Share

Chapter 41

Zeph Pov

Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang habang sakay kami ng kabayo. Nasa unahan niya ako at nakapaloob ako sa kanyang dalawang braso. Hindi maiwasan na mapasandig ako sa kanyang dibdib habang tumatakbo ang kabayo. Hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip dahil tahimik lamang siya at tila wala siyang balak na makipag-usap sa akin.

Naisip ko kung hindi ba siya nakaramdam ng selos kanina? Si Ruyi kasi ang kasama ni Ashley sa kabayo at hindi siya. O baka naman nagselos siya ngunit hindi lamang niya ipinahalata dahil kaibigan niya si Ruyi. At ang pagiging tahimik niya ngayon ang pruweba na nagselos siya kanina. Kaya wala siya sa mood na makipag-usap sa akin ngayon dahil sa nangyari kanina.

Hanggang sa nakarating kami sa loob ng gubat ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Kaya naman ako na ang hindi nakatiis at inunahan ko na siyang kausapin.

"Kung gusto mo ay hanapin na muna natin si Ruyi para magpalit kayo ng mga sakay ninyo," kausap ko sa kanya. Ako na ang kusang nag-sugg
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status