เข้าสู่ระบบ“Why are you with him?”Para akong natulos sa ‘king pwesto at hindi makagalaw.Yung kalasingan ko kanina, biglang nawala. Tulala akong napatitig kay Axton habang hawak ang kamay ni Sir Collin. Bakas ang frustration sa kanyang mga mata. Magulo rin ang kanyang buhok. Nakasuot siya ng simpleng shorts at puting shirt.He looking at me with eyes filled with words ‘betrayed’. Hindi ko alam. O baka naman guni-guni ko lang lahat ng ‘to?“Axton?” wala sa sarili kong sambit. “Bakit…anong ginagawa mo rito?”Sinubukan kong humakbang palapit, ngunit agad akong nakaramdam ng pagkahilo, kaya naman muntikan na akong mawalan ng balanse.Mabilis naman akong sinalo ni Sir Collin sa pamamagitan ng paghawak sa ‘king beywang at braso. I was about to lift my gaze when someone pulled me away from Sir Collin. Napasinghap ako sa gulat dahil doon at nauntog ako sa malapad at pamilyar na dibdib.“Axton…” mahinang sambit ko.“Stop talking,” he mumbled.Hindi pa nga ako nakakasagot nang bigla niya akong binuhat na
AXTON’s POINT OF VIEWHindi ko alam kung pang-ilang dial ko na ito sa kanyang number. But she’s not picking up. I’m starting to get worried. Wala rin akong number sa kanyang kapatid dahil hindi pa ako nanghihingi.“Damn it, Asli. Answer the call.”I was planning to take her out today to revise a plan.I can’t lose her. I don’t want to marry Willow either. But now, she’s not answering my call. Imposibleng tulog na siya dahil alas onse pa lang ng gabi. Kahit tumawag ako ng alas dos ng madaling araw, she would answer my call right away.But now…she’s not picking up.“Why don’t you just let her go?”Hindi ko na kailangan pang lumingon para makita kung sino ang nagsalita.It’s very obvious.“Stop poking your nose into someone else’s business,” I replied coldly.“I prefer you being mute.” Mahina siyang natawa. “But, Axton, should you be stopping now?”Binalingan ko siya ng masamang tingin. “No one’s asking for your opinion, Blythe.”“I’m not saying this dahil gusto kong mangialam sa buhay m
Umiikot ang mundo. Bukod pa roon, feeling ko umaalon ang pwesto ko.“Can’t you recall your address?” rinig kong tanong ng isang boses sa ‘king tabi.Kahit na lasing ako, kilala ko pa rin ang boses na ‘yon.It was Sir Collin. Kahit na malamig din ang kanyang tinig, mas malamig kay Sir Axton. Yung tipong manginginig ang tuhod mo kahit hindi mo siya tignan? Feeling ko nga malalagutan ako ng hininga kung sakaling hindi siya nagiging mabait sa ‘kin, e.Pinilig ko ang aking ulo at pilit na inaalala ang aking address. Nang maalala ko ay agad kong sinabi sa kanya.“But before dropping me off…” Pinilit kong idilat ang aking inaantok na mga mata. “M-may sigarilyo ka po ba?”Napansin ko ang simple niyang pagsulyap sa ‘kin at mahinang natawa. “You don’t like you knew how to smoke.”Agad akong napalabi sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung discrimination ‘yon o sadyang nagvo-voice out lang siya sa totoo.Hinawakan ko ang aking sintido at sumandal sa backrest ng aking kinauupuan. “Hindi naman po ak
“Tang inang ‘yan. E ‘di sana sinampal mo siya!” galit na wika ni Belinda. “Hindi pwede ‘yung ganon! Kahit mayaman siya, magkaroon naman sana siya kahit papano ng delikadesa! Ayaw nga sa kanya ng tao, e. Bakit pinipilit niya ang sarili niya?”Pareho na kaming tinamaan ng alak.Hindi ko alam kung pang-ilang shot ko na ito. Basta naubos na namin ang isang bote at nakakalahati na kami sa pangalawa. Medyo nababagalan nga ang tagay dahil sa aming kwentuhan.Nauna kami sa kung ano ang naging daloy ng buhay niya nitong mga nakaraang taon. Catching up kumbaga. Nalaman ko na tumigil na pala siya sa bar at ngayon ay manager siya sa isang hotel sa Siargao and sooner, doon na raw siya titira.Hanggang sa dumating kami sa buhay ko. At dahil nga nakainom ako, naikwento ko sa kanya lahat ng mga pinadaanan ko. Pati na rin ‘yung mga sinabi sa ‘kin ni Miss Willow. Para akong isang batang nagsusumbong at naghahanap ng kakampi kahit alam ko naman sa sarili kong ako ang dehado.“Ano ba dapat kong gawin?” T
