LOGINNAGISING si Renese dahil sa sunod-sunod at walang tigil na pagtunog ng phone niya na nasa ibabaw ng side table na katabi ng kama niya. Nang kunin niya iyon ay sabay-sabay na pumapasok ang mga notifications—emails, calls and messages from different brands and fashion houses that suddenly eager to collaborate with her again.
Abala siya sa pagbabasa ng mga ito nang biglang mag-pop-up ang pangalan ng manager niya sa screen kaya mabilis niya itong sinagot. “Hell—” “Oh my god, Renese! What did you do?! Danzari’s scandal has been cleared overnight!” putol nito sa sasabihin niya sa hindi makapaniwalang boses. She knows. Kahit siya ay hindi rin makapaniwala na kaya talaga gawin ni Zoren ang sinabi nito sa kaniya kagabi. “I don’t know,” she lied. Hindi niya pwedeng sabihin sa manager niya ang dahilan kung bakit gano’n bigla ang nangyari. Her pride won’t let her. Ano na lang ang sasabihin at iisipin nito sa kaniya kapag nalaman na pumayag siyang magpakasal sa isang lalaking hindi niya kilala para lang mailigtas ang Danzari? Vilmie will surely judge her! “Gosh! Alam mo bang sobrang init na ng phone ko dahil sa sunod-sunod na emails and different contract na natatanggap ko para sa’yo? I can’t believe this is happening,” bakas ang pagkamangha sa tinig ni Vilmie sa kabilang linya. “What’s the status?” tanong niya habang bumabangon. Diretso siya sa banyo at naghilamos dahil kailangan niyang magising nang tuluyan “Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. The nightmare that almost killed your brand is magically erased, Rera. May exclusive report kanina sa media na naglabas na ng legal statement and evidence ang Maison Durellé na nagsasabing sila nga ang nagpakalat at nag-sabotage ng sketches mo. Sila rin ang nag-leak ng portfolio mo para maipit ka! Inamin nila ang sarili nilang baho.” “I knew it!” she exclaimed. She can’t believe that someone could do something like that to her! She wasn’t even doing anything wrong! Wala siyang ideya kung sino ang gumawa no’n sa kaniya sa totoo lang. Ang buong akala niya ay parehas lamang silang biktima rito ngunit hindi pala! Nagpaalam na rin kaagad si Vilmie dahil magtatrabaho na raw ito. Kailangan na kasi nitong asikasuhin ang mga emails dahil baka magbago pa raw ang mga isip ng mga possible investors at business partner nila. Magaan ang dibdib niyang lumabas sa kwarto niya para pumunta sa kusina ng condo niya at naghanda ng almusal niya. Pakanta-kanta pa siya habang naglalagay ng gatas sa cereal na kakainin niya. She doesn’t know how to cook, that’s why her fridge only has things like these. Dala ang mangkok ng cereal ay pumunta siya sa sala at binuksan ang TV. She even rested her foot on top of the center table while keeping herself busy watching the news about Danzari and Maison Durellé, which are still making headlines to this day. Feeling niya ay lahat ng stress na naramdaman niya sa loob ng tatlong araw ay worth it kung ganito naman ang kakalabasan. Well, thanks to Zoren, of course. Nang ma-bored siya ay nilipat niya ang channel ng pinapanood niya at kusang tumigil ang daliri niya sa pagpindot ng remote sa isang talk show channel na para sa mga business personnel. Si Zoren kasi ang ini-interview sa talk show na iyon. He was seated on a long black velvet couch with his legs crossed in a manly way. “Mr. Voss, you’re one of the most elusive figures in the business world and arguably the most talked-about hot bachelor. Mind if I ask... is your heart taken?” tanong ng baklang host na nag-iinterview sa dito. Umayos ng pagkakaupo si Renese sa couch dahil parang na-intriga din siya sa isasagot ng lalaki. Binaba niya ang mangkok na may lamang cereal nang hindi inaalis ang tingin sa television. Zoren smirked slightly. “That depends on what you mean by ‘taken’.” The interviewer grinned. “Let me rephrase that. Is there someone who keeps you up at night?” “There’s someone who’s been in my mind for years. The kind you don’t forget no matter how much power or money you have,” seryosong sagot ni Zoren. Hindi mapigilang mapangiwi ni Renese dahil sa narinig. Mayroon na pala itong nagugustuhan pero bakit siya ang inalok nito ng kasal? Nahihibang na ba ito? Dinamay pa talaga siya sa kabaliwan ng binata! “That sounds intense, Mr. Voss. Does she know?” tanong ulit ng interviewer na tila kinikilig habang nakatingin kay Zoren. Zoren pause and speaks in a low voice. “She knows now.” Tumingin ito sa camera. Mabilis na nag-zoom