OUT of boredom, Apple thought of sketching a teddy bear on the blank side of a contract in front of her, without her realizing that it was actually a contract and her sketch would be counted as her signature. Nakasaad ditong kailangan n'yang samahan si Dravour Ichigo Forestier, isang sikat na modelo, sa loob ng isang taon, hindi lamang upang maging alila nito kundi upang paibigin ito bago matapos ang kontrata. Sa kabilang banda, kontrata ang naisip na paraan ni Dravour upang makahanap ng babaeng ihaharap sa kaniyang ina. Ito ay bilang pagtutol niya sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa kaniyang kababatang si Shantall na hindi naman niya mahal. Ang kaibigang sina Hiro at Kio ang tumutulong sa kan'ya sa paghahanap ng babae, at kapag hindi n'ya ito nagugustuhan ay s'ya na mismo ang tumatapos sa kontrata. Bagama't mas'yadong isip-bata at 'weird' ang dalaga ay hindi kaagad tinapos ni Dravour ang kasunduan kahit na malaya siyang gawin iyon sa simula pa lamang. Hindi n'ya rin magawang ipakita sa babae ang kaniyang tunay at itinatagong kondisyon dahil sa takot — takot na iwan din s'ya nito katulad ng ginawa ng mga naunang babaeng kaniya ring pinaperma. Sa kabila ng mga balakid at problemang idinulot ng kontratang iyon, pipiliin pa rin ba nila na ipagpatuloy ito? O sila na rin mismo ang kaagad na tatapos dito?
View MoreTHE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 23DRAVOUR's POV"Tsss. Drav, hindi tayo nararapat para sa isa't isa. Hindi tayo ang nakatadhana—"I hold her hands as tight as I could and stare directly into her eyes."No, Apple. I won't believe in anything that you'll say. Maniniwala lang ako sa katotohanang ikaw at ako ay—""Katotohanang ikaw at ako ay gawa-gawa mo lamang. Paalam na, Drav. Hanggang sa muli nating pagkikita."My tears fall even harder when she starts to gradually disappear. She smiles weakly at me before uttering the word 'bye' without voice."No! Apple! The h*ck! You can't do this to me!""Drav—""No!"Napaupo ako sa kama. My heart aches so bad along with my heavy breat,h, that's why I even put my palm on my chest to catch my breath. I feel something that lands on my shoulder. Gumalaw din ang kama, animo'y may umupo sa tabi ko."Drav, please calm down. You're at home now."I face her, and I am right. She's the girl at the hospital. She's staring at me which makes me to focus my eyes
CHAPTER 22KAIRO's POV*Flashback*___________"May sarili ka rin palang driver? Pare-parehas pala kayo ni Drav. Si Kio ba meron ding driver?"__________"Hiro, talaga bang nakainom ka ng muriatic acid tapos nasunog na lalamunan mo kaya hindi ka na nagsasalita d'yan?"___________"Aaaahhhh! S-Sino kkkaaaaa?!"____________"T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaaahhhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?! Aaaahhhhhh!"______________"Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya ‘yan hindi ba?! ‘Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Peachie?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"_____________"H-Hindi po totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa sc*ndal na sinasabi nila. ‘Y-Yung tungkol po sa video, h-hindi po si Mr. Dravour ang kasama ko no’n. B-Boyfriend ko po iyon. At ‘yung t-tungkol po sa mga litrato, e-edited lang po iyon. A-Ang totoo po, hindi ko p-po s
