Share

Chapter 57

Zeph Pov

Parang dinaklot ang aking puso nang marinig ko ang pangalan ng aking mga magulang. Sa wakas, pagkatapos ng labinwalong taon ay nalaman ko rin ang pangalan ng aking mga magulang. Lumaki kasi ako na ni pangalan ng aking mga magulang ay hindi ko alam. Ang tanging alam ko lamang tungkol sa kanila ay pareho silang omega at traydor sa aming pack. Kaya naman nang marinig ko ang kanilang pangalan ay parang may dumaklot sa aking puso. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa.

"Alpha Amaro at Luna Quinee ang pangalan ng dating alpha ng Golden Wolf Pack at nang kanyang luna?" tanong ko kay Alpha Trio kahit na kababanggit pa lamang niya sa pangalan ng aking mga magulang. Gusto ko lang talagang siguraduhin na hindi ako nagkamali ng dinig sa kanilang mga pangalan.

"Tama ang narinig mo, Zeph. Alpha Amaro at Luna Quinee ang kanilang pangalan. May koneksiyon ka ba sa kanila?" curious na tanong sa akin ni Alpha Trio.

Tumango ako bago ko siya sinagot. "Ako ang nag-iisa nilang anak na babae," sagot ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status