Share

Chapter 5 - Scream For Me

Nagising si Ellah dahil sa kumakalam niyang sikmura. Tingin niya ay nagpapatayan na ang mga alaga niya sa loob at balak yatang gawing umagahan ang kaniyang bituka.

Napatingin siya sa labas – kahit nakasara ang bintana –alam niyang tirik na ang araw dahil sa maliit na siwang na nagsusumiksik sa maliit na espasyo ng bintana. Dahan-dahan siyang tumayo, pero ganoon na lang ang pag-ikot ng kaniyang ulo at panlalabo ng paningin. Bigla siyang napabalik ng upo sa kama. Doon lang niya napansing iba na ang kaniyang kasuotan.

Don't tell me . . .

Nanlaki ang kaniyang mata nang silipin niya ang suot na undies – walang iba, kundi ang boxer short ng binata. May kahigpitan pa ang pagkakabuhol ng laso sa kaniyang baywang.

God!

Ngayon lang nag-sink in lahat sa kaniyang utak ang buong nangyari kahapon at kung paano siya muntik nang mahulog sa bangin.

"This time, you'll eat what I cooked." Mula sa pintuan ay pumasok ang lalaki na hindi nababakasan ng anumang emosyon sa mga mata. Pati boses nito ay nagbibigay ng kakaibang takot sa buong sistema ni Ellah. "Huwag mong subukang tumakas ulit sa'kin, at baka pagsisihan mo."

"Ba-bakit mo pa a-ako iniligtas?" tanong niya rito nang sumabog ang pagtataka sa kaniyang isip. Bahala na siguro kung magagalit na naman ito at itatapon na naman sa kung saan ang bitbit nitong tray na may lamang pagkain.

Tumiim ang mga titig nito sa kaniya, at naramdam niya ang talim ng mga mata nito at panganib na dala. "Simple . . ." panimula nito at inilapag sa ibabaw ng kamang kinaroroonan niya ang pagkain. "I love dirty games."

Paisa-isang dumausdos ang mga luha niya na tila hindi napansin. Heto na naman sila – nambubulabog sa kagandahan ng kaniyang mukha! Bakit ba hindi na siya nasanay na ang lalaking kaharap ay isang taong walang puso at may saltik sa utak?

"Ang sama mo . . . wala kang puso!" halos pabulong niyang tugon – tila ba hangin lamang ito na nalusaw sa kawalan nang mabilis na nag-unahang bumagsak ang mga luha niya.

Tiningnan siya nito. "Yeah, I am. What's new?"

"Anong bago? Ang bago ay isa kang taong may saltik sa ulo!" hindi niya napigilang sigaw. "Isa kang baliw, Mr. Malcogn. Bakit hindi mo subukang magpunta sa mental institute at ipagamot ang pagiging baliw mo?" Namumula na ang mukha niya dulot ng galit na umaapaw sa mismong damdamin.

Hindi naman natinag ang binata sa sinabi niya. Nanatili lang itong walang emosyon at parang nababagot sa inaasal niya. "Right after I kill your father, susundin ko 'yang payo mo."

"Demonyo ka!"

"Kainin mo na ito kung ayaw mong ganito kaaga ko patayin ang ama mo," may pagbabanta anito. "Gusto mo yatang mangyari 'yon."

Nanginig ang tuhod ni Ellah nang marinig iyon. Kahit ayaw niyang kainin ang dala ng lalaki – kahit gutom at nag-aaway na ang mga bulate niya sa tiyan – kapag ang kaniyang ama na ang pag-uusapan ay gagawin niya ang lahat ng gusto ng isang Cuhen Malcogn.

Kapagkuwa'y tumalikod ito at nagtungo sa pintuan. Bago nito ipinihit ang seradura ay nagsalita ulit ito,"And, in case you didn't know . . . nasa isolated mountain tayo. Don't bother to trick me again, that would be useless. We came here by chopper, and if you wanna get killed, be my guest." Hindi na siya nito hinayaang makapagsalita at tuluyan nang lumabas paalis.

Mas lalo siyang napaiyak sa realidad na kinasadlakan niya lalo pa't malabo siyang makakatakas sa lugar na ito. Napahagulhol na lang siya sa magkabilang palad niya at marahang nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan ang ama niya. Dahil kung hindi man ay hinding-hindi niya mapapatawad ang lalaki at isusumpang papatayin niya ito sa ikalawang buhay kung mayroon man.

