Naandito ako ngayon sa sala namin at nakaupo at umiinom ng kape, hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino nga ba ang Babae ni Ace, habang payapa ako na nagkakape ay biglang may kumatok sa pintuan ng bahay namin, kaya naman dali dali ko itong binuksan, at nagulat ako nang sumalubong sa akin ang isang Babae na nakarebond.“Hi?” bati nito sa akin.“Hello sino po sila?” tanong ko dito.“Oum ako to si Bianca, kababata ko si Ace, naandiyan ba siya?” nakangising sabi nito sa akin.“Oum wala siya dito eh, pumasok siya sa trabaho, oo nga pala, halika pasok ka” pag aayaya ko dito.“Oum sige salamat” sabi nito at pumasok sa bahay namin.“Upo ka” sabi ko dito at umupo naman ito sa upuan namin.“Oum teka ikaw pala si Bianca, nabanggit kana rin sa akin dati ni Ace eh” sabi ko dito.“Oum ganon ba hehehehe, oo nga pala ikaw ba yung asawa niya?” nakangising tanong nito sa akin.“Oum oo” sabi ko dito.
Naandito ako ngayon sa kuwarto namin at nakasuot nang palda at nakaupo sa kama habang nagsusuklay, may hawak hawak din akong salamin sa aking kanan na kamay at pinagmamasdan ko ang aking magandang mukha.Nang lumabas si Ace galing sa banyo na may nakatakip na tuwalya sa kanyang pang-ibabang bahagi, kaagad itong pumunta sa kama at lumapit sa akin at habang nagsusuklay ako ay hinalikan ako nito sa aking leeg at parang may binabalak sa akin.“May pumunta nga pala dito kaninang umaga, Bianca ang pangalan, kababata mo raw siya” pagkasabi ko dito ay napatigil ito sa paghalik sa aking leeg.“Oum oo kababata ko siya, kasi nagkita kami sa Mall at sinabi ko sa kanya ang Address nang bahay natin, kaya siguro napadalaw siya dito” pagkasabi non ni Ace ay pinatigil ko ang aking pagsusuklay sa aking buhok, pinatong ko ang suklay ko pati na ang salamin ko sa lamesa nang bandang ulonan namin ito, at humarap ako sa kanya tinignan ko ito sa aking dalawang mata, at
Kakaalis lamang nila Tanisha at ni Ace at ako na naman ang naiwan sa bahay, dali dali naman akong pumunta sa taas sa kuwarto namin ni Ace upang kunin ang mga maduduming damit namin ni Ace para aking labhan ito, habang kinukuha ko ang mga maduduming damit namin na nakalagay sa ilalim ng kama namin pagkatayo ko, ay nakita ko ang Picture frame namin ni Ace na nakapatong sa gilid ng Lamp namin, kinuha ko ito at pinagmasdan, nong mga araw na ito ay sobrang saya ko dahil ito ang araw na nagpakasal ako sa lalakeng mahal ko, hindi ko napansin na bigla nalang may tumulong luha sa aking mga mata, naalala ko lang kasi ang ginawa niya sa akin na nagawa niya akong lokohin, saktan ang damdamin ko.Tanisha P.O.V.Papunta na sana ako sa Classroom namin nang biglang harangin ako nila Nathalie, Patricia at Rachel, silang tatlo ang kilalang bully dito.“Oh Tanisha, good morning!” nakangising sabi ni Patricia.“Good morning din” sabi ko dito, at naglakad nako palayo
Tapos na ako magluto nang almusal nila, hanggang sa bumaba si Tanisha at wala itong expresyon ang mukha nito,kaagad ko naman itong nilapitan.“Anak oum good morning!” sabi ko dito at hinalikan ang kanyang pisngi.“Good morning din po” saad nito pero nanatiling walang emosyon ang mukha nito.Umupo ito sa upuan nang lamesa, at sasandukan ko sana ito ngunit hindi ito pumayag.“Ako na” mahinahon na sabi nito at kinuha ang sandok at nilagyan niya nang pagkain ang kanyang plato, at nagsimula itong kumain at hindi nagtagal ay napansin niya ako na nakatitig lang sa kanya.“Bakit ka po nakatitig sa akin?” tanong nito.“Oum wala lang gusto ko lang kasing pagmasdan ang magandang mukha nang Anak ko,” at binigyan lamang ako nito nang ngiti.Hindi nagtagal ay tapos na ito kumain at palabas na ito nang bahay, nang kaagad akong lumapit dito at hinalikan sa pisngi.“Bye nak, i love you!” nakangising sabi ko dito, ngunit nin
