot ako sa ‘king sintido.“Bakit ka ba kasi nagpupulot na lang bigla? Hindi ka man lang nagtanong kung tubig ba ‘yon o lason,” masungit na wika ni Sabby. “At saka, late ka ng isang oras.”“Sorry,” mahinang wika ko. “Hindi naman kasi halatang alak. Colorless.”Mahinang natawa si Mateo sa aking tabi at patuloy pa rin akong tinatapik sa likod.At nang medyo kumalma na

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 120: You Owe Me

    Dahil na rin sa hiling niyang iwasan ang paggamit ng honorifics at professionalism, at dahil na rin sa tama ng cocktail na hawak ko, hindi ko namamalayan na napapahaba na pala ang aming usapan.Kung hindi pa nag-ring ang phone ko, hindi ko maalala na kailangan ko pa palang umalis dahil birthday celebration ngayon ni Mateo. I can’t miss this. Kapag hindi ako nakasipot, paniguradong magtatampo na sila sa ‘kin dahil palagi akong wala.“Uhm, Sir Collin…” mahinang wika ko. “I’m really sorry but I have to go.”“Something important?”Walang pagdadalawang-isip akong tumango sa kanya. “May kailangan po kasi akong puntahan. Pinangakuan ko po, e.”At isa pa, magdadalawang oras na kami rito. Kung ano-ano na lang ang kinikwento ko.Oo, ako lang. Nanatili lang kasi siyang tahimik. Ayoko namang magkaroon kami ng dead air dahil masyadong awkward ang ganon. Kaya ginawa ko ang best ko para naman kahit papano ay maging entertaining naman sa kanya.Kumunot ang noo nito. “Your boyfriend?”Mabilis akong um

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 119: I want to know you more

    Seryoso akong nakatingin sa kanya, naghihintay kung anong ‘business’ ang ibig niyang sabihin. Talagang curious ako kung ano ‘yon dahil bukod sa wala akong naging background check, wala rin si Sir Oliver para tulungan ako sa mga ganitong bagay.Mayroon siyang nilapag na dokumento sa harap. Wala sa sarili ko naman itong tinignan at mariing kinagat ang aking ibabang labi. Bahagya akong lumunok at tipid na ngumiti rito.“That contains the business proposal that you might be interested in,” he said.Kahit na gaano pa kahaba ang mga sinasabi nito, nanatili pa ring malamig ang kanyang tinig.Hilaw akong ngumiti sa kanya. “I might be interested in? M-Mr. Ferrell, hindi po ako ang nagdedesisyon sa mga business ventures ng—”“Why don’t you open the document first and find out what I’m talking about?” malamig niyang wika.Pansin kong unti-unti na siyang nawawalan ng pasensya kaya naman pinilit ko ang aking sarili na ngumiti at binuksan ang folder.Laman nito ang sinasabi niyang business proposal

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 118: Collin

    Buong araw akong nag-overthink dahil kay Evans.Hindi maitatanggi ang sinseredad sa boses niya habang nagsasalita kanina, lalo na ang lambing sa kanyang mga mata habang kinakausap ako. Mukhang talagang nag-aalala naman talaga siya sa ‘kin.Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit paulit-ulit niyang sinasabi sa ‘kin na delikadong tao ang kanyang kapatid. Sa mga lumipas na buwan kong kasama si Axton, wala naman akong nakitang nakakaduda sa kanya.Bukod sa pagiging malamig nito at masungit, wala na akong ibang bagay na nakikitang delikado sa kanya.Hanggang sa sumapit ang hapon, agad akong naghanda. Hindi na ako nagpunta pa kay Miss Catarina at nagbihis na lang ako ng akin mga damit.Isang white sleeve button up shirt ang suot ko at pinatungan ko ito ng black corset. Creamy satin trousers din ang pinares ko sa aking lower part. Sinuot ko ang paborito kong three inches heels na palagi kong suol kung may gimik kami nina Leah at Jenna.Jimmy Choo.Bukod sa paborito ko ito, bigay rin ito sa a

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 117: Reach Out

    “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa halip na pagbuksan ang pinto. “Naliligo pa ako.”“Let me in,” he said. “Pinagtitinginan na nila ang kapogian ko.”Shit! Namumugto pa ang mga mata ko. Nakakahiyang humarap sa kanya!Ngunit kung hihindi naman ako, paniguradong isa itong insulto sa kanya. Mababa ang estado ko kumpara sa kanya. Kung hindi ko siya papapasukin, baka may makakita na naman sa kanya sa labas at maging laman pa ako ng chismis.“Saglit lang. Magbibihis lang ako.”Muli kong sinarado ang pinto at ni-lock ito.Dumiretso ako sa loob ng aking silid para magbihis. Isang simpleng blouse lang at shorts ang mabilis kong nahugot mula sa aking cabinet, saka ako nagmamadaling lumabas at pinagbuksan siya ng pinto.Walang pagdadalawang isip naman itong pumasok. Na para bang obligado akong pagbuksan siya ng pinto?“Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Sir Evans.” Nanliit ang mga mata kong kanina pa maliit dahil sa pamumugto. “Anong sadya mo rito? Paano mo nahanap ang apartment ko?”“Woah. Da

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 37: The Partner

    “Andreev?” wala sa sarili kong sambit. “K-kaano-ano mo si Axton?”Ngumisi ito sa akin na para bang alam niya kung sino ako. Agad namang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Hindi pa nga nagsisimula ang pagpapanggap ko ngayong gabi, nabuking na ba kaagad ako?“I’m his twin,” sagot nito na mayroong map

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 36: Blythe

    “Why are you with Axton?”Bakas sa hitsura ng mga ito na hindi sila basta-bastang mga babaeng matatagpuan lang sa mga event. They looked like they come from prominent families. At sa totoo lang, nagsisimula na akong makaramdam ng kaba.Bakit ko nga ba hindi naisip ang ganitong bagay? Of course, gwa

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 35: The Pretend Girlfriend

    A pretend girlfriend?Kaya ko bang gawin ‘yon? At isa pa, itong hitsura kong ‘to? May maniniwalang girlfriend ako ni Sir Axton? Grabe naman. Compliment ba ito? Anong isasagot ko?Sa dami ng mga tanong na umiikot sa aking isipan, iba ang lumabas sa aking bibig.“Bakit ako?” wala sa sarili kong tanon

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 34: Doll Up

    Tahimik lamang akong nakaupo habang kinakalikot ng mga tauhan ni Miss Catarina ang buhok ko at mga daliri ko. May abala rin sa paglalagay ng makeup sa ‘king mukha at panay pa ang panliliit ng mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin.Wala nang tao sa loob ng shop nito. Amoy na amoy ko ang mga damit

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status