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 21APPLE’s POV"Tsss. Kapag nakalabas na tayo, I'll teach you some basic English, nang hindi na ako natat*nga sa'yo,” saad niya na ikinairap ko."At ikaw pa talaga ang nat*tanga sa'kin? Ako nga ang dapat na nat*tanga sa'yo kasi ako ang madalas na hindi nakakaintindi sa'yo. Una, sabi mo mananagalog ka na, at kailan pa naging Tagalog ang English, aber? Ikalawa. Wala ka na ba talaga sa tamang katinuan at pumayag kang magpakulong? At ikatlo. Naliligaw ka pa nga talaga pagdating sa pagmamahal. Hindi kasi iyan hinahanap. Kusa iyang dumarating. A-Ako, kailan mo lang ako nakilala. Saka, h-hinanap mo ako. Kaya hindi ako ang—""If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating. Sleep now. Good night."If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating...Ako? K-Kusang duma—"Tsk! Hindi mo naman ako makikilala kung hindi mo ako pinahanap hindi ba? Kung hindi mo ako hinanap? Kaya hindi iyon kusang dumating. Magkaiba ang hi
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 20APPLE’s POVPiniga na niya ang tuwalyang hiniram niya sa mga mamang—este papang pulis kanina. Papa kasi mga lalaki sila. Humiram din s'ya ng planggana na may tubig saka sabon. Nang tinanong ko s'ya kanina kung maliligo ba s'ya dito sa loob, pinitik n'ya lang ang noo ko at nat*nga na naman ako. Ang tino n'ya talagang kausap. Sa sobrang tino ay ang ganda-ganda n'ya nang ipapatay.Akmang pupunasan na sana niya ng tuwalya ang mukha ko nang pigilan ko s'ya."Tsss. Ako na. Kaya ko na. Hindi na ako bata," walang emosyon kong saad sa kan'ya. Hindi ba ang sabi ko kanina ay magtitino na ako? Hindi na ako magpapat*nga-t*nga? Sisimulan ko na ngayon, at kay Drav ko sisimulan.Kinuha ko ang tuwalya sa kan'ya at tinalikuran siya. Humarap ako sa pader habang pinupunasan ang mukha ko ng tuwalya. Tsk. Bakit nga ba nagpahid ako ng uling sa mukha?Ah. Kasi gusto kong hindi n'ya ako makilala. Kaso sablay. Dapat kasi idinikit ko nalang sarili ko sa kisame.Pero, marami pa r
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 19PEACHIE's POV"I really can't believe it, tita. I-I already saw that girl, actually. And sa unang tingin ko palang sa kan'ya, I already knew that she's not good," I said to tita Georgia, Drav's mom na sobrang malapit sa akin ever since mga bata pa kami.Actually, this is not the visit that I've planned. Balak ko sanang bisitahin sila ni Drav after ng contract signing to surprise tita na rin since she doesn't know na nandito na ako sa Pilipinas one week ago pa. Actually, walang nakakaalam sa kanilang lahat. And pati yata si Drav ay hindi pa alam. ‘Ni hindi nga niya ako nakilala there in the hospital eh. Tsss. Did I have a major transformation para hindi n'ya ako makilala? Mas naging sexy lang naman ako, blooming, and uh, prettier."So you'd seen her already? Where? When?""Uhm, it's, actually a long story, tita. Don't worry na. What's important is that she's in the hands of the authority now. Pagbabayaran na n'ya ang mga kasalanan n'ya kay Drav."She si
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 18APPLE'S POVDahil nabablanko na naman ako, hinawakan ko ang paa n'ya. Gustong gusto kong kunin ang cellphone n'ya pero hindi naman ako makatayo kaagad! At tulad ng inaasahan, ipiniglas n'ya ang paa n'ya. Nakasuot pa s'ya ng sandals na ang taas ng takong."Ano ba?! Bitawan mo ang paa ko! Hampaslupa!""H-Hindi! B-Bawal po kasi talaga kayo rito! Gagalitan po kayo ni Drav!""Urgh b*tch!"Gamit ang isang paa n'ya ay sinipa n'ya ang sikmura ko ng malakas, na naging dahilan para mamilipit ako sa sakit. Nakita kong lumayo s'ya sa'kin habang hindi mapakali at may kinakausap sa cellphone."Oh my gosh! Please, officers! Hurry up! I'm so scared right now! Please! Bilisan n'yo na!"Hindi ko maintindihan ang ibang sinasabi niya, at ang tanging nasambit ko na lamang ay..."D-Drav..."Hindi. Hindi pa ito ang katapusan ko. Aawayin ko pa si Drav kasi maalat 'yung sinangag niya kaya waa! Lumaban ka, Apple!Nang ibaba na n'ya ang kaniyang cellphone ay nagmadali ako sa pa
