LOGINPumasok kami sa Isang hindi kalakihang silid ni tiyang maya.Ito na siguro Ang Sinasabing opisina ng tinatawag nilang madam weng.Simula ng malaman Kong Isang GRO at dito nagta-trabaho aking tiyang ay hindi ko pa nakita Ang may Ari ng club na ito.Kung babae ba o bakla Ang nagma-manage nito. Napakagat labi ako upang pigilan Ang damdamin Kong wag Magalit sa aking tiyahin.Dahil sa gagawin niyang 'to Pagkatapos ay napabuga ako ng hangin.
"maupo ka muna klea,may kinakausap lang si madam weng."anito. "baka pwede pang magbago Ang isip mo tiyang."wika ko na imbis na gawin Ang utos nito.Nakita Kong kumunot Ang noo nito. "hindi na magbabago Ang isip ko klea.Kung ano Ang sinabe ko gagawin ko.Para Naman may silbi sa pagpapalaki ko sayo.Akala mo madali Ang ginawa kong sakripisyo sayo simula ng bata ka pa.Aba!Hindi naging madali sa'kin.Nagkakaintindihan ba Tayo ."wika niya. Napatingala ako upang pigilan aking luha na gustong lumabas. Hanggang sa bumukas Ang pinto at pumasok ruon Ang isang matangkad at payat na babae na may edad na.Parang magkasing edad lang sila ni tiyang maya.Dumaan sa Aming harapan.Nakita ko naman na tumayo sa kina-uupuan ni tiyang Maya at lumapit sa bagong pasok na babae. "siya na ba Ang alaga mo Maya.?"narinig Kong tanong nito sa aking tiyahin.Nagulat ako sa boses nito dahil parang hindi tunay na babae. "oo madam weng siya na si klea."sagot ni tiyang rito.Tumingin si madam weng sa akin at napansin Kong parang pinag-aaralan nito Ang buo kong pagkatao.Napansin ko rin Ang pagsinyas ni madam weng sa aking tiyang na parang nag-uusap Ang mga ito gamit Ang kanilang mata. "okay,idedeposit ko na lang sa bank account mo Maya.Pero sana lang ay hindi matigas Ang ulo niya."anas ni madam weng kay tiyang Maya. "wag Kang mag-alala madam,mabait at masunurin itong si klea."sagot Naman ni tiyang rito.Nakita ko Ang pagngisi ni madam weng habang nakatitig sa akin.Hanggang sa Makita Kong naglakad nang lumabas si tiyang. Pero bago tuluyang makalabas ay napatigil ito at lumingon sa akin. "magpakabait ka rito klea.Wag kang magtangkang umalis.Diba ayaw mong magagalit ako sayo."Ani niya Sakin.Tumango ako rito at hindi sumagot.Pero Ang totoo ,gusto Kong Magalit at umiyak pero pinigilan ko ito. "good!sundin mo Ang utos sayo ni madam weng.Magkakasundo kayong dalawa."aniya Sakin Saka tuluyang lumabas ng opisina.Tumungo ako dahil Hindi ko alam aking gagawin Kong susundin ko ba Ang utos ni tiyang o makikiusap rito na aalis ako.Pinahid ko rin Ang luhang lumandas sa aking pisngi.Narinig Kong tumikhim si madam weng at deretso itong nakatingin sa akin. "tawagin mo na lang Akong mama weng. Katulad sa mga kasamahan mo rito."anito sa'kin. "p-pwede po bang sa iba na Lang ako magtrabaho."Aniko .Pero napakunot ng noo nito. "sa iba ka magtrabaho?Pero nabayaran na kita sa tiyahin mo.Binenta ka niya sa akin."sagot niya sa sinabe ko.Nagulat Naman ako sa sinabe nitong binenta ako ng tiyahin ko.Paanong nangyari iyon. "m-madam weng,paano po nangyari 'yon.?tanong ko. Narinig kong napabuntong hininga ito. "hindi pa ba sinabe sayo ng tiyahin mo.Dalagita ka pa lang nuon ng kumuha Sakin ng Pera at Ang Sabi,Ikaw daw Ang ibabayad niya sa nakuhang Pera sakin. At Ang kabuo-an na bayad sayo ay kabibigay palang sa kanya."pahayag nito. Lutang Ang isip kong sumunod sa isang babae na tinawag ni mama weng upang