Share

CHAPTER 10

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER 10

HIRO'S POV

"Uh, yeah Mr. Trevour. I'll say it right away to him."

"Yes, please. We need him on this project. Just tell him to contact me as soon as possible."

"Yes Mr. Trevour. I will."

"Thank you, Hiro. And please tell him to get well soon. We need him here."

Binabaan na n'ya ako ng phone kaya binaba ko na rin ang sa akin. Tsss. Why can't they do the photoshoot without Drav? Alam naman nilang hindi pa maayos ang lagay ni Drav dahil sa minor accident na kinasangkutan ni Drav.

Tsk. I mean, ng naging away nila ni Apple sa kotse. Hindi namin sinabi ang tunay na dahilan kung bakit hindi s'ya naka-attend for photoshoot kahapon. Ang sabi lang namin is nagkaroon ng maliit na accident na kinasangkutan ni Drav. We requested them not to say it to the media nor release any statements about it since minor lang naman. Tss. Buti nalang naniwala sila.

And because of that fight, Jeffrey got fired by Drav. Ayaw namang magkwento ng dalawa kung ano talagang nangyari. Ayaw din ni Jeffrey. Basta ang alam namin ay nag-away sila, and to be honest, I can't really imagine how they did it. Gaano ba talaga ka-intense ang naging bangayan nila at nagkabukol pa si Drav saka labis ang pamumula ng mukha? Pfft. Going back to Jeffrey, he's really mad at Drav. I asked him to explain everything but he refused. Bigla na lang s'yang nawala without any traces.

By the way, Mr. Trevour is Drav's manager. Mukha lang kaming manager ni Drav dahil tumutulong kami sa kan'ya pero si Mr. Trevour talaga ang tunay. He's really kind, actually. Punong puno ng passion sa trabaho, but when it comes to his duty as a manager, he's really focused. He's really a professional, balancing his time and duties as a manager and as a father to Drav.

Minsan nga lang ay naiinis din ako sa kan'ya, tulad na lamang ngayon. Minsan ay wala s'yang considerations. I remember one time na pinilit n'yang mag-photoshoot si Drav kahit na nilalagnat iyon. Wala lang ibang nakaalam that Drav was actually sick that time, aside from Mr. Trevour and the make-up artists and designers. Another was the time when they forced him to attend on a press conference kahit na nagpapagaling din si Drav noon dahil na-ospital s'ya. Even though the management of the event agreed to reschedule it, still, Mr. Trevour insisted na ituloy iyon.

Aish. Nevermind.

I almost forgot Apple.

Matapos ibalik ang phone sa bulsa ay agad akong naglakad pabalik sa pinag-iwanan ko kay Apple, but I was stunned upon seeing nothing in there. Fvck! Where the hell is she?! Ang sabi ko ay hindi s'ya dapat umalis doon!

Biglang sumagi sa aking isip ang sinabi ni Dravour kanina.

"Be sure to bring her here safe, Hiro. I'll just fix my mess in here para maayos pagdating n'ya."

Darn it! Napahilamos ako sa mukha dahil sa inis. Kahit kailan talaga! Bakit ba sobrang kulit n'ya? Pinaglihi ba s'ya sa kiti-kiti? Para kaming may kasamang tatlong taong gulang na bata!

Natataranta ma'y agad ko s'yang hinanap. Lumingon na ako sa kaliwa't kanan, nagpabalik-balik sa kung saan-saan pero hindi ko s'ya nahagilap. Nang may makasalubong na nurse ay naisipan ko nang magtanong.

"Uhm, excuse me. Good day. Have you seen a girl on a wheelchair? She's wearing a black cap and a red scarf, uh, plain white t-shirt and a pants. She's kinda thin and her hair is kinda long, abot hanggang mga kalahati ng braso n'ya" aligagang tanong ko sa kan'ya.

"Oh, you mean, her, sir?"

She points her finger at my back, kaya agad akong napalingon doon, and there, I saw her. Darn. She's staring on a bulletin board at nakatalikod s'ya sa akin.

"Oh! Thank God," I exclaim in relief. I face the nurse again to thank her then rush towards Apple afterwards.

"Sinabi ko nang huwag kang aalis sa pwesto mo but sumuway ka pa rin! Ang tigas talaga ng ulo mo," saad ko rito bago hinila paatras ang wheelchair. Inayos ko na ito saka itinulak na muli para makalabas na kami.

"Alam mo bang muntik na akong atakihin sa kakahanap sa iyo? Paano kung hindi na kita nahanap? Mapapatay pa ako ni Drav!"

Sa halip na magparadaldal ay nanatili s'yang tahimik. Tsk. Hindi yata s'ya sumasagot. Nakakapanibago.

"Natahimik ka yata? Ha, Apple?!"

"Wait, mister? Apple?"

Tumigil ako sa pagtutulak sa wheelchair n'ya. Teka, hindi ito ang boses ni Apple. Takte! Agad kong inalis ang sombrero n'ya at nagtungo sa unahan para tingnan kung sino ito, at...

"So, you must be Kairo, my brother's friend. Tsss. The name's Shantall, not Apple. You can also call me Peachie, but I prefer Shantall," walang ganang saad ng babaeng ito na hindi ko naman kilala.

T-Tangina?! Ang sombrero, katulad ng sombrero ko, at ang scarf na suot n'ya ay kakulay din ng scarf ko. Nakaputi rin s'ya at naka-pantalon pero,

Hindi ito si Apple!