“Nagkita kami ni Mama sa Baguio.”Kitang-kita ko kung paano natigilan si papa.Siguro kung hindi nagkasila ni Aling Norma, iisipin kong mayroon pa siyang nararamdaman para kay mama. Pero sino bang tanga ang makakaisip non? E ipinagpalit nga niya kami sa babaeng ‘yon.“Anong ginagawa niya roon?” tanong niya matapos makabawi sa gulat.“Hindi ko alam,” sagot ko naman. “Hindi kami nagkausap. Nakita ko lang siya.”Tipid na tumango si papa at ngumiti sa ‘kin. “Hayaan mo na. Ang mahala, alam nating na sa mabuting buhay na siya ngayon. Focus na lang tayo sa pamilya natin. Magiging masaya tayo na wala siya. Hayaan niyo na.”“Wala naman akong pakialam kung na sa mabuting buhay siya o wala,” malamig kong wika at pinulot ang kutsara. “Wala siyang karapatang magkaroon ng magandang buhay pagkatapos niyang talikuran ang mga anak niya.”Hindi makaimik si papa.Kung gaano kalaki ang galit ko kay mama, ganoon din ang galit ko sa kanya noon. Mabuti na lang at nauto ako ni Yael at nakita ko ang pagbabago
Tinamad na akong makinig sa music kaya naman pinili ko nalang pilitin ang aking sarili na matulog. Hindi ko na kaya pang manatiling gising. Pati nga music galing sa mga radio stations, pinaglalaruan ako.“Are you going to sleep?” he asked.“Oo,” agad kong sagot. “Kung may kailangan ka, pwede mo akong gisingin.”Tipid lang siyang tumango sa ‘kin.Bahagya kong pinahiga ang sandalan at pinikit ang aking mga mata. Ginamit ko ang aking panyo at agad na tinakip sa ‘king mukha para hindi ako ma-distract sa liwanag. Mahirap kasi para sa ‘kin ang makatulog lalo na kapag maliwanag ang paligid.Hindi rin nagtagal ay nakaramdam na ako ng antok. Tuluyan na akong nahulog sa isang mahimbing na tulog.AXTON’s POINT OF VIEWI took a quick glance at her and saw her hanky slowly falling from her face. Aabutin ko na sana ito ngunit nahulog na ang panyo sa lapag. There I saw her face, and I noticed her eyelids…They look like she’s been crying last night.Pero sabay kaming natulog kagabi?Kumunot ang akin
Kinapa ko ang kanyang noo at mahinang napangiwi. Kanina pa ako aligaga sa kung ano ang dapat kong gawin. Gusto ko sanang manghingi ng tulong pero hindi ko naman siya pwedeng iwanan dito lalo na’t mataas ang lagnat niya.Nagkaroon na kasi ako ng trauma noon kung saan masyadong mataas ang lagnat ni Y
A month passed. Laging ganon ang daloy ng buhay ko. Sa weekdays ay cashier ako sa café, sa weekends naman ay nagbebenta ako ng sigarilyo, and then naglilinis sa penthouse ni Mr. Axton sa Sunday. Sa awa rin ng langit, hindi na kami ulit nagkasalubong pa ng landas tuwing naglilinis ako sa penthouse ni
“Be careful. Yan lamang ang magiging payo ko sa inyo. Kapag tingin niyo ay wala sa mood ang nakakasalubong niyo, agad kayong tumabi at padaanin sila. We’ve encountered a lot of guests like them and they’re all not a good. Are we clear?”“Yes, Ma’am!” halos sabay-sabay naming sagot.Pagkatapos kamin
AXTON’S POINT OF VIEWPabalda kong nilapag ang folder sa mesa at nag-angat ng tingin sa tauhan kong walang ibang nagawa kundi kapalpakan, habang si Blythe ay tahimik lang na nakaupo sa tabi. Busy ito sa paglalagay ng kulay sa kuko nito sa paa.Agad na lumuhod ang lalaki sa harapan ko at yumuko.“I’







