Share

CHAPTER 11

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER 11

APPLE'S POV 

"Aahhh! S-Sino kkkaaa?!" mangiyak-ngiyak na tanong ko. "T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaahhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?!"

Hahawakan n'ya sana ako pero tinapik ko na ang kamay n'ya.

"Calm down, Shantall. The name's Kairo. Your brother told me that he already messaged you about me. Your brother has an important matter to take care of, that's why he requested me to—"

"Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya 'yan hindi ba?! 'Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Shantall?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"

Titig na titig lang s'ya sa'kin habang nagsisisigaw ako. Shemay naman! Bakit ang gwapo?! Namimilog ang mga mata n'ya, tapos bagay na bagay sa kan'ya kapag kumukunot ang noo. Dapat palagi nalang s'yang nakakunot ang noo!

"So, you are saying that—"

"Magtagalog ka! Bakit ba puro nalang kayo English ng English?! Ibaba mo na ako!"

"Sinasabi mong hindi ikaw si Shantall?"

"Ayan! Nakuha mo rin! Akala ko isa ka ring miyembro ng organisasyon ng mga timang! Kaya ibalik mo na ako sa hospital dahil sa malamang hinihintay ka na ng Shantall na sinasabi mo at ako naman hinihintay na ni Hiro!"

Natigilan s'ya, tila malalim ang iniisip. Pwede bang mamaya ka na maghukay?! Ibalik mo na ako kay Hiro!

"Tsss. Mang Gary," sabi n'ya saka tumingin na sa driver. Hays. Sa wakas naman. Madali naman palang pakiusapan ito huhu!

"Babalik na ba tayo sa hospital, Kairo? Nagkamali nga yata tayo," mukhang nag-aalala nang tanong ng driver.

"Opo! Talagang napakamali ng mga nangyayaring ito—"

"No. His brother told me a lot about her. He even warned me about this," lumingon s'ya sa'kin at ngumisi, "Hindi mo na ako maloloko, Ms. Shantall. Alam ko nang palusot mo lang iyan. Magaling ka sa ganoon, hindi ba? Tsss. Iuuwi kita sa inyo, sa ayaw o sa gusto mo."

W-Wwwaaa! Mammaa!

"K-Kuya naman! Isa nga lang itong malaking pagkakamali! Apple ang pangalan ko! Ap-pol! Apple Martinez! Ang layo ng Apple sa Shantall!" mangiyak-ngiyak nang sambit ko sa kan'ya, samantalang s'ya naman ay umiling-iling lang saka bumalik na sa pwesto n'ya kanina. Parang matutulog na naman ang klase. 

Saan ba talaga ako dadalahin nito?! Iuwi n'yo na ako! Iuwi nyo na ako kina Hiro, Kio, at Drav! Hindi bale nang ang kasama ko ay mga timang, kaysa naman katayin nila ako dito ng buhay!

"Mang Gary! Maniwala kayo! Hindi talaga ako si Shantall! Mga sira ba kayo?! Kamukhang kamukha ko ba talaga ang Shantall na sinasabi n'yo at ayaw n'yo akong pababain?! Hhaa?!"

"Kairo, baka nga talagang nagkakamali lang tayo. Bumalik tayo sa hospital."

"Nah, don't worry Mang Gary. She has all of Dravidous' descriptions. This is just one of her mechanisms to escape," pag-E-English na naman no'ng Kairo nang hindi ako tinitingnan. Ayaw n'yo talaga akong ibaba ha? Pwes, maghahalo ang balat ng lupa sa balat ng kalangitan!

Dali-dali kong binuksan ang bintana ng van, saka doon nagsisigaw.

"Tulong! Tulungan n'yo aakkoo! Kakatayin nila aakkoo! Kikidnapin nila aakkoo! Tulungan n'yo aakkoo! Aaahhhh!" sigaw ko ng ubod ng lakas sa bintana.

"Tumahimik ka nga, Ms. Shantall!" sigaw din ng Kairong lokong ito.

"Hindi ako tatahimik hangga't hindi n'yo hinihinto itong van at pinapababa ako! Aahhh!"

"Kairo, ihihinto ko na ba?"