ang camera dahilan upang magtama ang paningin nila sa screen. Malakas na napasinghap si Renese dahil pakiramdam niya ay nakikita siya nito sa mga oras na iyon. Mabilis niyang pinatay ang TV at biglang tumayo habang namumula ang mukha sa hindi niya alam na dahilan. Minutes later, nakatanggap siya ng text galing kay Vilmie na nag-arrange raw ng press conference para mamayang gabi ang Summit Media Network—ang pinakamalaking media network ngayon sa Pilipinas—para sa pagbabalik niya at ng Danzari. Renese is back on track, so she got ready to go to the mall and have herself prepped for the press conference happening later. Tinawagan niya rin ang kaibigan na si Shoelie para samahan siya. “I canceled my photoshoot para samahan ka ah, libre mo ‘to,” sabi sa kaniya ng kaibigan habang papasok sila sa loob ng salon. “A-huh. Don’t worry, it’s on me. Hindi mo na kailangang maglabas ng kahit na ano,” nakangiti proud niyang tugon. They were greeted by the salon staff before being politely accommodated. Renese had her hair done. She had the roots of her wine red, shoulder-length hair retouched. She also got a manicure and pedicure. Honestly, kakapunta niya lang ng salon last week at dahil nga ilang araw siyang stress ay pakiramdam niya tumanda siya ng tatlong taon! Gabi na ng matapos sila. Nagpaalam na si Shoelie na may date pa raw ito na kailangang siputin samantalang siya naman ay tinawagan na si Vilmie para sunduin siya sa mall. Dederetso na kasi sila Summit Media Network building kung saan gaganapin ang press conference. “What took you so long, Vilmie Jiang?” maarteng tanong niya sa manager. Vilmie rolled her narrow eyes. “Excuse me? It’s traffic, Ms. Kensington. Nasa Pilipinas tayo hello?” sarkastikong turan nito. Inirapan na lang din niya ang manager niya bago pumasok sa loob ng sasakyan. Mabilis na lang silang nakarating sa SMN building dahil mas mabilis ang usad ng traffic sa kabilang bahagi ng daan kaysa sa kabila kung saan dumaan si Vilmie kanina. “Good evening, Ms. Kensington. It’s nice to see you again,” bati sa kaniya ng isang staff ng Network. She smiled. “Good evening.” Sinabihan siya nito na magsisimula na raw ang press conference within five minutes. Live kasi itong ieere sa TV dahil ilang araw na ring usapan ang issue na ‘to sa Pilipinas. Inalok siya nito sa isang kwarto na punong-puno ng reporter at cameras. May mga namumukhaan siyang iba dahil nakapanayam niya na noon ang mga ito. Saktong pag-upo niya sa harap ay dumako ang paningin niya sa pamilyar na pares ng mga mata. She gulped. He was looking at her intensely at the back. Nakasuot ito ng itim na facemask habang pwerteng nakaupo at nakasandal sa isang monoblock chair. Kahit naka-facemask ito ay hindi siya pwedeng magkamali. Nakita pa lang niya ito kanina sa TV! “What are you doing here, Mr. Voss?” She whispered softly to herself, in a voice only she could hear.UNTI-UNTING binuksan ni Renese ang kanyang mga mata. Unang tumama ang kanyang paningin sa puting kisame ng silid—everything feels heavy, blurry, and distant. The scent of a familiar medicine comes inside her nostrils, a sign that she’s in the hospital.Her head throbbed. She tried to open her mouth to speak, but no sound came out. Her body feels numb and weak; the pain lingers, but it’s dulled.How did I get here? What happened?Nang subukan niyang ilibot ang kaniyang paningin ay bumagsak ito sa asawa niyang naimtim na natutulog sa gilid ng kama niya habang hawak ang kanyang kamay.Renese didn’t make a sound upon seeing that. A soft smile forms on her lips as she watches him asleep. She noticed his tired face—the dark circles under his eyes and his unshaved, clenched, perfect jaw.He looks so stressed.Renese bit her lower lip upon realizing what happened.Shattered glass. Car overspeeding. Blood.Yeah, she had an accident, and she’s in the hospital. She’s alive. Gosh, she thought she
DAHAN-DAHANG hinimas ni Zoren ang kamay ni Renese na may nakatusok na IV line. He’s sitting next to his wife’s hospital bed, staring at her unconscious form. The only sound inside the room is the machines’ soft beep. Zoren studies her face—bruises faint under the bandage, lashes resting too still. He gently brushes a stray strand of hair away from her forehead. “I’m sorry for not being able to protect you enough, wife. I’m sorry for not being there when you needed me. Please fight. Don’t leave me… not now. Not like this,” Zoren susurrated, pleading. He leans forward, resting his forehead lightly against her knuckles. Tatlong oras na ang nakalipas simula nang ilipat si Renese sa private room nito para doon i-monitor. Kahit na nakikita naman ito ni Zoren ay hindi niya pa rin magawang mapanatag hangga’t hindi niya ito nakikitang magising. He’s not the type of man who prays. He didn’t even know if he knew God—but tonight, he found himself praying. A soft knock breaks the stillness. Su
