ログインBuong araw akong nag-overthink dahil kay Evans.Hindi maitatanggi ang sinseredad sa boses niya habang nagsasalita kanina, lalo na ang lambing sa kanyang mga mata habang kinakausap ako. Mukhang talagang nag-aalala naman talaga siya sa ‘kin.Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit paulit-ulit niyang sinasabi sa ‘kin na delikadong tao ang kanyang kapatid. Sa mga lumipas na buwan kong kasama si Axton, wala naman akong nakitang nakakaduda sa kanya.Bukod sa pagiging malamig nito at masungit, wala na akong ibang bagay na nakikitang delikado sa kanya.Hanggang sa sumapit ang hapon, agad akong naghanda. Hindi na ako nagpunta pa kay Miss Catarina at nagbihis na lang ako ng akin mga damit.Isang white sleeve button up shirt ang suot ko at pinatungan ko ito ng black corset. Creamy satin trousers din ang pinares ko sa aking lower part. Sinuot ko ang paborito kong three inches heels na palagi kong suol kung may gimik kami nina Leah at Jenna.Jimmy Choo.Bukod sa paborito ko ito, bigay rin ito sa a
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa halip na pagbuksan ang pinto. “Naliligo pa ako.”“Let me in,” he said. “Pinagtitinginan na nila ang kapogian ko.”Shit! Namumugto pa ang mga mata ko. Nakakahiyang humarap sa kanya!Ngunit kung hihindi naman ako, paniguradong isa itong insulto sa kanya. Mababa ang estado ko kumpara sa kanya. Kung hindi ko siya papapasukin, baka may makakita na naman sa kanya sa labas at maging laman pa ako ng chismis.“Saglit lang. Magbibihis lang ako.”Muli kong sinarado ang pinto at ni-lock ito.Dumiretso ako sa loob ng aking silid para magbihis. Isang simpleng blouse lang at shorts ang mabilis kong nahugot mula sa aking cabinet, saka ako nagmamadaling lumabas at pinagbuksan siya ng pinto.Walang pagdadalawang isip naman itong pumasok. Na para bang obligado akong pagbuksan siya ng pinto?“Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Sir Evans.” Nanliit ang mga mata kong kanina pa maliit dahil sa pamumugto. “Anong sadya mo rito? Paano mo nahanap ang apartment ko?”“Woah. Da
Hinatid niya ako pabalik sa ‘king apartment. Mabuti na lang at tulog na sila papa at Yael. Dire-diretso lang akong nagtungo sa kwarto at sinarado ang pinto.And just like that, sunod-sunod na nagpatakan ang luha sa ‘king pisngi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang may kung anong kumukurot sa aking dibdib at nahihirapan akong huminga. At ang tanging paraan lang para maibsan ang sikip ng dibdib ko ay ang umiyak nang umiyak. Maybe tears could help.Wala sa sarili akong napasalampak sa malamig na tiles ng aking silid. Niyakap ko ang aking tuhod at mahinang humikbi.Alam kong wala ako sa posisyon para umiyak. Sino ba naman ako? Bakit naman ako iiyak? It’s not like there’s something special between me and him, right? Simula pa nang una, alam ko na kung ano ang katayuan ko sa buhay niya. Pumayag ako sa ganitong sitwasyon dahil kailangan ko ng pera. Ako ang nag-offer sa kanya sa ‘king sarili. Ngunit bakit ganito? Bakit nasasaktan ako? I did my best to hold back my
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Pareho kaming walang imik at hindi ko alam kung paano babasagin ang katahimikan na ito. Kahit na hindi nagsasalita, ramdam ko pa rin ang galit niya. Gusto ko siyang kausapin, ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula.Ngunit alam kong sanay siya sa katahimikan. Ako rin naman. Pero kakaiba ang katahimikan niya ngayon. Feeling ko sobrang pikon niya. Alam kong hindi mas-solve ang problema na ito, ang sakit sa ulo kong ito, kung hindi ako magsasalita muna. “Classmates kami ni Sir Evans noong high school,” mahinang sambit ko. “Naging partner kami sa PE dahil walang gustong makipag-partner sa kanya. Lahat ng mga tao sa school ay iniiwasan siya.”“Then why did you still become his partner?” binalingan ako nito ng tingin. “When everyone is avoiding him?”“Kasi wala akong pakialam sa ibang tao bukod sa kinabukasan ko,” sagot ko naman. “Ipinares siya sa ‘kin ng subject teacher namin. Kaya sino ako para humindi? Regardless of the rumors circulating a