Mapait siyang napangiti nang matapos niyang ubusin ang lahat ng pagkain na dinala ni Cuhen. Aaminin niyang masarap itong magluto, pero nanatili ang pait na nararamdaman niya sa realisang kinidnap siya nito at itinago sa lugar na ito.

Wala rin siyang planong tumakas. Para ano pa? Ayaw niya itong bigyan ng rason pa na mapadali ang pagkamatay ng ama niya. At natuon ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana . . .

"My God, Rai! Si Mr. Cuhen of my life. OMG, ang hot niya talaga to the moon and back ang dating. Kailan ba niya ako mapapansin?" exaggerated na saad ng pinsan niya at nangalumbabang pinagmasdan ang lalaki mula sa TV na nasa kaniyang kwarto.

Natawa naman siya sa inasal nito. "Hindi halata na sobrang crush mo siya."

Naghugis-puso naman ang mga mata nito nang bumaling sa kaniya. "Alam mo ba na dinarasal ko nang paulit-ulit na sana si Cuhen-my-labs ang boyfriend mo!"

Batok ang natanggap nitong sagot mula sa kaniya. "Gaga ka talagang lukaret ka! Bakit ako, ikaw na lang sana, 'no! Saka may fiancèe na 'yang tao, oh."

Tumawa naman ito na tila kinikilig pa. "FYI, hindi na ako puwede dahil engaged na ako, at gustong-gusto ko si Cuhen para sa'yo, Rai. Sana, magloko ang panahon at mapansin niya tayo . . ."

Binato niya ito ng unan sa mukha. "Matulog na tayo!" natatawang saad niya. "Masyadong imposible 'yang pangarap mo."

Pero nang gabing iyon . . . bago niya ipinikit ang mga mata, somehow, inisip niya na sana kahit isang minuto lang ay magawa niyang makadaopang-palad ang binata at makita sa malapitan ang napakaguwapo nitong mukha.

Ipinilig niya ang ulo sa munting alaalang iyon. Nagdesisyon siyang humiga na lang sa kama at magpahinga. Hindi niya namalayang tinangay siya ng antok. Ito lang ang tanging paraan niya para takasan saglit ang sakit na umaalipin sa kaniya ngayon. Nagising lang siya nang maramdamang may matang nakatitig sa kaniya.

Eksaktong nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Cuhen nang magmulat siya. Alertong napabalikwas siya ng bangon at napasiksik sa kama. Nasa paanan niya si Cuhen – nakatayo at mataman siyang pinagmamasdan habang may hawak na whisky sa isang kamay at halatang lasing na dahilan para hatakin niya ang kumot at itinakip sa katawan. Hindi niya gusto ang nababanaag na kislap sa mga mata ng binata. Sana'y nagkakamali lang siya sa nababasang halong galit at pagnanasa na nakalarawan sa mga mata nito.

Hindi pa nakalipas ang isang minuto ay biglang nag-ring ang phone nito at wala sa loob na sinagot nito habang sa kaniya nakatutok ang mga mata.

"Yes. How is he? Lock that old man for me. Make sure he can't escape . . ." anito sa kabilang linya.

Napasinghap si Ellah at hindi makapaniwala sa narinig. Ibig sabihin lamang nito ay hawak ng demonyong ito ang kaniyang ama!

"No. As of now, don't kill him. Nagsisimula pa lang ako sa larong gusto ko."

Tila piniga ang puso niya nang sandaling iyon, at gustong-gusto niyang basagin ang mukha nito sa sobrang galit na nararamdaman. Napakawalang-puso nito para gawin ito sa ama niya – ang dakpin at ikulong na walang kasalanan! Ganito na ba kalala ang pagkabaliw nito?

Humarap ito sa dingding na may malalim na iniisip. "Okay, I'll call you later. Secure the cage of that old man, and don't feed him till he starved to death—"

Isang babasaging bagay ang lumipad na saktong tumama sa mukha nito na hindi nito napaghandaan. Nabitawan naman nito ang phone na hawak at matalim ang mga matang tumingin sa kaniya kapagkuwa'y ngumisi saka bumaling ang tingin sa sahig kung saan bumagsak ang nabasag na anghel na pigurin na tiyak ay nahablot niya sa bedside table.