ihatid ako sa magiging silid ko. ... Narito ako sa Isang silid at tatlo Ang magiging kasama ko rito.Pagkahatid Sakin ng babae ay Wala Akong naratnan na tao. At kararating lang nila. Agad Naman silang nagpakilala sa akin. Mababait sila lalong-lalo na Ang nag-ngangalang havana. Nalaman Kong may Sarili din silang kwento sa buhay na tulad ko. Nalaman ko rin na magkapareho kami Ng nangyari sa buhay ni Havana.Binenta rin siya ng ama nito Kay mama weng.Nalaman ko rin na may anak na Pala sa pagkadalaga si niki at nasa probinsya ito.Nalaman ko rin na mabait Pala si mama weng sa kanila at sa base ng pagku-kwento ni Havana. "alam mo klea.Mas lalong gumanda ka Kong aalisin mo Ang malaking salamin mo sa mata.Halos sakupin na ng salamin mo Ang buo mong mukha."Ani Sakin ni Niki.Ngumiti ako rito. "kung aalisin ko Ang salamin ko sa mata. Manlalabo Ang paningin ko."sagot ko rito.Tumango si Niki sa aking sagot. "nasubukan mo na ba Ang gumamit ng contaclence.?"tanong ulit ni Niki. "hindi pa."maikli Kong sagot. Hanggang sa magyaya silang Kumain.Naalala Kong hindi pa Pala ako nag-umagahan.Tiningnan ko Ang oras sa aking dalang celpon at tanghali na Pala.Hindi ko namamalayan Ang oras. Sabay-sabay kaming lumabas upang Kumain.Galing Pala sila sa labas dahil bumili sila ng pagkain nila. Nahihiya Ako sa kanila dahil Wala Akong ambag.Nahihiya man pero inabot ko Ang Plato na may laman na pagkain. "ubusin mo 'yan klea ha."Ani Sakin ni havana.Tumango ako rito.At nagpasalamat rito. "oh! sino siya,Ang lakas ng dating?"tanong ng lalaking bagong pasok rito sa kusina.Parang kanta lang ah. "ah si klea bagong pasok rito sa club."sagot ni Havana sa lalaki.Agad ko Naman nakilala Ang lalaking bagong pasok. Siya 'yong napagtanungan ko kanina. "klea siya si kuya Nolan.Ang napakabait naming kuya."saad ni Havana Sakin.Malakas Naman na tumawa Ang nagngangalang Nolan. "nambola ka pa talaga Havana."Ani ni Nolan rito. "welcome klea,sana tumagal ka rito."anito. Pagkatapos naming Kumain.Bumalik kami sa aming silid.Sinabihan rin nila Akong matulog muna Dahil mapapalaban kami sa puyatan mamayang gabi.Gusto ko man pilitin na matulog pero ayaw makisama Aking mga talukap.Iniisip ko pa rin hanggang ngayon Ang nangyari sa aking buhay.Parang panaginip lang Ang lahat.Sana lang ay panagip lang Ang mga ito.Dahil gusto ko ng magising.Hindi ko gusto Ang nangyayari ngayon sa akin.Ang pagbenta ni tiyang sa akin na hindi ko namamalayan. Nahiga lang ako.Ang mga kasama ko ay tulog Na.Pinilit Kong ipikit aking mga mata baka sakaling makakatulog rin ako.Pero Ang isip ko lumilipad.Lumipas Ang ilang minuto ay nakaramdam din ako ng antok,Kaya nakatulog na rin ako. Naghahanda na kami sa aming gagawing trabaho.Nasabi na rin sa akin Ang gagawin ko rito sa club.Magse-serve ako sa mga vip room habang Hindi pa ako naturuan Kong paano Ang tamang sumayaw.Matigas pa Naman aking katawan pagdating sa sayawan.Baka imbis na maakit sa akin Ang mga nanunuod sa akin ay baka batuhin lang ako ng bote ng beer.Sakit nun kapag tumama sa katawan. Ang liit pa Naman Aking katawan. Nalaman Kong si Havana Pala ngayon Ang star of the night.Napaka swerte niya dahil pwede siyang magsuot ng maskara upang Hindi siya makikilala ng mga lalaking manunuod sa kanya.Pero Ang mga iba ay Wala silang suot.Hindi rin siya nagpapa-table.Kaya nalaman Kong birhen pa ito na