Agad kong tinampal ang kanyang kamay na hawak ang aking baba. Inismiran ko ito at umayos sa pagkakaupo.“Hindi kita maalala. It’s been years. Bad influence ka sa ‘kin. So bakit kita alalahanin?” sikmat ko rito. “At isa pa, alam ko namang galing sa mga magulang mo ang perang winawaldas mo. Kaya ko namang kumita ng sariling pera kung gusto ko.”“I see.” Humugot ito ng malalim na hininga. “But…I have something to ask.”“Ano naman?” Hindi ko na mapigilang mairita.Hindi ba dapat makaramdam ako ng pagkagalak dahil after so many years, nakita ko na rin ‘yung taong pinapaboran ako noon na walang pag-aalinlangan? Pero bakit napipikon ako rito? Sa kabila ng pagiging basagulero nito noon, palagi niya akong pinagbibigyan. Minsan nga ay iniiwan niya sa ‘kin ang wallet niya at inuutusan pa akong bumili ng kung anong gusto ko. He’s spoiling me. Bumibili siya ng mga gamit para sa ‘kin. Kahit gaano pa ito ka-random. At kahit basagulero siya, kapag panahon na tinatakbo namin si Yael so ospital, pala
“Hindi ito ang daan papunta sa amin,” wika ko. “Kuya, uuwi na ako. Naghihintay ang kapatid ko.”“Now you’re calling me Kuya. You’ve been calling me bird nest since then. What change?”“Dapat ba sir ang itawag ko sa ‘yo?”Mahina lang siyang natawa at hindi na nagsalita pa.Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang takbo ng kanyang utak. Kung hindi lang siguro ako desperadang umalis sa lugar na ‘yon, nunkang sasama ako sa kanya. Hindi na nga ako nakalapit pa sa table at masyado na silang naging busy. Kaya naman nag-send na lang ako ng message kay Sir A.Kalaunan ay tumigil na rin ang sasakyan. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang na sa isang mini café kami sa isang tahimik sa kalsada.“Anong ginagawa natin dito?” wala sa sarili kong tanong. “Ipapa-salvage niyo po ba ako?”“So you still remember who I am.”Agad kong tinikom ang aking bibig.Grade nine yata ako non nang maging mag-classmates kami.Lahat ng mga estudyante ay iniiwasan siya. Hindi naman ako mahilig magtanong at wala
“Eat with me.”Natigilan ako sa tanong nito. Agad na kumunot ang aking noo at nilingon ito. “Po?”Baka na-misheard ko lang siya. Imposible naman kasing ayain ako ni Sir A na kumain, ‘di ba? I mean, for what reason? Imposible namang gusto niya lang akong makasamang kumain.Naghihintay ako ng sagot, n
“What the hell are you doing?”Pakiramdam ko’y tumigas ang aking likod nang marinig ang tinig na ‘yon. Wala sa sarili ko itong nilingon at nakita si Sir A na nakakunot ang noo habang nakatingin sa ‘kin. Napalunok ako at tuluyan itong hinarap.Bakit ganun? Bakit kinakabahan pa rin ako kapag kaharap
Binigyan raw ako ni Sir A ng isang linggong extension para maalagaan nang mabuti ang kapatid ko. Laking pasalamat ko naman dahil tatlong araw pagkatapos nitong magising ay hand ana itong i-discharge. Sabik na din itong makita ang apartment naming kaya agad na kaming umalis para makita ang bahay.“A
“Asli…”Wala sa sarili ko itong nilingon at agad na binalot ng kaba ang dibdib ko nang makilala kung sino ito. Kusang humakbang paatras ang mga paa ko habang nakatingin sa kanya.“Anong kailangan mo?” sambit ko habang seryosong nakatingin dito.“Bakit kung makaatras ka e parang sobrang sama kong ta