Nasaan si Apple?!

"Tangina talaga," mariing bulong ko saka marahas na napakamot sa ulo.

"Why? Is there something wrong, Mr. Kairo?"

Pinakalma ko na muna ang sarili bago muling humarap sa babaeng ito.

"Okay, I'm sorry miss, but this is just a big mistake. Hindi ko kilala kung sino ang Kairo na tinutukoy mo, and I am not the Kairo you're referring to. Hindi rin ikaw ang Apple na kasama ko. Damn."

She scoffs.

"Wait, wait, let me clarify it again. Hindi ikaw si Kairo na kaibigan ng kuya ko?"

Napahilamos ako sa mukha. Pucha talaga.

"Hindi nga ako ang Kairo mo, miss! Tsk! Ang mabuti pa'y tawagan mo ang Kairo na tinutukoy mo. May kutob akong nasa kan'ya ang Apple na kasama ko."

"E bakit hindi mo rin tawagan ang—"

"Just please do it, miss!"

"Fine, fine! Tsk. Ang init ng ulo."

Umirap muna siya bago kinuha ang phone sa kaniyang sling bag. How can she do that? Acting so calm kahit iba na ang kasama n'ya? Hindi man lang ba s'ya nag-aalala?

Habang tinatawagan n'ya ang Kairo na iyon ay nag-isip ako ng paraan at mga posibilidad kung paano ba nangyari ito. Ang nakikita kong malapit na dahilan ay ang scarf at sombrero, plus parehas pa silang naka-wheelchair. Pero, tangina talaga! Paanong hindi nila kaagad napansin na iba na ang kasama nila? Pucha!

"Hindi pa rin ba sumasagot?" aligaga nang tanong ko sa babaeng ito nang ako'y mainip na sa kakahintay. Umaasa akong babalik dito ang Kairo na sinasabi n'ya at isasauli si Apple. Halos isang oras na ang nakalipas, o higit pa, mula nang umalis ako sa bahay, at siguradong naiinip na si Drav!

"My brother's phone is off. His friends' phones are off, too. Kaya hindi ko sila makontak," kalmado pang tugon ni Shantall.

"Aish! 'Yung Kairo! Tawagan mo 'yung Kairo na sinasabi mo para malaman n'yang nagkamali s'ya ng pasyenteng dinampot! Gago ba iyang Kairo na iyan?! Hindi marunong kumilala ng mukha?! Ang layo-layo ng itsura mo kay Apple! Hindi man lang ba n'ya nahalata iyon?!"

At ganoon din si Apple! Hindi man lang ba n'ya nilingon ang kasama n'ya?!

"Tsss. This is the first time na magmi-meet kami ni Kairo. Ipinagkatiwala lang ako sa kan'ya ng bwisit kong kapatid at ang tanga kasi hindi man lang yata s'ya nagsend ng picture ko kay Kairo. Is it clear now, Mr.?"

"Ang dami mo nang sinabi! Tawagan mo si Kairo!"

"I don't have his phone number. How about you? Bakit hindi mo tawagan si Apple na sinasabi mo? Ako lang ba ang may cellphone dito?"

"Tsk! Wala iyong sariling phone! Darn!"

Nag-isip ako ng nag-isip, kahit na nakakablanko na ng utak. Peste talaga! Ang bobo ng kapatid nito!

"Hiro! What took you so long?"

Napatingin ako sa entrance ng hospital at pucha. Nandito na si Drav. Sinasabi ko na nga ba.

"Where is Apple?" tanong n'ya pa nang makalapit na s'ya sa'kin.

"Si Apple, uh—"

"Hi," bati ni Shantall. Nakatingin s'ya kay Dravour so obviously, para kay Drav ang "hi" n'ya na iyon, pero matapos s'yang lingunin ni Drav ay ibinalik agad nito ang atensyon sa akin.

"Where is Apple? Bakit iba ang binabantayan mo?" madiin nang sabi n'ya. Magsasalita na sana ako nang sumingit na naman si Shantall.

"Well, nagkaroon lang ng problema, Mr. Dravour—"

"I'm not talking to you, miss," pagputol ni Drav kay Shantall, na ikinasipol naman nito.

"Uh, Drav, kape tayo?"

Tanggala! Wala na akong naiisip na palusot!

"Where. Is. Apple?"

"She's with my brother's friend," sabi ni Shantall na ikinalingon ni Drav sa babae.

"What?"

"Inakala ng kaibigan ng kuya ko na ako ang naisama n'ya. Tsss. If you really want to see that Apple as soon as possible, iuwi n'yo ako sa bahay dahil for sure, doon sila dederetso."

"How is that even possible?!" nanlilisik ang mga mata ni Drav nang tumingin muli sa'kin. "Pinabayaan mo s'ya?!"

"Tsss. Mamaya na tayo magtalo, Drav. Shantall, tell us your address."

"Okay then. Tara na," saad n'ya saka tumayo mula sa wheelchair at naglakad. Ha? Hindi s'ya pilay?

"Kapag may nangyaring masama kay Apple, mananagot ka sa'kin, Hiro Fuentebella," pagbabanta pa ni Drav bago sumunod kay Peachie. Ikinasipol ko rin ang kaniyang sinabi.

"Love is in the air," bulong ko bago sumunod sa kanila. Pero nananatili pa ring misteryo para sa'kin ang nangyari.

Eveything happens for a reason naman, hindi ba? And this.

What's the reason for this one?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status