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 17APPLE’S POVMatapos basahin ang sulat ay dali-dali akong kumilos palapit ng lamesa. Nagdadalwang-isip ako kung bubuksan ko ba ito o hindi kasi baka niloloko lang niya ako na sa akin ito pero ang totoo naman ay hahanapin niya sa akin ang mga pagkain tapos pagagalitan na naman ako hanggang sa magkasigawan na naman kami. Hindi pa ako nakaka-move on sa mga nangyari kagabi, at hangga’t maaari ay ayaw ko na muna sanang magparaisip kahit na hindi naman talaga napipigilan ang pag-iisip. Hays.“Ano, Apple? Nagugutom ka na? Bakit kasi hindi ka kumain?” pagkausap ko sa sarili. Tiningnan ko ulit ang sulat na iniwan ni Drav saka binasa. Gusto ko munang makasiguro na para sa akin talaga ito.“At, naghanda na ako ng almusal mo. Tumingin ka sa kaliwa mo. Almusal ‘mo’, ibig sabihin ay sa akin nga talaga ito. Tsk. Okay, kakain na talaga ako.”Kumilos na ako ng mas malapit pa sa lamesa. Dahan-dahan pa rin dahil hindi pa tuluyang magaling ang aking paa. Nang makalapit na
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 16APPLE'S POV"Hhmmm, a-atsing!"Napakamot ako sa aking ilong nang bumahing ako. Wala namang lumabas na sipon, pero buong kulangot yata ay meron. Pakiramdam ko rin ay namamaga pa ang mga mata ko. Simula kasi nang umalis si Drav sa kwarto kanina ay hindi ko na napigilang hindi magparaisip.Tulad ng, makukulong kaya ako? Ipapakulong kaya ako ng kamag-anak ni Drav? Hindi ba 'yung mga nasasangkot sa scandal ay nakululong? Pero, hindi ba, hindi naman iyon scandal? Kasi ang alam kong iskandal, may nagaganap nang hubaran, e wala namang nangyaring ganoon sa pagitan namin ni Drav. S-Saka, ang alam ko kapag scandal, sa madaling salita ay bold na. E-E hindi naman kami gumawa ng bold!Tsk! Ah basta. Ang dami ko na ring ideyang naisip kanina para makatakas, tulad ng, tatalon ako sa bintana, aakyat ng bakod saka tatakas at hindi na magpapakita kay Drav. Pero sa tuwing naiisip ko naman na parang ang sama ko naman 'pag ganoon kasi parang iniwan ko pa s'ya sa ere nang na
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 15APPLE'S POVInangat na ni Drav ang hita ko saka s'ya tumayo. Maingat n'yang ipinatong ang mga ito sa sofa at nagtungo s'ya sa gawing uluhan ko."Umupo ka," utos n'ya sa akin na agad kong sinunod. Inalalayan n'ya akong makaupo, at matapos iyon ay saka ko naramdamang tinatanggal na n'ya ang tali sa kamay ko. Nang natanggal na n'ya iyon ay sinunod ko kaagad ang scotch tape sa bibig ko. Binigla ko pa ng hila kaya napapikit ako sa sakit."I know that this is crazy but, did you two—""Kio, take her to my room," utos ni Drav."Y-Yeah."Nang akmang lalapit na si Kio sa akin ay itinuwid ko ang aking kanang paa para pigilan s'yang makalapit sa'kin."Anong nangyayari? Pwede bang ipaliwanag n'yo sa akin?" seryosong tanong ko."Tsk. Seriously Apple? You really don't understand what's happening right now?" sarkastikong sagot ni Hiro.G-Galit ba s'ya sa'kin?"Hiro," pagbabanta ni Drav pero napahilamos lang si Hiro sa mukha n'ya."Apple, listen. Because of that video
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments