Share

Chapter 4 - Come On, Drink!

Author: VraielLajj
last update Last Updated: 2021-01-02 09:15:57

Sa pagmamadali niyang makalayo kahit imposibleng matakasan niya ito sa ganitong ayos ay hindi niya napansin ang napakataas na bangin sa dinaraanan. Ang tanging gusto niya ay matakasan ito at maisalba ang sariling buhay. Pero sa isang hakbang niya ay naramdaman niyang kumawala ang kaluluwa niya. Isang malakas na tili ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Pasalamat na lamang siya sa kaniyang sarili dahil sa alertong namutawi sa sistema para lamang makahawak sa nakausling ugat ng puno. Kung sakaling mang hindi siya nakahawak ay malamang durog at patay siyang bumagsak sa ibaba.

"Damn!" Hindi niya namalayang nasa kaniyang harapan na ang lalaking kanina pa niyang pilit na tinatakasan. Mabilis itong dumapa sa lupa at iniabot ang kaniyang kamay. "Grab my hand, woman!"

Umiling siya. Hindi niya puwedeng abutin ang kamay nito, dahil sa oras na abutin niya ito ay mawawalan ng saysay ang pagtakas niya. Pumatak muli ang mga luhang nagpapatunay sa kaniyang kahinaan.

"Bullshit! Grab it now!" malakas na singhal nito.

Pumikit siya. Ayaw na ayaw niyang tanggapin ang tulong na ibinibigay nito, pero ayaw naman niyang tuluyang mahulog sa bangin. Sa tantiya niya ay lagpas one-hundred feet ang taas nito plus creeping creatures pa. Sa pagdadalawang-isip ni Ellah ay hindi niya napansin ang dahan-dahang pagkaputol ng maliit na ugat kung saan siya nakakapit.

Hindi masukat ang lakas ng sigaw niya. Muntik na itong lamunin ng bangin kung hindi lamang naka-responde ang lalaking kasama niya. Ang bigkis ng kamay nito sa kaniyang pulsuhan ang nagsilbing lakas upang iangat siya mula sa bingit ng kamatayan. Narinig pa niya itong nagsalita, "I got you!"

Ilang sandali pa ay nagpiyesta ang mga butil ng ulan sa alapaap, kasabay ring iyon ang tuluyang pag-angat nito sa kaniya.

"P-papatayin mo na ba ako?" nangangatal sa takot na tanong niya. Para siyang isang basang sisiw na iniwan ng inahing manok at nawawala. Wala siyang nakuhang sagot mula kay Cuhen. Walang emosyong ipinangko siya nito habang patuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. Ang lalaking may balak patayin siya ay narito sa kaniyang harapan at iniligtas siya.

Bakit pa siya tinulungan nito kung papatayin lang siya nito? Puwede naman siya nitong hayaan na mahulog na lang, dahil ito naman talaga ang plano nito sa una pa lang.

She felt hopeless. Ang nag-iisang pag-asa niyang makatakas ay wala nang saysay. Mukhang kailangan niya nang tanggapin na ito ang buhay na naghihintay sa kaniya. Ang malakas na buhos ng ulan ay nagpadagdag sa bigat ng dibdib niya sa mga sandaling ito.

Inaamin niya sa sariling si Cuhen Malcogn ay isang lalaking nagtataglay ng kakaibang karisma. Nag-uumapaw ang sex appeal at idagdag pa ang mga mata nitong tagos sa kaluluwa kung makatitig. Every woman desired to be his girl. Kahit may fiancèe na ito ay maraming babae ang nabaliw pa rin sa lalaki.

Ang lawak ng source niya sa binata. Kung ito ba naman ang laging laman ng mga babaeng employee ng kaniyang ama sa tuwing naririnig niyang nagtsi-tsismisan ang mga ito. Pinangarap niya dati na makita ito sa personal, dahil hinahangaan niya ang taglay nitong talino at husay sa pagpapatakbo ng negosyo na ngayon ay namamayagpag sa buong Asya. Pero ngayon – imbes na paghanga ang nararamdaman niya galit – takot at pagkasuklam ang kaniyang nararamdaman.

Dahil sa naramdamang pagod, hindi niya namalayang nawalan siya ng malay sa mismong bisig nito habang hilam sa luha ang kaniyang mga mata.

***

Napasulyap si Cuhen sa dalagang pangko-pangko niya. Napailing siya nang mapansing nakatulog ito. Pinasakit ng babaeng ito ang ulo niya sa kahahanap. Akala siguro nito ay matatakasan siya. Siya lang ang nakakaalam sa pasikot-sikot ng lugar, kaya halos manggalaiti siya sa galit nang maisahan siya nito.

Kung hindi pa siya bumalik ng bahay dahil nakalimutan niyang dalhin ang baril for in case of emergency ay hindi niya pa nalaman na sa kanang bahagi tumakbo ang dalaga. Ilan sa mga tanim na bulaklak ng bakuran ay naapakan at may mga bakas pang paa sa malambot na lupa.Wala siyang sinayang na oras, at agad na sinundan ito. Alam niyang sa mga sandaling iyon, hindi pa nakalalayo ang babae, at kapag hindi niya ito maabutan ay baka sa bangin ang deretsong bagsak nito.

Takipsilim nang dumating sila sa bahay at basang-basa. Marahang nilapag ni Cuhen si Ellah sa kawayang sofa. Mabilis siyang kumuha ng malinis na tuwalya, t-shirt at boxer na pag-aari niya.

Hindi ito nagising nang simulan niyang hubarin ang damit na suot ng babae. Damn! Inis na ipinukol niya ng masamang titig sa kisame at kinontrol ang sarili.

Kapagkuwa'y mabilis niyang isinuot sa dalaga ang damit na may pag-iingat at pagtitimpi sa sarili na hindi angkinin ito sa ganitong sitwasyon bilang kabayaran sa ginawa nito. Sinunod niyang gamutin ang mga galos nito at sugat sa paa. Kung gising pa ito ay kanina na ito nakatikim ng kaniyang galit. Sunod naman na kaniyang ginawa ay binuhat ang walang malay na babae paakyat sa silid nito. Damn this woman for making him mad! Ipagpapa-bukas niya na ang parusa nito, at tiyak na hindi nito magugustuhan ang kaniyang gagawin.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan, at minsan nga ay sinasabayan ito ng pagkulog at pagkidlat. Napailing siya at dahan-dahang inilapag ang katawan nito sa malambot na kama saka niya ini-on ang switch ng lampshade.

Kumuha siya ng panibagong kumot sa cabinet at kinu-mutan ito. Tinungo rin niya ang bintana, kinuha roon ang kumot na ginawang bitag ng dalaga sa kaniya at sinarado. Hindi niya talaga akalaing gagawan siya nito ng kakaibang patibong, at napaniwala naman siya. Ang akala niya'y ang tanging nagagawa nito ay umiyak lang sa tabi at makiusap.

Not gonna happen again, woman!

Mabilis niyang inihakbang ang mga paa patungo sa pintuan at walang emosyong lumabas. Nakakuyom lamang ang kaniyang mga kamao, at alak ang naging takbuhan niya sa mga sandaling ito. He needs to calm himself. Sa ngayon ay wala pa siyang gagawin sa babae, pero bukas ay magsisimula ang parusang nararapat dito. Titiyakin niyang masasaktan nang sobra ang pinakamamahal nitong ama na nagtatago sa balat ng karnero. Nangangati na siyang patayin ang matanda pero huwag muna sa ngayon! Ipapalasap muna niya ang sakit na idinulot nito sa buhay niya.

Lumipas ang ilang sandali, bumalik siya sa silid ng babae at sinilip ito kung buhay at humihinga pa. Nagtagis ang kaniyang bagang nang makitang umiiyak ito at nangangatog. Pinagsawalang-bahala niya ang bagay na iyon at akmang isasara ulit ang pinto para lang humugot ng malalim na buntonghinga . . . pero na-estatwa siya sa kinatatayuan. Pinagmasdan niya ang patuloy na pag-iyak nito; wala siyang nagawa kundi ang lapitan ang babae at damhin ang noo.

Napapasong inilayo niya ang kamay sa sobrang init ng dalaga. Nanginginig ito, at hindi kasya ang kumot na ibinigay niya. Napamura siya at mabilis na tumayo.

Kuyom ang mga kamao nang magtungo siya sa kaniyang silid at kumuha ng gamot. Nag-init na rin siya ng tubig sa heater at ibinuhos niya ito sa maliit na palangganita. Kumuha na rin siya ng bimpo.

Bullshit!

Sa isip niya ay isa siyang kidnapper kahapon, pero mukhang nabaligtad ang mundo nang maging tagapag-alaga siya ngayon ng may sakit? Damn hell! Hindi ito ang plano niya.

Bitbit ang gamot, isang basong tubig at palangganita, pumasok siya sa silid ng babae. Ginising niya ito para painumin ng gamut, pero nanatiling nakapikit ito at umiiyak. Napailing siya at walang nagawa kundi ang lapatan na lamang ng maligamgam na bimpo ang noo ng dalaga.

Tumayo rin siya at kumuha ulit ng panibagong kumot sa cabinet at dinagdagan ang kumot na nakasaplot sa katawan ng babae. Medyo nakatulong ang kaniyang ginawa, dahil tumigil ito sa panginginig.

"Hey, woman!" Tinapik niya ang pinsgi. "Uminom ka ng gamot," aniya, pero nanatiling nakapikit ito.

He cursed under his breath. Parang gusto niyang sapilitan itong painumin para makapagpahinga na siya. Malapit nang mag-hatinggabi, at gusto na niyang magpahinga. Napansin niyang tumila na ang ulan, at napalitan ito ng tila ritmo ng mga kulisap.

"D-dad . . ."

Napakuyom ang kaniyang kamao. That's it! Tila nabingi siya sa sinambit nito dahilan para sapilitan niya itong niyugyog. Napaismid siya nang dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Mapupungay ang mga iyon at pulang-pula dahil siguro sa pag-iyak.

"Drink," utos niya nang iminuwestra ang gamot sa bibig nito at basong may lamang tubig.

Muling pumatak ang luha sa mata nito, at kahit lampshade lang ang nagbibigay ng liwanag sa naturang silid ay alam niya ang takot na nakasalamin sa mata ng dalaga.

"Come on, drink!" Maikli lang ang kaniyang pasensya, dahil mabilis lang mag-react ang kaniyang mala-bulkang ugali.

Walang ingay na sinunod siya ng dalaga. Nanginginig ang mga kamay nito nang abutin ang gamot at dahan-dahang nilagok ang tubig. Agad siyang tumayo at tinalikuran ito. Magpapahinga na siya sa kabilang silid, tutal ay napainom niya na ito ng gamot. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Obsession Of A Dominant Billionaire   SPECIAL CHAPTER Gallagher x Marie

    “Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.

  • The Obsession Of A Dominant Billionaire   Kabanata 53 - Kick

    Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du

  • The Obsession Of A Dominant Billionaire   Kabanata 42 - Camera

    Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.

  • The Obsession Of A Dominant Billionaire   Kabanata 51 - Beer

    Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala

  • The Obsession Of A Dominant Billionaire   Kabanata 49 - High Five

    Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning

  • The Obsession Of A Dominant Billionaire   Kabanata 49 - Marie

    Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status