Napailing-iling at labis na pinagsisihan iyon ni Ellah nang makitang mali ang kinahinatnan ng naging galaw niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang sunod-sunod nitong nilagok ang natitirang laman ng whisky at itinapon sa kung saan ang bote. Lumikha iyon ng ingay nang mabasag, pero hindi roon natuon ang kaniyang atensyon.

"Huwag kang lalapit sa'kin!" Nagsimula na namang mangatog ang buong katawan sa takot nang sumampa ito sa kama. Napasigaw siya nang hawakan nito ang mga paa niya. Dali-dali niya itong pinagsisipa at lumundag sa kama para takbuhin ang pintuan. Hindi niya papayagan na sa ikalawang pagkakataon ay babuyin nito ang katawan niya. Hindi!

"At sa tingin mo, saan ka pupunta, babae?" Hinablot nito ang dulo ng kaniyang damit at walang kahirap-hirap na inihiga siya pabalik sa kama.

Hindi masukat ang lakas ng sigaw na kumawala sa bibig niya habang pilit niyang kinakalmot ang mukha nito. Nagtagumpay siya. Nagawa man niyang kalmutin ang kaliwang pisngi nito nang sandaling nakahulagpos ang kaniyang kamay ay saglit siyang natigilan nang mapansing namula ang bahagi ng mukha nito sa tinamong sakit mula sa pagbato niya ng pigurin. Kahit hindi niya tanungin ay alam niyang masakit iyon.

"Dahil sa walang kuwenta mong ama, nawala ang kaisa-isang babaeng pinangarap kong makasama habambuhay." Bakas naman sa boses nito ang sakit at galit sa paratang nito laban sa kaniyang ama.

Napaigik siya sa sakit nang hawakan nito ang kaniyang kamay, iminuwestra paitaas sa kaniyang ulo at dinaganan ang kaniyang katawan. Hindi siya makagalaw! Nagsisigaw rin siya ng tulong, pero kahit pa yata mamaos ang kaniyang boses ay batid niyang walang sasaklolo sa kaniya. Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay, at hindi niya alam kung paano nito naigapos ang kamay niya sa headboard ng kamang yari sa kawayan. Ngumisi ito nang makitang natigilan siya sa nangyari.

"Damn you, Cuhen Malcogn! I'll sue you once na makawala ako sa pesteng lugar na 'to. Pagbabayaran mo ang—" Hindi niya na naituloy ang ibang gustong sabihin nang bigla siya nitong sinunggaban ng halik. Gusto man niyang umiwas, pero hindi niya magawa dahil sa isang kamay nitong nakahawak sa kaniyang pisngi habang ang isa naman ay nasa kaniyang dibdib. Marahas ang halik na iginagawad ng lalaki dahilan para mapangiwi siya at pilit na nilabanan ang mapag-angkin nitong mga labi.

Nagpatuloy lang iyon na may isang segundong agwat para maghabol ng hininga. Hanggang sa puwersahan nitong binuksan ang kaniyang bibig, pero hindi niya ito pinahintulutan. Naghalo na rin ang sipon at luha sa buong pisngi niya para ipamukha rito na hindi niya gusto ang ginagawang kahayupan. Pero nang pisilin nito ang isa niyang dibdib ay napasinghap siya dahilan para mabigyan ito ng maliit na espasyo na ipasok ang dila nito at gigil na gigil na ginalugad ang kaniyang bibig.

Ang kamay nito ay dahan-dahang bumababa patungo sa ibabang parte ng katawan niya. No!

Gusto niyang humiyaw at magmakaawang itigil ang ginagawa nito, pero hindi niya maisantinig iyon dahil busy ang binata sa pag-angkin ng kaniyang mga labi sa maparusang paraan. Halos malasahan na rin niya ang dugo na kumakawala sa mga labi niya.

Sandali itong tumigil at napaismid na tiningnan siya. Akala niya ay aalis na ito at iiwan siyang luhaan, pero muli siyang suminghap nang hilahin nito ang kaniyang suot at pinunit.

"No!" ang tanging sambit niya para magprotesta. Gusto niyang takpan ang dibdib kahit pa nakita na nito iyon simula pa noong araw na dinala siya rito.