TW: Death Third Person P.O.V.Nasa bakeshop sila Melissa ngayon at nagkukuwentuhan.“Melissa alam mo ba, okay na daw kay Tanisha na mag file ako nang Annulment sa Daddy niya” nakangising sabi niya dito“Talaga, pero sigurado kaba na okay lang talaga sa kanya?” tanong ni Melissa, sabay uminom ng mainit na kape.“Oo naman, siya nga mismo nagsabi sa akin eh” sabi ni Faith dito.Habang nag uusap sila ni Melissa ay pumasok sa bakeshop si Tanisha.“Hi Tita!” bati nito sa Tita at nag bless siya dito, at kaagad naman itong lumapit kay Faith at hinalikan ito sa pisngi.“Oh anak, napadalaw ka dito?” tanong ni Faith dito.“Opo kasi gusto ko kasi tikman yung pinakamasarap na cupcake niyo dito at gusto ko rin uminom ng chocolate milk,” nakangising sabi ni Tanisha at umupo ito sa tabi ni Faith.Hindi nagtagal ay kumakain na at umiinom si Tanisha nang chocolate milk at strawberry cupcake.“Hmmm sarap” sabi nito habang kumakain nang Cupcake.Maya maya lamang ay dumating si Ivonne dito sa bakeshop nil
“Anak kamusta naman kayo ni Henry?” tanong ko dito.“Uhm ayos lang naman po kami,” nakangising sabi ni Tanisha sa akin.“Alam mo ba anak, bihira lang kung makakilala ka nang katulad ni Henry na may respeto sa babae dahil ngayong mga panahon napapansin ko lang yung mga lakake napakadali lang sa kanila hipuan o di kaya kausapin ang babae na may pagka dirty talk, kaya kung liligawan kani Henry sagutin mo siya pero kailangan magtapos muna kayo ng pag aaral, hmm?” nakangising sabi ko dito.“Mommy naman eh” pa cute na sabi ni Tanisha.“HAHAHA ikaw talaga oh” sabi ko dito habang tumatawa, nagkukuwentuhan kami ni Tanisha nang biglang tumunog ang Cellphone ko na nasa bulsa ko at kinuha ko ito."Anak excuse me lang ha” nakangising sabi ko dito at naglakad palayo sa kanya at sinagot ko ang telepono.[Melissa napatawag ka?] sabi ko sa kabilang linya.[Hello Mam hindi po ito si Melissa nurse po ako sa San Francisco General Hospital] nang sabihin niya yun ay nagtaka ako dahil pano napunta sa kanya a
Nandito ako ngayon sa sala at umiinom ng kape, hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa nangyari sa aking kaibigan, maya maya lamang ay may narinig akong boses na nangagaling sa aking likuran.“Mommy kamusta kanaman po?” mahinahon na sabi sa akin ni Tanisha dahilan ng paglingon ko dito.“Uhm anak ito malungkot parin, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sa Tita Melissa mo” sabi ko dito at may tumulong luha sa aking mga mata dahilan ng pagyakap sa akin nito.“Hayaan niyo po Mommy naandito lang po ako palagi sa tabi niyo, tsaka po si Tita nasa magandang kalagayan narin po siya ngayon kaya wag kana pong mag aalala sa kanya” mahinahon na sabi sa akin ni Tanisha habang yakap yakap ako nito.Naandito ako ngayon sa puntod ng aking kaibigan, at may hawak akong bulaklak, nilagay ko ito sa kanyang puntod.“Uhm Melissa kung nasan kaman ngayon sana naririnig mo ko, salamat dahil hanggang sa kamatayan mo ay hindi mo ko iniwan, pinadama mo ang pakir
Third Person P.O.V.Nakaupo ngayon sa upuan ng kuwarto si Faith at pinagmamasdan ang litrato nilang dalawa nila Mellisa na nakalagay sa frame, ito yung mga araw noong mga high school palang sila, habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata.Maya maya lamang ay may pumasok sa kuwarto nila Faith kaya't naman ay pinunasan niya kaagad ang kanyang mga luha na tumutulo sa kanyang mga pisngi.“Mommy?” maamong sabi ni Tanisha at isinara ang pintuan ng kuwarto.“Uhm anak ano yun?” nakangising sabi ni Faith.“Uhm gusto lang po kitang kamustahin” mahinahon na sabi ni Tanisha sa Ina.“Ayos lang naman ako eh” nakangising sabi nito sa anak“Mommy hindi makakapag sinungaling ang mga mata, alam mo yan” sabi ni Tanisha at hinawakan ang kamay ng Ina.“Mommy alam ko nangungulila ka sa pagkamatay ni Tita Mellisa, pero isipin mo din yang sarili mo, wag kang magpalamon sa lungkot mo dahil kapag nagpalamon ka matatalo ka, dap