katulad ko. "klea ,pinapapunta ka ni mama weng sa opisina niya."Ani Sakin ni Niki na bagong pasok.Nakasuot na rin ito ng lingerie.Kitang-kita talaga Ang malulusog nitong dibdib at at matambok nitong pagkababae.Pero ako kaya,kaya ko kayang magsuot ng tulad ng mga suot nila.!Halos hubad na. "hoy babae!wag mo Akong titigan ng ganyan.Hindi tayo talo."natatawang saad Sakin ni Niki.Kaya natawa rin ako sa pinagsasabi nito.Tumayo na ako upang puntahan sa opisina si mama weng.Napabuntong hininga ako.Sa aking naging kapalaran.Akala ko Hindi ako matutulad Kay tiyang Maya. Pero heto ako, sa loob ng casa.Mag-aaliw Ng mga lalaki.klea's pov Pareho kaming nakatayo—magkaharap ni Sir Dashmond sa harap ng may-edad nang mayor. Ngunit wala akong naramdamang saya, dahil walang pag-ibig ang namamagitan sa amin—kundi isang kasunduan. Isang kundisyon kapalit ng pagtulong niya sa akin upang makalabas ako ng casa.Tahimik ang paligid. Walang bisita. Walang palakpakan. Dahil isang civil wedding lamang ito—tila kontratang lalagdaan at tatatakan ng singsing.“Are you ready?” tanong ng mayor.Tumango si Dashmond nang walang pag-aalinlangan.Ako naman… ilang segundo akong natigilan bago marahang tumango. Hindi dahil handa ako—kundi dahil wala akong ibang pagpipilian.Nagsimulang magbasa ang mayor ng mga salita ng batas. Mga salitang dapat sana’y sagrado, ngunit sa pandinig ko’y isa-isa silang bumagsak na parang martilyong pumipirma sa kapalaran ko.“Do you accept this woman as your lawful wife?” tanong ng mayor kay Sir Dashmond.“Yes,” agad niyang sagot. Walang emosyon. Walang lambing.“Do you accept this man as your lawful h
Klea's pov Tumingala siya-nagtama ang mga paningin namin.Ang mukha niyang puno ng kaseryosohan. s-sir Dashmond,i-ikaw- ikaw ang bumili sa'min ni lera?"walang kagatul- gatol kong tanong.Ang dibdib kong sumasabay na tinatambol ng napakalakas- na walang sinoman ang makakapag patigil nito. "yes!"deretsang sagot niya. "pa-paano po ang conditions?Ano ang mangyayari?"muli kong tanong- na ikinangisi niya.Hindi ko nahuhulaan kong ano ang ipahiwatig ng pagngisi niyang iyon. "and about the condition, let's talk about that tomorrow after the wedding."Sabi niya- napanganga ako.Akala ko,ajng kasal lang namin ang condition na sinabe niya.Bukod pala du'n,may iba pa.Ngunit ano kaya ang mga iyon- ang mga conditions niya? "you need to rest."sabi niya-tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at inayos ang suot niyang long sleeve."manang Lidia,take her to the room."utos nito sa matandang lumapit sa amin.Medyo yumuko ang matanda- na akala mo hari ang lalaking nasa kanyang harapan na dapat niyang
Klea's pov "kailangan na po ninyong sumakay."mahinahon na sabi sa'min ng lalaking malaki ang katawan- na siyang nangunguna sa lahat. "pakawalan niyo na lang kami.Nagmamakaawa kami sa inyo."pakiusap ko -na alam kong malabong mangyaring pakawalan nga nila kami ni lera dahil sila naman ang mananagot sa boss nila. "pasensiya na-inutusan kami ni boss na sunduin namin kayo rito at dalhin sa kanya."pabatid niyang sabi.Hinawakan ko ang kamay ni lera na nanginginig,ramdam ko ang sobrang takot niya at hindi pagsang-ayon sa maging kapalaran namin.Maging ako ay hindi rin ako sang-ayon na ganito lang ang maging kapalaran namin sa kamay ng mga hapon. Nakita ko kong paano ang ginawang senyasan nang dalawang lalaki,maging ang paghawak nila sa kani-kanilang tagiliran,kaya duon ko nalaman na may mga dala pala silang mga baril.Hindi na ako magtataka.Malalim akong napalunok. Hindi naman nila kami pinipilit na pasakayin sa mamahaling sasakyan na nag-aantay,bagkus ay mahinahon ang boses ng lala