Biglang umurong ang luha niya ganoon din ang kaniyang katawan nang magsimula itong maghubad sa harapan niya. Napalunok si Ellah nang makita ang pagkalalaki nito sa ikalawang pagkakataon. Mabilis niyang ipinikit ang mga mata sa tiyansang hindi niya iyon makita. Hanggang sa napasigaw siya nang hatakin nito ang kaniyang paa at hinila ang pang-ibabang kasuotan niya.

Pinagsisipa niyang muli ito, pero isang nakakalokong ngisi lamang ang naglaro sa mga labi nito na tila hayok itong makuha siya. Napangiwi siya sa sakit nang dinaganan ulit siya nito. Langhap na langhap niya ang alak sa hininga nito. Pakiramdam niya ay nalalasing siya sa amoy-alak na galing dito. Kasunod niyang naramdaman ay ang paghalik ng binata sa kaniyang leeg, paibaba sa kaniyang dibdib.

Ang kaninang iyak at sigaw na humuhumyaw sa bawat sulok ng silid' ngayon ay napalitan ng singhap at ungol na mismong lumalabas sa bibig niya.

Wake up, Ellah, wake up! Hindi ka puwedeng mawala sa katinuan dahil

Nawala siya sa huwisyo nang sakupin nito ang isa niyang dibdib, habang ang isang kamay nito ay dinama at minasahe ang kabila. Buong katinuan niya ay biglang tinangay ng hangin nang maramdaman ang kakaibang sensasyon na lumulukob sa kaniyang pagkatao. It's her first kaya dayo ang pakiramdam na ito sa kaniyang nag-aalab na sistema, lalo na nang s******p ng binata ang nipple niya. Umarko ang kaniyang katawan at hindi napigilang mapasinghap sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Gusto niyang patigilin ito, pero paano? Pati sarili niya at katawan ay hindi niya na kontrolado. Hindi siya ito!

Nagpatuloy ang binata at walang sawa ito sa pagsamba sa kaniyang dibdib. Kung hindi man nito pinipisil ay s********p naman nito at pinaglalaruan ng dila niya na mas lalong nagpapaliyad ng kaniyang katawan dulot ng sobrang nakababaliw na sensasyong ipinapadama nito.

Diyos ko! Siya lang yata itong abducted na nasasarapan sa ginagawa ng kaniyang abductor. No! Gusto niyang mag-isip nang matino sa parusang ibinibigay nito sa kaniya. Ito ba ang parusang sinabi nito?

Bakit parang . . .

Parang . . .

Hindi ito parusa para sa kaniya?

Mariin siyang napapikit nang maramdaman niyang may kamay na dumantay sa kaniyang pagkababae. Of course, hindi niya na kailangan pang itanong kung kaninong kamay iyon lalo na nang maramdaman niyang dahan-dahang ibinuka nito ang kaniyang hita. Napasinghap siya nang bigla nitong ipinasok ang daliri sa kaniyang hiyas.

"You're wet, sweetheart," pabulong na saad nito, sapat lamang para umabot sa kaniyang tainga.

Napakapit siya sa taling nakagapos sa kaniya nang maramdamang pinaglalaruan ng binata ang clitoris niya. Gusto niyang gisingin ang sarili sa kahibangang ito, pero sa tuwing gagawin niya iyon ay puro ungol ang lumalabas sa kaniyang bibig. Tila may sariling isip ang kaniyang hita at bumuka ito lalo para bigyan ng access ang daliri ni Cuhen na ngayon ay nanunuksong pinaglalaruan ang pagkababae niya.

Napasigaw siya nang pinaikot-ikot nito ang daliri sa clitoris niya. Pakiramdam niya ay may gustong lumabas sa kaniyang sinapupunan. Naiihi siya! Pinipigilan niyang hindi mapaihi, pero nang sundutin nito ang kaniyang loob ay hindi niya napigilang mapaungol, kasabay ring iyon ang pagbulaga ng likido mula sa kaniyang pagkababae. Hindi pa man siya tapos sa pagmumuni dulot ng kakaibang sensasyong bumalot sa sistema nang iminuwestra nito ang ulo sa kaniyang pagkababae. Nagulat siya nang marealisang bibig na mismo ng binata ang maglalaro sa kaniyang hiyas. Lalong umigting ang sensasyon sa kaniyang katawan.

Oh, God, no! No!

Umarko lalo ang kaniyang katawan nang sinimulan nitong dilaan ang kaniyang hiyas.

