Share

Chapter 42

Hunter's Pov

Nilapitan ko ang rabbit na tinamaan ng aking sibat kanina. Napangiti ako nang makita kong malusog ang rabbit na aking nahuli. Nilingon ko si Zeph para tawagin siya at ipagmalaki sa kanya itong nahuli kong rabbit ngunit hindi ko siya matanaw sa bahagi ng gubat na pinuntahan kanina. Sinabi ko naman sa kanya na huwag siyang lalayo at huwag din siyang magtatagal ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik. Nagsimula akong makaramdam ng pag-aalala nang hindi ko siya makita sa aking paligid. Naghintay muna ako ng mga ilang minuto pa dahil baka may pinuntahan siyang iba ngunit nang hindi pa rin siya nagpakita pagkatapos ng paghihintay ko sa kanya ay doon na talaga ako kinabahan. Maraming scenario ang biglang nabuo sa aking isipan. Paano kung bigla na lamang umalis si Zeph nang hindi nagpapaalam sa akin? Paano kung hindi sinasadyang napalayo siya at naligaw pagkatapos ay may nakasalubong siyang masasamang taong-lobo? Paano kung pinatay siya at itinapon na lamang ang bangkay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status