Klea's pov Nasa silid na ako, ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok.Si Niki naman ay mahimbing nang natutulog sa kabilang kama. Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi ako makapiwala sa inalok sa'kin ni sir Dashmond Stanford- na ilalabas niya ako rito.Ngunit sa isang kundisyon- na mukhang mahirap paniwalaan.Dahil isa akong maruming babae sa mata ng mga tao'ng nakakakilala sa'kin at alam kong maging siya rin ay isa akong maruming babae sa kanyang paningin at sa kanyang isipan- na kong sino-sinong mga lalaki ang nakakahawak at nakakatikim na sa'kin. Kaya ako na isang prostitute,papakasalan niya?Hindi kaya nabibigla lamang ito o dahil sa tama ng alak kaya nasabi niya lahat ang mga iyon sa'kin?Kailangan ko bang paniwalaan ito at maghintay na babalik siya bukas ng gabi upang bilhin ako sa may-ari ng casa'ng ito. Ngunit paano kong totoo nga,paano na si Lera?Anong mangyayari sa kanya kong tuluyan nilang dalhin siya sa Japan?At kong paano ang buhay niya mula sa kamay ng mga hapon?
Pagkarating ko pa lang ng casa -agad akong nilapitan ni lera at mukhang may nais siyang sabihin sakin dahil basta na lamang niya akong hinila sa braso papasok sa loob ng silid niya. "Kahapon,may pumuntang mayamang hapon rito at may dalang isang attache case.Ang kutob ko,pera ang laman dahil ang lapad ng ngiti ni tandang weng ng salubungin niya ito.Sinundan ko sila sa opisina niya at totoo nga ang narinig mo-kasama tayo sa ipapadala nila sa japan......ayaw kong mapunta duon."mangiyak-ngiyak na turan ni lera sakin. Kahit ako ay hindi rin ako papayag na mapunta sa japan lalo na sa kamay ng mga hapon- na walang sinasanto at walang awa sa katulad naming mahihina. "bakit hindi na lang tayo tumakas."mahina ang boses kong turan sa kanya.Umiling siya sa naging suhestyon ko. 'mahirap ang sinasabe mo klea.Baka sa kangkongan ang tuloy natin kapag ginawa natin ang naiisip mo.Ang tanging paraan lang ay kong may lalaking kayang tapatan ang ibabayad ng hapon kay tandang weng.Duon lang natin makak
Klea's pov Ito na ang huling sandali na masisilayan ko ang tiyahin kong nagpalaki at nag-aruga sa akin mula ng mamulat ako sa mundong ito.Kahit na ibinenta niya ako kay mama wen-ay tinanggap ko dahil mahal ko siya-mahalaga siya sa buhay ko dahil wala akong karapatan upang magalit. Ngunit ang napakasakit ay- hindi man lang kami nagkausap ng maayos.At sasabihing mahal na mahal ko siya.Ngunit wala na siya,iniwan na ako.Kung maaari lang ibalik ang araw bago nangyari sa kanya ito-sana nakita ko pa siya ng buhay kahit alam kong pagagalitan lamang din niya ako,. Kasalukuyan kaming nakatunghay lahat sa kanya-katabi ko si aling rosy- na siya rin ang nasa tabi ko at hindi iniwan habang nakaburol sa bahay si tiyang maya.At siya rin lahat ang nag-asikaso sa mga kailangan para sa libing ni tiyang-dahil hindi ko kayang gawing mag-isa lalo't hindi ko alam ang gagawin ko. Malungkot pa rin ang kanyang mukha dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya tanggap ang nangyari sa kanya mula sa mga kama