Hinila n'ya ang damit ko para makalayo ako sa bintana, saka n'ya isinara kaagad. Nagpumiglas naman ako at humarap sa kan'ya. Nadali pa ang paa ko sa sandalan ng upuan ng drayber, pero ininda ko ang sakit. Kinuha ko ang nakatiklop na wheelchair na nakapwesto naman sa may likod ng upuan sa unahan, at agad na itinutok sa Kairong ito.

"Ihihinto mo ang van o gigilitan kita ng leeg gamit itong wheelchair?!" pagbabanta ko.

"Seriously?"

"Gago ka rin! Ihinto ang kotse! Ngayon din!"

Nakita kong umigting ang panga n'ya bago tumingin kay Mang Gary at may sinenyas, saka naman tumabi ang van at huminto.

"Baba! Holdap ito! Baba!"

Sa halip na bumaba ay kinuha n'ya ang cellphone n'ya at nagdutdot ng nagdutdot doon, saka n'ya itinapat sa tenga n'ya habang nakatingin sa'kin.

"Ang sabi ko, baba! Hindi ko sinabing magpakyut ka!"

"Tsss. I can't contact your brother."

"Brother na naman?! Wala nga Sabi akong kapatid—"

Napalingon kami sa bintana ng van sa gawi ko nang may kumatok. May lalaking hindi ko rin kilala na nakatingin sa akin. Para s'yang nag-aalala. Kumatok pa s'ya ng tatlong beses bago ko binuksan ang bintana. Pagkabukas ko niyon ay may sumunod namang pulis. 

Huwaa! Thank you po Papa Jesus! Ligtas na ako!

"Sir, siya po yung babaeng sumisigaw kanina," ani lalaki doon sa pulis.

"Sir, this is just a misunderstanding. I know this girl—"

Pinutol ko ang pagsasalita ni Kairo nang sumingit na ako.

"Sir! Mamang pulis! Kikidnapin n'ya po ako! Nagpapanggap lang po iyang kilala ako pero 'ni hindi ko po iyan kilala! Tulungan n'yo po ako, please po?" umiiyak ko nang paliwanag sa pulis. Wala e! Takot na takot na talaga ako!

Lumabas si Mang Gary at parang kinausap 'yung pulis. Kinuha naman ng nasa likuran ko ang hawak kong wheelchair kaya napatingin ako sa kan'ya. Binuksan n'ya ang pinto ng van at lumabas, at nang pasunod na sana ako ay tiningnan n'ya ako ng masama.

"You'll pay for this, Shantall," pagbabanta n'ya bago isinara ang pinto ng van. Waaaa! Paano ako makakatakas nito kung nasa kan'ya ang wheelchair ko?! Sumilip ako sa bintana, at lumayo pa talaga sila mula sa'kin habang nag-uusap.

"Officer! Mamang pulis! Huwag po kayong maniniwala sa mga kasinungalingan n'ya! Huhuhu!" sigaw ko pa na ikinasama na naman ng tingin sa'kin ni Kairo. Kung marunong lang akong magmaneho e!

__________________________

Bakit ba ang tagal ng usapan nila? Pero hangga't nand'yan 'yung pulis, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Maya't maya rin ang pagtawag ni Kairo sa kung sinumang tinatawagan n'ya, pero ibinababa n'ya rin agad. Napatingin ako sa mga paa ko at ginalaw ko iyon. Masakit pa rin huhu! Pero, kailangan ko na kasing makatakas dito! Kailangan ko nang makauwi kay Drav! Tutal malilom naman itong gilid ng kalsada, siguro, maggagapang nalang ako!

Dumasig ako sa may pinto at binuksan iyon. Dahan-dahan at buong ingat. Nang maibukas ko na iyon ay dahan-dahan din akong lumabas, pero inuna ko ang mga kamay ko. Bale dumapa muna ako sa upuan bago dahan-dahang gumapang palabas. Hindi ko pa maiitapak ang mga paa ko kaya kamay ko ang magsisilbing mga paa ko, pero hindi ibig sabihin ay maglalakad ako nang kamay ang gamit. Tulad nga ng sinabi ko, gagapang ako!

Nang makalabas na ako sa van ay nagsimula na akong gumapang palayo.

