Share

Chapter 38

Author: iamsimple
last update Last Updated: 2023-04-23 09:24:45

Zeph Pov

Lumukso ang puso ko nang makita ko si Alpha Hunter sa aking harapan. Hindi ko na kailangan makipaglaban o gumamit ng aking kapangyarihan laban sa tatlong lalaking ito na nangbabastos sa akin. Ayokong malaman muna ni Alpha Hunter at ng ibang mga tao na may taglay akong kapangyarihan. Hindi ko kasi alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanila nang hindi nila ako paghihinalaan na isang mangkukulam.

"Si Alpha Hunter!" takot na bulalas ng tatlong lalaki. Pagkatapos ay mabilis silang nagsipagtakbuhan palayo para tumakas.

"Habulin ninyo ang tatlong iyon at patayin," mariing utos ni Alpha Hunter sa kanyang mga tauhan. Agad namang tumango ang kanyang mga tauhan at mabilis na sinundan ang tatlong lalaking nais tumakas.

Nang makaalis ang mga tauhan niya ay muli niya akong hinarap. Blangko ang expression ng kanyang mukha kaya hindi ko mabasa kung ano ang kanyang damdamin sa muli naming pagkikita. Gusto kong panghinaan ng loob ngayong nasa harapan ko na siya ngunit kailangan kong itulo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 65 - WAKAS

    Zeph PovPagkatapos naming mapatay si Urusula ay agad kaming nagtungo sa dating bahay kung saan nakatira si Hunter. Pagdating namin ay kasalukuyang nakikipaglaban na ang dalawang magkalabang panig. Sa nakita ko ay malapit nang matalo ang aming mga kapanalig at tila nawawalan na sila ng pag-asang manalo ngunit nang makita nila ang pagdating namin ni Hunter ay bigla silang nabuhayan ng loob. Malaking bagay ang pagdating ng presensiya namin ni Hunter para manumbalik ang tapang sa kanilang mga puso.Sa unang pagkakataon ay ipinakita ko sa buong pack members ng Golden Wolf Pack ang aking kapangyarihan. At dahil mga ordinaryong taong-lobo lamang ang mga kalaban kaya mabilis namin silang natalo. Ngunit ang mga kawal lamang ni Keiver ang nahuli namin dahil wala siya roon. Alam ko na may binabalak siyang plano laban sa amin kaya wala siya rito. Dahil doon ay inutusan ko ang aming mga kapanalig na maging alerto. Pagkatapos ng madugong laban ng dalawang magkaibang panig ay nagawa naming pasukui

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 64

    Zeph PovAng simpleng halikan namin ni Alpha Hunter ay nauwi sa mas mainit na eksena. Hinayaan ko siyang alisin ang lahat ng saplot sa aking katawan at tuklasin ang bawat bahagi ng katawan ko na nais marating ng kanyang mga kamah. At bawat bahagi ng katawan ko na madaan ng kanyang mga palad ay nag-iiwan ng apoy sa aking balat. Apoy na hindi nakakasunog sa halip ay nagbibigayng ng ibayong sarap at kiliti na hindi ko maipaliwanag. Bago sa akin ang pakiramdam na ito ngunit inaamin ko na ito ang pakiramdam na gusto kong paulit-ulit na maramdaman.Nang tuluyan na niyang pag-isahin ang aming mga katawan ay nakaramdam ako ng sakit na tila ba may napunit sa kaloob-looban ng aking katawan. Mariing ipinikit ko ang aking mga mata at tiniis ang sakit. Hindi ko akalain na makakarmdam din ako ng sakit dahil akala ko ay puro sarap lamang ang mararamdaman ko. Ngunit saglit lamang ang sakit na aking naramdaman dahil agad na pumalit ang pakiramdam na hindi ko kayang mapangalanan. At ito ang pakiramdam

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 63

    Zeph PovLumitaw kami ni Alpha Hunter sa harapan ng kuwebang binanggit ni Hillary. Lahat ng mga taga-suporta ni Alpha Hunter ay nagsaya nang makita nilang magkasama kaming dumating ni Alpha Hunter sa kanilang safe place. Naroon na rin sina Duffy na matagumpay na nailigtas ang mga kaibigan ni Alpha Hunter."Ligtas na tayo! Nandito na ang ating alpha at luna!" halos sabay-sabay na sigaw ng mga taong-lobo. Napansin ko na maliban sa south council ay mga taga-north council din na kasamang nagtatago. Siguro sila ang mga taga oposisyon na ayaw sa malupit na pamamalakad ni Alpha Hunter kaya mas pinili nilang magtago. Binibihag kasi ni Keiver ang kahit sino na kontra sa kanyang pamamalakad o worst ay pinapatay."Natutuwa kami at ligtas kang nakatakas sa pagkakulong, Alpha Hunter," masayang salubong ni Ashley sa amin. Kasama niya sina Duffy at Hillary pati na rin ang mga kaibigan ni Alpha Hunter na bagama't puno ng sugat sng mga katawan at nanghihina ay ginusto pa ring salubungin ang aming pagd

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 62

    Zeph PovNang makita namin ang ginawa ni Hillary ay inalis ko na ang ginawa kong harang para makita niya kami. At nang makita nga niya kami ay hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Tumakbo siya palapit sa akin at umiiyak na yumakap. Sa pangatlong pagkakataon ay nagkatinginan kami nina Duffy at Ashley."Mabuti naman at nandito ka na, Zeph. Iligtas mo si Alpha Hunter. Papatayin na siya bukas ng aking ama. Papatayin siya sa harapan ng mga taga-north at south council para ipakita sa kanila na makapangyarihan siya," umiiyak na sumbong ni Hillary. Lalo lamang akong nakaramdam ng galit kay Keiver ngunit pinilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kung umiiral ang galit sa aking puso."Bakit mo ito ginagawa, Hillary? Hindi ba't galit ka sa akin noon pa man?" nagdududang tanong ko sa kanya."Oo nga, Hillary. Paano kami maniniwala na nagsasabi ka ng totoo? Baka naman gumagawa ka lamang ng patibong para mahuli ninyo si Zeph?" wika naman ni Duffy na katulad ko ay hindi

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 61

    Zeph PovHindi ko napigilang sisihin ang aking sarili matapos kong malaman kay Duffy at Ashley ang naging kalagayan ni Alpha Hunter nang umalis ako sa pack namin. Kung alam ko lang na makakaranas pala siya ng matinding backlash dahil sa ginawang pagtanggi sa kanya bilang mate ko ay hindi na sana ako nagliwaliw sa iba't ibang werewolf pack. Kung sana ay hindi ko na pinaabot pa ng mahigit anim na buwan bago ko naisipang magbalik sa pack namin ay hindi sana nararanasan ngayon ni Alpha Hunter ang kalupitan sa mga kamay ni Keiver."Patawarin niyo ako. Naging makasarili ako. Kahit nalaman kong na wala talagang kasalanan ang ama ni Alpha Hunter ay mas ginusto ko na huwag bumalik. Naduwag kasi akong harapin ang galit niya sa akin," umiiyak na paumanhin ko sa dalawa kong kaibigan. Halos madurog ang aking puso nang malaman ko kung paano pinahihirapan ni Keiver si Alpha Hunter."Wala kang kasalanan, Zeph. Biktima ka lamang din ng pagmamanipula ni Keiver. At hindi pa huli ang lahat. Buhay ka pa k

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 60

    Zeph PovNakangiting kinawayan ko ang huling pasyente ko sa araw na ito. Nagpatayo ako ng isang maliit na clinic sa Ash Pack kung saan ay nagustuhan kong pansamantalang manirahan. Mahigit tatlong buwan na ako rito dahil ginugol ko ang ibang mga buwan sa pag-iikot kaya maraming pack akong napuntahan. Lahat sila ay tinanggap ako ng may ngiti sa kanilang mga labi. Kaya bilang kapalit ng mainit nilang pagtanggap sa akin ay pinagaling ko ang lahat ng mga may karamdaman sa bawat pack kung saan ako nanatili ng mga ilang araw. Hanggang sa nakarating ako sa Ash Pack. Isang pack na nasa paanan ng bundok at naninirahan ng tahimik. Nagustuhan kong manatili rito dahil ang mga taong-lobo na nakatira rito ay mababait. Wala silang discrimination kahit anong rank ka man nagmula. Lahat ay masaya. Nalilibang ako kaya hindi pumapasok sa aking isip ng iniwan kong pack kung saan ako nagmula. At kapag hindi talaga naiiwasang sumagi sa aking isipan lalo na kapag nag-iisa ako ay agad kong ipinipilig ang akin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status