Ano bang ginagawa sa kaniya ni Cuhen? Why does she find herself wanting the moves of his tongue against her clitoris and a lot more? Ano bang naipakain niya rito? Nababaliw na siya! Pabaling-baling ang kaniyang ulo nang maramdaman na naman niyang para siyang maiihi.

"Stop it!" hiyaw niya.

"Let it go, sweetheart. Cum to me."

Tawagin man siyang hibang nang tila ba hindi niya na kayang kontrolin ang isip at katawan, at sinunod nga niya ang sinabi nito. Hindi niya na kayang pigilan pa ang bagay na umuusbong sa kaniyang sinapupunan. Napaungol siya sa pakiramdam nang tuluyan siyang sumabog.

Dinilaan naman ng binata ang kaniyang pagkababae at s******p ang likidong lumabas doon na tila uhaw sa ganoong klase ng lasa. Nababaliw na talaga siya! Siya na yata itong dapat dalhin sa mental institute sa nangyayari ngayon.

Pinasok ni Cuhen ang isang daliri nito sa bukana ni Ellah; aminin man niya o hindi, nakikiliti siya sa ginawa nito at nasarapan.

"P-please . . ." Hindi niya alam kung para saan ang kaniyang pakiusap o kung bakit niya iyon nasambit sa kalagitnaan ng nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Hanggang sa naramdaman niyang tumigil ang binata sa ginagawa at eksaktong nagtama ang kanilang mga mata. Sinalubong niya ang maitim nitong titig habang nakaawang ang kaniyang labi.

"Damn you!" Mabilis nitong sinugod ang bibig niya at hinalikan siya nang puno ng pagnanasa. Ginalugad nito ang kaniyang bibig, at kusa siyang tumugon sa halik na ginawa nito.

Ginaya niya ang galaw ng labi ni Cuhen, at kung hindi siguro siya nakatali ay kanina pa siguro siya yumakap sa leeg ng binata at sinabayan ang nakababaliw na ritmong ginawa nito. Damn! No one told her that it feels this way – sweet yet seductive.

Napangiwi siya nang maramdamang ipinasok na nito ang kahabaan sa kaniya nang sandali itong tumigil. Masakit pa rin iyon. Dahil sa laki nito ay nasasaktan siya. Pero agad ding nawala ang hapdi nang tuluyan na itong nakapasok, isabay pa ang paghalik nito sa leeg niya.

Dahan-dahang gumalaw ang katawan nito sa kaniyang ibabaw. Nakagat niya ang kaniyang labi dahil sa pag-a-adjust na ginawa niya sa kahabaan nito.

Tanging ungol ang nagpapantig sa kanilang mga tainga mula mismo sa kaniyang bibig nang bumilis ang paglabas-pasok nito sa kaniya.

Hindi niya alam kung saan ibabaling ang ulo sa naramdamang sensasyon. Napapasigaw siya sa pangalan nito tuwing sinasagad nito ang kahabaan at kinakagat ang kaniyang leeg.

"Scream for me . . . yeah, scream for more." Bumangon ito para hawakan ang kaniyang baywang saka mas mabilis na binayo ang kaniyang pagkababae.

Ayan na naman ang pakiramdam na parang gustong may sumabog mula sa kaloob-looban niya. Bago pa man niya napigilan ang sarili ay kusang lumabas iyon dahilan para makagat niya ang kaniyang labi. Lupaypay ang kaniyang katawan pero hindi si Cuhen. Patuloy pa rin ito sa pagbayo sa kaniya, at paminsan-minsan ay kinukuyumos siya ng halik at pinipisil ang kaniyang dibdib. Hindi pa ito nagkasiya, at pinatagilid siya nito na mula sa likuran ay mabilis siyang binayo.

Naghihina na ang kaniyang tuhod. Natitiyak niyang ilang segundo na lang ay babagsak siya. Pero kasunod niyon ay naramdaman niya ang mainit na likidong pumuno sa kaniyang sinapupunan. Napapikit siya. Dala na rin ng pagod ay hindi na kinaya ng kaniyang katawan ang manatiling gising. Bago pa siya tuluyang gupuin ng antok ay narinig niyang may ibinulong ang binata.

"I love you, Florae . . ." 

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Mannel Dalupang
unlock na po...
goodnovel comment avatar
Luz Umerez
unlock pls.
goodnovel comment avatar
Marvzjean Mendoza
pede papasa ung libre hehhee
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status