"Yes! Yes! Yes! Makakatakas na ako! Makakauwi na ako sa'yo, Drav! Mabilis ang paggapang ko. Nakalayo na ako! Yes! Yes! Malayo ka na mula sa mga kakatay sa'yo! Yes! Yes!"

Nang lingunin ko na ang likuran para makita kung gaano na kalayo ang narating ko, tsk.

'Ni hindi pa pala ako nakakalampas sa may van. Wengya naman! Pampalakas kasi ng loob kaya nasasabi ko iyon!

Ah basta, gumapang ka lang!

Gapang-gapang lang! Gapang-gapang-gapang lang! Gapang-gapang lang! Oh, gapang lang! Gapang-gapang lang! Masakit mang gumapang, kailangan mong makatakas!

Maya-maya ay bigla akong umangat mula sa semento. Naalala ko nung bigla rin akong umangat habang nagbubuhat ako ng sofa kagabi—

Wwwaaaa! Umangat aakkoo?! Nakakalipad na ak—

"Tumigil ka na."

"A-Aaahhh!"

Napasigaw na naman ako nang buhatin na n'ya ako na parang bagong kasal kami. S'ya na naamaann eeehh! Ibabalik na n'ya ba ako sa van tapos doon na ako kakataayyiinn?! Aaaahh!

"Ibaba mo ako! Ibaba mo ako! Draavv! Hirroo! Kkiioo! Dravour Ichigo Forestierr! Dravv!"

"Wait, Dravour Ichigo Forestier?" mukhang nagtatakang tanong ni Kairo nang matigilan s'ya sa paglalakad. Sasagutin ko na sana s'ya nang may marinig akong sumisigaw.

"Wait! Stop the car! Apple!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Drav. Si Drav iyon! Sigurado ako! Kaboses na kaboses n'ya kaya s'ya iyon!

"Drav! Draavv tuloongg!"

Biglang sumulpot sina Drav, Hiro, at may isang babae silang kasunod na hindi ko kilala kung sino. Nakasuot ito ng sombrero at scarf na kamukha ng sa akin. Waaaaa! Ito na! Iyon na si Shantall!

"Apple!" sabi n'ya saka agad na lumapit sa akin.

"Draaavv!" sigaw ko naman saka iniunat ang mga braso ko. Para akong bata na gustong magpakarga sa mama. 

"Let go off her!" bulyaw n'ya pa kay Kairo saka s'ya lumapit sa akin at lumipat ako sa kan'ya. Napayakap ako sa batok n'ya at isinubsob ang ulo sa may gilid ng leeg n'ya. Matapos iyon ay hindi ko na napigilang mapaiyak. Parang nagkagulo pa mula sa inalisan namin pero hindi ko na pinakinggan kung anong meron doon. Basta. Ang alam ko lang takot na takot ako, pero sobrang saya ko rin kasi alam kong ligtas na ako.

"Damn. Bakit ka kasi sumasama sa hindi mo kilala?" sermon pa sa akin ni Drav na ngayon ay naglalakad na. Sa halip na sagutin s'ya ay mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kan'ya, at mas isinubsob ko ang mukha ko sa leeg n'ya. Naaamoy ko na tuloy ang pabango n'ya. Ang bango huhu!

"And now you want to kill me? Tsk. Stop crying, will you?"

Mas napahagulhol ako, dahilan para tumigil s'ya sa paglalakad.

"Nasa akin ka na. Ano pang iniiyak-iyak mo?"

"Nagsasalita ka na naman kasi ng pang-alien huhu!"

"Fvck. Pang-alien? Kai—tsss. Fine! Simula ngayon ay magtatagalog na ako."

Napaalis ang pagkakayakap ko sa kaniyang batok at tumingin sa kan'ya. Pinunasan ko rin ang luha at sipon ko gamit ang palad bago umatsing at nagsalita.

"T-Talaga? Magtatagalog ka na parati?"

"Tsk. From now—tsss. Simula ngayon, huwag ka nang sasama sa kahit na sinong hindi mo kilala."