HINGAL NA HINGAL at tagaktak ang pawis si Zoren nang makarating sa St. Raphael Medical Center na pinakamalapit na hospital sa pinangyarihan ng aksidente. May mga humarang na sa kanyang media upang makibalita ngunit hindi niya ang mga ito pinaunlakan. He needs his wife and nothing else! Nang makarating siya sa emergency room na naka-pula pa rin ang ilaw ay nakita niya roon sina Vilmie, na sekretarya ng asawa niya, at ang kaibigan nitong si Shoelie, na parehong namumutla at bakas ang pag-aalala sa mukha. “What happened?!” he asked immediately. “M-Mr. Voss…” Vilmie muttered. “I said, what happened?!” he roared, starting to lose control because of anxiety. Shoelie stood up. “Mr. Voss, can you please calm down? We’re in front of the emergency room, and Renese is inside. Baka makaistorbo tayo sa loob,” seryosong saway sa kanya ni Shoelie. Zoren took a deep breath and massaged the bridge of his nose. He put his hand on his waist in a manly way, trying to calm himself first while walki
TAHIMIK LANG si Renese habang nakatitig sa labas ng bintana papunta sa restaurant kung saan niya kikitain ang boyfriend ni Ravisse. It’s been two weeks since they started to investigate Ravisse’s past, and it’s harder than they ever imagined. Hindi naging madali para sa kanilang kumbinsihin ang boyfriend ng kapatid niyang makipagkita sa kaniya. They tried to talk to him many times ever since they found his address, but they got rejected many times as well. So she didn’t expect him to call her last night and tell her that he wanted to meet and talk. Hindi niya kasama si Zoren ngayon dahil nagkaroon ng malaking problema sa kumpanya nito na hindi maaaring ipagpabukas. Gustuhin man nitong samahan siya, pero pinigilan niya ito. She can handle herself. Tsaka sigurado naman siyang hindi siya mapapahamak kagaya ng pinag-aalala nito dahil dalawang sasakyan ba naman ang ibinigay nito sa kanya na puro guards. Naputol ang malalim na iniisip ni Renese nang binalot ng malakas na ringtone ng phon
“RENESE, DARLING! You look tired. Manila life is wearing you down, I see. Come in, come in! I have so many pasalubong to show you fresh from Europe!” excited na bunga sa kaniya ng ina niyang si Roxanne nang makapasok siya sa mansion nila.Bumungad sa kaniya ang sala na punong-puno ng mga paper bag na may tatak na mamahaling brands. Well, iyan lang naman ang luho ng ina niya—ang mag-shopping hanggang sa maubos na ang dala nitong pera.Kakagaling lang kasi nito mula sa isang buwang bakasyon sa Europe, specifically from Switzerland, France, and Italy.“Ang dami naman nito, Mommy,” puna niya at saka kumuha ng isang paper bag bago sinilip ang laman. It was the limited edition Fall-Winter Collection of Chanel.Roxanne chuckled. “Paris, Milan, Rome—I raided them all, darling! Chanel, Prada, Gucci—well, you name it, I bought it.”“You shouldn’t have, Mom. I have a lot of this in my condo. Wala nang space,” aniya.“Nonsense. A little luxury never hurt anyone. Besides,” Roxanne’s eyes twinkled,
RENESE FELT heavy as she entered her husband’s car, which had been waiting for her for a while. She’s overwhelmed and heartbroken by her father’s words, which are much more painful than the ones she receives from social media. “How was it, wife?” Zoren smiled but instantly vanished when he saw her distress. “What’s wrong? May nangyari ba?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya. She bit her lower lip and threw herself on Zoren’s arms. Nabigla naman ang asawa dahil sa ginawa niya ngunit ‘di nagtagal ay niyakap din nito ang babae na humihikbi. “What’s happened, baby?” Zoren muttered. Renese spoke, sobbing, “He... he blames me, too. My dad. He said... terrible things and it hurts...” Zoren rubbed her back to calm her down. Panay ang halik nito sa tuktok ng ulo niya na para bang sinasabing nandito lang ito. “Shh, don’t listen to him. He’s wrong. I’m here for you always, ‘kay? He’s blinded by his feelings for Lilithas,” he hushed. Nang kumalma na siya ay sinalaysay niya kay Zoren ang la