"E hindi ko naman kasi sinadya 'yung pagsama kanina kay Kairo! Sa malamang naman hindi ako sasama sa kan'ya kung alam kong hindi na pala si Hiro ang tumutulak sa—hala! 'Yung wheelchair! 'Yung wheelchair, na'kay Kairo!"

"Tsk. Itikom mo na ang bibig mo."

Pagkasabi n'ya niyon ay nagsimula na ulit s'yang maglakad. Nang makalapit na kami sa kotse ay biglang dumating si Hiro at binuksan ang pinto sa may tabi ng driver. Maingat akong iniupo ni Drav doon. Nang nasuotan na n'ya ako ng seatbelt ay umikot na s'ya at umupo sa tabi ko. Nakita ko ring ipinasok na ni Hiro ang wheelchair sa may likuran saka s'ya tumayo sa tapat ng bintana sa may kay Drav at may sinabi.

"Babalik ako sa hospital, Drav. Kukunin ko ang kotse ko," pagpapaalam ni Hiro kay Drav, na hindi naman pinansin ni Drav. Sa halip na sagutin si Hiro o kaya naman ay tumango ay pinaharurot na n'ya ang kotse.

"H-Hindi mo man lang sinagot si Hiro!"

"Nagugutom ka?"

"Tsk. Huwag kang pa-fall."

Sa amin kasi, pa-fall daw ang mga gan'yan. Kapag may nagtatanong sa babae ng "Kumain ka na ba?" o kaya "Nagugutom ka na?" o kaya naman kapag sinabihan ang babae ng "Kainin kita" e pafall daw. Nakakakilabot hindi ba? Lalo na kung sa huli ihuhulog ka lang pala sa malalim na balon tapos hindi na babalikan.

"Pa-fall?" tanong n'ya. Hindi ba uso sa kanila ang pa-fall? Sa Tondo lang ba mayroon no'n? Bruh.

"Hindi ako nagugutom."

"Then anong gusto mo?"

"Umuwi."

"Okay then. Matulog ka na muna."

Tumagilid ako ng upo. Bale nakaharap ako ngayon sa kan'ya. Pinagmasdan ko muna s'ya habang nag-iisip din kung bakit ang bait na naman yata n'ya sa'kin. Pangahin itong lalaking ito. Matangos ang ilong, ang puti at kinis ng mukha, saka 'yung kilay n'ya ang kapal. Ngayon ko lang napansin na ang haba ng mga pilikmata n'ya. Ang kyut nga eh. Ang labi n'ya ang ganda rin, lalo na kapag kaharap mo s'ya. 

"Tingin sa unahan, hindi sa akin," sabi n'ya habang nakatingin sa unahan, na ikinatingin ko rin naman doon.

Eh? Puro sasakyan lang naman ang nandoon.

"Sinong kausap nito sa unahan?" bulong ko sa sarili ko habang nakakunot ang noong nakatulala sa unahan.

"Akala ko pa naman nakatulong ang pagkahulog mo sa hagdan," sabi n'ya na ikinatingin ko ulit sa kan'ya.

"Anong sabi mo?"

"Talaga bang gan'yan ka mag-isip? Para kang bata."

"Bakit? Bata pa naman talaga ako ah! Mukha na ba akong gurang? May problema ka na ba sa mata? So ikaw pala ay gurang na pero mukha lang bata pa? Umamin ka. May iniinom ka bang portion pampabata?"

"Portion? You mean, potion?"

"Portion! Saka isa pa ha, kung isip-bata ako edi sana puro ABCD ang nasa isip ko, e hindi naman ah! Ikaw kasi—"

"Kapag hindi ka pa tumigil, sasabog na talaga ang ulo mo," pagbabanta n'ya na ikinatahimik ko. Bakit ba kasi puro nalang sasabog? Pamilya ba sila ng mga tagagawa ng bomba?! Ano na ba talaga? Kamag-anak ng GRAB rider o tagagawa ng bomba?

Nagulat ako nang bigla nalang s'yang tumawa.

"I really can't believe you," sabi pa n'ya bago tumawa ulit. Wala na akong nagawa kundi ang lumunok at mang-ngrus.

"Panginoon, ilayo n'yo po ako sa kapahamakan," pagsusumamo ko nang napatingin ako sa kalangitan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status